>Sheloah's POV<
"Kahit kailan, ang weird talaga ni Isobel." Sabi ko kay Veon at napatawa siya.
"Oo nga, eh. Kung ano-ano ang pumapasok sa utak niya na hindi naman totoo." Dagdag sabi naman ni Veon sa sinabi ko at pumasok kami sa kwarto namin.
Nung pagpasok namin ni Veon ng kwarto, napa tameme kami dahil sa nakita namin. Ang ganda ng lugar. Halatang bahay talaga ng mayaman at kahit hindi pinansin yung bahay nila ng 2 years, ang ganda parin ito tingnan.
May malaking wardrobe sa gilid ng door papunta sa bathroom ng kwarto namin. May chandelier sa taas ng room at ang liliit ng crystals nito. Pinatay ni Veon yung ilaw at nakakagawa siya ng kumikinang na diamond sa kwarto at binuksan ulit ni Veon yung ilaw para may makita kami. Yung floor naman may carpet na circle sa gitna ng room. Nasa ilalim ng kama. Yung kama naman halatang fluffy. Nakaayos yung white na comforter sa itaas ng dalawang unan na matataba at may painting sa may heading ng kama.
"Wow…" sabay naming reaksyon ni Veon at mabagal ang paglalakad namin sa loob ng kwarto namin. Ang ganda kasi. Parang kwarto mismo sa hotel.
Umupo ako sa gilid ng kama at napatalon ako ng unti dahil sa lambot nito. Ang bouncy talaga. "Sino'ng unang maliligo?" tanong ko at tiningnan ako ni Veon.
"Ako na muna." Sagot niya sa tanong ko at tumango ako sa sinabi niya.
"Sige. Ayusin ko yung susuutin natin." Sabi ko sa kanya at pumunta ako sa drawer.
May nakita akong simpleng white t-shirt at shorts na panglalaki. Binuksan ko naman yung pangalawang drawer at may nakita naman akong white shirt na pareho sa una kong nakita at isang robe. Kinuha ko yung bath robe at binato ko kay Veon. Binuksan ko yung pinaka end ng drawer at may nakita akong briefs. Agad ko itong sinara at nilapitan ako ni Veon.
"Bakit?" tanong niya and I shook my head.
"Ikaw na lang ang kukuha ng underwear mo sa pinaka last na drawer." Sagot ko sa tanong niya at natawa siya agad nung binuksan niya at naalala niya yung reaksyon ko nung una ko nakita yung briefs na nasa loob ng drawer.
"Bakit panay panglalaki ang nasa loob ng drawer na ito? Oh, well… susuotin ko na lang yung extra kong shorts tapos itong maluwag na white shirt na pareho sa isa pang shirt." Sabi ko at tumango si Veon.
"Sige at maliligo na ako." Sabi ni Veon sa akin at pumasok na siya ng bathroom. Kinuha niya rin yung mga damit na susuotin niya para roon na siya sa loob mag bibihis. Habang naliligo si Veon, inaayos ko yung mga damit na susuotin ko pagkatapos kong maligo.
Thanks for reading! Do comment, leave a review, rate my chapters, add to your library, and do recommend my story. ^^