>Sheloah's POV<
Sa isang end ng corridor, may nakita akong sign na CR at agad akong tumakbo sa loob. Nung pagpasok ko, umihi ako agad at pagkatapos, naghugas ako ng kamay at naghilamos pa ako. Nakakita ako ng suklay kaya nagsuklay na rin ako ng buhok. The only problem now is… uhaw na uhaw na ako.
Lumabas ako ng CR at tiningnan ko ang paligid ko. "Kreiss?" hinahanap ko siya pero wala paring sumasagot. "Kreiss, nasaan ka? Nauuhaw ako!" pasigaw na sabi ko naman pero hindi parin ako naririnig.
Naglalakad ako sa corridor at may nakita akong pinto na slightly opened. Nakita ko si Kreiss na nakaluhod at nagtaka ako bigla. Ano kaya ginagawa niya? Masyado bai tong importante kaya hindi niya ako pinapansin?
Hinawakan ko yung doorknob at tahimim ko binuksan ang pinto ng dahan-dahan. Nung binuksan ko ito, nagulat ako sa mga nakita ko.
White ang room. Sobrang wide. Nakabukas ang bintana at wala itong laman kundi paintings lang. Si Kreiss, nasa harap ng isang canvas at nagpe-paint siya. Habang nagpe-paint siya, pinapanood ko siya kasi halata sa posture niya na seryoso siya. Kaya pala hindi niya ako pinapansin. Ang galing ng strokes ng fingers at ng paint brush niya. Acrylic paints sa bawat side niya. Mga cloth na pamunas sa likuran niya. At habang ginagawa niya ang painting niya…
Kumakanta siya.
Hindi ako makagalaw dahil masyado akong focused sa kakanood sa kanya. Gusto ko siyang obserbahan. Hindi siya ganito kagabi. O kaya kanina. Kanina makulit siya na mayabang na hindi mo maintindihan tapos ngayon… ganito siya? Magaling sa painting tapos kumakanta pa? Ngayon ko lang napansin…
Na ang ganda rin ng boses niya.
Habang pinapannood ko siya, pinapakinggan ko yung kinakanta niyang song. Hindi ko muna siya nilapitan kasi gusto ko muna siya panoorin. Your Guardian Angel ang kinakanta niya tapos ang gandang pakinggan. For a slightly aggressive guy, it's shocking to see that he also has a gentle side. But it's such a good turn on.
He was painting a butterfly. Black ang color ng background tapos yung butterfly color white. Yung flowers din color white, tapos yung grass niya grayish-white. Ang ganda paring tingnan kahit hindi pa siya tapos.
Habang kumakanta siya, mas naaakit ako sa ganda ng boses niya. Kinikilabutan ako na nagagandahan ako sa boses niya tapos tumitibok ng mabilis nanaman ang puso ko. Ang galing niya sa painting at ang galing niya kumanta. Pero bakit? Nagtataka parin ako kung bakit ang bait niya kahit kinidnap niya ako?
Ano'ng motive niya?
He started adding colors sa butterfly. For some reason, I don't know what it is, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. How can a guy like him be so calm? Yung boses pa niya ang peaceful pakinggan despite his somewhat rude attitude.
Yung ibang parte ng canvas nilagyan niya ng kulay para mas maganda itong tingnan. Malapit na siyang matapos at nilalagyan niya na lang ng unti pang kulay at details. Habang kumakanta siya, ramdam ko ang emotion ng pagkanta niya. Hindi ko man lang alam kung ano ang emotion na 'yon, pero ramdam ko sa paraan ng pagkanta niya…
Na parang umaasa siya.