Baixar aplicativo
3.22% Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 2: The Existence of the Vampires

Capítulo 2: The Existence of the Vampires

Blood I: The Existence of the Vampire

Zedrick's Point of View 

Someday, Planet Earth will become a Runaway World. Mabilis na lumilipas nang hindi mo namamalayan, magbabago nang hindi mo napapansin.

'Yung mga ala-alang mamumuo sa utak mo ay hindi na magkakaroon ng saysay pagdating ng panahon, animo'y magiging isang bula na bigla na lamang maglalaho dahil sa mararanasan ng mga ordinaryo sa katapusan ng mundo.

But there will be always this fragment memories that will remain in your heart. You will know how it feels without seeing the picture of your head. The familiar feeling…

Pain…

Fear…

Anger…

Disgust…

Surprise…

Happiness…

Sadness…

Nang dahil sa halo-halong emosyon, madalas tayong atakihin ng ng identity crisis which doubt or confusion cause a person's sense of identity becomes unsure due to a change in their expected role in society. We didn't expect things that will actually happen. Iyong mga bagay sa mundong ito na hindi mo aakalaing totoo pala.

Iyong akala mo, alam mo na ang lahat sa mundo but in reality… It's not. Sinasabi nating naiintindihan natin pero ang totoo, tinatakasan lang natin kung ano ang mayro'n sa realidad para 'di tayo masaktan.

"Please, don't kill me!" a girl asking for mercy shouted in my head. How can I possibly forget the past? 

This is the sad truth that still hides in this world. The numbers of people who are killed or massacre by vampires and the whole world doesn't know about it nor believe them. They don't see what they don't want to see. No one ever wants to be taken down. That's why people do nothing even when they do know something is happening around them.

Or they're just being ignorant. 

"Revenge and hatred will only brings more revenge and hatred. " 

I won't ever wonder if the world becomes a complete disaster as they will discover the existence of the vampires. 

I walked towards the gate as I looked at the academy that I am entering starting today. "Kudos Chevalier Academy." basa ko sa pangalan ng school nila na nasa entrance gate. Ibinaba ko ang tingin sa hawak kong sobre na natanggap ko nung nakaraang buwan. Ipinadala ito ng head ng skwelahan na 'to kung saan naghahanap sila ng estudyante na pwedeng makapasok sa K.C.A. kapag ipinasa mo ang pagsusulit. 

At maswerte kong naipasa iyon ng walang kahirap-hirap.

Itinago ko na sa aking bag ang sobre. "May kabayo kaya sila rito?" tanong sa sarili at pumasok na nga sa loob ng campus.

Maririnig mo kaagad 'yong mga halakhak ng mga estudyante sa paligid, may mga kanya kanya silang ginagawa kahit unang araw pa lang ng klase. 

Dumiretsyo ako sa napakalaking bulletin board para tingnan kung sa'ng section ako kabilang.

Hindi ako 'yung tulad ng ibang bampira na pumapatay para sa sarili nilang pangangailangan-- ang dugo. All I need is to live like human. 

Ibinaling ko ang tingin sa babaeng nasa harapan ko nang pilit nitong tumingkayad para lang makita 'yong pangalan niya sa bulletin board, nagsisiksikan ang mga estudyante kaya hindi siya makasingit.

Lumapit ako sa kanya para itanong 'yong pangalan niya, "Ako na ang titingin, ano'ng name and year level mo?"

Lumingon siya sa akin at napaatras noong makita ako, "Ang tangkad!" gulat nitong reaksiyon nang makita ako 'tapos humarap sa akin. "TITAN!" dagdag pa niya. Ngumiti lang ako saka inilipat ang tingin sa bulletin board.

"Hindi ko pa nakikita 'yung akin, pero titingnan ko muna 'yong iyo" I saw her nodded from the corner of my eyes as she gave me her name and level.

"Empress Curtis Croft, Grade 11!" she answered with her energetic voice. Hinanap ko na ang pangalan niya na 'agad ko rin namang nakita, I pointed her name. Masyado kasi siyang maliit para sa height niya. 

A smile slowly showed on her face, "Thank you, ah!" Pabiro niyang hinampas ang braso ko at naglakad na.

Samantalang tiningnan ko naman ang braso kong hinampas niya at napatingala nang magsalita si Curtis. "What's your name?" Tanong niya. 

"Zedrick." Simpleng pagsagot ko sa aking pangalan.

Binigyan niya ako ng malapad na ngiti. "See you around, Zedrick." Patalon talon siyang naglakad papunta siguro sa classroom niya. She's cute.  

Ibinaling ko lamang ulit 'yung tingin ko at hinanap ang aking pangalan, pero dahil sa biglaang pagtutulakan ng mga estudyante ay nagpasya na muna akong umalis doon. 

Pupunta na lang muna ako sa canteen para bumili ng kape dahil maaga aga pa naman para magsimula ang klase.

Nakapamulsa akong naglalalakad habang inililibot ang tingin sa paligid. Kahit gaano pa kaganda ngayon ang lugar na ito--pinturahan ng bago ang dumi. Kapag tinuklap ko, makikita pa rin ang katotohanan. 

Dito sa mismong lugar na ito nagsimula ang lahat. 

6 years ago…

Matapos ang trahedyang kailan man ay 'di magugustuhan ng lahat, kinulong lahat ng mga bampira maliban sa akin na nakalayo sa tinatawag nilang Prison of Atlante. Isang lugar na hindi matatagpuan ng kahit na sinong ordinaryo maliban sa mga vampire slayer.

Subalit, matapos ang War between Human and Vampires ay walang nakaligtas na vampire slayer dahil isinama ng mga angkan ko ang mga natitirang taong pwedeng pumatay sa kanila.

Iyon ang nagtapos sa katapusan ng mundo. Ngunit hindi ko ipagkakailang may nabubuhay sa mundong ito na naiiba sa ibang tao, ako. 

Huminto ako at inangat ang tingin para makita ang asul na kalangitan. Walang makakapagsabi kung kailan ulit ang isa pang digmaan sa pagitan ng mga tao at bampira. 

Dahil paano kung hindi lang pala ako ang nag-iisang pagala-gala rito at nagtatago lamang sila? 'Di natin alam.

Nakarating na 'ko sa canteen at sa ngayon ay nagtititingin ako sa p'wedeng kape na maiinum.

Humalukipkip ako at naghanap pa hanggang sa mapatingin ako sa lalaking na sa harapan ko, nakasalong-baba siya habang ngiting nakatingin sa akin. "Hi, sir? May I help you?"

Kumurap kurap ako at pilit na natawa. Ang kapal nung make up niya. "Ah… Ano…" nagtititingin pa ako nang mapakamot ako sa batok. Wala talaga akong makita na gusto ko. Out of stock ba sila?

"Kuya--"

"Kahit tawagin mo na lang akong ate, okay na" sabay kindat pa nito sa 'kin. Lumunok ako at humagikhik. 

"M-mayroon pa ba kayong Nescafe: French Vanilla?" nauutal na tanong ko.

Ipinagdikit niya ang dalawang palad niya. "Ay! Wala na po, eh? Pero para po sa inyo, bibili ako" at itinabingi pa niya 'yong ulo niya para magpa-cute sa akin. "…Free ka rin ba mamaya, pogi?" Tanong niya na parang nag-aaya. 

Umatras ako. "W-wala akong time, eh? Sige, next time na lang!" at dali-dali akong umalis do'n.

"Balik ka pogi, ah!?" habol niya pero hindi na ako lumingon pa.

Bumuntong-hininga ako at dumiretsyo na nga lang ulit kung nasaan 'yong bulletin board.

Sa aking paghakbang ay napahinto ako nang may maamoy akong dugo, malakas ang amoy nito kaya lumalabas ang vampire instinct ko.

Nakokontrol ko ang sarili ko kung may maamoy man akong dugo at kung kakaunti lang pero itong amoy na ito… Iba.

Napatingin ako sa pinakamataas na palapag ng building na nasa harapan ko, may tao ro'n at nakatingin sa akin. Hindi man masyadong nakikita ang mukha niya dahil sa nakahood ito at against the light ay alam kong nakangisi ito.

Sino 'to…?

Kumpara sa ordinaryo, parang telescope ang mata naming mga bampira. Depende lang sa kakayahan namin kung hanggang ilang kilometro ang makakaya ng mga mata namin. 

Naningkit ang mata ko para mas makita pa siya. Ano 'yung nasa kamay niya? 

Tanong sa sarili at napasinghap noong magkaro'n ako ng ideya. 

Someone's Point of View

Sa tuktok ng gusali ng Office Building at nakatayo sa pinakamataas na palapag habang nakatuon ang tingin sa lalaking naglalalakad sa ibaba. Matapos kong sugatan ang sarili ko para malaman na siya nga iyong tinutukoy ng head, napagtanto ko na talaga ngang may isa pang nilalang sa mundong ito ang natitira. 

He's already looking at me nung bigla siyang umalis. 

Sinusundan ko lang ang pabilis na pabilis na paglalakad niya na tila parang iniiwasan ang amoy na bumabagsak mula sa 'king kamay. 

Nakaangat lang ang ulo ko habang matalim na nakatingin sa lalaking iyon. 

Zedrick's Point of View

Hingal na hingal akong nakahawak sa mga tuhod ko matapos kong makalayo sa lugar na iyon. "T*ngina. Magpapakamatay ba 'yun?" Tanong sa sarili at tumayo nang maayos. 

Saka nasa'n ba 'ko? 

Ang lawak naman kasi ng campus. Pati 'yung init ng araw tamang tama sa balat ko. Siguro kung ako lang 'yung mga bampira sa mga nababasa o napapanood ng nakararami, sunog na ako at naging abo.

Naglakad na muli ako. Diretsyo ang tingin at walang lingon lingon kaya kahit na may nakita na akong natapilok sa gilid ay 'di ko na dinaanan ng tingin at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. 

Sa kanya galing 'yung scent na naamoy ko kanina. 

Ayokong mangielam sa problema ng ibang tao. They won't stay and live for too long. Mamamatay rin sila, darating ang araw na magiging isa sila sa mga kaaway ko. Magkakampihan habang nag-iisa lang ako. 

Ang gusto ko lang mangyari ay mabuhay ng normal sa tahimik na mundo. 

Humikab ako nang may babaeng pasinghal akong tinawag. "Hoy!" ako ba tinatawag nito?

I turned around to look at her only for me see the beauty of a girl last 6 years ago.

Eh?

The purple eyes that shows the strength of her soul. Her intense eyes that can pierce through even the strongest of veils. How can she be this beautiful?

Matagal pa akong nakatitig sa mga mata n'ya na miminsan lang sa mundong ito magkaro'n.

Purple... Eyes... I have finally see you again.

I slowly faced the girl who is glaring at me right now. "What?" I asked as I faced her.

Tinuro niya ang simento sa likuran niya. "Nakita mo na nga akong natalisod tapos hindi mo pa rin ako tutulungan?" pagtataray nito sa 'kin.

Magkasalubong ang kilay niya pero 'di nawawala sa mukha niya 'yong pagiging seryoso.

For how many years, you've grown up to become a ladylike... Though, you're a little bit of a...

Bossy.

Itinagilid ko ng kaunti ang ulo ko. "Nakatayo ka naman na, ah?" Sambit ko at umalis na sa harap niya na may ngiti sa 'king labi. Who would've thought that we will meet at the same place again? What a small world, isn't? 

Nanirahan ang mga tribo ng mga bampira sa mismong lugar na ito, dito ako lumaki at nagsimula. Dito rin nagtapos ang lahat, malapit sa lugar na ito. Natagpuan ko ang babaeng ito. 

"Hoy! Hindi pa kita tapos kausapin! Bumalik ka rito!" Udyok niya at tumakbo papunta sa akin para paharapin ako sa kanya.

"Ano ba'ng--" hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko nang sipain niya ang pinaka-iingatan ng mga lalaki. 'Di ako makapaniwala na may isang babae ang makakagawa nito sa 'kin, ni isang beses hindi pa ako nahahawakan ng kahit na sino pero siya?

Seryoso ka ba?

Nanginginig ang katawan kong bumagsak sa simento. "Arrrraaaayyy!!!" Malakas na sigaw ko't humawak sa bagay na sinipa niya. Kasalanan niya 'to kapag wala na 'tong future!

Saka 'di ba niya alam na moment ko 'to?! Panira!

"F*ck sh*t?! Are you insane?! Why the hell did you do that, b*tch?!" naiiyak kong tanong sa kanya nang hindi tumitigil sa paggulong. Pinagpapawisan din ako sa ginawa niya. 

Pakiramdam ko, mamamatay na ako ng maaga.

I'm still a guy, nasasaktan pa rin 'yong bayag ko! Sensitive pa rin sila kahit ako pa ang naiiba sa mga ordinaryo.

Kinuha n'ya ang baril sa lalagyan na naroon sa ilalim ng skirt n'ya saka iyon itinutok sa noo ko. Nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya. Laking gulat na may maglalabas nito sa harapan ko.

Who would have thought I'll be running to a girl whom I have had saved but will end up killing me?

She glared at me, "Why are you here, vampire?" nanggagalaiti niyang tanong na pati ang bagang ay nanginginig sa galit.

Mabuti na lang at wala ng estudyante sa paligid dahil kundi ay malamang, magkakagulo sila. O baka naman lahat sila ay katulad na nitong babaeng nasa harapan ko? 

Tumunghay ako para makita ang babaeng ito pero napahawak sa lalamunan nang maamoy ko ang sariwang dugo mula sa kanyang kamay.

Ngumisi siya't nag semi-squat, pagkatapos ay hinawakan ang kanan kong pisngi habang hinihimas-himas ito.

Left handed yata s'ya kaya nasa kaliwang kamay ang baril na hawak niya.

"Are you thirsty?" napasinghap ako nang mahina habang patuloy lang siya sa sinasabi niya. "Do you want to eat me up?" Mas napahawak pa ako sa lalamunan ko.

What is she trying to do?

Kinasa niya ang baril. "Or do you want me shoot this gun straight to your head?"

Lumunok ako nang 'di tinatanggal ang tingin sa kanya. "Why can't you say something? I'm talking to you, you see?" Idinikit na niya ang dulo ng baril sa akin kasabay ang sadyang pagpapakita ng sariling dugo pagkatapos niyang alisin ang benda. "Don't you want it?" 

"Stop it" Malumanay kong pakiusap. I feel like my Savant Syndrome1 is starting to function.

Tinaas niya ang manggas ng sleeves niya at mas ipinakita pa sa akin ang mahaba-habang hiwa sa kanyang kamay. "You did this to persuade me?" I asked her. Kino-kontrol ko talaga ang sarili kong huwag gumawa ng ikasisisi ko sa huli pero iba talaga 'yung amoy ng dugo niya. Ano'ng klase ba 'to?

"Beats me." Walang gana niyang sagot kaya marahas kong inalis ang pagkakatutok niya ng baril sa 'kin.

"Bullsh*t!" nagulat siya sa ginawa ko dahil sa medyo napaawang pa ang bibig niya't napataas ang kilay.

Nagsalubong ang kilay kong tiningnan siya nang makatayo ako. "Don't lump me with those monsters!" Galit kong sigaw sa kanya. "Hindi ba ako p'wedeng mabuhay na parang tao?! Sige! Sabihin nating bampira ako! But I won't ever drink human's blood!"

She's didn't say anything but she is giving me this kind of stare for a moment. She stood up and crossed her arms. "Okay, you pass"

Napatulala ako sa sinabi niya. "Huh?" Reaksiyon ko. 

Itinago na niya ang baril niya sa kung sa'n niya 'to kinuha. Medyo nakita ko pa nga kung ano'ng kulay nung shorts niya. Umiwas ako ng tingin. "Damn it."

Mas lumapit pa s'ya kaysa kanina, "Come with me, you piece of sh*t" And she forced me to come with her kahit hindi pa ako pumapayag. 

She dragged me somewhere towards the office building. Dito rin ako nanggaling kanina. "Hey, wait up! Sa'n mo 'ko dadalhin? 'Di porke babae ka gaganyanin mo 'ko, ah?!" Hinawakan ko ang kabilang pulso niyang walang hiwa pero mabilis at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko na tila parang binabali ang buto ko. Lakas!

"A-aray! Aray! Aray!" Napaluhod na ako sa sakit dahil sa ginawa niya pero nakahinga naman ako ng maluwag nang bitawan niya rin kaagad ako. "What the hell was that for?!" I asked with disbelief but he just gave me this deathly glare.

"Don't touch me." Malamig na pagkakasabi niya. I gulped as I looked away.

Subalit sa sandaling iyon, may nakita akong lungkot at galit sa kanyang mga mata.

Umakyat kami sa second floor at lumiko. Dinala niya ako sa isang kwarto't binuksan ang pinto. "Dad" tawag ng babaeng nasa tabi ko sa nakatalikod na lalaki saka ako tinulak papasok. "He's the transfer student that you're talking about, Zedrick Olson." Ganito ba siya magpakilala sa kakakilala lang din niya?!

Humarap sa 'kin ang 'di gano'n katandaang lalaki. May kaunting bigote at medyo old fashioned style ang damit. He's not wearing a formal clothes kahit pa na narito siya sa skwelahan. Tiningnan ko ang paligid. Kung 'di ako nagkakamali, office 'to ng president o head ng academy.

Inilipat ko ang tingin sa name sign ng pagkakakilanlan. "Welcome to Kudos Chevalier Academy, Zedrick." pangwe-welcome niya saka ako niyayang umupo sa wooden chair na nasa harapan niya.

Sumunod naman ako gaya ng sabi niya kaya hinila ko na ang upuan at umupo na. Hindi siya ngumingiti kaya medyo nakakaramdam ako ng kaba. Gaya rin kaya siya ng babaeng nasa likod ko? May nakatago ring baril?

'Yung... Sa hita niya?

Bigla ko naman siyang na-imagine na nakasuot ng skirt habang kinukuha ang baril niya sa hita dahilan para makita ang brief niya.

Palihim akong napasapo sa mukha. Focus, what the hell am I thinking?!

Tumikhim ang taong nasa harapan ko kaya umayos ako ng upo at diretsyo siyang tiningnan.

"I am Sakai Okabe, the President of KCA or also known as Kudos Chevalier Academy. I'm glad at nakapag desisyon kang mag enroll dito after you passed the exam? Matalino ka rin pala, ano?" Mangha na wika na may kaunting ngiti sa labi. 

Iwinagayway ko ang dalawa kong kamay sa tapat ng aking dibdib. "H-Hindi. Tsamba lang po iyon." Pero ang totoo niyan, inatake lang talaga ako ng Savant Syndrome nung kinuha ko 'yung exam. 

Kaya hindi ko masasabi kung sariling sikap ko nga ba 'yun o magpapasalamat ba 'ko dahil may ganitong side ang utak ko? 

Nagkaroon ako ng disabiliy dahil sa nangyari last 6 years ago. Isa sa mga nagpa-trauma sa akin na 'di ko rin namalayan na namuo sa utak ko dahilan para magkaro'n ako ng gano'ng klaseng syndrome. 

 But for some unbelievable reason, inaatake lang ako no'n kapag natu-turn on o ninenerbyos ako-- o baka ito iyong tinatawag nilang "Neuropathies1"

"Nagtataka ka rin siguro kung ba't ka iginiya ng magandang dalaga sa likuran mo." Tukoy niya sa nangaladkad sa akin dito. Dahan-dahan ko namang nilingon ang babaeng iyon. 

Masama na ang tingin niya sa akin 'tapos nakataas pa ang kanang kilay. "Gusto mong dukutin ko 'yang mata mo?" Pagtataray niya.

Pumaharap ulit ako ng tingin. "Not really." sagot ko. "But... Did you know me about being a vampire?"

Humawak naman siya sa puso niya at medyo nag overreact na umatras. Sumandal siya sa book shelves na nasa likuran niya, "VAMPIRE?!"

"Dad, be serious!" Iritang suway ng anak.

"Call.Me.Sir!" parang bata na sabi ni Mr. Okabe na ikinabuntong-hininga ni... Basta nung anak niya. Hindi ko pa pala natanong 'yung pangalan niya, ano?

Sa isang iglap, nag-aaway na silang pareho sa harapan ko. "Uhm...?"

Umupo sa swindle chair si Mr. Okabe at ngiting pinaharap ang upuan para mas makalapit sa akin. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko, ah? Ganyan lang siya pero mabait 'yan."

Hindi lang ako sumagot at tiningnan lang 'yong nasa kanan kong bahagi kung sa'n may naka-display na kung anu-anong klaseng baril. Seryoso, ano ba 'tong lugar na pinasukan ko?

"Say, why do you have those guns? Paano kung makita 'yan ng mga estudyante? Ano bang klaseng skwelahan 'to? Some kind of grim killing school?" tiningnan naman ni Mr. Okabe ang tinitingnan ko at napatango.

"That's what we used in killing vampires" Bigla akong napatingin sa kanya nang sabihin niya iyon, "...and don't worry, walang nakakapasok na kung sino rito maliban sa 'kin at sa--"

"You guys are vampire slayers?" Mabilis kong tanong na mahahalata sa mukha ang gulat. Hindi ko na pinansin 'yong huli niyang sinabi. I can't believe that they still exist! I thought wala ng natira ni isa matapos ang world war between human and vampires. 

Pero hindi na siguro dapat ako magulat. Kung ako nga, nandito pa rin, eh. 

"Not vampire slayers but a vampire hunters." sagot niya sa tanong ko dahilan para maging seryoso ang mukha ko.

"You're going to kill me?" 

He took a stick of cigarettes at saka iyon sinindihan ng lighter. "Maybe? Kung hindi maganda ang intensyon mo sa mga tao sa lugar na 'to." Wika niya at nagsimulang magsuot ng makabulugang ngiti.

Ngiting 'di mo na siguro gugustuhing makita pa.

Ibinaba ko nang kaunti ang ulo ko't nakipag sukatan sa kanya ng tingin. "Kung kilala mo 'ko at kung ano ako. Hindi na siguro ako magtataka kung ba't nagpadala ka ng sobre sa tinitirhan ko noon." Nakatira ako sa kabilang siyudad at lumipat lamang dito dahil sa oportunidad na mag-aaral ako sa lugar kung sa'n namatay lahat ng mga angkan ko, kasama ang aking ina. 

Kung tutuusin, hindi ko na rin talaga gugustuhing bumalik dito lalo na kung wala namang nangyaring maganda but knowing na baka may malaman pa 'kong ibang detalye tungkol sa nakaraan at baka makita ko ang amang ppumatay sa mga bampira.

Kinuha ko na ang pagkakataon, dahil sisiguraduhin kong papatayin ko siya kung magpapakita siya. 

"How did you know I'm a vampire?" Isa pang tanong na nginitian niya. 

"Source." Simpleng sagot niya na medyo nagpairita sa akin. He stood up from sitting at the chair and let out the smoke in his mouth. "Do you have an experience of killing vampires?" Tumingala ako. Hindi rin ako nakasagot kaagad dahil sa biglaan niyang tanong.

"I guess not" tugon niya kasabay ang pagtalikod at paglakad papunta sa bintana. "6 years ago matapos ang world war between human and vampires...

Most of your tribes were put in the Prison of Atlante. Hindi na nakainum ng dugo pagkatapos no'n, inuhaw sila ng ilang taon. Walang mga hayop o p'wedeng dugong maiinuman..." kwento niya habang nakatingin sa labas ng bintana. "Alam mo ba kung ano ang naging epekto no'n?" Tanong niya sa 'kin na 'di ko lang inimikan. Nakinig lang ako. "That made them insane, uhaw na uhaw craving for blood. They couldn't control their thirst...

Trying to break the wall that vampire slayers made from the past." humarap siya sa akin para tingnan ako ng seryoso. "Iyong mga normal vampires noon ay naging Class-A Vampires na ngayon."

Namilog ang mata kong napatayo. "Class-A vampires? 'Yong... 'Yong may katawang tao pero nagiging halimaw kapag nauhaw sila sa dugo ng mga ordinaryo?" tumango s'ya bilang sagot.

Dahan-dahan akong napailing. "No, it's impossible... Lahat ng mga storyang 'yan ay nasa mga libro lang--" napatigil ako nang bigyan niya ako ng nakamamatay na tingin.

"Then how come that you exist?" muli akong napatigil dahil sa naging tanong n'ya. Pabagsak akong umupo. Tama... Tama, kung nabubuhay ako ngayon dito sa mundo, hindi rin imposible sa mga Class-A.

"Sa mundong 'to walang imposible, Zedrick Olson." Segunda nung babaeng na sa likuran ko. 

Mr. Okabe walked towards me and put his hand on both of my shoulders. "I am here to ask you to join us-- vampire hunters. But I'll give you time to think about it, for now... You have to get back to your classroom." Wika niya at tinapik ang balikat ko. "...I'll hear you out after 2 days. It is already enough for you to decide to my proposal." Saad niya bago pa man maibaba ang mga kamay n'ya mula sa balikat ko at umalis sa harapan ko.

"Oops, bakit ako aalis?" napalingon ako kay Mr. Okabe nang magsalita s'ya, tumikhim ito at bumalik sa pwesto n'ya. "You may now leave."

  1. Neuropathies are nervous system disorders that cause nerve damage. They affect the peripheral nerves, including nerves beyond the brain and spinal cord. Hereditary neuropathies are passed on genetically from parent to child. They're sometimes called inherited neuropathies
  2. It is a genetic trait which causes the bodies of those carrying the gene to activate 30 times more neural transmitters than the average person, which makes the function of his central nervous system, namely the cerebrum, cerebellum, and spinal cord, accelerate dramatically.

next chapter
Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C2
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade de Escrita
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login