Blood XLV: Eliminating the Past
Hades's Point of View
Ilang oras din akong nakatulog at ngayong palakad ako papunta sa kwarto ni Zedrick ay napatingin ako sa gawi kung nasa'n 'yung kwarto na sinasabi ni Miss Eirhart na hindi namin pwedeng puntahan.
Sa kuryosidad na mayroon ako para malaman kung ano ang nasa loob ng kwarto na 'yun ay hindi ako nag-atubili na puntahan para makita ang lihim na mayroon doon. "Sisilipin ko lang." Bulong sa sarili. Dahan-dahan lang ang paglalakad ko pero maririnig pa rin ang kaunting pag squeak nung wooden floor.
Nakarating na ako sa harapan ng itim na pinto, parang ito lang din 'yung mga napapanood ko sa horror movie. Huwag na kaya akong tumuloy? Baka mamaya, may biglang humila sa akin paloob. Tumalikod ako sa pintong iyon at humalukipkip. "Hmm, kaso nandito na rin naman ako." Humarap ulit ako sa pinto kasabay ang pagbaba ng aking mga kamay na nakakrus kanina.
Hinawakan ko ang door knob at unti-unti itong pinihit pabukas.
I entered the room and peeked through the door. I see nothing but darkness but it didn't stop me para pumasok sa loob. Isinara ko ang pinto at kinuha ang cellphone ko para buksan ang flashlight. Kaunti na lang talaga ang natitirang baterya nito at uubusin ko na ngayon, wala talaga kaming kuryente rito at kandila lang ang ginagamit namin sa gabi. Malamig naman at hindi na kinakailangan ng electric fan pero malamok!
Itinapat ko ang flashlight ng phone ko sa kung saan-saan. Nagtataka na wala namang kakaiba sa kwartong ito, maalikabok lang ang mga gamit pero halatang pinaglumaan na rin ng panahon. Naglakad lakad ako habang nagtititingin hanggang sa mapadaan ang mata ko sa mga litratong na sa ibabaw ng cabinet pagkatapat ko nung ilaw roon.
Lumakad ako palapit doon at kinuha iyon para tingnan. Pinunasan ko ang alikabok gamit ang gilid ng kamay kong nakayukom. Tiningnan ko isa-isa ang limang tao sa lumang litrato, group photo ito at mukhang tulad namin ay mga estudyante rin. Saka unifrom ito ng K.C.A., 'di ba?
I thought to myself. Inilipat ko naman ang tingin sa isang pamilyar na babae. "Hmm?" Taka kong reaksiyon habang nanliliit ang tingin sa babaeng iyon, maiksi ang buhok niya at parang pilit na nakasuot ng ngiti sa harapan ng camera. Na sa tuktok naman ng ulo niya 'yung peace sign ng katabi niyang lalaki.
Inilapit ko ang mukha ko sa litratong iyon nang mag sink in sa akin kung sino ang babaeng ito. "Miss Eirhart?" Tukoy ko sa taong na sa litrato pero pagkabanggit ko pa lang no'n ay may kumalabit sa akin dahilan para mapasigaw ako ng malakas. Muntik ko pang mabitawan 'yong picture frame.
Humarap ako sa kumalabit kasabay ang pagtapat ko ng ilaw sa kanya. Kailan pa siya nandiyan?! "Miss!" Gulat kong tawag sa kanya pero seryoso lang itong nakatingin sa akin. Tiningnan ko ang hawak ko at itinago sa likuran ko. "I can explain--" Hindi niya ako pinatapos, iginiya lamang niya ako palabas ng kwarto.
Humihingi na rin ako ng paumanhin pero malakas lang niya akong ikinaladkad.
Pahagis niya akong itinulak papunta sa pader nang makalayo na kami sa prohibited room kaya tumama ang likod ko sa malamig na simento. Masakit!
Mabigat niyang idiniin ang paa niya sa dibdib ko kaya mas napasigaw ako kaysa kanina, hinawakan ko ang paa niya upang alisin. "Bakit hindi ka nakinig? Hindi ba't sinabi kong walang pupunta sa kwartong iyon?" Mainahon lang ang paraan ng pagbabala niya pero hindi mawawala roon ang malamig sa kanyang tono.
Napapapikit ako dahil hindi ako makahinga sa ginagawa niya, mayamaya lang ay unti-unti kong idinidilat ang isa kong mata. "Ito ang rest house ng previous Platoon VII." Panimula ko't napaubo. "Why didn't you tell us that you're one of the survivor--"
Mas diniinan niya ang pag-apak ng paa niya sa dibdib ko kaya napatigil ako sa pagsasalita. "Hindi na dapat binabalikan ang mga alaala na dapat nakabaon na lamang sa limot." Wika niya na hindi ko sinang-ayunan.
"Kung wala ang nakaraan, nandito ka ba ngayon?" Tanong ko. Inalis niya ang paa sa dibdib ko kaya dahan-dahan akong napadapa.
Ipinasok niya ang kanang kamay sa bulsa para kunin ang sigarilyo't lighter. Sinindihan niya iyon at umalis na sa lugar para pumunta sa sala ng wala man lang iniwan na salita sa akin. Tumayo na lamang ako at hinimas himas ang dibdib ko na inapakan niya kanina. Muli kong tiningnan ang lugar kung saan nakatago lahat ng nakaraan ni Miss Eirhart.
Trapped in the Darkness while eliminating her past. She wasn't able to see single a thing ahead.
Eirhart's Point of View
Seryoso ang tingin ko habang naglalakad papunta sa sala. Nandoon na talaga ako sa kwartong pinasukan ni Hades kanina hindi dahil may gusto akong balikan. Gusto ko sanang itago ang mga gamit doon at ayusin dahil hindi ako mapakali ngayong alam kong nandito nanaman ako sa lugar na ito.
Flash Back:
"You want me visit that place again with the new Platoon VII?" Tanong ko kay Mr. Okabe na nakaupo sa swindle chair niya.
Nginitian niya ako't tinanguan. "Yes, that's right. Doon kayo magsimula ng bago mong platoon, it's better for you that way."
Ibinaba ko kaunti ang ulo ko ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Of all places, bakit doon mo naisipan mag camp training ang mga batang 'yun? I don't want to be rude, but are you messing with me, Mr. Okabe?" Tanong ko sa kanya pero ipinatong lang niya ang siko niya lamesa niya't ipinag intertwine ang mga daliri. Iyan nanaman ang logical reasoning niya.
"It's up to you whether how you will handle it, Faux. Pero ikaw na rin ang nagsabi sa akin noon, hindi na dapat balikan ang nakaraan dahil tapos na but it looks like until now, it haunts you." Wika niya pero hindi na ako nagsalita at tumagilid na lamang.
"You're wrong." Seryoso kong sabi at nagbuga ng hangin sandali. "Kukunin ko na lang 'yung susi ng rest house mamaya. May kailangan lang akong asikasuhin. Excuse me." Paalam ko bago umalis sa office ni Mr. Okabe.
End of Flash Back:
"Forget it." Mariin kong sabi sa sarili at napahawak sa aking noo pagkahinto ko sa paglalakad. Nandito ako para sa bagong Platoon VII, hindi dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano.
"You could actually see it, right? They have the potential to change the world. They'll be the first to break the curse." Naalala kong sabi ni Mr. Okabe sa akin.
Savannah, known as the strongest undefeated vampire hunter and the leader of the Seventh Platoon--Queen.
Zedrick, a normal type of vampire who has the ability of a King's Eye, Absolute Order and could threaten those enemies around him--King
Hades who has the potential for long range attack and is willing to risk his life in order to protect the people he cares about, his comrades--Knight
Vermione, the survivor and the prisoner. Who has the superhuman strength with the used of her Ruby Crescent Rose with the High Velocity Sniper Scythe--Rook
The missing pieces are not yet complete, kapag nakita na nila ang Bishop, wala ng problema sa Pawn,
…dahil--
"Acck!" Napatingin ako sa pinaggalingan ng boses na iyon at mabilis itong pinuntahan. Nakita ko si Zedrick sa sala na nakadapa't hawak hawak ang dibdib. Pinagpapawisan habang hirap na hirap maghabol ng hininga. Tinapon ko muna sa kung saan ang sigarilyo ko.
Lumuhod kaagad ako sa tapat niya at hinawakan ang balikat niya. "Zedri--" Tinulak niya ako bigla at pinunit ang damit ko sa bandang leeg. Naka activate ang vampire instinct niya. Sh*t.
"Miss Eirhart!" Tawag ni Vermione na kapapasok lang. Nakaakbay sa kanya ang walang malay na si Savannah. Now, what happened?!
Muli kong tiningnan si Zedrick na nagpupumilit na ibaon sa balat ko ang mga matutulis niyang pangil. Muli akong tinawag ni Vermione. "Don't mind me. Tawagin mo si Hades para buhatin si Savannah papunta sa kwart--" natahimik ako nang malakas na ibaon ni Zedrick ang pangil niya sa kamay ko. "Brat." Malakas kong kinarate ang batok niya dahilan para matumba ito sa dibdib ko. Wala na siyang malay.
Tinulak ko siya palayo sa akin at tiningnan ang kamay kong patuloy sa pagbaba ng dugo. "A-ano'ng nangyari-- Bro! Papayagan naman kitang patikimin ng dugo ko, eh!" Nagawa pang magbiro ni Hades kahit na natataranta na siya. Binuhat niya rin kaagad si Savannah nang bigyan siya ng instruction ng kaklase niyang si Vermione samantalang pumunta naman ako sa kusina para linisin ito.
Compared to the one we commonly watched in fiction, saka lang magiging bampira ang ordinaryo kapag pureblood ang kumagat sa kanila.
But if you have been bitten by a normal types of vampire, nothing will happen to you. Samantalang magiging Class-Z vampire ka naman kapag Class-A ang makakagat sa 'yo o kaya'y madaplisan ng mga kuko nila. The reason of this transformation is because of the DNA virus that contains a large number of genes.
"Z" refers to Zombie-- an apathetic, unhurried and slow-moving walking corpse.
The size of giant viruses, as well as the fact that they contain such great amount of DNA, can make them particularly dangerous than the Class-A Vampires since Z type vampires is almost impossible to break open, lumalaki rin ang katawan nila dahil hindi makontrol ng katawan nila ang impulse nung viruses.
Binuksan ko ang gripo at itinapat doon ang kamay kong nagdudugo.
Sa pagkakaalam ko, under investigation ngayon ang mentor ni Savannah na si Radge dahil kumakailan nga lang nung ma-modify naming isa na rin siyang ganap na Class-Z Vampire. Pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makita iyon ng mismo kong mata kaya wala pa akong ideya sa kung ano ang pwedeng maging kahinaan nito, ngunit nabasa ko sa library ng official office building na hindi sila ganoon kabilis mamatay.
Isinara ko na ang gripo pero patuloy pa rin sa pagbagsak ang pulang likido kaya pinunit ko na nga lang ang damit ko upang itali iyon sa may bandang braso ko upang huminto sa pagtulo.
Lumabas na ako ng kusina at bumalik kung nasa'n ang walang malay na sila Savannah at Zedrick, nakahilata sila sa sahig.
Tiningnan ko si Vermione na nag-aalala na nakatingin kay Savannah. Hinahawakan niya ang pisngi nito upang tingnan kung mainit ba siya o hindi.
"Tell me the details."
Tila parang nagulat si Vermione sa biglaan kong pagsasalita, tumayo siya mula sa pagkakaluhod at tumango. "Y-Yes."
Zedrick's Point of View
Bumalik na kami sa mga lugar namin. Natapos na ang ilang araw na camp training namin kaya ngayon ay balik nanaman kami sa K.C.A bilang estudyante.
Pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung panaginip lang ba 'yung pagpapakita ni Aria sa akin nung nakaraang araw, nagising na lang kasi ako. Nandoon na ako sa kwarto ko.
Nung tinanong ko naman sila Vermione ay wala naman silang ibang sinabi kaya naisip ko na baka nakatulog lang ako at nagpakita lang si Aria sa akin.
But it feels too real just to be a dream.
"Your body is looking for Savannah's blood. Drinking any artificial blood and animal's blood is not enough to live. Kung magpapatuloy ito, I wonder kung hanggang saan ka na lang kaya pag-isipan mong mabuti." Naalala kong sabi sa akin ni Aria bago siya mawala gayun din ang kasabay ng aking pag gising.
Nagbuga ako ng hininga at napalingon sa taong humampas sa likurang braso ko. "Yaho! Good morning!" Bati ni Curtis na bigla bigla na lamang susulpot mula kung saan.
Sinundan ko siya ng tingin na papunta sa tabi ko't matamis na nakangiti. "Ang aga mo yata ngayon?"
"Nagbabakasakali kasi ako na baka makasabay kita. Hindi rin kita nakita for the past few days. Where were you?" Sabay kapit sa braso ko. Umurong ako at tumingin sa kaliwa't kanan dahil pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Hindi kami PDA!
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "Uy, huwag kang kumapit--" Pero hindi niya ako sinunod at kumapit pa rin sa akin
"Hmm... Flirting early in the morning, huh?" Lumingon kami sa nagsalitang si Savannah. Walang gana itong nakatingin sa akin pero nagawa ring ngumiti, "Enjoying it?" She asked kaya tumaas ang balahibo ko. Iba 'yong aura niya.
Nag lean nang kaunti si Curtis papunta kay Savannah at nginisihan ito. "Good morning to you, Savannah. Gusto mong sumabay sa 'min?" Taas-babang kilay na tanong ni Curtis na nilagpasan naman ni Savannah.
"Not really." Mataray nitong sagot saka naunang pumunta sa classroom. Napapaawang naman ako dahil gustong gusto ko talaga siyang tawagin pero hindi ko magawa. May bigla namang bumatok sa akin kaya inis ko namang binigyan ng tingin si Hades.
Hinawakan ko ang ulo ko. "Humanda ka talaga sa akin!"
"Tse! Malandi!" Sigaw niya sa akin at patakbong sinundan si Savannah. Lumagpas naman si Vermione at sinulyapan ako sandali bago sumunod kay Hades.
Curtis hummed. "Mas naging close kayo kaysa noon, ha?"
I looked at her. "You think so?" Hindi ko siguradong tugon. Inalis na niya ang pagkakakapit sa braso ko at lumayo sa akin na may kasamang pagkaway.
"Welp, good for you! Sa ngayon, mauna na muna ako sa 'yo!" Masigla niyang pagpapaalam at tumakbo na paalis para siguro pumunta sa classroom niya. Napakamot na lamang ako sa ulo ko't iling na tumakbo para makahabol kina Savannah.