"Mahal kita."
Ang mga letrang matagal ko nang gustong buuin at ang mga katagang matagal ko nang gustong bigkasin, kasabay ang pagpapalayas sa pagmamahal na matagal nang nakakulong sa aking damdamin.
Oo, mahal talaga kita. Sa bawat bigkas ng salitang iyon, dama ko ang bilis na pagtibok ng puso ko.Hindi ko mapigilang manginginig at pangguluhan ng isip. Tumahimik ang paligid na tila ba'y may hinihintay na hudyat. Isang hudyat na ninanais ko't inaasam. Mga katagang nais nang marinig ng aking mga taenga.
Nagtitigan lamang kami nang matapos kong bigkasin ang mga katagang iyon at para bang takot kaming dalawang gumawa ng ingay sa bawat patak ng segundo. Nakakabingi ang sandaling iyon at ang pulso ng bawat isa lamang ang tanging maririnig na tila ba'y isang musika.
Halata ang hindi maipaliwanag na ekspresyon sa kanyang mukha at mga halo-halong emosyon sa kanyang mga mata. Itinaas nya ang kanyang kamay at idinampi sa aking mukha. Marahan nyang hinimas ang aking pisngi na para bang takot syang magasgasan ito. Kitang-kita ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata na parang may mensaheng gustong iparating. Ang mensaheng nais ko na ring marinig.
"Mahal na mahal din kita, Romeo."
Ang mensaheng nais marinig sa huling pagkakataon - sa aming huling pahina.
Like it ? Add to library!
Also, follow me in my wattpad account: @chenyanaaa for more stories! <3
Have some idea about my story? Comment it and let me know.