Baixar aplicativo

Capítulo 20: 20

ALTNF

20

Ben Cariaga's POV

"So ayun, hindi talaga ako nakatulog. Ang iingay nila, Babi. Gosh. Palibhasa mga galing sa Maynila kaya ang lalakas ng bunganga. Hay naku talaga." sabi niya at napakamot pa siya, "and, by the way, may tira pa kaming spaghetti at biko. Hindi pa panis. Gusto mo?" Sabi ni Kristal sa akin pero wala sa kanya ang atensyon ko.

"Babi?" Pagtawag pa nya.

"Babi?! Huy!"

Napabalik lang ako sa huwisyo nang bigla siyang pumitik sa harapan ng mukha ko.

"Ano na? Kanina pa ako kwento ng kwento rito mukhang hindi ka naman nakikinig sa akin. Naintindihan mo ba ang lahat ng sinabi ko?" She asked.

"H-ha? Ahh oo." Sabi ko na lang.

"Anong sabi ko?"

"Uhm, barado 'yung cr nyo?"

Bigla naman siyang napairap. Mali akong ng hula. Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya. May iba akong iniisip.

"Hay naku. Alam kong hindi mo naintindihan pero para hulaang barado ang cr namin? Napalayo ka naman ata ng very light. 'Yung totoo, nakahithit ka ba ngayon ng katol?" sabi niya.

"Eto na, eto na. Ano bang sabi mo?" I asked her.

"Sabi ko, 'yung mga pinsan kong galing Maynila nagpunta sa amin. Birthday kasi ni Lola. Kaya nga ang ingay sa may amin diba? Rinig na rinig pa karaoke dito sa inyo. Iimbitahan sana kita kagabi kaso wala ka raw sabi nung kuya mo. Ang saya kaya. Hindi lang talaga ako nakatulog nung inantok ako dahil hatinggabi na, ang lalakas pa ng mga bunganga nung mga bisita. Tinatanong din kita kung gusto mo ng spaghetti at biko." Paliwanag niya.

I gave her a smile. Kaya gustung-gusto ko 'to si Kristal eh, ang tiyaga niya magpaliwanag pag nalu-lutang ako.

"Talaga? Sige pahingi." I said.

Ngumiti rin siya. "Ok, ikukuha kita. Pero bago 'yon, sabihin mo muna kung anong problema mo dahil kanina ka pa bothered na bothered. Dahil pa rin ba nalaman mo na hindi in born ang sakit mo? Na may isang taong dahilan kung bakit nagkaroon ka nyang sakit na 'yan?" Tanong niya.

Dahan-dahan naman akong tumango.

She heaved a sigh. "Haay nako babi. Ang dami mong problema sa buhay. Pero kahit naman ako shookt sa nalaman ko. So," she paused for a moment,"hindi ka naman galit?" She asked.

Napatingin ako sa kanya. "Ha?"

"Ibig kong sabihin, hindi ka naman ba galit doon sa taong dahilan kung bakit lumala 'yang sakit mo sa mata?"

Napatingin ako sa kawalan. Hindi ko alam. Oo, galit ata ako. Gusto ko pang mamuhay ng normal, eh. Dati noong bata ako, madalang lang manlabo ang mata ko. Malinaw pa noon ang paningin ko. Akala ko pa nga, 'yung madalang na panlalabo ng paningin ko noon ay 'yung in born na sakit ko na. Hindi pa pala. Weak sighted lang pala talaga ako. Kung hindi lang siguro nangyari ang bagay na 'yon. Ang bagay na litung-lito pa rin ako dahil hanggang ngayon hindi ko malaman o maalala.

Wala akong maalala. Parang siyang isang trauma.

"Hindi ko alam Kristal. Dapat ba akong magalit?" Tanong ko na lang.

"Aba malay ko sa'yo. Pero kung ako sa'yo alam mo, hindi na ako magtatanim ng galit. Kasi alam mo 'yon, kung nag-eeffort naman siya para makabawi, hindi ba?" Sabi nya.

Napakibit-balikat ako.

"Ewan. I mean, hindi kasi mapapalitan ng kahit ano ang maaaring mawala, 'diba. Lalo na sa kaso ko. Paano kung matuluyan akong mabulag? Makakabawi pa ba siya? Hindi natin alam. Nag-aalala ako. Ayoko ng opera, Kristal. Baka maulit lang 'yung nangyari dati."

Tumingin siya sa akin at napabuntong-hininga siya. Hinawakan niya ako sa balikat. "Babi, alam kong matapang ka. Sa opera ka pa ba matatakot?"

Binigyan niya ako ng isang ngiti at hinawakan niya ang kamay ko.

"The first time I met you, ang saya-saya mo. Ang saya mo ring kasama. Kaya nga kita kinaibigan kasi alam kong magkakasundo tayo. Positibo ka, samantalang ako noon, problemado. Palagi akong nabubugbog at napapagalitan ng mga mahal kong magulang. Nung nakilala kita, alam mo? Natuto akong maging matatag. Hindi na ako madalas umiyak at hindi na rin ako sobrang sensitibo. Natuto pa nga akong ipagtanggol ang sarili ko sa pananakit nila lalo na kapag alam kong ako naman talaga ang tama kahit magulang ko sila. Kung sa akin nga may nabago ka, ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob?" Mahaba niyang sabi.

Napatingin ako sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang mapansin kong parang nananakit ang lalamunan at dibdib ko. Kaya naman pumikit na lang ako ng mariin.

"Kristal, tara sa inyo!" I said, at binigyan ko siya ng isang masiglang ngiti.

"Babi,"

"Akala ko ba bibigyan mo akong spaghetti at biko?" Sabi ko sa kanya.

Hanggang sa mapangiti na rin siya at hinawakan niya ako sa braso ko.

"Ok, tara!"

~*~

Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na hindi mahina ang loob ko. Na kailangan kong maging matapang. Hindi ako mahina. Hindi.

Kuya asked me kung gusto ko ba talagang sumama sa kanya at kitain ang taong dahilan ng lalong pagkasira ng paningin ko. Ang sabi ko, ayoko muna. Baka kung ano lang ang mangyari sa akin. Ayokong may masabing masama. Ayoko rin na may magawang masama.

Kaya ngayon, ie-enjoy ko muna ang araw na 'to sa pamamagitan ng pagpunta sa dagat kasama sina Mang Tako, si kuya Jay, Nico at pati na rin si Kristal. Inimbitahan ko kasi siya kung gusto niyang sumama sa panghihibasanan. Syempre tuwang tuwa naman siya at na-excite.

Tanging ako, si Kristal at si kuya pa lang ang nakakaalam ng totoo. Hindi ko na sinabi kina Nico. Lalo na kay kuya Jay. Ni wala nga siyang ideya na may problema ako sa paningin.

"Woah! Ang ganda! First time kong makakita ng dagat na walang tubig, promise." Sabi ni Nico nang makarating kami sa baybay.

Nang makita ko ang baybay, hindi ko na mapigilang mapangiti. It's been a while simula noong huli akong makakita ng hibas. It's always like the first time.

"Maganda talaga pag hibas. Marami kang makukuhang pinanghibasanan. Pero alam nyo bang mas maganda ang hibas kapag gabi? Makikita nyo na may mga kumikinang na asul na ilaw sa buhangin. Sayang at hindi pa inabot ng gabi. Dahil tiyak, mamaya ay taib na," sabi naman ni Mang Tako.

Tama siya. High tide na mamayang gabi at hindi na namin masasaksihan ang magandang tanawin.

Napatingin naman ako kay kuya Jay at halata sa mata niya ang pagkamangha. Nagulat pa ako nang mapatingin din siya sa akin. Our gazes met. Sa halip na umiwas ako ng tingin ay nginitian ko na lang siya.

Hanggang sa maya-maya ay nag-umpisa na rin kaming manguha ng pinanghibasanan dahil baka abutin kami ng high tide.

"Teka Ben, paano 'to? Anong gagawin?" Tanong ni Nico nang makarating na kami sa kalawakan ng dagat na hibas.

Itinuro ko si Mang Tako, "Nakikita mo 'yung ginagawa niya? Ganun. Parang ganito."

Yumuko ako at naghanap ng isang maliit na butas sa buhangin at sinundot ko ito gamit ang aking daliri. May nakapa akong isang matigas na bagay na wari ko ay isang shell kaya naman kinuha ko ito at bumungad sa amin ang isang scallop o kapis.

"Ano 'yan?!" Medyo confused na tanong ni Nico. Napangiti ako dahil parang natakot siya sa nakita niya.

"Ito ang tinatawag na pinanghibasanan, term na, if I'm not mistaken,dito mo lang maririnig sa probinsyang ito. Kapis ang tawag dito. Masarap kaya 'to, 'wag na 'wag kang mandidiri dito." Sabi ko at inilagay ko na ang nakuha kong kapis sa galalan na nakasabit sa likod ko.

"Kapis? Ano 'yun?" He asked.

"Scallops sa wikang ingles." Sabi ko naman.

"Ano 'yung scallops?" Tanong uli niya.

I sigh, at saka ako tumingin sa kanya.

"Alam mo 'yung kabibe?" I asked him.

"Oo. Yung may pearl sa loob?" Sabi nya.

Muntikan na akong mapairap sa sinabi nya.

"Oo -- I mean, hindi. Malaking kabibe 'yung sinasabi mo eh. 'Yung maliit lang. Isipin mo 'yung kabibe pero maliit lang, kasing liit ng nakuha ko. Ayun. Pero magkaiba 'yung scallop sa clam, ok? Mas masarap ang scallop." Sabi ko sa kanya.

"So, kailangan ko lang maghanap ng maliit na butas, tapos susundutin ko gamit ang daliri ko. Kapag may nakapa ako kukunin ko?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo. Wag kang matakot, wala namang linta rito. Mga clams, scallop, crayfish, alimasag, at kapag sinuswerte, lobsters ang nandito. Masasarap na seafood. Sa bawat butas na makikita mo, pwedeng wala kang makapa, pwede ring iba ang makapa mo. Hindi 'yung porket nakakuha ako ng scallop, puro scallop lang ang makukuha ko. Kaya wag kang magtataka if ever na may iba kang makapa. Kapag napansin mong gumagalaw, wag kang matakot. Kunin mo pa rin. Seafood pa rin yon. Malay mo suwertehin ka sa lobster. Oh my. Pag nakakuha ka ng lobster bigay mo sakin ha. Hehe," Sabi ko at nginitian ko siya.

"Sus, basic. Ok, let's do this!" Sabi niya then he started to work by his own.

Tumingin ako sa malayo. Kailangan ko pang ikunot ang noo ko dahil ang sakit sa mata ng init. At isa pa, hindi na talaga bumabalik sa dating linaw ang paningin ko. Nanlalabo na ito.

Bago pa ako lamunin ng mga negatibong thoughts ay hinanap ko na si Kristal at nakita ko naman siya sa malayo. Naaninag ko kasi ang kulay ng suot niyang pink na kamisa de chino. Kitang kita sa init.

Feeling ko marami nang nakukuha 'yan si Kristal. Partners in crime kaya kami pagdating sa panghihibas. Madalas naming ginagawang competition ang panghihibas at nagpaparamihan kami ng nakukuha.

Kagaya ngayon. Malapit nang mapuno ang dala kong galalan.

Nakita ko rin si kuya Jay na gulung-gulo sa ginagawa niya. Kasama niya si Mang Tako at ginagaya niya ang ginagawa nito. Napangiti ako. Ang inosente niya kasing tingnan, hehe.

Uumpisahan ko na rin sana ang ginagawa ko nang marinig kong biglang sumigaw ng malakas si Nico.

"Mga pri tumataas na! Umalis na kayo diyan!" Takot na takot niyang sigaw at tumakbo siya pabalik sa dalampasigan.

Nakita ko naman si kuya Jay na tumakbo rin at takot na takot rin siyang bumalik sa dalampasigan.

Ok. Anong meron?

Gulung-gulo man ay tumakbo rin ako at sinundan ko sila. Ganun din sina Mang Tako at Kristal. Lumapit ako sa kanila ng hinihingal dahil sa ginawa kong pagtakbo.

"Anyare? Bakit kayo bumalik?" Tanong ko sa kanila at napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa pagod.

Tumingin sa akin si Nico at halata ang takot sa mukha niya, "I mean, 'yung tubig sa dagat, napansin ko tumataas na. Ang layo kasi natin, natakot lang ako bigla kasi baka malunod tayo kapag biglang tumaas 'yung tubig. H-hindi ako marunong lumangoy.." sabi niya.

"A-ako rin," sabi naman ni kuya Jay at kita ko rin ang kaba sa mukha niya.

Napapikit ako. Gusto kong tumawa ng malakas. Gusto ko silang tawanan. Pero pinipigilan ko kasi naiintindihan ko sila dahil first time nila ito.

Napatingin ako kina Kristal at mang Tako. Pansin kong pinipigilan din nila ang tawa nila.

"Akala naman namin kung ano na. Pinakaba nyo ako. Jay, Nico, ipapaliwanag ko sa inyo para alam nyo na. Pasensya na, dapat pala kanina ko pa sinabi. Akala ko kasi alam nyo na. Alam nyo, hindi basta-basta na lang tumataib kapag hibas. Unti-unti ang pagtaas ng tubig niyan. Halos isa o dalawang oras bago tumaib ng husto. Wag kayong kabahan, hindi ko naman kayo hahayaang abutin ng taib habang nanghihibas," sabi ni Mang Tako habang ako, nagpipigil pa rin ng tawa.

Nagkatinginan kami ni Kristal at nakita kong nagpipigil pa rin siya ng tawa.

Hindi na bumalik sa panghihibas 'yung dalawa. Natakot na kasi sila. Baka raw biglang magbago ang ihip ng hangin, o biglang umalon ng malakas at maghigh tide at malunod kaming lahat. Ewan ko ba sa kanila.

Pagkatapos naming manghibas, nag-aya na si Mang Tako na umuwi. Pero nagkasundo kami nina Kristal, Nico at kuya Jay na mag-stay muna kami dito hanggang gabi para mapagmasdan kung paano maghigh tide. Pumayag naman si Mang Tako at sinabi sa amin na mag-ingat kami sa pag-uwi.

"Ang perfect naman ng view na 'to. Parang pwede na akong mamatay mamaya." Seryosong sabi ni Nico.

Totoong ang perfect ng view dito. Nakaupo kasi kami sa isang malaking stem ng puno dito sa may dalampasigan at kitang-kita ang paglubog ng araw mula dito. Unti-unti na ring tumataib at kaunti na lang ay babalik na sa dati ang dagat.

"Agree ako na maganda ang view pero hindi ka ba natatakot na baka mamatay ka nga mamaya?" Sabi naman ni Kristal. Medyo napatawa ako.

"Joke lang 'yung sa part na mamatay syempre." Sabi ni Nico. "You know, bihira lang kasi akong makakita nang ganito. Sobrang sarap sa pakiramdam. Alam nyo 'yun. At isa pa, parang...parang unti-unti ko nang minamahal ang probinsyang 'to. Ayoko nang umalis dito. Gusto ko nang manirahan dito habambuhay." Dagdag pa niya.

I agree with him. Gusto ko na ring dito na lang forever.

"Ako rin," sabi ni kuya Jay.

"Ako rin." sabi naman ni Kristal.

Hinintay nila ang sasabihin ko.

"A-ako rin." sabi ko.

Oo. Gusto kong dito na lang habambuhay. Kaya lang, alam nyo 'yun. Parang mawawalan din ng saysay. Para saan pa't dito ako mabubuhay habang buhay kung hindi rin naman magtatagal ang paningin ko. Kung hindi rin naman ako sigurado kung habangbuhay ko nga bang makikita ang ganda ng kapaligiran ko.

Napangiti ako ng malungkot.

"Guys, may tanong ako." Sabi ko sa kanila. Hinintay naman nila ang sasabihin ko. "Kapag ang isang tao, nabulag, 'diba paningin lang naman ang maglalaho sa kanya? Emotions and feelings will always be the same." Tanong ko sa kanila.

Bahagya pang natigilan si Kristal at Nico sa tanong ko. Samantalang si kuya Jay ay walang pinagbago ang ekspresyon ng mukha.

"Bakit mo naman natanong?" Tanong ni Nico.

"Curious lang ako. Kasi hindi na nya makikita ang mga mahal niya sa buhay. Maging ang taong mahal niya. So paano pa nya malalaman na nasa tabi lang nya ang mga ito kung hindi na siya nakakakita?" I asked them.

Hinintay kong may sumagot sa kanila. Maya-maya ay nagulat ako nang biglang magsalita si kuya Jay. "Stupid question. Hindi dahil hindi ka nakakakita, iisipin mo na na wala kang kasama. Na walang kahit na sino mang nasa tabi mo. And it's also pretty obvious na paningin mo lang ang maglalaho kapag nakakakita ka at bigla kang nabulag. Ikaw mismo, kahit isipin mo. Kapag ba nabulag ka, maaapektuhan ba ang alaala mo?"

Tanong niya. Natahimik ako bigla at sinagot ko rin naman siya.

"H-hindi."

"Of course. Absolutely. Hangga't nasa alaala mo ang mga taong mahal mo, at nasa puso mo sila -- hindi sila maglalaho. Nandiyan lang sila sa tabi mo. Hindi mo man sila nakikita, pero ramdam mong nasa puso mo sila. Kasi mahal mo sila. And that's the essence of a love that never fades -- mabubulag ang mata mo pero ang puso mo, hindi." sabi pa niya.

Natigilan ako at parang nagkaroon ng linaw ang nararamdaman ko.

I couldn't believe kuya Jay could be this deep.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

"Tama ka, Jay." Sabi ko.

Napansin ko namang napatingin siya sa akin at ngumiti. "Naks naman. Na-realize mo na siguro na hindi talaga tayo magkapatid." Sabi nya.

"Syempre." I said then I smiled.

He faked a cough. "Bakit mo natanong? Hindi mo naman kailangang ma-curious sa mga ganoong bagay -- sa mga bagay na sobrang obvious. Lalo na't alam mong hindi naman mangyayari 'yun sayo." Sabi niya.

Naramdaman kong unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Nagkaroon ng tension sa aming apat. May sasabihin pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil biglang nanginig ang mga labi ko.

Pumikit ako ng mariin. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Sabihin nating ganito para maliwanagan ka. Isipin mo na ako ang may kondisyon na tinutukoy mo. At isa ka sa mga taong mahal ko. Mahal na mahal kita. Tapos ako, unti-unting nawala ang paningin ko. Sa tingin mo ba, may magbabago sa nararamdaman ko? Malamang sa malamang wala. At sisiguraduhin ko 'yon dahil nasa puso na kita. Mawala man ang paningin ko, ang pagmamahal ko sa'yo -- hinding hindi 'yun maglalaho."

Paliwanag niya.

Tiningnan ko siya at tumingin rin siya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Mas lalo akong nahulog sa sinabi niya.

Napatingin ako sa labi niya. Parang gusto ko siyang halikan. Pero hindi ko magawa. Para bang may nakaharang sa amin.

"Baliktad," sabi ko sa kanya. "Ako dapat ang nagsasabi sa'yo niyan, hindi ikaw."

---

Taib -- high tide

Hibas -- low tide

Kaway-kaway sa nakakaalam hehe


next chapter
Load failed, please RETRY

Novo capítulo em breve Escreva uma avaliação

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C20
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login