Baixar aplicativo
66.66% Kiss Of The Rain / Chapter 4: LOVE AT FIRST SIGHT

Capítulo 4: LOVE AT FIRST SIGHT

LUMIPAS na ang sabado, may mga inasikaso siyang mga platform na isasagawa niya sa conference nila sa kompanya sa susunod na araw kasama ang mga kasosyo. Sa kakababad sa laptop sa office niya ay hindi na niya namalayan ang oras. Nang matapos na niyang gawin ang platform at isave sa files ay sinara na niya ang laptop. Bahagya niyang ininat ang leeg at hinilot ang sintido. Nang tingnan niya sa relo ang oras ay alas diyes na ng gabi. Naalala niya ang sinabi ni Jhiro na pupunta ito sa kasal ng kaibigan. Kinuha niya ang phone sa bulsa at tinawagan ang kapatid na agad naman nitong sinagot.

"Tatawagan rin sana kita, naunahan mo ako. Tamang-tama nandito na kami sa labas ng kompanya mo. Do you want to come?" Kinuha niya ang wallet sa mesa at nag-ayos ng sarili.

"That's why I called you. Pababa na ako." Lumabas na siya ng office at nagtungo sa elevator.

Nang makarating sila sa Hotel kung saan ginanap ang reception ng kinakasal ay pumasok na agad sila. Nasa pangatlong palapag pa ang room ng reception kaya aakyat pa sila. Pumasok sila sa elevator hanggang sa makarating na sila sa 3rd floor.

Pagbukas ng elevator ay napatitig siya sa babaeng kaharap nila. Mas napatitig siya sa mapupula nitong labi at kulay-kape nitong mata na bumagay sa maganda't makinis nitong mukha, isabay pa ang nakalugay nitong mahabang buhok na itim na itim at natural na tuwid. Bumagay rin dito ang bodycon dress na kita ang balikat.

Nang mapadaan siya sa tapat ng babae bago tuluyang makalabas ng elevator ay naamoy niya ang mabango nitong amoy. Napalingon pa siya sa likod habang pinagmamasdan ang pasaradong elevator lulan ang babae.

"Jhairo. What's the matter?" Natauhan na lang siya nang tawagin ang pangalan niya ni Seb at tinapik.

"I-it's nothing. Let's go." Siya na ang unang naglakad at sumunod naman ang dalawa sa likod niya.

"Nakita mo yung babae sa elevator kanina, Jhiro? She's totally hot as hell and damn sexy! Sayang, parang walang interes sa mga lalaki. Ni hindi man lang tayo napansin. But it's okay, she's still my type." Hindi na niya pinansin ang sinabi ng katabi.

Aminado siyang babaero si Seb at kahit sinong babae ay pinapatulan nito. Walang duda na pwede rin nitong maakit ang babae kanina sa elevator dahil gwapo at matindig din ang pangangatawan nito. Yun lang din kung magpapaakit ang babaeng iyon sa lalaki. Napailing-iling na lang siya sa sariling iniisip.

"What the hell! Am I thinking about her? Sino ba siya para isipin ko?"

Nang makarating na sila sa reception ay malugod nilang binati ang dalawang kinasal. Nakipag-usap pa yung dalawa niyang kasama sa kaibigan na kinasal habang siya ay umupo lang sa isang upuan sa tabi at uminom ng wine na nakahain sa table.

"Hello, you're Mr. Jhairo Jeminez, right?" Agad siyang tumayo at kinamayan ang bagong kasal na si Chiara.

"Yeah-yeah, that's me. Anyway, congratulations on your wedding." Ngumiti naman ito ng malapad sa kaniya.

"Pasensya ka na kung naisturbo kita, nakita lang kasi kitang mag-isa dito. Bakit pala hindi ka nakisali dun sa kapatid mong sina Jhiro? It seems like they're having a lot fun there, why don't you join them?" Tiningnan niya naman sina Jhiro at Seb na masayang nakikipagkwentuhan sa asawa ng kausap niya ngayon.

"Hindi na. Moment nila yun at hindi naman ako kasali sa usapan nila. Isa pa, hindi rin ako mahilig makipagkwentuhan sa kahit kanino. Saka sumama lang naman ako dito para dumalo sa kasal niyong dalawa ni Rico. Infact, hindi rin ako mahilig dumalo sa mga ganitong events." Nakita niya ang pagngiti nito habang tumatango-tango na ipinagtaka niya.

"What's the matter?" Tanong niya na bakas ang pagtataka sa mukha.

"You just reminded me of someone. She's just like you, she also doesn't like to attend such events. She didn't tell me about it since we're not that close enough, but I have been friends with her cousin so I got the information from her. Actually, she's here earlier but she's gone awhile ago." Bahagya siyang napangiti sa sinabi nito, hindi niya alam kung bakit. Iba ang pakiramdam niya nung mga oras na iyon.

"Chiara. I've been looking for you." Rinig nilang pagtawag ng isang babae na lumapit kay Chiara.

"I'm just right here. Anyway, where's Celestine? Kanina ko pa siya hinahanap." Rinig niyang tanong nito sa kausap.

"Yun nga ang nais kong sabihin. I want to tell you that she's went home na, something's happened to her company that she had to go back and fix the mess."

"Really? Sayang hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya." Nang maalala na hindi siya kasali sa usapan ay naisipan na niyang umalis sa harap ng dalawang magkaibigan ngunit di natuloy.

"Oh by the way, I want to introduce you to a known person. Jhairo, this is Carlie. She's my friend, and she's the one I'm talking about earlier na may pinsan na kasing-katulad mo." Wala siyang nagawa kundi ang makimagkamay rito nang agad nitong nilahad ang kamay na may malapad na ngiti sa labi.

"Nice to meet you." Saad niya.

"Naku Sir. Kung makikita at makakasalubong mo lang ang pinsan ko, baka magkasundo pa kayo. Single pa naman yun at lonely. Shems, I can't wait for you two met! Don't worry, ipapakilala ko rin siya sayo. She's good and kind naman, medyo masungit lang."

Tila biglang kumislap ang kaniyang mata sa sinabi ng babae. Nabalot naman siya ng kyuryusidad tungkol sa babaeng binanggit ni Carlie.

"I'm looking forward to it. I hope to meet her in person." Sumilay ang simpleng ngiti sa kaniyang labi nang sabihin iyon.

****

NAG-IIMPAKE na ng mga gamit si Jhairo nang lapitan siya ng kaniyang nakatatandang kapatid. Naisipan niyang magbakasyon muna matapos ng komperensya niya sa kompanya nila noong nakaraang araw. Kung maaari ay gusto muna niyang magpahinga at para rin makapag-isip-isip kung ano ba talaga ang ibig niya para sa hinaharap.

"Yan, ganyan nga bro. Umalis ka na sa pamamahay ko para naman wala na akong hinuhugasang mga pinggan na pinagkainan mo. Dinaig ko pa ang kasambahay sa kakaasikaso sayo. Pati mga mamahaling alak na tinabi ko sa cabinet nagkandaubos na kakalaklak mo." Nanlalabing biro nito na tila nagrereklamo na ang pananalita. Tinawanan niya lang ito ng mahina habang umiiling.

"Kung makareklamo ka akala mo naman mahigit sampung taon na akong namalagi dito sa bahay mo. Tatlong buwan pa nga lang akong nanunuluyan dito, Kuya. Ang sabihin mo, tamad ka lang talaga." Siya naman ang nagbiro na mukhang hindi ikinatuwa ng kapatid at nginusuan siya.

"Anyway, saan ka naman magbabakasyon? Hindi ba dun sa nirekomenda mong beach resort sa Bulacan dati? I did some research about it and it seems nice. Dun mo ba balak magbakasyon?"

Nagkibit balikat lamang siya bago humarap rito nang matapos na siyang mag-impake at sinarado na ang maleta. Naisip rin niya dati na doon sa Bulacan magbakasyon ngunit sa palagay niya ay masyado itong malapit gayung mas mahilig siyang pumunta sa mga malalayong lugar.

"Nagbago na ang isip ko, Kuya. May nahanap akong ibang lugar na pumatok sakin. Isa pa, alam mo naman na mahilig akong bumyahe sa malalayong lugar diba?"

"Sabagay, maarte ka kasing tao. Just kidding. Sige na, lumayas ka na sa pamamahay ko. But really bro, I'm hoping that you can find there what really makes you happy." Tinapik nito ang kaniyang balikat bago tumalikod sa kaniya.

"Dapat maayos yang kwarto ko pag-alis mo ah." Dagdag pa nito. Napapailing na lamang siya sa pag-uutos nito habang hinahanda niya ang maleta saka na umalis sa lugar na iyon.

****

"NAKATUTOK ka na naman dyan sa mga papeles mo." Ani Carlie habang nilalagay sa mesa niya ang tasang may mainit na tubig.

Pinagbabawalan siya nitong uminom ng kape dahil nakakaapekto na daw ito sa kalagayan niya kaya palagi siyang kinukulang sa tulog, isama pa ang pagpupuyat niya at baka maapektuhan ang kalusugan niya dahil dito lalo na't napapadalas na lang ang pagkain niya sa tamang oras.

"Edi wag mo akong panoorin kung ayaw mong nakikita akong ginagawa ang mga ito. Saka, bakit ba nandito ka? Wala ka bang ginagawa? Palagi ka na lang nandito tapos sinisermonan mo naman ako." Hindi niya ito tinatapunan ng tingin ngunit ramdam niya ang pag-iirap nito sa kaniya.

"Aray ha? Itaboy ba naman ako? Para sabihin ko sayo babae ka, mamaya pang alas otso ang pasok ko sa work. Anong oras pa lang ngayon, alas diyes ng umaga pa lang. Saka hindi naman ako tulad mo na halos hindi na matulog kakatutok dyan sa laptop at papeles mo noh."

Hindi niya nakikita ang hitsura nito subalit nababatid niyang iniirapan na siya nito habang nakataas ang kilay ng malditang pinsan.

"Saka, di ba sinabi ko naman sayo na wag mo muna iyang aasikasuhin? At sinabi ko naman sayo na huwag mo munang isipin yang kompanya mo at sarili mo muna ang unahin mo but you didn't listen. You're such a hard headed person!" Anas nito na hindi nakawala sa pandinig niya ang huli nitong sinabi.

"Ang OA mo. Para sabihin ko din sayo ha, tinatapos ko na lang itong mga papeles since kakaunti na lang ito. Kung hindi mo lang ako kinukulit nang kinukulit para dyan sa wedding day ng kaibigan mo, Edi sana tapos ko na itong gawin nung nakaraang araw. Wala na sana akong ginagawa ngayon at higit sa lahat nakapagbakasyon na sana ako sa gusto kong puntahang resort!" Reklamo naman niya na nagpatigil sa pinsan niya.

"Oh, so magbabakasyon ka? Kailan mo balak magbakasyon? Eh kailan ka naman nagplanong magbakasyon, bakit hindi mo pinaalam sakin?" Agad itong umupo sa katapat niya at hinintay ang maging sagot niya.

"Pwede isa-isa lang? Kung makapagtanong ka naman ng wagas akala mo wala pang bukas."

"Sorry na, excited lang ang pinsan mo eh. Yun na nga, saan mo ba balak magbakasyon ha?"

"May nirekomenda sakin nung nakaraang buwan ang isa kong empleyado tungkol sa napuntahan na niyang resort sa Batangas, yung Vivere Azure Resort. Noong nakaraang linggo pa ako nagpareserve ng kwarto dun for my vacation." Umakto namang nag-isip di Carlie bago tumango-tango.

"Eh, maganda ba yang sinasabi mong Resort?" Siya naman ay napatigil saglit sa ginagawa at inalala ang mga lugar at tanawin na pwedeng pasyalan dun base sa pananaliksik niya.

"Hmm, kaunting impormasyon lang ang nakalap ko tungkol dun pero masasabi kong maganda siyang pasyalan. Isa pa, hindi naman sa kung gaano kaganda yung lugar at tanawin ang pupuntahan ko dun. Gusto ko lang makapagpahinga at magkaroon ako ng peace of mind. Yun lang naman."

Matapos niya iyong sabihin ay itinuloy niya na ang ginagawa. Ilang minutong hindi nagsalita si Carlie sa harap niya ngunit dahil sa abala siya sa ginagawa ay hindi na iyon pinansin pa.

"Sis, may tanong lang ako?"

"Hmm? Ano yun?" Hindi niya pa rin ito tinatapunan ng tingin.

"Well, alam ko namang ginagawa mo talaga ang best mo para sa kompanya. Pero matagal ko na kasi itong napapansin sayo. Sis, ito bang ginagawa mong paghahardwork eh para talaga sa kompanya or ginagawa mo lang iyan para makalimutan ang lahat ng nangyari sayo three years ago?" Natigilan siya sa ginagawa at lumingon kay Carlie na seryoso na ang mukhang nakatitig sa kaniya.

"Is it because of Harold? Ganyan ba ang paraan mo para makamove-on sa lahat ng kagaguhang ginawa niya sayo noon? Ganito ba ang paraan mo para makalimutan ang nakaraan mo?"

Hindi siya umimik sa tanong nito at nagbuntong hininga lang bago magpatuloy muli sa ginagawa na para bang hindi siya naapektuhan sa mga tanong nito. Hindi niya sinagot ang tanong nito sapagkat hindi niya alam ang isasagot. Kung sasabihin niyang hindi, magmumukha siyang sinungaling. Hindi niya rin pwedeng sabihin na Oo dahil hindi pa siya sigurado kung iyon ba talaga ang dahilan.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C4
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login