Halos umuusok ang ulo ko sa galit habang kaharap si Dad sa malawak niyang opisina. Ang dahilan ng pagpunta ko dito, na buong akala ko'y tungkol sa negosyo lang ang paguusapan Hindi sa iba pang bagay o isang plano na para bang tinuturing akong tau-tauhan sa sariling buhay ko.
"Kala ko importante ito at tungkol sa business ang pag-uusapan kaya nyo ko pinapunta dito?" tanong ko, halos sumabog ang boses ko sa inis.
Nakatitig lang siya sa akin, walang bakas ng pagsisisi sa mukha. "Damian, calm down. Hindi ito ganun kasama tulad ng iniisip mo." Making ka sakin at paguusapan natin to.
"Calm down?" halos mapasigaw na ako. "I don't and I can't accept na pagsisinungalingan mo ako, Dad. I trusted you kahit na ayaw na ayaw kong umalis ng Pinas. Pero para sa kumpanya natin, pumunta ako dito. Iniwan ko lahat, kahit hindi madali para sa akin. And this is what I get? Ang ipagkasundo mo ako sa anak ng kaibigan mo? Seriously? Dad alam mo nang ayaw ko ung ginaganito Ako at alam mo din kung paano Ako magalit gaya ng ginawa mo sakin dati tapos ngaun uulitin mo na naman dad?.
Nagpalit ng posisyon si Dad sa upuan niya, halatang naiirita na rin. "Damian, listen to me. It's not just about you. This is for the future of the company. If we merge with their business, magiging mas matatag ang foundation ng kumpanya natin. This is bigger than you or me."
Napailing ako, halos hindi makapaniwala sa naririnig ko. "Mas matatag ang foundation? At ano, Dad? Ako ang gagawin mong collateral? chip? Ang anak mo? To tell you this, Dad, may nagugustuhan na ako. At siya lang ang gusto kong makasama. Kaya kung ayaw mong mangyari Yung nangyari noon huwag na huwag mo nang uulitin kung ayaw mong mas lumayo pa ang loob ko sa'yo."
Tahimik siyang tumitig sa akin. Alam kong hindi siya sanay na kinukuwestiyon ang mga desisyon niya, lalo na ng sariling anak. Pero alam nya kung ano ang kaya Kong Gawin at alam Kong ayaw nya itong maulit pa.
"Damian," sambit niya sa wakas, mas malumanay ang boses, pero alam kong pilit lang iyon. "I'm doing this for your future. At sa totoo lang, gusto ko lang din makasiguro na nasa mabuting kamay ka. Pero Sige na kakausapin ko sila na Hindi na matutuloy
Sabihin mo sakin kung sino iyang sinasabi mong nagugustuhan mo."
"Hindi mo na kailangang malaman, Dad. Ang mahalaga, ako ang pipili kung sino ang gusto ko," sagot ko, tumayo at lumapit sa pintuan ng opisina. "Gawin mo ulit ito, Dad, and you'll lose me for good."
Hindi na ako lumingon pa. Sa bawat hakbang ko palayo, lalong tumitibok ang puso ko sa galit, pero kasabay nito ang biglang pangungulila kay Lara. *Kumusta na kaya siya?*
Habang papunta ako sa hotel, isang bagay lang ang malinaw sa akin: oras na bumalik ako sa Pilipinas, hindi na ako mag-aaksaya ng panahon. Kailangang malaman ni Lara kung ano talaga ang nararamdaman ko. At kailangang maintindihan ni Dad na hindi ako laruan na pwedeng paglaruan para sa kapakanan ng kumpanya.
Pagdating ko sa hotel, agad akong bumagsak sa kama, pero kahit anong gawin ko, hindi ako mapakali. Tumitibok pa rin ang ulo ko sa inis habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina kay Dad. Paano niya nagawang ipagpalit ang nararamdaman ko sa isang business deal?
Napailing ako, tinakpan ng kamay ang mukha. Kasabay ng galit, ang biglang pangungulila kay Lara. Naiisip ko kung ano na ang kalagayan niya. Naaalala ko ang mensahe ni Franco tungkol sa lagnat niya, at hindi ko mapigilang mag-alala.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagbukas ng chat kay Franco.
"Franco, kumusta na si Lara? Magaling na ba sya?
Ilang minuto lang, sumagot siya.
"Medyo okay na. Pero sabi niya, medyo pagod pa rin siya. Damian, huwag ka na masyadong mag-alala. Kaya na namin dito."
Nag-reply ako ng isang simpleng "Salamat," pero hindi iyon sapat para mapanatag ako.
Kinabukasan, maaga akong gumising para sa huling meeting namin . Kailangan kong itutok ang isip ko sa trabaho, pero kahit nasa harap na ako ng mga kliyente, kalahati ng utak ko ay nasa Pilipinas pa rin. Sa tuwing may break, tinitingnan ko ang cellphone ko, umaasang may mensahe mula kay Lara.
Wala.
Hanggang sa magtapos ang araw, hindi ko mapigilang mairita. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko'y parang napakalayo niya sa akin.
Pagbalik ko sa hotel, kinuha ko ang cellphone ko at nag-message kay Lara.
"Lara, kumusta ka na? Pasensya na kung hindi kita na-text agad. Busy lang talaga dito."
Ilang minuto ang lumipas bago siya sumagot.
"Hi, Damian. Okay naman ako, medyo mas okay na kaysa kahapon. Salamat sa pag-check sa akin."
Ngumiti ako, kahit papaano'y nabawasan ang bigat sa dibdib ko.
"Buti naman. Sana magpahinga ka pa rin nang maayos. Huwag masyadong magpagod, okay?"
"Oo, Damian. Salamat ulit. Ingat ka diyan."