Baixar aplicativo
85.71% MASKARA / Chapter 6: America

Capítulo 6: America

Bago ako umalis papuntang America, sinigurado kong maayos ang lahat sa kumpanya. Pero higit sa lahat, kailangan kong tiyakin na may maiiwan akong mata para bantayan si Lara. At sino pa ba ang pinaka-maaabilidad sa ganyang bagay kundi si Franco?

Pumunta ako sa lounge ng opisina, kung saan kadalasan nagpapahinga si Franco sa hapon. Naabutan ko siyang nakaupo at nagkakape, habang abala sa cellphone niya. Agad siyang ngumiti nang makita ako.

"Oh, Damian, anong atin? Mukhang seryoso ka na naman," bati niya, may bahid ng biro.

Umupo ako sa tabi niya at tumingin nang diretso sa mga mata niya. "Franco, may ipapakiusap ako sa'yo habang wala ako."

Agad niyang ibinaba ang hawak niyang tasa. "Aba, parang bigat niyan, ah. Ano 'yun? Sabihin mo lang."

Huminga ako nang malalim. "Kailangan kong umalis papuntang America. Isang linggo akong mawawala para sa business meeting at expansion plans ng kumpanya."

Tumango siya. "Okay, gets. Pero ano ang kinalaman ko rito?"

"Habang wala ako, gusto kong bantayan mo ang lahat dito. Lalo na si Lara," sabi ko nang diretso. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Si Lara?" tanong niya, halatang nagulat pero ngumiti. "Ah, gets ko na. Damian, selos ka lang talaga, no?"

"Franco, hindi ito biro," sagot ko, mas seryoso ang boses ko. "Alam mo kung gaano karaming umaaligid kay Lara—si Brian, si Leo. Hindi ko kayang hayaan na mangyari ang ayokong mangyari habang wala ako."

Ngumiti siya, parang nagpipigil ng tawa. "Damian, seryoso ka talaga. Pero sige na nga, pagbibigyan kita. Ano ba ang eksaktong gusto mong gawin ko?"

"Simple lang," sagot ko. "I-update mo ako kung may nangyayari sa kumpanya na dapat kong malaman. Pero higit sa lahat, sabihin mo sa'kin kung ano ang ginagawa ni Lara. Kung sino ang kasama niya, kung may umaaligid sa kanya, at kung paano siya kumikilos."

Napailing siya, pero halatang natutuwa sa sitwasyon. "Sige, Damian. Ako na ang magiging personal spy mo. Pero tandaan mo, hindi kita pipigilan kung sakaling magmukha kang tanga sa harap ni Lara kapag nalaman niya ang ginagawa mo."

Napangiti ako kahit alam kong totoo ang sinasabi niya. "Hindi niya malalaman, Franco. At salamat. Malaki ang utang na loob ko sa'yo."

Tumawa siya at uminom ulit ng kape. "Walang anuman, Damian. Pero kung ako sa'yo, magmadali kang umamin kay Lara. Ang mga ganitong sitwasyon, hindi dapat pinatatagal."

Kinagabihan, habang inaayos ko ang mga gamit ko para sa biyahe, nag-iwan ako ng mensahe kay Lara. Isang simpleng text lang:

"Lara, aalis ako bukas papuntang America. Isang linggo akong mawawala. Mag-iingat ka palagi, ha?"

Hindi pa natatapos ang gabi nang sumagot siya.

"Damian, bakit hindi mo sinabi agad? Ingat ka rin. Huwag mong iisipin ang trabaho masyado, okay? Baka magkasakit ka."

Ngumiti ako. Simpleng mensahe lang iyon, pero sapat na para pakalmahin ang puso ko.

Habang nakahiga sa kama, iniisip ko kung ano ang mangyayari sa isang linggong ito. Sana, sa tulong ni Franco, mapanatili kong tahimik at maayos ang isip ko. Pero higit sa lahat, umaasa akong walang magbabago sa pagitan namin ni Lara.

Maaga pa lang, bumangon na ako para maghanda sa flight ko papuntang America. Kahit na alam kong dapat akong excited para sa business meeting at expansion plans, parang may mabigat na bagay na bumabalot sa akin. 

Habang hinihintay ang driver sa lobby ng apartment ko, tinignan ko ulit ang cellphone ko. Nag-check ako ng mga message at notifications, at doon ko nakita ang text ni Franco na dumating nang madaling araw. 

**"Damian, mukhang may nangyari kay Lara. May lagnat daw siya. Hindi siya makapapasok ngayong araw."** 

Halos mabitiwan ko ang telepono ko. Napaupo ako bigla sa pinakamalapit na upuan. *Lagnat? Paano? Bakit hindi niya sinabi sa akin?* Eh magkasama kami kagabi? Bat diko man lang napansin na.

Mabilis akong nag-dial ng numero ni Franco, at sinagot naman niya agad. 

"Damian, chill lang," sabi niya sa kabilang linya. "Sinabihan na si Lara na magpahinga sa bahay. Wala ka nang dapat alalahanin. Huwag ka nang mag-overthink." 

"Franco, sigurado ka bang okay siya? Anong sabi niya?" tanong ko, halatang hindi mapakali. 

"Wala naman siyang sinabi sa akin. Ang HR ang nag-confirm na hindi siya makakapasok. Pero baka pagod lang siya o kaya'y trangkaso. Damian, hindi ka pwedeng ma-late sa flight mo. Magtiwala ka na lang sa akin," sagot niya. 

Gusto kong puntahan si Lara at tiyaking okay siya, pero alam kong hindi na posible. May flight akong kailangang abutan, at hindi pwedeng maabala ang plano ng kumpanya. 

---

Sa biyahe papuntang airport, hindi ako mapakali. Ilang beses kong tinitingnan ang cellphone ko, umaasa na may balita tungkol kay Lara. Pinilit kong i-focus ang isip ko sa pagpunta ko sa America, pero palagi siyang pumapasok sa isipan ko. 

Pagdating ko sa boarding gate, halos malaglag ang puso ko nang makita ang isa pang text ni Franco. 

**"Don't worry, Damian. Pina-check ko siya. Nagpadala ako ng pagkain at gamot sa bahay niya. Mukhang okay naman siya, pero medyo mahina ang boses niya nung tumawag ako. Relax ka lang."** 

Huminga ako nang malalim. *At least, may gumagawa ng paraan para alagaan siya.* Pero kahit na may Franco na magbabantay sa kanya, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. 

---

Habang nasa eroplano, hindi ako makatulog. Paulit-ulit kong iniisip si Lara—kung paano siya ngayon, kung okay lang ba siya mag-isa. 

Sana maging maayos ang pagpunta ko sa America. At Sana maging maayos na ang kalagayan ni lara.

Pagbaba ko palang ay agad akong nag tumawag sa messenger Kay Franco para kumustahin si Lara at gaya nga ng Sabi ni Franco bubuti ang lagay ni lara once uminom ito ng gamot. 

Sige na Franco salamat sa pag update sakin tungkol Kay lara. Magpadala ka nang mga gamot pa at prutas para sakanya nang mabilis at tuluyan na syang gumaling. At ano ahmm pakisabi din na nag alala Ako nang husto.

Wag Muna din Muna sya papasokin ng trabaho pag totally magaling na sya sakana lang sya pumasok.

Oo Damian Ako nang bahala ang importante ay mag focus ka dyan dahil pag nalaman ni lara na ganyan ka magagalit Yun sayo.

Oo naiintindihan ko naman sige na at ibaba Kuna ang tawag.

-- 

Sana gumaling ka agad lara..


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C6
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login