Baixar aplicativo
89.36% THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 42: EPISODE 43

Capítulo 42: EPISODE 43

"ANG HULING LABAN (PART2)"

Ang Nakaraan....

Sina Samantha at Liam nanaman ang nagsama upang kalabanin ang lumalakas na si Hex.

Sumali na din sa rambulan ang kapatid ni Xavier na si Zandro at ang nobya na si Denise.

Sa pagpapatuloy...

Tiningnan ni Hex ang kalangitan at mukhang alam na nya kung bakit sobrang lakas ni Samantha at Liam.

"Buwan? Katulad ng mga nilalang ng karimlan ay lumalakas ang mga sirena dahil sa buwan." Ngiting Sabi ni Hex at agad syang nag usal ng isang mahiwagang salita. At sa isang iglap ay biglang nagkulimlim.

"Naloko na!" Sabi ni Joshua.

"Bakit?" Tanong ni Denise habang hawak si Zandro.

"Nanghihina ang mga Sirena. Typically sa taga Andromeda. Sinasabing noong kinain ng bakunawa ang anim na buwan sa kalangitan. Lahat ng sangkatauhan ay naghirap. Gumawa ng panibagong buwan ang mga taga Andromeda. Ngunit, nung nagtangka nanaman si Bakunawa na kainin Ang buwan. Pinigilan na sya ng dyosa na si Haliya.

Kaya kapag bilog ang buwan nagbubunyi ang mga taga Andromeda.

Habang abala si Liam at Samantha sa pakikipaglaban Kay Hex di Nila alam na natatabunan na Ang buwan.

"Bes Delikado, marami na tayong sugat! Nanghihina kana. " Sabi ni Liam.

"Kaya pa to! " Sambit ni Samantha at sumugod Ito Kay Hex nang biglang naging tubig Ang hawak nyang trident.

"Bes? Anyare!?" Tanong ni Samantha. Sasagot na sana si Liam ng biglang Umangat ang lupa na kanyang kinatatayuan. At doon sinugod sya ni Hex ng Suntok.

Dahil sa lakas ng Suntok ni Hex. Nagkahiwalay sina Samantha at Liam.

"Samantha!" Sigaw ni Joshua.

"Hindi maari tutulungan ko sila!" Sigaw ni Xavier.

"Wag nyong sayangin Ang lakas nyo. Sundin natin Ang utos ni Jenna. Joshua patulong?" Sabi ni Aira.

"Papano Aira?" Tanong ni Joshua.

"Cheerdance!" Sabi ni Aira. Agad namang yumuko si Joshua. At mabilis na umapak si Aira sa kanyang Likud sabay talon paitaas. Upang maabot si Samantha. Wala pa ding Malay si Liam habang si Samantha ay nanghihina na.

Nang maabot ni Aira Ang kamay ni Samantha. Nagsanib muli Ang dalawa.

"Aira!" Sigaw ni Aira habang nakalapat Ang kamay nya Kay Samantha.

"Sa-samantha!" Nahihinang Sabi ni Samantha. At matagumpay silang nag sanib. Nagkaroon muli ng pakpak si Samantha.

Wala sinayang na oras at sinagip nila si Liam habang walang Malay Ito.

Nang makarating sila sa lupa.

Humiwalay muli si Aira sa katawan ni Samantha.

"Salamat Insan!" Sabi ni Samantha hanggang sa nawalan na sya ng Malay.

"Anong gagawin natin? Hinanghina na si Samantha Sabi ni Xavier.

Agad sumaklolo si Joshua at pinagaling Ang sugat ni Samantha gamit Ang mga halaman.

Hindi Nila alam nagbalik na sa katinuan si Zandro dahil sinunog na ni Hestia ang marka sa batok ni Via.

" Denise pakawalan mo nga ako dito.." Reklamo ni Zandro.

"Wait Hindi kana kontrolado ng babaeng yan." Sabi ni Denise.

"Hindi na Denise, pina laya ko na sya sumpa ni Hex. " Sagot ni Hestia at bumalik Ito sa katawan ni Denise.

Agad nagtungo si Via Kay Aira upang humingi ng tawad.

"Hindi ko alam ginagawa ko at pinagsasabi ko! Patawad kapatid ko" Sabi ni Via.

Ngumiti si Aira sabay sabing.

"Masaya ako at nagbalik kana Via. Napatawad na Kita. Matagal na. " Sabi ni Aira.

" Hindi ako papayag na saktan ka. Nangako ako sa Amang Hari na ako ang poprotekta sayo." Sabi ni Via.

"Ayus lang Via masaya ako dahil maayus ka na.." Sabi ni Aira.

"Oras na para mag bayad Panginoong Huwad!" Sabi ni Via habang nanlilisik Ang kanyang mga mata.

Tumawa lang si Hex at sabay sabing.

"Ikaw? Kaya kitang patayin sa isang iglap lang!" Sabi ni Hex.

"Wag nang pumalag Via.." Sabi ni Aira

"Ate Tabi! Protektahan nyo ang itinakdang prinsesa!" Sabi ni Via. At isang malakas na hangin ang bumalot sa buong katawan ni Via.

Walang ano-ano ay sumugod sya Kay Hex ng buong tapang.

" Kung ano mang mangyari. Bayad ko Ang buhay ko sa mundong kinalakhan ko. Nakakahiya akong prinsesa ng Aera." Sabi ni Via.

"Waaaggg!! Via bumalik ka!" Sigaw ni Aira.

Samantala, hinawakan ni Denise si Samantha..

"Kelangan nating ipaghiwalay silang dalawa. Malakas pa si Samuel sa loob ni Samantha." Sabi ni Denise.

"Tama sya. Ito din ang utos ni Jenna saamin." Sabi ni Zandro.

"Pero papano? Di na kayang gumalaw ni Samantha." Sabi ni Joshua.

"Hestia sinasamo Kita!" Sigaw ni Denise. At sa isang iglap ay lumabas si Hestia.

"Alam ko kung papaano, katulad ako ni Samantha." Sabi ni Hestia sabay hawak noo ni Samantha. Umubo si Samantha ng konti at sa isang iglap ay naghiwalay Ang katawan Nila ni Samuel.

"Maraming salamat Hestia..." Sambit ni Denise. Ngumiti lang si Hestia at nagbalik muli sa katawan ni Denise.

"Papano ako nakalabas sa katawan ni Samantha?" Tanong ni Samuel.

"Samuel Ikaw Ang main vessel si Samantha Ang walang vessel pero ngayon meron na. Pero panandilian lang. " Salaysay ni Denise.

" Abala pa si Hex sa pakikipaglaban Kay Hex. Kelangan na nating gumawa ng paraan. Anong Plano Ito Zee? " Sabi ni Xavier.

Lumapit si Aira at sabay sabing...

"Joshua sumanib ka Kay Samantha. Ikaw naman Xavier sumanib ka kay Samuel."

Napatingin silang lahat sa sinabi ni Aira.

"Papano Insan? Diba Ang compatible vessel ay kay Samantha.?" Sabi ni Samuel.

Bumangon naman si Liam at binasbasan si Samuel.

"Tubig ng Andromeda, katawan ng aking kaibigan gawing dalisay at patatagin!"

Lumabas Ang isang marka sa noo ni Samuel.

"Ngayon na!" Sigaw ni Aira.

Kahit nang hinang-hina na, itinaas ni Samantha Ang kanyang kamay at sinigaw nya Ang kanyang pangalan.

"Samantha!"

Inilapat naman ni Joshua Ang kanyang palad sa palad ni Samantha at isinigaw din Ang kanyang pangalan.

"Joshua!"

Lumiwanag nang malakas at sa isang iglap ay lumabas ang bagong Samantha.

Ang kanyang kasuotan ay parang sa Reyna ng Lakur. Ang kulay gintong buhok ay naging kulay puti katulad ng kanyang nobyo na si Joshua.

Habang sina Xavier naman ay sinimulan na nilang mag sanib.

"Samuel.. gusto ko lang sabihin sayo na..." Hindi na natapos Ang sasabihin ni Xavier ng biglang hinalikan sya ni Samuel.

"Gusto din Kita." Sabi ni Samuel..

Ngumiti lang si Samantha nang Makita nyang hinalikan ni Samuel si Xavier.

"Hindi kaba nang seselos Joshua?" Tanong ni Samantha.

"Hindi dahil alam kung matagal ng gusto ni Samuel si Xavier. " Sagot ni Joshua.

Itinaas ni Samuel Ang kanyang kamay sabay sigaw ng kanyang pangalan.

"Samuel ! "

Inilapat naman ni Xavier Ang kanyang palad Kay Samuel.

"Xavier!"

Katulad din nang nangyari kina Samantha at Joshua ay umilaw ng napakalakas.

Ang lumabas ay si Samuel nakasuot ng kasuotang pandigma ng Hestia.

Samantala si Via naman ay panangiti sa kanyang nakita.

"Matakot kana Hex. diba Ang Sabi ng libro ng kadiliman. Kambal laban sa kambal? Nganong nasayo na Ang lakas ng iyong kapatid at ama. Sa palagay ko Hindi mo kakayanin Ang lakas ng kambal!. Ako ang nakakaalam na kambal Ang totoong anak ni Reyna Anya ng Harte. Itinago namin si Samuel sa Mundo ng mga tao at si Samantha naman ay dito sa Jamais. Ako at si Jenna Ang gumawa ng paraan upang ma protektahan si Samantha dito. Ginawa namin syang gabay ni Samuel. Pero sa ika-labing siyam na kaarawan ni Samuel muling magsasama Ang kambal at magkaka katawan si Samantha." Sabi ni Via.

"Tumahimik ka!" Sigaw ni Hex at agad niyang binali Ang sungay nya pagkatapos ibinaon sa dibdib ni Via.

"Viaaaaaaaa!!!!" Sigaw ni Aira.

Nilingon ni Via si Aira at ngumiti lang Ito sakanya.

"Katapusan mo na! Er Vali me Keru solifaTado!" Sambit ni Via. ( Hangal na Panginoon ng kadiliman!)

Bihasa si Via sa mga salitang Jamaisan dahil si Selena Ang nagtuturo sa kanya ng mga engkantasyon.

Galing sa itaas dahan dahang bumagsak si Via sa lupa sa Tulong ni Samuel. Nilagyan nya ng bolang apoy Ang magkabilang kamay at paa ni Via.

Nang nasa lupa na si Via. Nilapitan sya Nina Aira.

"Via bakit mo ginawa yun?" Tanong ni Aira.

"Bayad Utang sa Jamais." Ngiting Sabi ni Via.

Umiyak ng Todo si Aira at Liam. Dahil Matalik Nila itong kaibigan kahit may pagka strickto Ang babae.

"Via wag ka namang ganyang diba? Sabi mo bibigyan mo pa ako ng jowa." Umiiyak na Sabi ni Liam.

Hinawakan ni Via Ang kanyang kamay sabay sabing.

"Mag-iilaw Ang kamay mo kapag nakita mo na ang Jamaisan o tao na para sayo. At mamahalin ka ng totoo. Pasensya na Li. Alam ko na saktan Kita. " Sabi ni Via.

"Ayus lang napatawad kana namin." Sabi ni Liam.

"Oo Tama wag mo kaming iiwan." Sabi ni Samantha.

Umiiyak naman sina Samuel at Xavier.

"Samuel at Samantha. Kambal kayong ipinanganak. Ako Ang nag bigay ng idea Kay reyna Anya na ilagay ka sa Mundo ng mga tao. " Sabi ni Via habang nakatingin Kay Samuel.

"Talunin nyo ang kadiliman. Kung totoong ama nyo sila. Hindi sila mananakit ng mga taong importante sainyo. Gawin ninyo ang Tama!" Sabi ni Via hanggang sa mabawian na Ito ng hininga.

"Hindiiiii!!!! Viaaaaa!!" Muling pagpalahaw ni Aira.

Habang sina Samantha at Samuel naman ay nagkatinginan.

"Handa na Samuel!" Sabi ni Samantha.

Itutuloy....

Abangan Ang mga huling karugtong ng ating kwento mga Mahal. Kapit lang talaga.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C42
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login