Baixar aplicativo
85.71% Vanguard: Blade of the Shadows / Chapter 18: Chapter 17

Capítulo 18: Chapter 17

Sa paglalim ng gabi ay napagdesisyunan na nilang bumalik sa hideout nila Marcus. Dumiretso naman si Celestia sa kwarto nito at humiga na sa kama. Inilabas naman niya ng mga litrato sa kanyang bulsa at tinitigan iyon. 

"Nakakatuwang bagay, Zedeus, sana ay nasa mabuti kanang lugar. Sana ay maligaya ka na ngayon. Ako? Masaya na ako, Salamat sa buhay na ibinigay mo sa akin." Pabulong niyang wika habang pinagmamasdan ang mukha ni Alex sa litrato.

Bukod kay Zedeus ay kay Alex lamang niya naramdaman ang ganitong kaligayahan. Iyong tipong sapat na ang makasama mo siya sa tabi mo. Kahit simpleng bagay ay natutuwa ka na. Katulad na lamang ng mga litratong iyon. Napangiti naman ang dalaga ay ipinaloob niya ang mga litrato sa ilalim ng kanyang unan bago tuluyang magpahinga.

Kinaumagahan paggising niya ay naabutan niya si Alex sa gym nakasalampak sa sahig na animo'y kakatapos lang nitong mag-ensayo. Napalingon naman sa kanya ang binata at napangiti sa kanya. Kumaway pa ito sa kanya bago tumayo at lumapit sa kanya. Napatulala lang naman si Celestia dahil ibang-iba ang aura na bumabalot sa binata. Matingkad na kulay ginto rin ang mga mata nito na maihahalintulad mo sa gintong nasisinagan ng sikat ng araw. Tila may hamog din na sumusunod sa binata na nakadagdag sa hiwagang bumabalot dito.

Nang makalapit na ito sa kanya ay bigla naman siyang natauhan nang tapikin nito ang kanyang pisngi.

"Bakit natutulala ka diyan?" Birong tanong nito habang nangingiti. Nang ibaling ni Celestia ang tingins a mukha nito ay naging normal na ulit ang mga mata nito. Nawal na rin ang hamog na bumabalot sa buong katawan nito na animo'y isang guni-guni lamang ang lahat ng nakita niya kanina.

"Ha? Ah, wala naman."

"Akala ko pa naman napopogian ka na sa akin." biro ng binata at natawa lang si Celestia. Umakbay naman si Alex dito at inakay na niya ito patungo sa kusina. Parang normal na lang sa kanila ang mga ganoong pangyayari. KUng dati ay naiilang pa si Alex, ngayon ay tila ba nawala ang pagkailang na iyon. Pakiramdam niya ay nagbago ang lahat simula nang maging isa na sila ni Zedeus. Hindi na rin niya pinipigilan ang sariling makipaglapit sa dalaga. Alam niyang masaya siya kung kaya iyon ang ginagawa niya. 

"Buti naman at gising na kayo." bungad ni Marsha sa kanilang dalawa. Abala ito sa pagluluto habang si Thomas naman ay nagbabasa ng dyaryo habang nag-iinom ng kape. Napangiti lamang si Alex dahil kahit papaano ay hindi na nahirapang mag-adjust ang kanyang mga magulang sa lugar na iyon. HIndi na rin kasi nakakalabas ang mga ito dahil sa panganib na nakaambang sa kanila.

"Ayos lang ba kayo dito Ma? HIndi ba ninyo nami-miss ang bahay natin?" Tanong ni Alex nang makaupo na ito sa harap ng mesa.

"Ang bahay, isang bagay lang iyon anak. Matagal man naming ipinundar iyon ay hindi pa rin ito mahalaga kung ikukumpara mo sa mga buhay natin. Masaya kami dito dahil nandito kayo." wika naman ni Marsha.

"O, Marsha mamaya magdrama ka na naman diyan. Lubayan mo nga yang anak mo."Saway ni Thomas habang ngingiti-ngiti.

"Hindi naman ako nagdadrama. Totoo naman hindi ba? Alam mo Alex, kahit saan pa tayo nakatira basta't magkakasama tayo ay masaya na kami. " Wika ni Marsha at napangiti naman si Alex.

Matapos nilang mag-almusal ay muli silang bumalik sa gym. Doon ay parehong nagnilay si Alex at Celestia upang ihanda ang kanilang mga isipan at katawan na napapalapit na laban. Isang gabi na lang at magaganap na ang pagpula ng buwan.

Wala silang ibang ginawa noong araw kundi ang magnilay at palawakin ang kanilang pakiramdam sa buong paligid.

Manghang-mangha naman si Alex dahil unti-unti na niyang nasisilayan sa kanyang isipan ang kabuuan ng City A. Maging ang mga awra ng mga taong naglalakad sa paligid ay malinaw na niyang nakikita. Kung mas malapit ang tao sa kinaroroonan niya ay mas malinaw niya itong nakikita sa kanyang isipan. Maging ang pandinig niya ay nagiging mas matalas na rin kesa sa dati.

Sa kanilang pagninilay ay sabay silang nakakita ng isang pangitain. Sa pangitaing iyon ay nakita nila ang pangkat ng mga piling balrog na inihahanda ang mga ulipon sa bawat hukbo. Marahil ay iyon ang kanilang magiging katunggali. Naalarma naman sila sa napakaraming bilang ng makakalaban nila.

Sabay pa silang napamulat ng mata at nagkatinginan. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala at pagkatakot para sa buhay ng kanilang mga kasama.

"Celestia, kakayanin ba natin ang ganoon karami?" Nag-aalalang tanong ni Alex. Napasimangot naman si Celestia dahil kahit siya ay nag-aalala na rin.

"Kung tayong dalawa lang, marahil may tsansa pa tayong makaligtas pero naisangkot na natin ang buhay ng pinsan mo. Natatakot akong baka mapahamak sila sa labang ito. Masyadong marami ang kalaban at hindi nila kakayanin ang mga hukbong iyon." Wika ni Celestia at napabuntong-hininga. Hindi niya alam ang gagawin. Maaaring mapaslang sa laban ang pinsan ni Alex at hindi niya alam kung ano ang magiging epekto nito sa binata.

Ayaw naman niyang masaktan ito dahil sa pagkawala ng mga mahal nito sa buhay. Ngunit ano ang gagawin niya?

Habang nag-iisip sila ay bigla namang pumasok si Marcus sa kanila. Nakangiti ito sa kanila na animo'y may dala-dalang magandang balita.

"Alex, Celestia may magandang balita ang dumating galing sa mga kaibigan nating scientist. Naihanda na nila ang mga armas na gagamitin natin sa laban. Natuklasan na nila ang elementong nasa dugo mo at ginamit nila iyon sa pag gawa ng mga bala at mga pampasabog. " Wika ni Marcus at muling nagkatinginan si Alex at Celestia.

"Sigurado ka Kuya?"

"Oo, noong nakaraan ay may nahuli kaming ulipon at ginamit nila iyon sa nilalang. Tulad ng inaasahan ay naabo ito ." Wika naman ni Marcus.

Napangiti silang pareho at muli silang nabuhayan ng loob.

"Kung ganoon isang magandang balita nga iyan. Dahil may ipanlalaban na tayo sa dami ng ating kalaban. " Wika naman ni Celestia.

"Kuya, kailangan mo pang magdagdag ng tao. Napakarami nila. Siguraduhin mong hindi sila basta-basta panghihinaan ng loob kapag nakita na nila ang kalaban. Ayaw naming may mamamatay sa inyo." Sambit ni Alex at napangiti naman si Marcus.

"Alex, pulis kami at nasa propesyon na namin ang mamatay ng lumalaban. Kung ikakamatay man namin ang pagliligtas ng ating bayan ay isa iuong karangalan para sa amin. " Wika naman ni Marcus at napakunot ang noo ni Alex.

Alam niyang kaakibat ng propesyon ni Marcus ang kamatayan ngunit ayaw niya paring mamatay ito, gayong napakabata pa nito at ni wala pa itong asawa o sariling pamilya.

"Basta Kuya, mag-iingat kayo."

"Huwag kang mag-alala. Alam namin ang aming ginagawa. Ang siguraduhin niyo ay mapuksa niyo agad ang walang-hiyang Eleazar na iyon. Kami na ang bahala sa mga anay niyang kasama." Nakangiting wika ni Marcus at pareho na silang natahimik. Agad na ding nagpaalam ito sa kanila at muli silang naiwan sa gym na nakatingin sa kawalan.

Pansamantalang nagpahinga sila roon at nag-isip ng maaari nilang magawa upang mapanatili ang kaligtasan nila Marcus at nang grupo nito. Sa kanilang pag-iisip ay biglang naalala ni Alex si Ruka.

Tahimik niyang tinawag ito sa kanyang isipan at mabilis naman itong lumitaw sa kanyang harapan.

"Ruka, may ipapagawa ako sayo." Wika ni Alex. Yumukod naman sa kanya ang asong lobo at dumila ito sa kanyang paanan, bilang patunay na kaisa niya ito. Gulat na gulat naman si Celestia dahil minsan na niyang nakita itons sa tabi ni Zedeus noon.

Si Ruka ang hari ng mga mandirigmang Bakura. Kung naroroon ito ay maari din nitong matawag ang hukbo ng mga bakura. Nanlaki ang mata ni Celestia at muli siyang nakaramdam ng pagkasabik sa nalalapit na digmaan.

"Ano ang iyong ipag-uutos panginoon?" Tanong ng nilalang habang nakayukod na lubos namang ikinagulat ni Alex. Hindi niya inakalang nakakapagsalita ito dahil amg buong akala niya ay isa lamang itong asong lobo.

"Nagsasalita ka?" Bulalas pa niya.

"Hindi mo naman siguro iniisip na isa lamang akong palamuti sa tabi ng hari?" Wika nito at bahagya siyang natawa dahil natumbok nito ang nasa isip niya.

"Isang hari si Ruka ng mga mandirigmang Bakura. Alex, sa tulong ng hukbo ng Bakura ay mapapantayan na natin ang hukbo ng mga ulipon. "Salaysay ni Celestia at napangisi si Alex. Nagalak ang puso niya dahil sa narinig. Tunay ngang inihanda sila ni Zedeus para sa labang ito. Lahat ng pwedeng makatulong ay ibinigay na niya ang kulang na lamang ay ang pagkilos nila.

"Ruka, ikalat mo ang iyong hukbo sa mga lugar na sasabihin ko." Wika ni Alex at isa-isa niyang inilahad sa nilalang ang mga lugar na nasa isipan niya. Hindi naman nahirapan si Ruka sa mga ito dahil likas na matatalino ang mga Bakura. Isa din ito sa dahilan kung bakit nais makuha ni Eleazar ang kapangyarihan ng pagiging hari. Dahil tanging sa hari lamang yumuyukod ang hari ng mga Bakura.

Sa pagsapit ng gabi ay nakamasid na sa ibabaw ng building si Alex, kasama niya noon si Celestia sa kanyang kanan at si Ruka sa kanyang kaliwa. Tinatanaw nila ang huling katahimikan ng gabi habang malayang isinasayaw ng hangin ng kanilang mga buhok.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C18
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login