Baixar aplicativo
10.2% QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 9: 3.5 Consultation Hours

Capítulo 9: 3.5 Consultation Hours

"Besh thanks sa bonding time natin. Sa susunod ulit." ngiting sabi ni Nikki sa kanila at sinamahan na si Sendoh sa loob ng kotse.

"Hindi na kayo manananghali dito?" dismayadong sabi ni Kim na kakatapos lang magset ng table.

"Sorry talaga besh. Mag take-out na lang kami. And see you also in class Nobunaga." ngiting sabi ni Nikki na nabaling ang atensyon sa kanya na nagpapahinga ngayon sa sala.

"Yes, ma'am." tugon naman ni Kiyota na tila wala sa mood nang marinig ang tungkol sa problemang kinakaharap niya.

Halos hindi makabasag pinggan ang naging pag-uusap nila Kim at ang barkada ni Kiyota tungkol sa kanilang mga karanasan sa pag-aaral at kung paano nila nalampasan ang suliraning iyon. Habang kumakain, nahahalata nilang hindi kumikibo si Kiyota na sadyang hindi likas sa pagkatao niya at kanina pa din siya nakatitig sa gabundok na kaning nakahain sa harap niya.

"Kung ayaw mong kumain, akin na lang iyan." pagpapaalam na sabi ni Renz sa kanya at saka sumandok ng kanin sa plato niya.

"Sandali, nakadalawang balik na iyang plato mo hindi ka pa din busog?" nahihiwagaan sina Gian kung paano niya agad nauubos ang pagkain sa lamesa.

"Eh masarap magluto si Manang kaya hindi ko mapigilang hindi kumain ng marami." walang matinong salita ang naririnig kay Renz dahil puno ang bibig niya nang tumugon ito sa kanila.

"Hoy! hindi pa nakakakain si Nobunaga mahiya ka naman kahit konti." mahinang sabi ni Dominic kay Renz na nahihiya para kakaibang asal ng kaibigan niya.

"Pagod lang siguro ako. Sa'yo na iyan at saka sa kwarto muna ako magpapahinga." pagpapaalam na sabi ni Kiyota sabay naglakad palayo.

"Anong nangyari doon?" nagtataka silang tatlo sa ikinikilos niya.

"Wala ba kayong gagawing iba sa mga bahay niyo? Naubos niyo na halos ang ulam namin kaya ano pa ang tinutunganga niyo dyan?" nakakunot ang noo ni Kim nang titigan niya ang tatlo. Kakatapos lang niyang hugasan ang ilang gamit na pinaglutuan nila Nikki kanina gayon din ang ilang utensils.

"Lagot ipapalinis na niyan ang kinalat natin. Takbo na." sabay nilang sabi at bigla na lang silang nawala na parang bula.

[Nobunaga Kiyota…]

Nahiga na lang ako sa kama ko habang nakadungaw sa labas ng bintana. Sa totoo lang kanina pa ako nagugutom pero sadyang nagmamatigas na naman ako. Mapapasana all ka na lang talaga sa mga batang naeenjoy ang vacation months nila kasama ang pamilya at mga kaibigan. Bakit ba kasi sa dinami dami pa ng estudyante sa Kainan eh ako pa ang kailangang makaranas ng sobrang kahihiyan sa academic rankings?!

"Buksan mo 'to kailangan nating mag-usap." kinakatok na ni ate ang pinto pero ayaw ko naman ng may kausap ngayon lalo na't hindi ko ugaling ipakita ang kahinaan ko sa kahit kanino, na isa akong malaking pagkakamali sa pamilyang ito.

"Ano bang klasing drama iyan?" sabi niya sa akin at bigla na lang siyang nasa harapan ko. Nakakainis naman ito. Masyadong makulit at binuksan pa talaga ang pinto gamit ang spare key. Pilit kong iniiwasan ang mga titig niya dahil nakamulatan ko na noon pa na lagi na lang niya akong pagsasabihan or manenermon na lang buong magdamag kapag masyado siyang seryoso.

"Nag-uusap na tayo ate kaya pwede bang huwag mo na akong daanin sa palabok. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin." walang gana ko siyang sinagot. Ang daming commercial kasi niyan bago niya sabihin ang punto niya kaya nakakabanas ding makinig sa pinagsasabi niya.

"Ito ang hopia. Ubusin mo na iyan dahil wala ng natira sa niluto ko." Diba?! Pero dahil atat na akong matapos ang meeting na ito kaya nilamon ko na iyon ng buo. No choice eh magiging choosy pa ba ako.

"History repeats itself nga naman talaga." May pa-intro ka pang nalalaman dyan ate.

"Paano mo nasabing history repeats itself kung graduate ka na at may sarili ng trabaho?" Tinanong ko na siya baka kung saan pa kami makarating sa pag-uusap na ito.

"Gusto kong magsorry kung masyado akong nagiging mahigpit sa'yo nung nakaraan." Mukhang sincere naman siya pero anong ibig niyang sabihin. Meron ba kaming pagkakatulad ng sitwasyon.

"Hindi man halata pero nadepress talaga ako nung hindi ako natanggap sa kursong gusto ko." Nakakagulat ang revelation niya ah?!

"Ano bang kurso iyan? Akala ko ba Computer Science ang natapos mo." tanong ko sa kanya.

"Engineering." sabi niya at sayang naman sa part niya. Kaya pala hindi natanggap dahil mataas din mangarap si ate. Imposibleng maabot lalo na't nangungulelat din siya sa math at kung hindi naman para sa kanya ang maging engineer.

"Ilang beses din ako nagpalipat lipat ng college para lang mapasa ang mga subjects na iyon pero wala talaga hanggang sa sumuko na lang ako." Nakita ko sa mukha niya na tila dismayado siya sa nangyari sa kanya.

"Bakit mo ba sinasabi sa akin iyan ngayon?" nakakatawa lang kasi na parehong sitwasyon pala ang binagsakan namin.

"Makinig kang mabuti sa akin unggoy ka!" sabi niya at sina- li pa talaga iyon sa usapan.

"Hindi lahat ng pangarap natutupad kung susukuan mo na lang. I know guilty ako sa nangyaring iyon dahil wala akong ibang inatupag kundi ang sarili kong kaligayahan pero hindi natatapos doon ang lahat. Kung ginawa mo ang lahat at nabigo ka sa huli, ibig sabihin lang ay may panibagong opportunity na naghihintay sa iyo." Teka lang, bakit ba parang iba na ata ang hugot niya?

"Alam ko iyan. Masyado kang nag-aalala sa akin ate pero salamat talaga at hindi sina mama ang nanenermon sa akin ngayon." birong sabi ko sa kanya saka pilit na kinakapa ang bukol sa ulo ko. Bigla ka ba naman sapukin, ano bang problema nito sa akin?!

"May dalaw ka ba? Nananapok ka na naman ng wala sa oras." inis ko siyang tinitigan. Sumosobra na kasi siya pre.

"Masyado mo akong pinapakaba. Nang gugood time ka pa sa akin ng ganyan?!" Hays... Iba talaga ang sapi niya ngayon.

"Si Maki lang ang nakakasapok sa akin ng ganito." reklamo ko sa kanya.

"Aba't may favoritism ka pang nalalaman. Sino ba ang mas mahalaga sa iyo?" tanong pa niya sa akin.

"Malamang ikaw." sabi ko na lang sa kanya.

"At ano ang dahilan kung bakit ako importante sa'yo?" gusto niya pa talagang malaman ang sagot ah.

"Kahit si Maki pa ang iniidolo ko sa Kainan, wala naman akong mapapala kung titingalain ko lang siya. Isa pa, kahit katiting na allowance ay wala akong matatanggap galing sa'yo kung si Maki ang papaburan ko sa inyong dalawa." paliwanag ko sa kanya.

"Oportunista ka talaga." komento niya at pinagdudahan niya pa ako tungkol sa bagay na iyon. Ang hirap talagang intindihin ng mga babae diba? Hmmp... kahit ilang beses pa akong umulit sa pag- aaral, sisiguraduhin kong matatapos din ako at my own pace.

Wakas


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C9
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login