[Ryota Miyagi…]
Meron ba kayong matatawag na favorite subject? Ang sagot ko ay Physical Education; hindi recess at mas lalong hindi lunch break. Kahit sabihin pang inaabangan natin iyon lagi tuwing may klase, hindi naman tayo makakapasa sa higher grade level kung parating iyon ang iniisip ng utak.
Sa panahon ngayon, ang subject na ito siguro ang may pinakamataas na porsiyentong makakapasa ako. Posible pa ngang makakuha ng mataas na marka dahil sa lahat ng subject, ito lang ang hindi nangangailangan ng written exams. Kahinaan ko kasi iyon at alam kong ganito din ang sasabihin ni Mitsui sa tanong na iyon.
Kung ako na isang hamak na basagulerong point guard ang kakamustahin, magtataka siguro kayo kung bakit ako nasa bahay ni Ayako. "Pssst! Ryota... Simulan na natin." Masyadong malambing ang pagtawag ni Ayako sa pangalan ko o baka naman nasa loob pa din ako ng aking imahinasyon kung saan ay lagi kaming magkasundo ni Ayako sa lahat ng usapin.
Mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ay sinundan ko siya patungo sa kanyang kwarto at masiyasat ko siyang tinitigan. Grabe! halos ilang buwan din kaming hindi nagkita at madadatnan kong mas lalong naging balingkinitan ang hubog ng katawan niya. Nang marinig ko ang boses niya, malamang ay hindi na ako makakatulog mamaya dahil natameme na ako sa kagandahan niya.
Matagal ng sumasagi sa isip ko ang tungkol sa maaaring kahinatnan ng pagkakaibigan namin. May pag-asa nga ba talaga ako sa kanya? Matagal na din kasi siyang namamangka sa dalawang ilog at hindi pa din siya makapagpasya tungkol sa pagmamahal ko sa kanya. Sa madaling sabi ay wala pa din kaming ganap, walang label. Ang saklap diba? Iyong tipong may pinaglalaban ka pero wala kang kaalam-alam kung may mapapala ka ba sa huli o wala.
"Tigilan mo muna iyang kadramahan mo para makapag-umpisa na tayo." naiinis na si Ayako sa akin dahil nakatunganga lang ako sa hallway.
"P-pasensya ka na sa akin Ayako, hehehe..." Natatawa na lang ako sa inaasal ko pero parang hindi na ako sanay makihalubilo sa iba dahil ilang araw rin ang nakalipas na hindi ako nakakalibot sa ibang lugar.
- BACK TO SCENE -
[Ayako…]
Hay naku naman! Bakit ba nauuso pa din ang group projects kahit may pandemic? Hindi ko din maintindihan ang iba kong kaklase na pilit kaming pinagpapares ni Ryota sa lecheng Final Ex- am na ito.
⏱Flashback⏱ ►
Halos kakagising ko lang nang biglang tumawag sa aming group chat ang facilitator namin sa MAPEH para pag-usapan ang mga deadlines na kailangang matapos bago kami payagang dumalo sa graduation ceremony. "Kailangan niyong pumili ng sayaw na ating natalakay sa buong semester at gumawa kayo ng video presentation tungkol dito." utos na sabi ni Ma'am Kumi sa amin.
"Pwede po ba kaming magsolo sa project?" Tanong ko agad kay Ma'am. Sasagutin na sana ito ni Ma'am nang biglang may nag- salita sa klase namin.
"Ayako, social dances ang naging topic natin sa buong semester kaya kailangang may kasama. Equally divided naman ang klase kaya wala tayong magiging problema sa bagay na iyon." sabi ni Mari na hindi ko hinihingan ng paliwanag ngunit nakasingit sa usapan.
"That's right at kayo na ang bahala kung sino ang gusto niyong maging dance partner. Ang mahalaga ay may maipakita kayong output sa katapusan ng deadline at ito na din ang basehan ng computation ko sa Finals niyo. Maliwanag ba?!" pagdidikta sa amin ni Ma'am at sumang-ayon ang lahat sa napagkasunduang requirement na ipapasa.
◄ ⏱End of Flashback⏱
Nang matapos ang tawag ay halos lahat sila ay may iniisip na plano para sa project namin maliban kay Ryota na offline sa mga oras na iyon. Nakakairitang isipin na mismong class president pa namin ang nangungunsinte para pagsamahin kaming dalawa.
Social Dances pa man din ang pinagdiskitahan ni Ma'am Kumi na balita ko ay mayroon din siyang dance studio sa kapitolyo ng Nagoya. Sa madaling salita, kailangan naming sumayaw ng magkasama ngayon ni Ryota. Is it really necessary? Marami kasi akong nakikita sa internet na solo routine ang concept. Maganda naman ang feedback mula sa netizens ng ibang vloggers kaya iyon ang naisip kong plano para sa finals na ito.
Isa sa dahilan kung bakit ayokong kasama sa group projects si Ryota ay dahil madali siyang madistract at hindi nakakapagfocus sa gawain. Mula nang malaman kong may pagtingin siya sa akin ay hindi ko pa din alam kung paano ko siya pakikisamahan. Nahihiya lang ba talaga ako sa kanya dahil may gusto siya sa akin?
- BACK TO SCENE -
Pareho silang dalawa ni Ayako at ni Ryota na qualified candidate for graduation kung kaya't minamadali na ang mga teachers sa grades ng mga third year highschool students. Sa makalawa na ang deadline kaya puspusan ang paghahanda nila Ryota at Ayako para sa kanilang project.
"Ayako, maayos na ba itong suot ko?" Nahihiyang tanong ni Ryota sa kanya.
"Masyado naman atang pormal iyan. May pupuntahan ka bang binyag?" Birong sabi ni Ayako kay Ryota dahil nakasuot siya ng coat and tie at terno pa ito sa kulay ng bistida niyang disente.
"In all fairness, tumangkad siya ng konti at bumagay sa kanya ang suot niya." Bulong ni Ayako sa kanyang sarili at hindi pinapapa- halata na nagagwapuhan siya sa porma ng kapartner niya.
"Ang totoo niyan ay hiniram ko pa ito kay Mitsui kaya pa-sensya ka na kung medyo maluwag ang damit sa akin." Kalmadong paliwanag ni Ryota at tila hindi na pinapansin ang maliit na detalye na binabahagi sa kanya ng kaibigan niya.
"Okay but no one asked about that. Napractice mo naman siguro iyong steps diba?!" seryosong tanong ni Ayako sa kanya.
"Syempre naman basta para sa'yo, pagbubutihin ko ito." masayang tugon naman ni Ryota at agad pinutol ni Ayako ang kaligayahan ng kasama niya.
"Dapat lang dahil kapag pumalpak tayo dito, wala ng sec- ond chance para sa mataas na grades. Hinahabol ko ang standards ko para sa pangarap kong academic scholarships at alam mo na- man na feeling pa-Major ang subject niya." reklamong saad ni Ayako habang pinag-uusapan nila ang kanilang hinaing tungkol sa teacher nila.
"Ang dami niyang gustong ipagawa. Hindi ba niya naiisip na mayroon pa kaming ibang subject that really matters sa college na papasukan namin?!" bulong ni Ayako sa kanyang sarili.
"Akala ko ba walang problema sa'yo ang MAPEH?" pagtataka ni Miyagi sa mga binibitawang pahayag ni Ayako.
"Kahit tumakbo pa ako ng ilang kilometro para lang mabuo ang running laps sa field ay hindi ko aatrasan iyon pero sa pagka- kataong ito, mas masahol pa sa talangka ang lakad ko ngayon pa lang." paliwanag ni Ayako at napatotohanan naman niya ang kanyang hinanakit dahil sa suot niyang heels na hindi niya nakasanayan.
Sa mga pagkakataong iyon ay nagpasya si Miyagi na buhatin na siya paakyat ng terrace imbes na palakarin pa si Ayako ng nahihirapan. "Teka, ibaba mo ako! Ano bang binabalak mo Ryota?!" biglaang sigaw ni Ayako dahil sa gulat ng ginawa ni Miyagi.
"Di mo ba naalala, the man always leads the movement while the women always follow?" ngiting sabi ni Miyagi sa kasama nito.
"Tsk! Dahil ba social dance are partner dance na laging in sync dapat for best result?!" sabi ni Ayako na medyo nahimasmasan sa sariling kaba sa dibdib.
"Gano'n nga kaya matatapos din ang hell week ng finals kapag natapos na natin ang dapat na gawin." panghihimok ni Miyagi sa mapayapang mindset na kailangan upang mapaghandaan ng husto ang buong performance nila on camera.
Sa dami ng mga napag-usapan nila sa klase, ang Waltz ang napili nilang dance genre dahil madali itong masundan mula sa step, slide, step na pattern. Ang espesyal pa dito ay mayroon pa itong ibang kahulugan para kay Ryota.
"It is a ballroom dance that is usually performed by couples in elegant motion. Sana kahit man lang dito maramdaman niyang seryoso at totoo ang pagmamahal ko sa kanya." bulong ni Ryota sa kanyang isip.
Pagkarating nila sa terrace ay umupo muna sila sa mga bench na nakatapat sa sunse at nagpahinga muna sila doon ng ilang sandali. "Hinanda ko na ang makakakain natin pagkatapos nito kaya sana magustuhan mo iyon kahit medyo kakaiba ang lasa nun." sabi ni Ayako at medyo naiilang sa kanyang kapalpakan.
"Kahit anong klaseng luto pa iyan, basta pinaglaanan ng sapat na panahon ay paniguradong babalik-balikan ang aroma na galing sa masarap na pagkain." pasasalamat ni Ryota sa pagtang- gap ni Ayako sa presensya niya.
"Oo nga pala, huling taon na natin sa Shohoku at hindi man lang tayo nagkita ni minsan pati na ang team. Kamusta na kaya sila?" biglaang tanong ni Ayako habang sineset up ang camera nila para sa video recording.
"Maayos naman siguro ang kalagayan nila." Sabi ni Ryota at dagdag pa nito, "Pwede ba akong makiusap sa'yo Ayako?"
"Ano ba iyon?" napalingon na lang si Ayako kay Ryota at unti-unti siyang nilapitan nito. Seryosong nakatingin si Ryota sa kanya kaya kinakabahan siya sa pwedeng mangyari.
"Pwede bang huwag mo munang isipin na para sa final exam itong ginagawa natin." Ayon kay Miyagi na desidido sa kanyang pasya.
"Umayos ka nga. Ano ba ang sinasabi mo dyan Ryota?" nakakunot ang noo ni Ayako noong tanungin niya si Ryota.
"Ngayon lang kasi sa taon na ito na hindi natuloy sa batch natin ang JS Prom kaya nakakapanghinayang. Balak ko talaga na ikaw ang unang isasayaw ko pagdating ng araw na iyon kaya lang ganito ang nangyari." dismayadong sabi ni Ryota at tinutukoy nito ang pandemic na naging dahilan ng lahat ng naudlot na plano.
Napabuntong hininga na lang si Ayako nang mapagtanto ang dahilan kung bakit desperado si Ryota na mapabilang ang pan- galan niya sa taong minamahal niya mula sa malayong tingin.
"Magiging masaya ako kung ikaw ang first dance ko sa gabing iyon." ayon kay Ayako sa kanyang sarili. "Magagawa mo naman ang gusto mo ngayon." pasimpleng sabi niya ngunit abot hanggang langit ang nararamdaman niyang kasiyahan.
"So, will you allow me to do the honors?" ngiting sabi ni Miyagi at sabay niyang inilahad ang kanyang palad kay Ayako.
"Of course." tinanggap ni Ayako ang alok ni Ryota at nagsimula na silang sumayaw kasabay ng huni ng musika.
Dumating na ang araw ng pasahan ng requirements ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay magkakaroon pa ng aberya ang kanilang proyekto.
"Mr. Miyagi, nasaan na ang video output niyo ni Ms. Ayako? Kayo na lang ang hindi nakakapagpasa." pag-aalalang tanong ni Ma'am Kumi sa kanila habang nasa tawag.
"Sandali lang po." Sabay nilang sinabi at nagleave sandali sa call. Tinawagan naman ni Ryota si Ayako sa telepono at napansing nagpapanic ang boses nito.
"Narecord ba ng camera iyon?" Kinakabahang tanong ni Ryota kay Ayako dahil wala silang backup file sa pagkakaalam niya.
"Oo naman kaya lang mukhang nacorrupt ang file." Walang ganang sabi ni Ayako na may kasama pang luha sa mga mata.
"Teka huminahon ka saglit. Nahagip naman siguro tayo ng CCTV sa bahay niyo nung sumayaw tayo diba?" pagpapakalmang sabi ni Ryota na siyang nagpatahan kay Ayako.
"Oo nga noh?! Nag-iisip ka din pala paminsan-minsan." natutuwang sabi ni Ayako.
"Syempre, baka nakakalimutan mo Ayako na henyo din ako tulad ni Sakuragi." pagyayabang na sabi ni Ryota at nagpatawa naman ito kay Ayako.
Tanging edited version ng CCTV footage ang naipasa nilang dalawa sa kanilang final exam. Kung kayo ang magbibigay ng final grade, ano sa palagay niyo ang score na karapatdapat na ibigay sa kanilang dalawa?
Wakas