Baixar aplicativo
22.8% Pagdating Ng Panahon / Chapter 13: Chapter 13: Effort

Capítulo 13: Chapter 13: Effort

"Papa, bakit naman ako ang kailangang humarap sa kanila sa sabado?. May pasok po ako.." sa gate palang kung saan kakaalis ng mga bisita. Nagreklamo na ako sa kanya. Sa dami naman kasi namin dito sa bahay. Ako pa, isinugal nya para makisama sa kanila. Paano kung ayoko?. Paano kung wala nga ako't may pinuntahan rin?. Paano kung, di ko kayang humarap sa Toro na yun?. Kainis naman!

"Hindi naman sigurado kung tuloy sila sa sabado o linggo anak... bakit?. Ayaw mo na ba silang pumunta rito?. Tsaka depende na rin kung available nga ba sila o hinde.. gaya ni Poro.. pinakiusapan lang sya ni Kian na sumama ngayon dahil nga may alam sya about law. He's currently reviewing for his board exam.. kaya laking pasalamat ko rin sa batang yun dahil kahit wala syang extrang oras. sumama pa rin sya para tumulong.. tulungan ako.."

Bakit hindi totoong abogado ang kinuha nila kung ganun?. Bakit kailangan pa yung gaya nyang nagsisimula palang?. Itatanong ko na sana ito ng nagsalita ulit sya.

"May kasama kaming abogado. Galing PAO. pero gusto lang makasiguro ni Kian sa mga pipirmahan.. marunong naman akong magbasa at maalam din tungkol sa batas pero iba pa rin ang may taong pinag-aralan ang tungkol sa batas.."

Anong point bat sinasabi nya ito sakin ngayon?. I ask this to myself. Di na sinabi para di sya masaktan. Para maintindihan mo ang lahat Kendra. Ako na rin mismo ang sumagot sa sariling katanungan.

"At ikaw ang gusto kong humarap sa kanila kapag nandito sila dahil alam kong may tiwala ako sa'yo.."

"Si Ate nalang Pa.." iling ko pa. Di pinapahalata ang pagka-disgusto. "Wag na ako.." kinuha nya ang braso ko't inakay na sa loob. Yung coke. Binigay nya na rin sa kanila. Tutal daw. Di na sila kakain rito. E di wow!.

"Malaki ang tiwala ko sa'yo hija.. wag mo sana akong ipapahiya.." napalunok ako ng sobra. As in. Matunog pa. Oo nga. Ayoko syang ipahiya. Bakit ko naman gagawin yun?. Kaso ang problema, kaya ko ba talaga?. Gaya ng sabi nya. Kaya ko bang panindigan ang tiwalang meron sya sakin?. May tiwala naman ako sa sarili ko pero sa taong yun?. Sa ngayon?. Wala. Pa.

"Itaon nyo nalang kasi ng off nyo Pa para kayo na mismo ang makasama nung dalawa?."

"Kahit naman off ko anak kung wala silang oras. Gaya ni Poro?. Nakakahiya kung lagi nalang natin silang paghihintayin.."

"E di, i-gcash nyo nalang po ang pangtreat nyo sa kanila.." natawa din ako sa sariling isipin.

Binatukan nya ako. As in. Batok talaga!.

"Ikaw na bata ka.. hindi nababayaran ng kahit magkanong halaga ang effort ng isang tao.. lagi mo yang tandaan.."

"E bakit po ako?." tumawa na sya. Kinamot na ang buhok na may kaunti nang uban. Ngayon ko lang din napansin ito.

Hay.. lungkot ang bumalatay sa akin. Tumatanda na nga pala sya. Hindi na rin kami mga bata. Oras na rin siguro para magtino.

LoL.. inamin mo na rin na di ka matino?.

What?. May sinabi ba akong ganun?. Ang sabi ko lang. Oras na pala para magseryoso sa lahat ng bagay. Tama na ang laro. Iyon yun.

"Iba na kasi yung sa'yo.. suhol na yun para di ka mapunta kung saan saan.."

"Ganun po ba yun?." natatawa naman syang tumango. Suhol talaga?. Really?. But I like it huh?. They are doing their best para di talaga kami mapariwara at mapunta sa kung saan saan. They gave us freedom but not that free. Gusto ko ang protocol nyang ito. May pagkarebelde na matino. Kuha nyo?. O hinde?. LoL. Basta ganun. Yung tipong, oo. Gagala ka. Iinom. Magpakasaya sa mga barkada. Pero laging may pero. Gumala pero wag lumayo. Uminom pero wag magpakalasing.. Magpakasaya at sumama sa mga kaibigan pero wag lang basta ibigay ang sarili. Bagay kung kaya't di namin masasabing pariwara kami ni Ate. May daan kaming sinusundan. May salita kaming kinakapitan. At may tao kaming pinapakinggan. So, wether we like it or not. Kailangan sumunod. Hindi pala. Kahit pala ayaw namin ng rules nya. We'll definitely follow him dahil we respect him that much. We owe him everything. Lahat gagawin para mapasaya sya.

Talaga?. Kahit ang harapin mo si Poro?.

Yes! Kahit irequest pa nyang samahan ko si Poro kahit saan. Basta sabihan nya lang ako. Pag-iisipan ko ng husto. But surely. In the end. I'll follow his order.

"Oo na po.. just tell me if they are here.." pinal na sang-ayon ko sa kanya.

Bagay na pinagsisihan ko bigla.

Dumating ang sabado. Wala pang isang linggong lumipas. Dumaan ang mga kaibigan ni Karen dito sa bahay. Ang sabi nila. Lalo na ni Winly na pinakakilala ko sa kanilang lahat. Gusto raw nilang tumambay dito, kahit ngayon lang.

Imbes sungitan sila. Paalisin at magdahilan na may lakad ako. Wala akong ibang choice kundi ang paunlakan sila sa loob.

"Te, kilala mo yun?." nasa kusina ako. Abala sa paghahanda ng meryenda nila ng tumabi sakin si Winly. Nasa labas si Karen. Sya ang nag-eentertain sa kanila. Si Mama naman. Kakalabas lang. Maggogrocery daw. Isinama na si Kim. Si Ate naman. May case study daw sila. Ako?. Kingina!. Yung thesis ko pa. May group project pa kami at gagala pa sana kami ni Jane pero.. itong pero na to... sakit talaga minsan sa ulo. Pero nandito sila. Nakakahiya kay Papa. Lalo na at humiling ako ng isang bagong Nike na sapatos. Wala. Kailangan dapat bumawi.

"Sino?." tanong ko kahit halos kasinghaba na ng kamay ng kutsarita ang kanyang nguso. Sinundan ko ang tinutukoy nya.

"Yung lalaking nakaupo sa armrest ng sofa nyo?." gumalaw-galaw pa kilay nya. Tinignan ko naman iyon sa gilid ng aking mata. Nakaupo nga si Poro doon. Tabi ni Aron na parehong tutok sa tv ang mga mata.

"Bakit mo naman naitanong?." balik tanong ko dito kahit di pa sinasagot ang tanong nya.

"Gwapo sya noh?."

Lumunok ako sabay alis sa tabi nya para lagyan ng tubig ang pitsel. Magtitimpla akong juice. Wag na ang soft drinks. Baka ma-diabetes sila. O kaya ay langgamin sa ka-sweetan ko. Ew!.

Kunwaring nagkibit ako ng balikat. "Abogado pa.." dagdag hirit nya. Ano kayang problema ng batang to?. Bakit ang daldal nya ngayon?.

"Type mo?." biro ko. Tignan natin kung anong magiging reaksyon nya.

Tumawa sya. "Hell no.. isusumpa nya ako yan pag ginusto ko sya.."

"E bat sya topic mo ngayon?. Bago nyo ba syang kaibigan?." nacurious lang ako. Sila lang kasi nila Bamby, at ng magkapatid na Kuya ni Bamby ang kilala ko by names pa. Si Bamby palang ang namest ko dito in person. Tas ang iilan na. Si Bryan, Bryle, Jaden at Ryan at Kian na. Yun lang. Nagulat nga ako nang malaman na kakilala nya ang kapatid ko. Tinanong ang sarili kung paano?. Sana lang sagutin ako ng bakla.

"Nope. Nagtaka lang kasi ako. Kanina pa kasi tingin ng tingin sa'yo. Hihi.." kinalabit pa ako. Ang lintik!. Napatalon ako ng di oras.

"Tsk.. baka namamalikmata ka lang.." iling ko din sa sinabi nya. Kunwaring di apektado. Sinilip ko paibaba ang taong nasa sala. Kurtina lang kasi ang pagitan ng sala at kusina kaya kita ang mga tao mula sala hanggang dito sa aming hapag.

"Oo nga Ate.. tignan mo kasi. hay naku!. Nacurious ako bigla. Gusto mo.. tanungin ko sya para sa'yo?."

Matindi ko syang inilingan at hinarangan sa pagtangka nyang pag-alis. Pupuntahan nya talaga ito. "Wag na Winly.. baka nagagandahan lang yan sakin...ganyan naman lahat ng lalaking nakikita ako.."

Feeling?. As if, Kendra!

"Grabe!. Yan nga rin naiisip ko Ate eh.. sa madaling salita, bagay na bagay kayo.. sya gwapo.. tinitilian ng mga babae sa school nila tapos ikaw, habulin ng mga lalaki, dahil.." iminuwestra nya ang kabuuan ko. Umupo pa nga ng bahagya tas tumayo rin. "Ang ganda ganda.." puri nya sakin.

"Naku! Maganda tayo Win. kaya.. pakidala na din ito sa mesa.." utos ko nalang sa kanya para mawala ang pagka-interes nya sakin. Samin ng kaibigan nya.

Nakahinga naman ako ng maluwag nung umalis na sya.

Nga lang.

"Need help?." ilang sandali bago nakaalis si Winly. Dumating sya. Hawak pa ang kurtinang harang sa pagitan ng sala at kusina. Sinulyapan ko lang sya. Inabala ang sarili sa pagluluto ng lumpya.

"No. Thanks.. I can handle.." marahan kong tugon. Kahit ganun ang sinabi ko. Lumapit pa rin sya't pinanood ang ginagawa ko.

"Ikaw may gawa nyan?." he started. Sumandal pa sa lababo.

"Nope. Binili sa labas.." sagot ko kahit di sya tinatapunan ng tingin.

"I see.." awkward silence ride between us. "Ah.. sorry nga pala nung nakaraan.." hinging paumanhin nya bigla.

Dito ko lang din sya sinulyapan.

"Tsk.." Singhal ko pa.

Tahimik naman syang natawa kasabay ng sandaling pag-iling.

"Nainis ka?."

Nagtanong pa?. Malamang!

"Of course. sinong hinde?." umirap ako. Binaliktad ko ang lumpya para maluto ang kabilang side nito.

"Okay.. I'm sorry.."

"You should be.. alam mo bang pinagdudahan ko rin ang sarili ko noon?. Mukha ba talaga akong Manang?. Sinungaling ka ba o nagsasabi ng totoo?. But then. Here's Papa.. sinabing, nagsasabi ka lang daw ng totoo base sa nakikita mo.."

Bigla syang humagalpak.

"Hahahahahahahaha.. si Tito talaga.." anya pa. Sinisi pa si Papa.

"Bwiset.. Bwiset na bwiset ako sa'yo. Alam mo ba yun?." pinagduldulan ko pa sya ng sandok. Tawang tawa pa sya ha.

"I know.. halata naman kasi sa mukha mo.. hahahaha.."

"Tapos natatawa ka pa ano?."

"Hahahahah.." di talaga panawan ng ngiti ang labi nya.

Then natahimik na sya ng di na ako nag-ingay. Pinanood na nya ako sa ginagawa. Until. Kinuha nya ang hawak kong sandok at sya na ang nagluto ng iba.

A, for effect ba!


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C13
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login