Baixar aplicativo
27.27% The Supreme Nature / Chapter 3: 2: Awakening

Capítulo 3: 2: Awakening

*CHAPTER TWO*

When we are in danger, something hidden inside our body will activate in order to save us. It was the flight or fight response, though temporary, it will give significant boost to our senses, strength and reflexes.

I guess it was what happened to me right at this moment.

I was in the brink of death, out of breath and strength. However, I guess this isn't my time yet to meet my creator. I feel a warm sensation all over my body while I was struggling for my last breath.

The moment I moved my feet I was able to swim in an unbelievable speed upward. As a result, I was sent meters above from the lake water. When my feet touches the lake water again, I was already in the shallow part of the lake. I heave a huge sigh of relief as I sit in the lakeside.

I can't believe I just escaped death.

Iniisip siguro nina Gin na makakalangoy pa ako kaya nila ako hinagis sa lake. Or they really intends to kill me? 

Nang maisip ko ang ginawa nilang pambubogbog sa akin, parang mas uminit ang buong katawan ko at nakaramdam ako ng urge to retaliate.

To calm myself down I closed my eyes and let out several huge breath.

"Hey Ethan, do you think that piece of trash is drowning now?"

"Yes Boss, I haven't seen him move before we left."

"Maybe he don't know how to swim." 

Bigla akong napadilat nang marinig ko ang boses nina Gin at ng kanyang mga kasama habang nag-uusap. Thinking that they're near, I immediately stood up and face the direction where their voices came from. Pero mas nagulat ako nang wala akong makitang tao sa paligid.

But I can clearly hear them. What's wrong with me? Why can I feel something weird happened to me? Am I stuck in the flight or fight state of my nervous system? Oh no. It's not good.

Out of panic, I started to run to the direction where I can hear Gin and his group. Kailangan kong makabalik sa academy upang i konsulta sa doctor ang sitwasyon ko. I can feel that something is not right.

After a few seconds of running, I saw five figures of men walking away from the lake.

Dahil sa nakita ay bigla akong napahinto. Naririnig ko na ngayon pati ang mga footsteps nila. But I am not just hearing things kasi nakikita ko naman sila. This means na hindi pa pala ako nasiraan ng bait. One of the signs na nasisiraan ka ng bait ay yung may naririnig ka na raw na kung anu-ano. Pero totoo pala yung mga naririnig ko, kaya nakahinga rin ako ng maluwag.

But then realizations struck me again. Why the hell can I hear them from the distance earlier? And why I can hear their footsteps now?

Ahh! This is really bad.

Kailangan ko talagang kumunsulta sa doktor ngayon. I was really stucked in the flight or fight state, at base sa mga nababasa ko, hindi ito nakakabuti sa katawan.

"Boss! He's behind us."

Maya-maya'y narinig kong sabi nung isa sa mga kasama ni Gin.

Dahil dun ay napalingon silang lahat sa direksyon ko.

I'm doomed again.

"What? You want more beatings?" Pasigaw na tanong ni Gin sa akin, almost 100 meters kasi ang layo nila sa akin. 

Instead of feeling fear after hearing his arrogant remark, I can feel the urge to beat him.

I can tell that something is really wrong with me as I used to fear him and his likes. But this time, I couldn't find those fear inside of me anymore.

Pero pinili kong umiwas sa kanila. Ayokong mabugbog na naman. Ibang daan ang tinahak ko palabas ng Redwood upang maiwasan sina Gin.

"You better not tell anyone what happened today, trash! Or I will come looking for you again." Pasigaw na banta ni Gin sa akin.

I know they're rich and well connected to powerful individuals, pero hindi naman siguro nila hawak ang leeg ng mga pulis, diba? At may ebidensya naman akong binugbog ako. Kaya isusumbong ko sila sa pulis. Sobra na kasi tong ginawa nila. Kung emotional bullying ang ginagawa nila sa akin, maaring hindi ako aaksyon dun, kasi hindi naman sila makukulong dun. Pero pag ganitong physical bullying na, kailangan na nilang managot. Kasi kung hindi ko sila isusumbong sa mga autoridad, iisipin nilang kayang-kaya nila akong ganitohin habang buhay.

With this thought, I hasten my steps to leave the Redwood forest. At pagkalipas ng kalahating oras na paglalakad ay nakalabas na ako ng Academy. Pumara agad ako ng tricycle at nagpahatid sa Police Station.

Pagkaraan ng labing limang minuto ay narating ko na ang Police Station ng syudad ng Santa Mesa. Ito ang lungsod na kung saan naroon ang Barangay na tinitirhan ko.

"Magandang hapon po Sir. Ipapa-blotter ko po sana ang pambubogbog sa akin ng grupo nina Gin Lopez." Sabi ko sa isang police na naka-upo sa information desk pagpasok ko ng Police Station.

Tiningnan muna ako nito mula ulo hanggang paa bago tumango at kinuha ang isang log book. "Anong pangalan mo at taga saan?" Sabi nito sa akin.

"Gale Rushton po. Nakatira ako sa Zone 5, Barangay Syete, Santa Mesa City. At kasalukuyan po akong nag-aaral sa Lexington Academy." Tugon ko naman agad sabay kuha ng student ID ko na nasa wallet ko.

"Sige, sabihin mo anong nangyari." Sabi naman nito.

Sinabi ko sa kanya ang lahat. Simula nung pinuntahan ko ang girlfriend ni Gin hanggang sa dun sa binugbog nila ako at hinagis sa mini-lake.

"Kaya pala basang-basa ka." Sabi ng pulis pagkatapos isulat sa log book ang mga sinasabi ko. "Pero kailangan mong malaman na Lopez tong ini-reklamo mo. Isa sa pinakamayaman sa lugar na ito. Kaya kailangang paghandaan mo ang mangyayari oras na malalaman nila ang reklamo mo." Patuloy na sabi nito.

"Anyways, rest assured na gagawin namin ang lahat nang aming makakaya para sa agarang aksyon sa reklamong to." Sabi nito sa akin sabay tapik sa aking balikat.

Tapos ay nagpaalam ito sa akin upang sabihin sa chief nila ang tungkol dun na pina-blotter ko.

Alam kong napakayaman ng pamilya ni Gin. Pero hindi naman siguro nila hawak ang mga pulis dito. Maari nilang gamitin ang connections nila para mapawalang kwenta tong aking reklamo, pero at least alam nilang handa akong lalaban kapag ganitong sumusobra na sila.

"On process na ang reklamo mo, Rushton. Tatawag nalang kami sa contact number na binigay mo para sa updates." Maya-maya'y sabi nung pulis na nakausap ko pagkalabas nya nang office ng chief nila.

"Sige po Sir. Maraming salamat po." Sabi ko sabay yuko bilang paggalang sa kanya at tuluyan nang lumabas ng Police Station.

At dahil nagtitipid ako kasi gumastos na ako kanina ng 20.00 sa pamasahe ko patungo rito, minabuti ko nalang maglakad patungo sa Academy. More or less 3 kilometers lang naman ang layo ng Academy mula rito, kaya kayang-kaya ko lang itong lakarin nang 30 minutes lang.

....

After 30 minutes..

Papasok na ako sa main gate ng Lexington Academy nang biglang may isang Police Car na huminto sa likuran ko. Bumaba agad ang police na sakay niyon sabay sigaw. "Mr. Gale Rushton, sumama ka sa amin sa presento nang matiwasay!"

Pagkatapos ay tinutukan ako nito ng baril at pilit pinadapa sabay posas ng aking mga kamay.

"Anong kasalanan ko, Sir?" Tarantang tanong ko habang nanginginig sa kaba.

"Tumahimik ka nalang kung ayaw mong madagdagan ang iyong kasalanan." Matigas na sabi nito sabay kaladkad sa akin papasok ng Police Car.

"Illegal tong ginawa nyo, Sir. Anong kasalanan ko? May warrant of arrest ba kayo?" Sunod-sunod na tanong ko nang makapasok na ako sa Police Car.

"Sabi nang tumahimik ka, eh!" Galit na sabi nung isang pulis na tumulong upang makapasok ako dito sa loob ng sasakyan. Dalawa kasi silang umaresto sa akin.

"At wag mo kaming masabihang illegal tong ginagawa namin dahil mas may alam kami sa batas kompara sayo." Matigas na sabi nung pulis na naglagay ng posas sakin kanina.

Dahil sa wala na akong magawa, tumahimik nalang ako. Malalaman ko rin naman siguro mamaya pagdating ko sa Police Station kung ano ang dahilan bakit nila ako inaresto nalang bigla.

Pagdating namin ng Police Station ay kinaladkad agad ako ng mga pulis na umaresto sa akin dun sa opisina ng Chief nila. At dun nakita ko si Gin na may kasamang lalaki na sa tantya ko ay nasa early forties na ang edad.

Sabi ko na nga ba, gagamitin talaga ng mga Lopez ang kanilang kapangyarihan, eh. Dahil dito ay mas kinabahan ako. Pero wala eh, nandito na ito. Kaya haharapin ko nalang kung anong kalalabasan nito mamaya.

"Allow me to introduce myself, Mr. Rushton. Ako si Attorney Cris Napier. Associate Legal Council ng Lopez Group." Sabi nung middle age na lalaki nang makapasok kami sa office ng Police Chief. "We received a call from Chief Paterno regarding the police blotter you filed against Mr. Gin Lopez. However, as we found your stories defamatory to us, we decided to file an oral defamation or slander complaint to the court. Supported with enough evidences, our good Police Officers here has secured the warrant of arrest for you. And that explains why you're here." Pormal na sabi ng abogado ng mga Lopez sa akin.

"Pero totoo po yung sinabi ko. Alam na alam yan ni Gin." Mangiyak-iyak kong sabi sa kanilang lahat.

"Well, you have all the right to prove that in the court, Mr. Rushton." Sabi naman nung abogado sa akin. "As for now, I guess, you will be staying behind the bars."

"N-no! Sir, please. Ako po ang inosente rito. Alam na alam po ni Gin yun. Ako po ang binugbog." Emosyonal kong sabi habang tumutulo ang mga luha.

Pero wala na akong nagawa nang dalhin na ako ng mga pulis sa detention cells nga Police Station.

"Sir! Parang awa nyo naman oh. Inosente po ako. Ako po ang biktima rito! Mga Sir please naman.." Pa-iyak na pagmamakaawa ko nang tuluyan ng ni-lock ng police ang selda.

Pero kahit anong sigaw ko, parang wala silang narinig at tuluyan nang umalis.

Napaupo nalang ako sa sahig ng selda nang mawala na sa aking paningin ang mga pulis.

I didn't expect this to happen. So, ito pala ang kapalit ng pagtindig ko laban sa isang mayaman? Kung alam ko lang na ito ang kahahantungan hindi nalang siguro ako nagsumbong. Akala ko bubogbogin lang ulit ako nina Gin, pero mas worse pa pala ang ginawa nila. Paano na ako ngayon? Paano na ang pag-aaral ko? Masisira na ba talagang tuluyan ang kinabukasan ko?

Kaya pala takot ang karamihan na banggain ang mga malalaking tao, kasi ganito pala ang kahahantungan.

"Relax ka lang bata. Makakalabas karin dito."

Napalingon ako sa bandang likuran nang marinig ang kalmadong boses lalaki na nagsalita. May dalawa pala akong kasamang lalaki rin, ngayon ko lang napansin. Nakaupo sila sa kanilang kanya-kanyang tarima habang nakahubad ng pang-itaas na damit.

"Anong kaso mo?" Tanong nung isang lalaki na may bigote at payat ang pangangatawan.

"Slander daw." Tugon ko naman habang pinupunasan ang mga luha. Ayokong magmukhang mahina sa harap nila.

"Asus! Maliit ang kasong yan. 30 days lang yan labas kana, o baka kung may pang pyansa ka okey na yan." Sabi naman nung lalaking malaki ang katawan na may tattoo sa bandang balikat.

"Pero totoo naman yung sinabi ko. Ako ang biktima rito. Binugbog nila ako, at hinagis pa sa lake. Frustrated murder yun." Tugon ko naman.

"Mayaman ba ang gumawa sa 'yo nyan?" Tanong nung lalaking may tattoo. 

Tumango ako sa kanya bilang tugon. "Anak ng mga Lopez sa Santa Mesa."

"Kaya pala. Ito sasabihin ko sa 'yo bilang paalala. Ang hustisya dito sa bansa natin ay bulok. Mga mayayaman at matataas na tao sa lipunan ang mga gumawa ng batas natin, eh. Wala silang ideya sa tunay na buhay ng mahihirap. Kaya kung mahirap ka lang, wag kang umasang makakamit mo ang hustisya lalo na pag mayaman ang katunggali mo. Tama yung kanta, eh. Ang hustisya ay para lang sa mayaman." Yung lalaking may tattoo parin ang nagsalita.

"Tama ang narinig mo bata. Tingnan mo ako. Pumutol ako ng patay na punong kahoy, para ibenta bilang panggatong upang may makain ang pamilya ko. Limang punong kahoy lang yun at patay pa, pero hinuli ako at kinasuhan ng paglabag ng RA 3571 at PD 953 at ito na nga nakapiit ako ngayon dito at planong ilipat sa Provincial Jail. Samantalang yung mga illegal loggers na ilang libong kahoy ang pinuputol hindi nila mahuli. Bakit ganun? May pera silang pambayad sa mga humuhuli, samantalang ako, wala. May mga loggers din na binibigyan nila ng permit kasi kikita sila, eh. Eh ang mahihirap kahit sarili mong tanim dimo maput. Masakit na katutuhanan ito." Sabi naman nung lalaking may bigote.

"Ako naman aksidenting naka-side sweep ng LTO Personnel. Nag check point kasi sila sa palikong daan, blind curve yun kaya diko agad sila napansin. Buti nalang mabagal ang takbo ng tricycle ko, kaya gasgas lang at maliit na pasa ang damage nya. Pero hinuli agad ako on the spot, pinadapa pa at sinuntok pa ng ilang enforcement agents, tapos kinasuhan parin ako ng reckless driving resulting to physical injury. Samantalang yung mayaman na sadyang sinagasaan ang isang security guard at tinakbuhan ay hindi pa nakakulong hanggang ngayon, may pa presscon pa ang gago." Yung may tattoo naman ngayon ang nagsalita.

"Kita mo naman ang kaibahan kapag mayaman at mahirap ang magkakasala laban sa batas. Kung mahirap ang magnakaw ng cellphone o kahit ano, kulong yan. Kung mayaman ang magnanakaw, kahit milyones pa yan, magiging politiko pa yan." Patawang sabi nung lalaking may bigote. "Kaya nga nakakatakot ang death penalty, kasi mahihirap ang tatamaan nyan. Ang mayayaman may pang pyansa kahit ilang milyon pa yan. May perang panggastos kahit gaanong katagal ang paglilitis ng kaso. Eh ang mahihirap? Walang pang pyansa, wala pang perang pang sustain sa napakatagal na proseso ng paglilitis." Patuloy nito.

"Kaya kapag tulad nating mahirap, wag kang umasang makakamit mo ang hustisya, lalo na pag mayaman ang kalaban mo. Dahil may ngipin lang ang batas natin sa mahihirap pero bahag naman ang buntot sa mayayaman." Dagdag naman nung lalaking may tattoo.

Napaisip naman ako sa sinasabi nila. May punto naman sila, kasi kung may ngipin nga ang batas sa mayayaman, hindi sana ako ang hinuli ng mga pulis. Hindi ko naman pwedeng i-blame yung mga pulis dahil may mga matataas na opisyal silang sinusunod. At sumusunod lang din sila sa kung anong utos sa kanila.

Sigh.

Ganito pala kabulok ang justice system ng Pilipinas. Kaya pala hindi parin nauubusan ng mari-recruit ang mga legal fronts ng CPP-NPA kasi ang dami palang nagre-rebelde dahil sa ganitong kalakaran ng justice system.

"Hoy, tumahimik kayo. Bini-brain wash nyo ang batang yan!" Maya-maya'y sabi nung isang pulis palapit sa selda namin.

"Sinabi lang namin kung ano ang katutuhanan, Sir. Pareho kaming biktima ng hindi pantay na hustisya." Sabi nung lalaking may tattoo.

"Tahimik!" Sabi nung pulis sabay bukas ng selda. "Uh, labas na dyan, ililipat na kayong dalawa sa Provincial Jail ngayon." Patuloy ng pulis sabay turo sa dalawang kasama ko.

"Ahh ngayon na pala yun? Ang bilis pala ng sampung araw." Kalmadong sabi nung lalaking may bigote sabay suot ng kanyang tshirt at ibinigay ang kamay sa kaharap na pulis.

Agad naman yung nilagyan ng posas. At ganun din ang ginawa nung lalaking may tattoo.

"Wag kang mawalan ng pag-asa bata, kung hindi makatarungan ang hustisya natin. May hustisya ang Dios." Sabi nung lalaking may tattoo bago sila hinila ng pulis palabas.

Tinanguan ko lang sila at pabagsak na umupo sa tarimang nasa gilid.

Tama lahat yung sinabi nila, biktima kami ng hindi pantay na hustiya. At mas dadami pa ang magiging biktimang tulad namin kung hindi ito aayusin ng mga matataas na opisyal ng Gobyerno. Pero malabong aayusin nila ito, kasi sa buong buhay nila, hindi sila nakaranas ng injustice. Kaya wala silang will na baguhin ito dahil hindi nila ramdam ang nararamdaman ng mga nasa laylayan ng lipunan. Saka lang naman sila titingin sa laylayan kung election.

Dahil sa inis, ay tumayo ako at humugot ng malalim na hininga sabay gigil na gigil na hinila ang dalawang rehas ng seldang kinaroroonan ko.

Then I was shocked by the time I realized that I was able to bend the bars of my cell that I was holding.

What is this? Why do I have such a strength?

Resulta parin ba ito nung nangyari sa akin kanina?

Curious of what I'm capable of doing, I tried to concentrate and bend the bars again. And this time, I was able to bend it easily. I bended it too far that I would be able to fit in its gap now.

Ang lakas ko nga. Hindi kaya panaginip lang ito? Pero mukhang totoo naman

kasi ramdam ko parin ang kaunting sakit mula sa mga pasa at sugat ko dahil sa ginawa nina Gin sa akin.

Then I suddenly stared at the gap that I have just created.

Should I escape or not?


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C3
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login