[]Ultra Curse
†Chapter One
—————
"Wait lang James, mamaya ka na tumawag naglalaro ako! "
"Bro, need na raw ni Ma'am yung outpu—"
Pinatay ko na ang cellphone at inilapag sa tabi ng keyboard ko.
Ipinagpatuloy ko ang pagpindot sa controller, kasabay nang paggalaw ng character ko sa laro.
"WINNER! TAKES ALL! "
"Yes! "
Lahat ng coins ng kalaban ko ay napunta sa akin, naka-bet kasi sa laro namin ang lahat ng pera, kaya kapag natalo kay ay back to zero ang coins mo.
Agad akong nagpunta sa store para bumili ng bagong equipments.
"Franky! "
Naihagis ko ang headphones sa harap ng computer at agad na tumayo, kinuha ko ang libro ko ay ballpen, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Ma—"
"Ano ʼtong ikaw na lang daw ang walang output sa english subject ninyo? Ha? Nag message daw sa iyo si Ma'am Rose, hindi ka nagre-reply! Nakakahiya! "
Napakamot ako sa batok.
"Hawak hawak ka pa sa libro eh hindi ka naman nag-aaral, nakabukas pa ʼyang computer— ginagawa mo akong tanga ha! Akala mo yatang bata ka maloloko mo ako! "
Parang kamatis ang mukha ni mama dahil sa sobrang galit. Yumuko na lang ako at hindi na nagsalita, sasabihin niya ay sumasagot lang ako.
Marahan kong ibinaba ang libro at ballpen sa kama, umupo ako at kinuha ang unan, niyapos ko na lang ito.
Itinuro ni mama ang computer. "Ano ʼto? " Pinindot niya ang keyboard, pero nag-pop out lang ang isang reminder.
Tumingin siya sa akin. "Francisco, ayusin mo ʼyang computer. I-back mo. "
Agad kong inayos ang computer.
"Franky, ipasa mo na ʼyung output, " mahinang sabi ni mama.
"Opo. "
"May ice cream sa baba. "
Matapos noon ay lumabas na siya ng kwarto.
—————
"Buti pumayag si Ma'am na ihabol ʼyung outputs no? "
Tinanguan ko si Yeshua. "Kaya nga eh, malay kong mataas pala impact non sa grades. "
"Sus! Sinabihan na kita, sabi mo wag muna ako tumawag kasi naglalaro ka! "
Binatukan ako ni James kaya napahimas ako sa ulo ko.
"Eh paano, All Out player ata ʼtong si Francis eh, " natatawang wika ni Yeshua.
All Out, isang online game na ini-launch noong 2040, Joey Ching ang pangalan ng creator. Nakaka-adik ang game dahil sa bawat match ay mas gaganahan kang mag level up at manalo, dahil kapag mas malakas ang kalaban mo, mas maganda ang mga makukuha kapag nanalo, iyon ay kung mananalo ka.
Nagkibit balikat lang ako. "Alam mo, James, try mo rin kayang maglaro, para naman may kaunting happiness ʼyang buhay mo. Masyado mo kasing ginagalingan sa acads, mag chill ka naman— in short, kalmahan mo Lord James! " saad ko at yumuko na ikinatawa ni Yeshua.
Natawa nang kaunti si James. "Ikaw kung nagpapasa ka nang mas maaga ng mga activities, edi sana nasa honor list ka, isa ka pa Yesh. Chill naman ako ah, tsaka I'm not into games nga! "
Tumango ako habang hinhimas ang baba. "Tama nga naman, paano, ang nilalaro mo lang yatang games ay Candy Crush o Plants vs. Zombies! "
Humalakhak si Yeshua. "Daig ka pa ni mama! Naglalaro siya ng Element Strike! "
Element Strike ay online game rin, ang bawat character ay may kanya-kanyang element, gaya ng apoy, tubig, hangin at iba pa. 2019 ito ni-launch, kahit na ganoon marami pa ring naglalaro dahil maganda ang bawat update ng game.
Inayos ni James ang salamin sa mata. "I don't play PVZ, but I play Candy Crush! Para kaya siyang chess, especially kapag may kalaban ka! "
Nagtawanan lang kami.
Natapos ang araw sa school na maraming gawain, mga activities na kailangan ipasa sa mga susunod na araw, Math assignments at Science experiments na gaganapin sa school kinabukasan, kailangan din gumawa ng poster at iilang essays.
Ibinagsak ko ang katawan sa kama, buti na lang ay hindi tumama ang ulo ko sa pader.
"Araaay! " wika ko habang umiinat, agad din akong umupo at kinuha ang bag, inilabas ko roon ang halos yuping brown envelop at ang mga topic na kailangan gawaan ng makabasag bungong essay.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko, iniluwa non si mama.
"Ma, bakit po? "
Umiling siya at umupo sa kama katabi ko. "Madami ka bang gagawin? Gusto mo pumunta muna tayo sa probinsiya? "
Ibinaba ko ang brown envelop at ang iilang bondpaper na naglalaman ng criteria at topics. "Bakit, Mama? "
Napahilamos si mama sa mukha niya. "Si lolo kasi, Franky… na-stroke daw… "
Niyakap ko si mama. "Oh, eh ano na raw nangyari? Nasaan na siya ngayon? "
Suminghot si mama at tumingala, pinipigilan tumulo ang mga butil ng luha. "Nasa bahay na raw ulit, gusto ko sanang umuwi doon, eh kaso graduating ka na, Franky, baka mahuli ka tapos ʼdi maka-graduate… "
Naging tahimik kami nang ilang minuto.
"Ikaw na lang kaya muna dito, patitingnan na lang kita kay Ate Baby. Uuwi ako. Mag-iiwan naman ako ng pera at magpapadala. "
Niyakap ako ni mama. "Franky, kailangan ako ni Lolo… ikaw muna dito, hindi pa ako sigurado kung kailan ang alis ko, pero baka sa susunod na linggo na iyon. "
Mabilis na dumating ang susunod na linggo at ang pag-alis ni mama, nakaupo ako sa hapag at nagkakape, kadarating ko lang galing sa eskwela, maraming physical activities kaya pagod ako, idagdag pa na wala si mama para salubungin man lang ako.
Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay at ihinagis ang bag ko sa kama. Kinuha ko ang brown envelope, may dalawang essay pa ako at pasahan na bukas, kinuha ko agad ang criteria na nakalagay sa bond paper. Napakunot ako nang may isa pang mas maliit na envelope ang nahulog muli sa gitna ng mga bondpaper.
"Ano ba ʼto… "
Pinulot ko ito, binuksan ko ang envelope at doon nakita ang isang maliit na papel, ngayon ko lang ito nakita, hindi ko alam na nandoon pala iyon sa envelope, pero imposibleng hindi ko iyon mapansin, dahil maski sa school ay kinakalikot ko ang laman ng envelope dahil malapit na nga ang deadline.
Nakasulat sa isang fancy font ang mga salitang—
Ultra Curse
Sa ibaba nito ay doon pa nakasulat ang ibang detalye.
Welcome, you are invited to play with different players and powers.
Please accept the invitation, Player 45, this is limited.
The date of the game will be stated on the following days, please wait for another letter.
Thank you.
Ultra Curse 2042
Tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa kaya agad kong ibinalik ang sulat sa envelope at kinuha ang cellphone ko.
"Hello, Ma? "