Chapter 13: Unbelievable.. Unexplainable
MABILIS na dinurog durog ni rozzen ang sampong rosas na kinuha niya.
"Dikdikin mo yan ng pinong pinong rozz, para mas mukhang realistic" ani ng kanyang kaibigan na isiniringan nya lang.
Pinong pinong dinidikdik niya ang mga rosas upang lumabas ang amoy sapagkat ihahalo niya ito sa kulay pulang tubig na ginawa nila kanina.
Wala kasing amoy iyon munit malapot rin tulad ng dugo. At ang kakailanganin lang nila ay ang amoy ng rosas dahil kaamoy ni shakira ang rosas..
"Ano na dude? Tapos na ba ang lahat?" tanong ni khironny pagkatapos ng ika limampung pagpasok niya sa kwarto.
Pumikit si rozzen at hindi niya mapigilan ang sarili na lumanghap ng hangin-- napakapit sya ng madiin sa mesa nung maamoy nya ang amoy ng rosas.
'D*mn it, hold on rozzen.. All this will be end soon, just.. hold on.' ani nya sa sarili atsaka binitawan ang muntikan nang masirang mesa.
"Are you alright?" hindi na napigilan ni khironny ang magtanong. He sighed and shook his head.
"I missed her." pagpapakatotoo niya at muling iling iling na lumingon sa kaibigan. "I wish this will end so soon." ayon nalang ang nasabi niya at nagpauna nang lumabas.
Pumunta siya sa kwarto kung saan umukupa sila shakira-- napasinghap siya at natigilan nung sumuot sakaniyang ilong ang kulay rosas na amoy ni shakira..
Nakagat niya ang sariling labi nung biglang kumirot ang kaniyang puso. Sandali siyang napahawak nito at iling iling na sinimulan ang dapat niyang gawin.
Kinalat niya ang pinaghalong kulay pulang tubig na medyo malapot at ang pinong rosas na nasa iisang lagayan sa buong kwarto.
Wala siyang pakealam kahit saan man ito mapunta o kung saan man ito tumalsik-- dahil ang tanging alam niya lang ay kung paano niya dapat pigilan ang sariling mamiss ang babaeng iyon.
Hindi niya nakalimutang lagyan ang kanyang bibig at leeg-- tsaka ginulo gulo ang kaninang magulo niyang buhok kasama na rin ang suot niyang polo.
Sinubukan niyang dahan dahanin ang paggugulo sa kwarto munit nabigo siya bagkos kahit anong pigil niya sa sarili ay mas lalo lamang nasisira ang bagay bagay na nasa kwartong iyon.
Napatigil siya sandali at napahawak sa dibdib nung bigla na naman itong sumakit.
Walang ibang bagay ang nagpaparamdam nito kay rozzen maliban na lamang sa sitwasyong ito.. Ni itak, baril at kung ano mang matatalas na bagay ay hindi siya magawang tamaan pero t*nginang cupido yan, sa sobrang galing nitong pumana ay diin na diin ang pana nito sakanyang dibdib!
"Rozz, are you ready?" natigil lang siya sa pag iisip nung biglang pumasok ang kaibigan niyang si khironny. "Woah, it looks.. messy" Nakangiwi pang sabi ni khironny habang iginagala ang paningin sa kwarto.
Bumuntong hininga siya at umiling. "Make me mad, khiro." seryoso niyang ani.
Bahagyang kumunot ang noo ni khironny at bigla nalang lumaki ang mata nito! Itinaas nito ang dalawang kamay bilang senyales ng pagsuko. "Dude, alam mo namang hindi ko rin gusto ng gustong mangyari ni adrasteia 'diba? Kahit sya ang nakakataas, sa side mo pa rin ako pupunta. Kung gusto mong makita siya ay ako mismo ang hahanap sakanila, huwag yung ganito dude. Baka magiba ang ba--"
"Just do it, khiro." Pagpuputol niya sa kadaldalan ng kaibigan.
ngumuso lang si khiro at umiwas ng tingin. "Make sure to not hurt me, alright?" parang bata nitong sabi tsaka sumeryoso.
Taas kilay niyang pinagmasdan ang ekspresyon ni khironny-- at nakakapagtakang bahagya itong ngumiti at ibinaba ang tingin na para bang may naalalang magandang pangyayari!
"Khironny ang sabi ko galitin mo'ko, hindi 'yong pagtripan. Umayos ka nga" irita niyang suway.
Tumaas ang labi ni khiro 'tsaka sumeryoso. "Dude, I'll be honest with you.." anito at bumuntong hininga. "I think, I'm inlove with her." seryoso nitong sabi, nakita ni rozzen ang pagkislap ng mga mata nito.
"What did you say? Can you explain it?" seryoso niyang ani.
Bumuntong hininga si khironny. "I'm inlove with her too.." 'too?'
hindi niya ipinakita ang gulat habang nakatingin sa kaibigan na nakatulala at tila nawawala sa katinuan!
"I'm inlove with her.. Because she's just different.. Her scent makes me fall inlove with her, her voice and her smiles.. Like damn, now i understand why you're inlove to--"
hindi niya na napigilan ang sarili at sinakmal nya ang leeg ni khiro!!
"What. Did. You. Just. Say?" madiing sabi niya.
Naramdaman niya ang init ng kanyang loob na until unting lumalabas.. Gumagalaw na rin ang kaniyang panga dahil sa sobrang gigil at kung hindi niya lang kaibigan 'to ay siguradong wala pang segundo ay nakabulagta na ito!
"What did you say? Repeat it." galit nyang utos.
"L-Let me g-go, d-dude.." para siyang nagising sa kadiliman at agad na binitawan ang kaibigan.
"I-I was.." napailing siya at napatingin sa kaibigan na umuubo ubo habang nakahawak sa tuhod! "I'm sorry." agad niyang ani.
Tumingin sakaniya ang kaibigan at kita niya kung paano ito tumawa kahit nahihirapan na!
"Y-You m-moron.. M-Malapit mo n-na kong p-patayin, l-loko.." tatawa tawa pa nitong sabi.
Ngumiwi siya tsaka huminga ng malalim upang pakalmahin kahit papano ang sarili.
"I need to go there." seryoso nyang sabi bago tinapik ang kaibigan sa balikat tsaka dere-deretsong lumabas ng bahay.
Mabilis siyang tumakbo patungo sa Casa De Adrasteia. At halata naman siguro kung sino ang nagmamay-ari noon.
Ang Casa De Adrasteia ay ang dating kaharian ng pumatay sakanyang ama.. Ang kaharian ng queen. Pero dahil naubos ang lagi nila ay inayos itong muli upang gawing tahanan ni adrasteia.
"Adrasteia." seryoso niyang tawag.
Agad itong lumingon sakaniya at nagulat pa nung pasadahan nito ng tingin ang itsura nito.
"W-What happened to you?" mabilis na lumapit si adrasteia sakaniya tsaka muling pinasadahan ng tingin ang kaniyang itsura. "You look messy." nag aalala nitong sabi. "Let's get in, rozz. Clean yourself first."
hinila siya ni adrasteia sa loob ng bahay at pinaupo sa malambot na mahabang upuan.
"Umupo ka muna diyan." anito tsaka bahagya siyang hinila paupo. "Maghahanda lang muna ako ng makakain, at ihahanda ko rin ang panlinis sa'yo. Nako ka talagang bata ka." kunot noo pang sabi ni adrasteia tsaka muling kumilos upang gawin ang sinabi niya.
Pinagmasdan niya ang galaw ni adrasteia. Lagi itong ganito tuwing pupunta sila rito sa tahanan nito, para silang pinuno kung pagsilbihan nito. 'Tsaka laging ito ang gumagalaw kahit pa hindi bisita.
"Oh, uminom ka muna.. Isa itong fresh na dugo ng baboy, sige na." Ani nito sabay abot ng wine glass na agad niya ring kinuha.
"Adrasteia, umupo ka muna. I have something to tell you." seryoso niyang sabi.
Tumaas naman ang kilay ni adrasteia atsaka tumawa! "Don't worry, i knew it." natatawa pa nitong ani tsaka kinuha ang wipes at sinimulang punasan ang mga dugo sakaniyang mukha. "Naamoy ko ang rosas mula sa'yo kung kaya't alam kong natapos mo na ang gusto kong ipagawa saiyo.." nakangiti nitong sabi.
Hindi siya nakapagsalita at napaiwas nalang ng tingin.
"I know how hard this for you, rozz. I got worried because i thought一 you'll turn your back on us and choose that human, but you prove me wrong and as usual you didn't disappoint me, rozz." sinsero pa nitong sabi.
Nakaramdam siya ng kaunting konsensya dahil sa mga sinabi ni adrasteia. Pero tulad kanina ay hindi siya nagsalita.
"You're the only vampire that always obey me and never disappointed me.." nakangiting ani ni adrasteia at itinigil ang paglilinis ng kaniyang mukha. "so, i hope that you'll never betray me.." naging seryoso ang boses nito kung kaya't natigilan siya at medyo matagal matauhan.
Bumuntong hininga siya at tinitigan ang mga mata ni adrasteia. "I will never be."
NAGISING nalang sila shakira sa isang bahay na parang inabanduna na dahil sa sobrang dami ng bahay ng gagambang nakasabit sa dingding at mga alikabok.
Luminga linga siya sa paligid at may kung anong takot ang kaniyang naramdaman nung hindi makita ang kaniyang anak na si julia!
Napabalikwas siya ng bangon at dali daling naglakad papalabas ng kwarto.
"Julia?" tawag niya. "Julia anak? Nasan ka?" kinakabahan niyang tawag kasabay ng paglinga linga muli sa paligid. "Julia anak labas kana. Nag aalala na si mama" hindi niya na napigilan ang pagtiklupin ang mga kamay upang doon kumuha ng gabay. "Julia.." natigilan siya nung marinig ang isang boses na nanggagaling sa dulo ng hallway!
Agad siyang naglakad patungo roon na dahan dahan lamang sa paglalakad na tila isang dagang takot makagawa ng ingay dahil sa isang matapang na pusa.
"Julia?" tawag niya ulit.
Nasa harapan na siya ng pintuan munit hindi siya makagalaw upang buksan iyon. Kinakabahan at natatakot siya sa kung anong meron sa loob.
pero agad niyang tinibayan ang loob sa iisiping nasa loob si julia. Pikit matang binuksan niya ang pinto..
Munit dahan dahang binuksan ang mata noong may marinig siyang tawanan.
"Good morning mama!" masayang bati ng kaniyang anak.
Gulat siyang napalingon kay julia pati na roon sa lalaking katabi nito! Pinasadahan niya ito ng tingin at roon niya lang napansin ang suot nitong puting bistidang pang doktor!
"Hello." doon niya iniangat ang tingin sa mga mata nito.
Naalala niya ang nangyari pagkalabas niya sa kagubatan kung kaya't agad syang lumapit kay julia at marahan itong hinila papalayo sa lalaki!
"Mama一"
"A-Anong kaylangan nyo samin?" sinusubukan niyang itago ang ano mang emosyon na nagawa niya naman.
Itinaas nito ang kamay na senyales ng pagsuko. "I don't have any bad intentions, I didn't mean to hurt you nor scare you.. its just i thought you were like them."
bahagyang kumunot ang noo niya. "Like them?" paguulit niya. "I don't care about you or your bad intentions nor your thoughts.. Let us go, we need to go." seryoso niyang sabi.
Halata sa lalaking ito na may lahi siyang american kung kaya't nagsalita na siya ng tuloy tuloy na ingles.
"Don't worry, i'll let you go.. But you need to eat first" itinuro nito ang hapagkainan at nung tignan niya iyon ay may sari saring prutas at nilagang itlog, pritong manok at isda! Mayroon ding sinigang. "Eat and I'll escort you to the exit of this forest." mahinahon nitong sabi.
Magaman ay mukhang pagkakatiwalaan ay may pag-aalinalangan pa rin si shakirang tumingin sa lalaki一 hindi niya alam kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan sa kagubatang ito dahil kahit ang taong ilang beses silang sinagip ay nagawa pa rin siyang traydorin.
"How can i be sure that you didn't put a chemical or poison there?" seryoso niyang tanong.
Tumingin ito sa anak niya kung kaya't tumingin din siya sa kaniyang anak na may pagtataka.
"We cooked it together." ani nito na nagpabalik sa tingin niya sa lalaki. "If you don't trust me, trust your child then." nakangiti na nitong sabi.
Muli niyang tinignan si julia na nakangiti ring nakatingin sakaniya.
"Niluto po namin yan mama, sa totoo lang po ay siya lang po talaga ang nagluto at ako naman po ang taga linis at taga hiwa ng mga kaylangan niya. Natandaan ko po kasi lahat ng tinuro nyo noon para po matuto agad ako at hindi na kinakaylangan ng tulong ng iba para magluto.." tuloy tuloy nitong sabi. " 'tsaka po mama mabait po si Sir. tomas dahil po talaga pong binuhat ka po niya at inilagay sa higaan at sorry po siya ng sorry sa akin." nakangiting dagdag nito.
Huminga siya ng malalim一 bagaman mayroon pa ring pagdududa sakaniyang puso ay marahan namang itong kumalma dahil sa sinabi ng kaniyang anak.
"Shall we?" aya nito.
Wala na siyang nagawa nung hilain siya ni julia paupo sa hapagkainan. Hindi niya pinansin ang lalaking dali daling kumuha ng kutsara tinidor at plato na binigay sakanilang mag-ina.
katahimikan ang namayani sakanilang lahat na ipinagpasalamat niya.
mabilis silang natapos sa pagkain. tatayo na sana siya upang iligpit ang mga kinainan nila nung naunang tumayo ang lalaki.
"I'll clean this, don't worry." nakangiting sabi na agad ipinagpatong patong ang plato bago inilagay sa maliit nitong lababo.
Tumayo rin siya at hinawakan si Julia upang igayad sa lababo upang maghugas ng kamay. Habang naghuhugas ay naramdaman niya ang tingin ng misterhosong lalaki kung kaya't taas ang kilay niya itong nilingon.
"I'm just wondering.. How the human like you can enter that mysterious part of forest?" nagsalubong na naman ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa lalaki.
"What do you mean?" hindi niya na napigilan ang seryosong tanong na iyon.
"That forest isn't let any human being enter.. So I'm just wondering.. Why you entered that forest that easily?" tanong na naman nito na mas lalong nagpagulo sakaniya!
"What's with that forest that got your attention? And why the h*ck you call it mysterious?" Tanong niya!
"Like what i said that part of forest isn't let any human even if its governor, scientist and even our president. That's why i though you were one of them which is i got it wrong. And base on my research, it is called 'mysterious' because of it, and many of scientist and even soldiers tried to enter it but an invisible line stopped them."mahaba nitong paliwanag pero alin mandon ay hindi nagsisink in sa kokote niya!
"What the f*ck are you saying? You're imagining things that wouldn't happen to the reality一"
"I feel it." putol nito sakaniya. "I see it by myself because i tried it." pag uulit nito. "If you want me to show you what i talking about then we should go there."
may pagdadalawang isip sa isip niya pero may nagtutulak rin sa isip niyang sumunod siya at baka may malaman siyang iba pa.
Tumungo siya at nag isip ng mabuti bago muling itinaas ang tingin sa lalaki. "I'll go with you, but assure me that you wouldn't do anything bad." seryoso niyang sabi.
Tumango ang lalaki. "I don't have any bad intentions towards you, i promise."
'promise.' bumuntong hininga siya bago muling tumingin sa anak niyang nakikinig rin pala sa usapan nilang dalawa munit halatang walang naiintindihan.
"Mama ano pong pinag uusapan ninyo?" takang tanong ni julia habang ipinagpapalit palit ang tingin sakanilang dalawa.
Umiling siya. "Nagtatanong tanong lang ako kung ano anong idinaldal mo sakaniya." iyon na lamang ang idinahilan niya na agad namang pinaniwalaan ni julia.
"Hindi po ako nagdaldal dahil ayaw ko na pong ilahad ang storya po ng buhay natin sa taong iiwan rin naman po natin.." nakangiti nito iyong sinabi munit may bahid na lungkot ang mga mata nito.
Hindi niya maiwasang malungkot para sa anak一 hindi niya aakalaing gagawin nitong leksyon sa buhay ang nangyari sakanila ni rozzen.
'rozzen..' sabihin palang ang pangalan nito ay parang may mabigat na kung anong bagay na ang nakadagan sa dibdib niya.
"So shall we?" agad siyang bumalik sa reyalidad nung magsalita si sir thomas.
Agad siyang tumango at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni julia. Nagpaunang naglakad palabas si thomas kung kaya't agad niya itong sinundan.
pero bago pa man sila makalabas ay tumigil sila dahil na rin sa pagtigil ni thomas sa paglalakad.
"Wait before we leave here.. You need to wear this one" tumaas ang kilay niya nung makita ang makapal na jacket na halos buong katawan niya yata ay matatakpan!
imbis na magtanong ay tahimik niya iyong sinuot at nung nasuot niya na ay tsaka lang sila lumabas ng bahay na iyon.
Napataas siya ng kilay nung makita ang labas一 hindi tulad kina rozzen ay hindi gaano kapuno ang part na ito. Halos mga bulaklak at mga grass na maliliit lamang ang narito kung kaya't sobrang liwanag kahit pa papalubog na ang araw.
Luminga linga siya sa paligid at pilit na tinatandaan ang lugar kung sakali mang may masamang gawin ang lalaking 'to一 syempre kahit mangako ito ay para sakaniya'y isa pa rin itong estrangherong nagpatulog sakaniya ng halos ilang oras.
"Mama saan po tayo pupunta?" Ibinaba niya ang tingin sa anak niya.
ngumiti siya ng pilit. "Ito-tour lang tayo ni thomas." nakangiti niyang pagsisinungaling.
Ayaw niyang magsinungaling kay julia munit iyon lamang ang tanging paraan upang hindi mamulat si julia sa isang magulong sitwasyong kinakaharap niya. Ayaw niyang madumihan ang mura nitong kaisipan tulad ng nangyari sakaniya noong bata pa lamang siya.
"Here we are." ilang minutong paglalakad lang iyon at nakarating na agad sila sa lugar kung saan siya nahimatay.
tumingin siya sa lalaki na nakatingin lang sa harapan at nung mapansin nitong may nakatingin rito ay agad itong tumingin sakaniya.
"So what are we going now?" tanong niya.
"Look at this." naglakad ito patungo sa medyo madilim nang kagubatan munit nagsalubong ang kaniyang kilay nung bigla itong napa upo na tila may pwersang nagtulak rito!
"What's going on?" hindi niya na napigilan ang mapatanong!
"See? I told you. There's a line that stops a human like me to pass." tila nahihiwagaan nitong sabi at hindi lang ito nag iisa kung hindi maski siya rin!
Noon naalala niyang walang kahirap hirap siyang nakapasok sa kagubatan! Pero ngayon bakit ganon? Parang namimili lamang ng papapasukin ang gubat na ito.
"I don't know where's the line starts and where it ends.. But wherever i try to pass一 the invisible line stops me."
tumingin siya rito na naguguluhan bago muling tumingin sa madilim na parte ng kagubatan.
"But.. We got there without any line." naguguluhan niyang sabi bago unti unting naglakad roon kasama si julia na takang nagpapalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa!
Pumikit siya at huminga ng malalim bago naglakad papunta roon一 unti unti niyang iminulat ang mga mata at gulat siya nung makitang nakalagpas siya sa linyang sinasabi ni thomas!
Gulat siyang napatingin kay thomas na gulat na gulat ring nakatingin sakaniya!
"Unbelievable." rinig niyang bulong nito.
"Unexplainable.." bulong niya rin sa sarili habang nakatingin sa kawalan.
"How can you pass there.. that easily?" tanong nito tsaka muling lumapit sa linya na pumipigil rito at itinaas ang dalawang kamay! "What kind of science explanation this?" kunot noo nitong sabi.
Umiwas siya ng tingin at hindi niya alam kung bakit munit parang naging clear ang pandinig niya dahil narinig nito ang ilang yapak papunta sakanila! Sa kaba ay agad niyang hinatak si julia pati na rin si thomas papaalis sa lugar na iyon!
"Why are we running?" tanong ni sir thomas habang patuloy sa paglalakad!
"Someone.. Someone's watching us!"