Baixar aplicativo
17.85% Her familiar scent / Chapter 4: Capital trés

Capítulo 4: Capital trés

chapters 3 : my savor.

"Mama?" napalingon si shakira kay julia nung tawagin sya nito.

Kasalukuyan syang nasa kusina habang ito naman ay mukhang kakagising lang dahil na rin sa pagkuskos nito sa mga mata nito at nag-inat pa.

"Good morning baby" dahan dahan itong lumapit sakanya at umupo sa lap nya.

niyakap nya ito mula sa likod, isinandal nito sa dibdib nya ang ulo nito. habang sinusuklayan nya gamit ng kamay nya ang buhok nito.

"Gutom kana ba?"tanong nya, tango lang ang isinagot nito. "Anong problema anak?" tanong nya at iniharap ito sakanya.

Matamlay ang mga mata nito at parang naiiyak pa.

"M-Mommy?" utal nitong tawag.

"Bakit? Anong problema baby?" tanong nya habang pinagmamasdan ang mukha nito.

"hindi naman po kayo tatawag ulit kay uncle thomas 'di po ba?"

napalunok sya, mukhang kilalang kilala na pala talaga sya ng anak nya.

Tuwing kasi nagkakaproblema sya lalo na sa pera, si thom ang nasasandalan nya. Pero kahit walang namamagitan sakanilang dalawa, ayaw ng anak nya kay thom. Hindi nya alam kung bakit pero basta nalang nitong sinusungitan ang mga lalaking lumalapit sakanya.

'Cause maybe she protect me. She always be.'

"Anak, Si tito thomas lang ang tumutulong satin but it doesn't mean he likes me or what okay?" paliwanag nya. "Magkaibigan lang kami, at may tukdok na 'yun" nakangitng dagdag nya.

"Hindi ko pa rin po sya pagkakatiwalaan mommy" ngumiti nalang sya ng tipid bago ito niyakap.

Alam nya naman kasi kung bakit ganito ito ka-protective, Alam na alam nya yun at hindi nya maiwasang mangamba. Baka kasi maapektuhan ang future nito dahil don.

"Ako po ang proprotekta sa'yo habang wala pa po ang pro-protekta sa'yo mommy"

nakangiting tumango nalang sya bago mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap dito..

Tinignan nya ang ref. Kanina nung panggising nya, nagulat sya nung makitang punong puno ito ng pagkain. Hindi nya alam kung kanino galing until may nakita syang sobre sa taas ng ref.

Nung buksan nya yun ay nalaman nya agad na si sir rozzen ang may-ari, Ang sabi pa nga sa sulat na hindi daw 'yon para lang sakanya kundi para sa anak nya.

pero kahit ganon ay nagpapasalamat pa rin sya rito, para rin kasi itong hulog ng langit. Hindi nga lang yung ugali minsan katulad ng pangengealam, pero okay na yun diba?

"Magluluto lang ako anak, diyan ka muna" sabi nya at ibinaba ito. Tumango naman ito, pero dahil makulit ang anak nya, hindi ito mapirme sa iisang lugar.

Tumayo ito at agad tinawag si aesha na lumabas rin naman agad.

tumalikod sya at binuksan ang ref, hindi na sya mahihiya dahil kapag nauna ang hiya edi mamamatay kaming gutom ng anak nya..

Ngumiti sya habang nagluluto ng bacon, hatdog and eggs. Kinuha nya ang phone nya at nagpatugtog.

--

NAPA- DAING si rozzen nung biglang may humampas sakanya ng kung ano sa braso.

"what the fuck?"inis na bulong nya bago idinilat ang isang mata. "What's your fucking problem kid?" iritang tanong nya.

"huwag ka pong mag inglis dahil hindi naman po bagay sainyo!" sigaw ng bata sakanya.

Napahawak sya sa tenga dahil sa sobrang lakad non! Nakakarinde!

"Can you please shut up?" mahinahong sambit nya.

Tumaas ang kilay non. "Tumayo ka po dyan mama! Tignan mo po oh, unti nalang masisira na po yan!"napatayo sya bigla nung itinaas ulit ng bata ang dala nyang--

Walis tambo?!

Napatawa sya saglit bago umayos ng upo. "Ano yang dala mo bata?"

Ngumiwi ang bata at tinignan ang hawak nya. "Walis tambo po! Sabi ni mommy kaylangan ko pong hampasin ng walis tambo ang mga nambabalak saktan po ako!" buong lakas nyang sigaw.

Wait, Mommy ba kamo?

Napalingon sya sa bata at sa bahay.

"Mommy mo si shakira?" tanong nya, agad itong tumango.

Maybe she's the kid yesterday, Pero hindi ko agad namukhaan dahil madilim na rin nun.

tumango tango sya. Nabigla sya nung itutok sakanya ang walis tambo dahilan para mapaatras pa sya ng konti para hindi maabot ng dulo ng walis na yon ang mukha nya.

"Wag mo po akong sasaktan kundi lagot ka po kay mommy!" sigaw nito."Magaling po sa karate ang mommy ko kasi kasama sya sa karate team nung elementary palang po sya kaya mag ingat ka po sa bawat galaw mo!"

napangisi sya at agad itinaas ang dalawang kamay. "Suko na 'ko." pagsuko nya pang sabi.

Tinitigan pa muna sya ng bata bago ibinaba ang walis nya. Actually she's doesn't looks like a fighter, but a cat one. Mukha syang pusa dahil na rin sa cute nyang pisnge plus nagpopo pa sya sa'kin and the fact that her eyes are color light brown.

If her eyes are dark brown like mine, Iisipin ko talagang anak ko 'to.

natawa sya sa naisip nya. "Anyways, where's your mommy?" agad nyang tanong..

"Bakit ko po sasabihin? E stranger ka nga po!"

"Kaya nga sabihin mo dahil stranger ako"

"Ayoko nga po! Ang sabi ni mommy don't talk to stranger daw po!"

"You already talk to me kid, Tsaka kapag hindi mo tinuro ang mommy mo hindi kita bibigyan ng candy. Sige ka" pang uuto nya.

Well thanks to khirony, may natutunan sya kahit papano sa baliw na 'yun.

Tumingin sakanya ang bata, nag uusisa pa bago buntong hininga na para bang matanda.

"Follow me po" sabi nito na para bang walang magawa.

Kumunot ang noo nya, Walang pero-pero. Mag ina nga talaga silang dalawa.

But what i feel? Maraming pero at bakit.

napabuntong hininga nalang sya bago naisipang sumunod sa bata.

Pagpasok nya, Maliit na sala agad ang bumungad sakanya. Sa likod ng isang sofa ay may pinto don, napasukan nya na yon since nag- grocery sya kanina para magdala ng pagkain dito.

Malinis ang sala nila pati ang kusina kahit maliit. Actually kapag tinaas nya ang kamay nya, abot nya agad ang kisame.

"Umupo ka po muna dyan, bawal ka pongpumunta sa kusina dahil maririnig mo po ang boses ni mommy! Tapos baka mainlove ka po at kunin sya, Kaya dyan ka nalang po!"

sumunod sya sa bata dahil wala rin naman syang magagawa, para kasing prinepredict nya ang akala nyang mangyayari.

Inilibot nya ang paningin nya, Wala syang oras maglibot kaninang umaga since mukhang maagang nagigising si shakira and he found out na maaga nga.

sa left side nya kung nasan nandoon rin ang tv, nakita nyang may mga picture na naka-display doon.

Tumayo sya at tumingin. Nanliit ang mata nya nung may isa syang mapamilyarang bata.

Those blue eyes..

Hahawakan nya na sana ang litrato nang may tumapik sa kamay nya. At nang tignan nya kung sino yon ay si shakira pala.

Seryoso itong nakatingin sakanya na may hawak pang sandok habang nasa tabi nya ang anak nya na may hawak ring walis tambo.

Pinagpalit-palit nya ng tingin ang dalawa. Walang duda, mag ina nga silang dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyong mababakas sa mukha nito, dahilan para mapaayos sya ng tayo.

"I told you yesterday, wala akong tirahan sa lugar na to kaya sa'yo muna ako makikitira"

"ah kaya ba binigay mo yung mga pagkain dahil kaylangan e pagsisilbihan din kita?"

"Its not what i mean"

"Yun ang naintindihan ko" hindi sigaw munit madiing sambit nito.

napalunok sya ng wala sa oras, akala nya magagalit ito munit hindi. Bumuntong hininga sya bago tumingin sa anak nya.

parang naguusap sila dahil agad tumango ang bata na para bang naiintindihan nya ang mama nya, at pagkatapos ay pareho silang tumingin sa'kin.

"Tara sa kusina, kakain na." seryosong sabi nya bago naunang naglakad doon.

pagdating sa kusina ay nakahain na ang lahat. Hindi nya alam ang tawag doon kahit sya ang bumili, basta nalang kasi sya kuha ng kuha nang mga pagkaing nakita nyang kinukuha ng ibang costumer na nakikita nya.

"A-Ah, what is this?" tanong nya habang nakaturo sa kulay pulang bilog sa harapan nya.

" Hindi mo pa po alam yan?" nagtatakang tanong ng bata.

Umiling sya. "H-Hindi pa" napahawak pa sya sa batok nya.

"Bacon eggs and hatdog po yan tapos po nagluto pa si mama ng sinangag!"tinuro turo pa nito ang mga nakahain.

agad syang tumango at tinikman yon.

Napatango tango sya ng malasahan na. "Ang sarap" komento nya.

"Talaga! masarap pong magluto ang mommy ko! Kwento nga po ni manang na kung nakapagtapos daw po si mommy, magiging chef daw po sya" may pagmamalaking sagot ng bata sakanya.

But wait. Tinignan nya si shakira na hindi naman tumitingin sakanya.

Hindi sya nakapag tapos?

He thought na tapos na syang mag aral dahil ilang taon na rin ang lumipad but.. Wait?!

she looks 9 years old back then and 10 years later na ang lumipas so that means..

"bata pa lang daw po si mommy nung nabuhay ako, kaya po hindi na rin nakapag tapos si mommy at hindi na rin po nakahanap ng mapang aasawa dahil daw po sa pag aalaga nya sa'kin" daldal pa nito.

Nakatingin lang sya kay shakira na agad ring naramdaman ang tingin nya, Itinaas nito ang paningin nya at tinaasan sya ng kilay.

Imbis na umiwas ng tingin ay tinitigan nya pa ito lalo. Binabasa nya ang emosyon sa mga mata nito, hindi ganon ka black ang mata nya. May kakaunti itong blue..

"Teka nga lang po, bakit nyo po tinititigan ang mommy ko?!" napaiwas agad sya ng tingin dahil sa sinabi ng bata.

"W-Wala lang" sagot nya bago muling nagsimulang kumain.

"Mommy may trabaho ka po ba ngayon?" rinig nyang tanong ng bata.

"W-Wala anak, Sabi kasi ni manager pahinga ko daw muna ngayon."

"Pero pano po kayo kikita? Mama gusto nyo po bang maglako po ako para po may pandagdag ako sa utang nyo po?"

hindi nya na kinaya, naantig ng atensyon nya ang huling sinabi ng bata.

may utang sya? hindi nya inangat ang paningin nya pero nakiramdam sya.

Kunware syang walang narinig dahil ramdam nyang nailang si shakira sakanya. Sunod sunod ang subo na ginawa nya.

"A-Ah anak kahit hindi na, kaya ko naman" matagal bago ito sumagot.

Nag kwentuhan muli ang mag ina munit sya ay nastock na yata sa utang na sinasabi ng bata.

Tumingin sya kay shakira, hindi ito mukhang may problema dahil yung ngiti nya at talagang natural.

may utang sya? hmm..

NAIILANG SYA. totoo yon, hindi nya mapigilan ang anak nyang dumaldal dahil alam nyang kahit anong gawin nya dadaldal at dadaldal ang anak nya.

Kapag naman pinigilan ay lalong magbubunganga.

Napabuntong hininga sya bago pinagmasdan ang anak nyang nakikipag away kay sir rozzen.

Hindi nya alam na totoo palang wala itong bahay dito, at ang proweba lang non ay ang sinabi ng anak nya kanina na nandon daw yung lalaking kasama ko sa labas.

natutulog daw sa mahabang bangko, akala nya nga daw di nya kilala pero namukhaan nya daw iyon. Buti na nga lang namukhaan agad ng anak nya kundi talaga nagkapasa pasa na yon dahil sa sobrang lakas mamalo ng anak nya.

"Hindi ka pwe-pwedeng tumira dito" sumalo sya sa pag aaway ng dalawa.

agad umurong si julia upang makaupo ang kanyang ina sa tabi nya.

"Why? Kayong dalawa lang ang nandito right?" tinignan pa nito silang dalawa.

Napataas sya ng tingin at lumingon sa anak nyang agad napatakip sa bibig. Napailing sya.

mukhang ang anak nya nag nagsabi rito, at mukhang naparami naman yata ang kwento ng anak nya.

"Pero hindi pa rin magandang tignan na nakatira ka sa bahay ng dalawang babae. Hindi naman sa ayaw kitang tumira dito, ayoko lang masira yung reputasyon mo" seryosong sambit nya.

Nakita nya kung paano nagbago ang ekspresyon ng lalaki, Nanliit ang mga mga mata nito.

"Who cares?" ngumisi ito. "I'll live here whether they like it or not, I don't fucking care."

napabuntong hininga nalang sya at napailing. Maotoridad kasi ang boses nito, at deep na nga ang boses nya mas lalo pang naging deep.

"Okay, Ikaw bahala. Atleast may kasama na 'tong anak ko dito-" he cut her words.

"No, We'll go to your work. Hindi pwedeng maiwan dito ang bata lalo na kapag yung kasama nya ay uugod ugod na"

"Excuse me?" hindi nya nagustuhan ang huli nitong sinabi.

Hindi nya alam na ganito pala ka-sama ang tabil ng dila nito!

"Tsk" umiling ito bago tumayo.

Akala nya aalis na ito munit nagulat sya nung ilahad nito ang kamay nito sa harapan nya.

"Anong gagawin ko dyan?" takang tanong nya.

"Magmamall tayo" sasabat na sana sya nung maunahan sya ng anak nya.

"Pwede po bang sumama?" excited na tanong ni julia.

Ngumiti naman itong lalaki na agad nagpatalon sa tuwa sa anak nya.

WALA NA SYANG NAGAWA NUNG hilahin na sya ng dalawa. Naging makulit si julia at kung ano ano namang sinabi ni rozzen dahilan para wala syang magawa at umuo nalang.

" Wag mong inguso yang labi mo, Wag mong hantaying halikan ko yan"

wala pa sa bente-kwarto oras na tinakpan nya ang labi nya't sinamaan ng tingin ang lalaki.

Ngumisi lang ito bago nakipagkwentuhan sa anak nyang nasa gitna nilang dalawa.

Nandito na sila sa mall, at grabe naman talaga ang saya ng anak nya.

Well, hindi nya naman ito masisisi dahil mabibilang lang sa kamay ang mga araw na nakakapunta dito ang anak nya. Lagi kasi itong nasa bahay o di kaya'y nasa iskwelahan.

" Hala!"kinabahan sya nung bumitaw sakanya ang anak nya at mabilis na tumakbo! "Pakshet! Julia!" tawag nya, tatakbo na sana sya pasunod ng biglang may humawak sa braso nya upang pigilan sya.

at nang tignan nya yon ay si rozzen pala na malalim ang tingin sakanya.

"Baka maligaw yon" nag aalalang sambit nya.

Umiling si rozzen na tila pinipigilan sya bago tumingin sa harapan nya, Sinundan nya yon ng tingin at nakita nya dun ang anak nya.

Masaya ito habang tumatakbo sa gitna ng mall. Never nya pang nakita ang mga ngiti nito kahit pa noong isang taon palang sya.

"Hindi mo pwe-pwedeng pigilan ang kasayahan ng isang tao dahil lang sa nag aalala ka sakanya. Maari mong ipaalam but please, don't ruin her happiness" bulong nito.

Pinagmasdan nya kung pano lumapit doon si rozzen at makipag laro kay julia na parang bata.

Hindi nya alam- Hindi nya napansing yon na pala ang ginagawa nya.

Napabuntong hininga sya bago ngumiti at lumapit sakanila.

"Saan gusto mo baby?" nakangitng tanong nya.

" Arcade!"

" Restaurant"

sabay napatingin ang mag ina kay rozzen na agad rin namang narealize ang nasabi.

"Ah, I thought ako yung tinatawag mong baby" nakangising sambit nya..

Napairap nalang sya atsaka kinarga si julia, pero muntik-muntikan na silang matumba kung hindi lang nahawakan ni rozzen ang bewang nya!

"Be careful" sambit nya bago kinuha si julia sakanya.

Akala nya bibitawan na nito ang bewang nya pero hindi pala, sapagkat ay mas lalo pa nitong inilapit ang katawan nya dito.

napalunok sya at pilit isinawalang bahala ang koryenteng yon.

it feels familiar.

Itinaas nya ang paningin nya kay rozzen at anak nya, nagdadaldalan ito munit agad rin syang umiwas ng tingin bago pa man sya nito mahuli.

Nasa arcade na sila, pero nakakapagtakang niisa'y wala silang makitang tao liban nalang of course sa mga crew doon. Actually kanina pa sya nagtataka, kahit pagpasok ng mall ay wala pang tao.

Kahit aa labas ay wala rin, para bang plinano lahat ng ito.

Tumingin sya kay rozzen na nakatingin ngayon kay julia na naglalaro.

"Plinano mo 'to noh?" tanong nya.

Akala nya tatawa ito at sasabihing nababaliw sya munit hindi ito nagdalawang isip na tumango.

"Oo, for her happiness." itinuro nya ang bata.

Hindi nya alam pero lumambot ang puso nya't bigla nyang nakalimutan ang mga masasama nitong sinabi at ginawa without her permission..

Aaminin nya, tuwing about sa mga bata ay mabilis mawala ang galit nya..

"Thankyou" sincere nyang sabi.

doon lang rin lumingon sakanya si rozzen na may mumunting ngiti sa labi. "Your welcome" tipid nitong sagot.

"Ang ganda dito" papuri nya.

"yeah, pinaayos ko yan sa stuff kaninang umaga"

" Ang effort mo naman, salamat" nakangiting sambit nya.

"why you give a try?"

"Huh?"

Ngumiti nalang ang tugon nito pero parang nahulaan nya na kung anong gusto nitong ipahiwatig.

Hindi nya naenjoy ang childhood nya dahil sa dami ng problema sakanila, Hindi nya rin pwedeng aksayahin ang oras nya sa paglalaro kasama ng iba pang bata dahil mas kaylangan nyang mamuhay at tumayo sa sariling paa.

Namalayan nya nalang ang sarili nyang naglalakad na pala sa padulasan kung saan gustong gusto nyang maglaro noon. Munit agad tumigil ang paa nya.

"Walang hiya ka!"

"Anong karapatan mong magsaya habang kami hirap na hirap?!"

"Wala kang kwenta!"

"Hindi ka na dapat nabuhay!!"

napaupo sya at agad tinakpan ang tenga.

Ito na naman yung pakiramdam, yung pakiramdam na para bang nagiisa nalang sya dahil lahat ay ayaw sakanya.

Munit sa sitwasyon kung saan parang lunod na lunod sya dahil sa masasakit na ala-ala, merong kamay ang humawak sakanya at itinayo sya.

Hindi nya na kaylangan pang lingunin yon dahil sa pabango palang kilalang kilala nya na agad.

"Huwag kang maging mahina sa harapan ng anak mo, Look at her. She looks happy, Don't ruin it" bulong nito sakanya dahilan para mapatingin sya sa anak nya.

Naglalaro ito ng luto-lutuan sa isang laruang bahay. Busy ito kaya malamang na hindi nya nakita ang pagbagsak nya.

"Thankyou"bulong din nya bago tumayo.

Tuwid syang tumayo at agarang naglakad papunta sa anak nya at doon nakisaya..

Hindi napigilan ni rozzen na ngumiti habang nakatingin sa mag ina.

Halata ang saya sakanilang mga mukha habang naglalaro silang dalawa.

naalala nya ulit ang kanina nyang sinabi. Hindi lang nya ginawa ang effort na to para sa bata kundi para na rin sa magulang nito.

she seems doesn't have a good memories of her childhood dahil na rin sa ugali nya. That's why she atleast enjoy her life.

"Hoy!" napakurap sya nung biglang may sumigaw.

Hindi nya namalayang nasa harapan nya na pala ang mag ina.

"Why?" he act cool.

"Join ka samin dali"nakangiting yaya ni shakira.

Hindi na sya naka hindi dahil hinila agad sya ng mag ina.

Umupo silang tatlo sa laruang bahay, asuswal magkatabi ang mag ina habang nakaharap naman ito sakanya.

"Bahay-Bahayan po tayo"nakangiting sambit nito. "Ikaw ang nanay" tinuro nito ang mommy nito. "at ikaw naman ang tatay"

gulat syang napaturo sa sarili nya, tumango ang bata.

"Opo, kasi po ang pangit naman po kung ako po yung nanay diba?" kumamot pa ito sa ulo nito. "Ako nalang po ang anak nyo!" excited pa nitong sambit.

Napalunok sya bago napatingin kay shakira na nakatingin rin pala sakanya, Ang awkward.

Uh-Oh. I don't like the bahay-bahayan idea came from my mind.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C4
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login