Baixar aplicativo
29.62% Shantell Reese in the Kingdom of Manta / Chapter 8: 7. Training

Capítulo 8: 7. Training

(Shantell POV)

Napanganga na lang ako sa aking kina-uupuan habang pinagmamasdan si Shia sa gitna ng Gymnasium habang may harap na baboyramo. At sinasabi ko sa inyo! Extra large din ang size ng baboyramo!! Kapansin pansin din ang pula nitong mga mata at ang matutulis nitong mga pangil. Errr.. Napangiwi ako dahil tumutulo ang laway nito.

Pero hindi ko aakalain na ganito ang galawan ng isip bata na ito. Hawak hawak ang kanyang Bow and Arrow ay mataas itong tumalon na ikinagulat ko dahil sa taas. Umikot ito sa ere ng tatlong beses at talong beses din itong nagpakawala ng arrow sa kanyang bow. Bullseye lahat ng tama kaya napatayo ako at napapalakpak.

Tuluyang naglaho ang baboyramo na tinatawag nilang Wildboar!

Sumunod naman si Lucy ng Water Palace. Dito talaga! Dito talaga ako naiinggit dahil sa ang cool ng weapon niya!! A gun! A GUN! Gusto ko din niyan!!

Kalmado lang itong itinutok sa wildboar ang Baril nito at pinaulanan ng bala ngunit nanlaki ang mata nito dahil sa hindi manlang bumaon ang mga bala nito.

Napabackflip si Lucy dahil sa pagsunggap ng wildboar sa kanya. Tuluyan siyang tumakbo ng mabilis patungo sa pader ng gymnasium, ginawa niya itong parang hagdan at mabilis na humakbang ng tatlong beses bago tumalon sa ere. Pabaliktad ang porma nito hubang lumulutang sa ere habang nakatutok ang kanyang baril sa wildboar. Dalawang putok ang kanyang pinakawalan bago kinuntrol ang kanyang katawan pabagsak sa lupa.

I see, nasa mga mata ng wildboar ang kahinaan nila. Sintibay ng bakal ang kanilang mga balat kaya tanging mata lamang ang maaaring atakehin at puntiryahin.

Sumunod naman si Almira ng Air Palace na cool lang na naglalakad sa gitna. Muling nabuhay ang wildboar at handa nanamang umatake. Nilingon ko si Shia na abala sa pag-aayos ng kanyang korona na gawa sa bulaklak.

"Nagtataka ako kung paano niya matatalo yan gamit ng latigo" sabi ko kay Shia habang pinagmamasdan si Almira sa gitna.

"Magiging madali lang yan sa kanya. Isa siya sa pinakamatalino sa amin at pinakamagaling sa pakikipaglaban kaya magiging madali lang sa kanya yan" kampanteng sabi ni Shia. Nagkibit balikat na lamang ako at muling tinignan si Almira ngunit napanganga ako dahil tapos na ang laban. Ang paglaho na lamang ng wildboar ang naabutan ko.

"See?? Ginapos niya ang ulo ng wildboar at hinila ito pataas at ibinagsak sa lupa bago pa makatayo ang wild boar ay inatake na niya ito sa mga mata" nakangiting sabi ni Shia. The eff!! Nabuhat niya ang halimaw na yun?? Ganoon siya kalakas?

Sumunod naman si Damon ng Thunder Palace na ayun kay Lucy ay magnanakaw. Hinagis lang nito ang kanyang lance na bullseye naman sa wildboar.

Si Lucas naman may hawak hawak na malaking maso na sa tinging ko ay mas malaki at mabigat pa sa kanya. Isang malakas na hampas sa ulo ang tinamo ng wildboar, nagkaroon din ng mahinang pagyanig sa kapaligiran.

Unti unti ay nawawalan ako ng pag-asa sa aking sarili. Tila nanliliit din ako dahil sa mga kakayahan nila. Isa pa ayoko maging katawa tawa sa harap nila no! Hayssss.. Iisipin ko nalang isa itong laro at ako ang bida sa larong ito. Ako ang tatapos sa boss!

Si Grey ng Ice Palace ay naging madali din ang laban dahil sa dalawang dagger na hawak nito. Tinapon niya ito ng malakas at saktong tumama ito sa kahinaan ng wildboar. Geezzz.. Ang cool naman nila.

Si Selena naman ay Crossbow ang hawak at gamit ito ay madali nitong pinuntirya ang mga mata ng wildboar. Hindi man lang ito nakalapit sa kanya! Tss.

Si Kael naman yung naglalakad na apoy hahaha. Sobrang tahimik niya, hindi ko nga yan naririnig magsalita eh tss. Isang silver sword na may lining ng black, maganda ang disenyo nito. Malamig nitong tinignan ang wildboar.

Tumakbo ang wildboar papunta sa kanya ngunit hindi ito umaalis sa kanyang pwesto. Isang segundo, isang segundo lang ang ginawa niyang paghawi ng kanyang sword bago tuluyang bumalik sa kanyang upuan kanina. Nanlaki ang mata ko dahil nahati sa dalawa ang wildboar! Akala ko ba matigas ang mga balat nun.

"He's our leader, the strongest among us, bugnutin din yan kaya lumayo layo ka sa kanya hahaha" mahinang bulong ni Shia kaya napangiwi ako at alanganing tumawa ngunit napahinto ako dahil sa biglang pagtingin ni kael sa akin ng masama. The eff! Narinig niya yun?

Kagaya ni Kael ay hiniwa din ni Grimuel sa dalawa ang wildboar, pati ba naman siya? Pero ang cool lang dahil usually ang mga may kapangyarihan ng dark ay mga kalaban, ngunit hindi naman pala lahat.

And Grimuel of Dark Palace proved that not all black magic are bad. Hawak hawak nito ang scythe niya na sobrang bagay sa kanya.

Napapitlag ako dahil narinig ko ang pangalan ko na tinatawag ni Lifra! OMG! Its my turn!!

(Selena POV)

Nakatingin ako sa kanya ng seryoso habang naglalakad sa gitna. To think na isa siyang Light Master it means she's my rival. Bago ka makapasok at gawing representative ng inyong palasyo ay sasabak kayo kasama ng ibang Light master sa mga pagsubok, kung sino ang magwawagi ay siya ang ipapadala sa akademya.

And yes! Ako ang nanalo sa isinagawang pagsubok sa angkan namin. Madaming Light Master ang nakakompetensiya ko but in the end ako ang nagwagi.

To think na pinaghirapan ko ang spot ko ngayon maging ang ibang elementalist ay malalaman kong nakapasok siya dito dahil naligaw siya?

Hindi ko dapat nararamdaman ito, yung nakikipagkompetinsiya ngunit sa ganitong paraan ako pinalaki ng mga magulang ko.

"Now, show me what you've got" bulong ko ngunit alam kung narinig ako ni Grimuel or Grim for short.

"Are you feeling threatened?" Ikinasimangot ko ito at hinarap siyang nakangisi.

"You want me to bring you in hell?" Seryosong sabi ko na mas lalong ikinagisi nito.

"Oh yes please!" Bweset! Kahit kailan talaga iniinis ako ng lalakeng to.

Napataas ang isang kilay ko dahil hindi ko iniexpect ang makikita ko. Akala ko hindi na siya gagalaw. Nakapikit lamang siya habang hinihintay ang wildboar. Napatayo ako dahil alam kong masasaktan siya ngunit akala ko lang pala yun. Dahil isang wasiwas lamang ang ginawa niya bago tuluyang mamatay ang wildboar.

Napatingin ako kay Kael na naniningkit ang mga matang nakatingin kay Shantell. It was the same move she used what Kael did!

"It looks like the fire is burning" walang kagatol gatol na sabi ni Grim.

Kung para sa kanya ay wala lang yun well kay Kael meron yun. It seems like she wants to show that she can what Kael can. It seems like she's challenging the leader.

Napangisi ako dahil sa realization.

She have guts, and I hate that guts!


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C8
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login