Nagising ako sa isang napakagandang paligid. Anong lugar 'to? Nasa paraiso ba ako? Napapalibutan kasi ako ng mga nagagandahang bulaklak. Naririnig ko rin ang masayang huni ng mga ibon sa paligid. Tumingala ako at namangha sa ganda ng ulap na tila anumang oras ay may mga anghel na lilipad dun. Natawa ako sa naisip. Hindi pa naman siguro ako...patay?
''Trisha!''
Bigla akong napalingon sa boses na iyon!
''Gosh! Kisha?!'' Totoo ba ito? Agad ko siyang nilapitan at mahigpit na niyakap. God! I miss her so much! Sobrang bango niya at napakaganda sa kanyang suot na puting bestida.
''Kumusta ka na?'' Magkasabay pa naming tanong sa isa't isa. Sabay din kaming natawa dahil dun.
''Ako? Masaya ako rito, ses. Nandito nga sina mom at dad, eh. Halika gusto mo ba silang makita?''
''Oo naman!'' Walang-atubili kong tugon. Hinawakan niya ang aking kamay at naglakad kami sa napakagandang hardin.
''By the way, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, ses.'' aniya at matamis akong nginitian.
''Anong tanong?'' Medyo nailang ako sa tingin niya. Parang may lungkot nun sa kabila ng ngiti na kanyang ipinapakita.
''Sabi ko, kumusta ka na ba?'' Ulit niya.
''Ah. Mabuti naman ako...'' Naputol ang nais ko pang sabihin nang maisip ko bigla si Crayon.
''Hey, ba't bigla kang tumahimik?'' aniya at mahinang tumawa.
''Si Crayon kasi, ses. Bigla ko siyang naisip. We made a truce with each other.'' Ewan ko ba pero pakiramdam ko parang may kulang at mali sa aking sitwasyon.
''Mahal mo ba siya, ses?'' Prangkang tanong ng aking kapatid.
Natigilan ako sa tanong niyang iyon. What now, Trisha? Mahal ko na nga ba si Crayon?
''Bakit mo iyan naitanong, ses?''
''I just wanna know because I think that he really loves you so much. I am so happy for both of you, ses. Don't let him go. Okay?''
''Kisha...''
''Nariyan na pala sina mom at dad, oh.'' Masiglang turo niya sa mga ito na kumakaway sa amin sa unahan.
''Mom! Dad!'' Tawag ko sa mga ito habang tumatakbo palapit sa kanila. Naiwan ko tuloy si Kisha na napakamot-noo sa aking ginawa.
''Anak...We miss you!'' Si Mommy na agad akong niyakap. Yumakap din si Dad sa akin.
''Daddy, mommy, sasama na po ako sa inyo. Miss na miss ko po kayo. Lalo na si Kisha.'' Nakapikit na ani ko sa kanila habang nakayakap kami sa isa't isa. Hindi ko rin mapigilan ang maluha. Sana hindi ito isang panaginip lamang.
Napadilat ako nang maramdaman ko ang paglayo nila sa akin. ''Gustohin man namin na makasama ka anak pero hindi pa pwede.'' Malungkot na sabi ni daddy.
''Anong ibig mong sabihin, dad?'' Nalilitong tanong ko sa aking ama. Si mommy naman ay malungkot na nakatingin sa akin.
''Ses. Masaya kaming makasama at makita ka rito pero kailangan mo ng bumalik sa kung saan ka nararapat.'' si Kisha sa malungkot na boses.
Nagkatinginan silang tatlo sabay ngiti sa akin. Ngiti na tila nagpapaalam na. Akmang lalapitan ko pa sana sila nang bigla na lamang silang nawala sa aking paningin kasabay niyon ang malakas na pag tawag ni Crayon sa aking pangalan.
Have some idea about my story? Comment it and let me know.