Baixar aplicativo
41.66% One Week Love: Isang Linggong Pag-ibig / Chapter 2: Chapter 2

Capítulo 2: Chapter 2

- MARTES -

[ALEX'S POV]

Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon.

Ang daming nangyari.

Hindi pa rin ako makaget-over na boyfriend ko na ang lalaking mahal na mahal ko.

Pero dahil sa nangyari kahapon ay hindi ako nakatulog. Huhuhu!

*krrrrrrriiiiiiiiiiiiinnnnggggggg!*

"WAAAAAAAAAAAA!"

Napasigaw ako bigla dahil sa tunog ng alarm clock ko.

Kinuha ko ang alarm clock sa bedside table at itinapon ko 'yon sa kabilang dimensyon.

Bumangon na ako sa kama at nag-ready na para sa school. Kahit puyat ako ay masaya pa rin ako. Gosh! Excited na akong makita ang boyfriend ko. Enebe!

***

"Al, anong nangyari sa 'yo? Bakit may eyebags ka?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Ann.

"Ann, may goodnews ako sa 'yo." masayang sabi ko sa kanya.

"Anong goodnews 'yan?" tanong sa 'kin ni Ann sabay inom ng Gatorade.

"Kami na ni Joseph." sagot ko.

Biglang naibuga ni Ann ang iniinom niyang Gatorade sa mukha ko. Ewwwww! Kadiri naman.

"ANO? KAYO NA NI JOSEPH?" nakangangang tanong ni Ann. Halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Itinikom ko naman ang nakangangang bibig ni Ann. Ang OA naman ng friend ko.

"Oo Ann. Ang saya ko nga eh." masayang tugon ko.

"Ang bilis naman yan Al. Kahapon pa nga lang kayo nagkakilala at kayo na agad?" hindi makapaniwalang sabi ni Ann.

"Ang OA mo talaga Ann." sabi ko na lang sa kanya.

"Hay naku Al. Baka lokohin ka lang niya sa huli." aniya.

"Hindi 'yon mangyayari." ani ko.

*kriiiiiiiinnnnnnggggggggg!*

Biglang nag-ring ang phone ko. Chineck ko kung sino yung tumatawag.

***

Joseph My Baby

calling...

***

Waaaaaa! Si Joseph. Gosh! Ang heart ko. Enebe!

Sinagot ko yung tawag niya.

"Hello baby." malambing na sabi ko kay Joseph na nasa kabilang linya.

("Hello rin baby. Sabay tayong mag-lunch mamaya sa cafeteria ah.") sabi sa 'kin ni Joseph.

Enebe! Keleg ne nemen eke.

"Sige baby." tugon ko sa kanya.

("Okay, I'll fetch you on your room.") - Joseph

"Okay."

("Love you.") - Joseph

Kinilig ako bigla sa sinabi niya. Enebe Joseph. Sene pelegeng ke ne leng genyen.

"Love you too." tugon ko naman sa kanya.

At nag-end ang call.

"Al, sino 'yang baby na 'yan?" tanong sa 'kin ni Ann.

"Si Joseph." nahihiyang sagot ko.

"Al, mag-iingat ka sa Joseph na 'yan. Hindi pa natin siya masyadong kilala." sabi sa 'kin ni Ann.

"Ano ka ba Ann! Mabait naman si Joseph eh. At saka ito na oh. Natupad na rin ang wish ko." ani ko.

"Binabalaan lang kita." aniya.

Bakit kaya hindi masaya si Ann na boyfriend ko na si Joseph? Baka siguro naiinggit lang siya dahil wala pa siyang lovelife. Hehehe!

- LUNCH BREAK -

Papunta ako ngayon sa cafeteria. Excited na akong makita si Joseph my baby. Enebe!

Pagpasok ko pa lang sa cafeteria ay nakita ko agad si Joseph na pinapalibutan ng mga babae.

"Excuse me." sabi ko sa mga girls.

Pinadaan naman nila ako. Syempre ang pamilya ko ang may-ari ng school na 'to. Walang sinuman ang nang-aapi sa akin dito.

"Hi baby." bati ko kay Joseph.

"Hi. Upo ka baby." tugon niya sa 'kin.

Umupo naman ako sa bakanteng upuan na katabi ni Joseph.

Tinignan ko ang mga babaeng nakapaligid sa kanya.

"Magsibalikan na kayo sa upuan ninyo." seryosong sabi ko sa kanila.

Sinunod naman nila ako.

"Anong gusto mong kainin, baby?" tanong sa 'kin ni Joseph.

"Hamburger at coke." sagot ko sa kanya.

"Okay baby. Pipila lang ako para makabili ako ng lunch natin." sabi sa 'kin ni Joseph.

Tumango lang ako sa kanya.

***

After class ay mag-isa lang akong umuwi. May basketball practice kasi si Joseph. At si Ann naman ay hindi na sumabay sa akin sa pag-uwi. Mukhang nagtatampo yata sa akin.

"Iha, gusto mo bang magpahula?" tanong sa 'kin ng isang matandang babae.

Sa itsura pa lang niya ay manghuhula na siya.

"Sige po." excited kong sagot sa manghuhula.

Excited na kasi akong malaman ang kapalaran ko. Sana sabihin niya na may happy ending kami ni Joseph. Kinasal kami at tumira kami sa isang palasyo. Hihihihi!

"Akin na ang palad mo." utos sa 'kin ng manghuhula.

Binigay ko naman sa kanya ang isang palad ko at parang may binabasa siya.

"Iha, nababasa ko sa palad mo na mamalasin ka sa pag-ibig." sabi sa 'kin ng manghuhula.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong ko rito.

"Sasaktan ka ng lalaking mahal mo. Hangga't maaga pa ay kontrolin mo na ang emosyon mo at mag-ingat ka sa kanya." sagot sa 'kin ng manghuhula.

Parang nainis ako sa sinabi ng manghuhula. Hindi ko na tinuloy ang panghuhula niya sa akin at binigyan ko siya ng 1K.

Kainis!

Parang ayaw ko na tuloy maniwala sa hula.

Ako? Sasaktan ni Joseph?

Imposibleng mangyari 'yan.

Mahal namin ang isa't isa at walang makakapigil 'yon.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C2
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login