×××
Napuno ng sigawan at tilian ng mga estudyante ang basketball court ngayon. Kung saan naglalaban ang school namin sa taga ibang school na en-invite pa talaga namin para sa aming Sports Festival.
Merong ilang mga estudyante na may dala pang mga banner para sa mga gusto nila e-cheer. Iyong ilan naman mga mahahabang balon na madalas makikita kapag ganitong klaseng sports.
Pangalan ni Dwayne ang pinaka malakas na sigawan galing sa mga fans niya na talagang maririnig mo sa buong basketball court.
Team captain siya ng basketball sa school namin at siya ang pinaka nakaka attract sa team nilang lahat kaya ang daming mga estudyante ring may gusto sa kan'ya.
Hindi naman basketball lang ang ginagawa namin pag sport festival. Meron din namang iba tulad ng swimming, running, badminton, high jumping, at iba pa.
Actually lahat kami dito sa school nakiki operate sa sports festival namin at ang sinalihan kong sport ay Volleyball.
Si Xian naman parang hindi naman siya sumali sa lahat ng sports. Ewan ko nga kung saan na iyong lalaking iyon. Simula ng mag start ang sports festival namin. Hindi ko na siya nakita.
Habang nag c-cheer kaming lahat ng section sa kaklase naming si Dwayne. Kusa nalang nabaling ang tingin ko sa baba ng bleachers na inuupuan ko.
Nando'n si Farra at may mga kasama itong mga babae. Nakatingin siya ng masama sa akin at inirapan pa ako na talaga namang kinalungkot ko ng lubos.
Alam ko naman din ang dahilan kung bakit ang sama na ng loob niya sa akin at dahil nga iyon kay Xian.
Umiwas na lamang ako ng tingin at ibinaling na lamang ang tingin ko sa laro.
At ngayon ko lang napansin na malaki na ang pontos namin sa kalaban. Medyo intense ngayon ang laban kasi nga magaling din talaga ang taga ibang school na kalaban ng school namin.
Ilang minuto nalang at matatapos na ang oras kaya lahat kami na nanunuod sa laban napatahimik nalang na kinakabahan.
Mabilis na pinagpasa-pasa ng mga team ng kalaban ang bula para 'di makuha nila Dwayne. Malapit na ang oras 30 minutes nalang ang natitira.
Akala ko wala ng pag asa pero nakuha ni Dwayne iyong bula sa kalaban. Sila naman ngayon iyong nagpapasa-pasa sa bula para hindi rin makuha ng kalaban at para makapuntos agad sa ring kaya lang nahihirapan din silang makalapit at makalusot dahil sa magaling din iyong kalaban nila.
Napa buntong hininga nalang ako. Halatang pagod at nahihirapan na sila sa larong 'to.
10 minutes nalang kaya ilan sa amin na nanonood napatayo na lamang sa bleachers para abangan pa ang susunod na aksyon ng team ni Dwayne.
Ilang minuto ang nakalipas nagawan naman ng paraan ng team ni Dwayne na mailusot ang bula sa kalaban.
Pinasa niya ito kay Dwayne na magaling talaga sa pag shoot ng bula. Nang masalo nga ito ni Dwayne agad niya itong shinot sa ring kahit sobrang layo nito sa kinatatayuan niya.
Akala nga namin mapipigilan 'to ng kalaban na tumalon rin tulad ni Dwayne pero hindi nito nahuli ang bula kaya pasok na pasok iyong bula sa ring.
Saktong natapos din iyong oras kaya sobrang sigawan at tilian ng malakas na busis ng mga estudyante rito sa loob ng basketball court, na hudyat na nanalo ang school namin.
Nakita ko si Dwayne na naka ngiting kumakaway habang nakatingin sa gawi ko.
Ningitian ko na lamang siya. Hanggang sa dinumog na siya ng mga fans niya.
Ang mga ka team naman nito nakipag batian pa sa mga kalaban sabay yuko nito ng ulo at ngumiti.
Mababait din naman sila at hindi mayayabang iyong team ni Dwayne pati ang nakalaban nila.
"Alice"
Tawag sa akin ni Dwayne sabay lapit nito sa akin ng makababa ako sa bleachers kasi nasa taas ako galing.
Ngumiti ito sa akin na parang may inaabangan ito. Pero ito ako nakakunot ang noo dahil sa pagtataka sa kan'ya. Dahilan naman na napapout ito at medyo nalungkot.
"Hindi mo ba ako eku-congrats?"
Sabi niya sa akin na kinagulat ko.
"Ah sorry congrats nga pala"
Nahihiya kong sabi sa kan'ya. Tumawa lang naman siya at naging seryoso.
"Alam ko ang nangyari sa inyo ni Farra. At nalaman ko ito sa kan'ya. Nasaktan siya kay Xian na gusto niya pala na ngayon ko lang nalaman ng makita ko siyang umiiyak at galit siya sa'yo dahil gusto ka ni Xian. 'Wag kang mag alala ako ng bahala kay Farra kakalimutan niya rin si Xian dahil sa akin. Gagawin ko lahat para magustuhan niya ako"
Sabi niya sa akin. Ngumiti ako ng mapait. Sana nga magawan ni Dwayne ng paraan para magkabati na kami ni Farra.
Ang hirap kasi pag may kaaway ka. Na ayoko talaga sa lahat na may galit sa akin lalo na't hindi ko naman sinasadya.
"Kaya mo iyan, hindi ka naman mahirap mahalin"
Nakangiti kong sabi sa kan'ya. Tumango-tango naman din siya.
"By the way Alice, 'di ba bukas na iyong vollyball niyo? Sinong section makakalaban niyo?"
Tanong niya sa akin na ngayon ko lang naalala.
Oo nga pala bukas na iyon.
"Hindi ko pa alam eh"
Sagot ko sa kan'ya. Ngumiti lang naman siya sa akin sabay hawak nito sa balikat ko.
"Okay, basta manonood ako sayo bukas kaya goodluck ah"
Sabi niya sa akin na kinainit ng pisngi ko.
Kinabukasan ang araw ng pagsabak ko sa vollyball kasama ang mga kaklase kong babae na makakasama ko sa laro.
Naghahanda na kami. S'yempre may uniform din kami para sa pagsabak namin sa laro ngayong araw.
Marami ng mga estudyante sa paligid ng field kaya medyo kinakabahan ako. Namataan ko rin si Dwayne na kumakaway sa akin habang may ngiti sa labi kasama ang mga ka teammates niya.
Pero biglang nabaling ang tingin ko ng kusang tumingin ang mga mata ko sa taong nasa lilim ng puno. Mag isa lang siya doon habang nakasandal sa puno at nakahalukipkip ang mga kamay na nakatingin sa akin.
Nandito siya. Nandito si Xian. Ngayon ko lang siya muling nakita matapos namin mag usap noong huling araw bago mag simula ang sports festival namin.
Biglang nawala ang atesyon ko kay Xian ng may in-announce ang Mc.
"And the another corner please welcome Section B-4!"
Sigaw ng Mc sabay sigawan ng mga estudyante sa paligid.
Lumabas ang mga kalaban namin para magkaharap na kami. Pero nasa pagitan namin iyong net.
Nagulat ako sa isa sa mga babaeng makakalaban ko at sa section nito na kinabibilangan pala niya.
"Kamusta na ex friend"
Sabi niya sa akin habang may mapang asar na ngiti.