Baixar aplicativo
31.57% Leaving the Campus Prince (Tagalog/Filipino) / Chapter 12: Chapter 12: Puppy Love

Capítulo 12: Chapter 12: Puppy Love

×××

Tapos na kaming kumain ng hapunan nagpupunas na lamang ako ng lamesa habang si Mama naman ay naghuhugas ng mga pinagkainan. Si Papa naman nasa kwarto na nila Mama at nagpapahinga na.

"Anak, ang lalaking iyon. Diba childhood friend mo siya?"

Sambit ni Mama habang abala sa kanyang paghuhugas. Napatigil ako sa pagpunas at napa titig nalang sa lamesa.

"Uhm... Opo mama"

Sagot ko at itinuloy na iyong ginagawa ko. Marahan siyang tumawa.

"Ang batang iyon, hindi ako nagkamali. Siya ang dating iniiyakan mo ng umalis tayo, 10 years ago"

Sabi niya sa akin na kinalingon ko ng mabilis dahil sa gulat.

"Ano po iyon?"

Nakakunot noong sabi ko sa kanya. Lumingon naman din siya at ngumiti.

Inaya niya akong umupo sa upuan kaya umupo ako. Sunod naman din siyang umupo katabi ko.

"Anak nung bata ka pa iniiyakan mo siya dahilan ng ayaw mong umalis dito sa lugar natin dahil maiiwan na naman siyang mag isa. Sabi mo wala siyang kaibigan dahil lahat ng mga bata dati ay tinatatakutan siya dahil sabi mo'y subrang suplado niya. Ikaw lang daw ang kaibigan niya dahil hindi ito kumportable sa dalawa mong kaibigan. Alam ko na may gusto ka sa kanya nung mga panahon na iyon pero hindi mo lang ito na intindihan dahil bata ka pa nga. Sabi ko sayo babalik lang tayo. Sa paglipas ng panahon ng lumaki ka hindi ko na narinig sayo ang pangalan ng lalaking iyon siguro nakalimutan mo na din dahil nga wala ka pa sa tamang isip nun para maintindihan lahat kung anong nararamdaman mo para sa kanya. Nang lumaki ka at nagkita kayong muli alam ko bilang Ina mo na nagtataka ka kung bakit may nararamdaman kang kakaiba pag nandyan siya. Dahil iyon sa gusto mo siya Anak"

Sabi niya sa akin. Napa tulala na lamang ako.

Gusto ko si Xian. Matagal ko ng gusto si Xian. Kaya ganito nalang ba ang nararamdaman ko pag nandyan siya. Dahil gusto ko siya.

Gusto kong matawa pero puno ng lungkot ang puso ko.

Bakit nangyayari 'to bakit kailangan pang magka gusto ako sa kanya bakit kailangan pang maghiwalay pa kami.

"Mama sabi mo pag naka graduate nako ng high school aalis ulit tayo"

Sabi ko sa kanya. Hinawakan muna niya ang kamay ko bago tumango.

Hindi ko na mapigilan at tumawa na lamang ako habang nag uunahang tumatagos ang mga luha sa mata ko.

"Mama ng alam ko na ang lahat at nang maintindihan ko na kung anong nararamdaman ko sa kanya. Bakit... Bakit kailangan ko pang iwan syang muli"

Umiiyak kong sabi sa kanya.

Niyakap ako ni Mama at marahang hinaplos ang likod ko para tumahan na ako sa pag iyak.

"Anak walang masama kong umalis ka sa lugar na ito hindi natin alam kung may halaga ka ba sa kanya. At Anak wag mong saktan ang sarili mo at dapat maging matatag ka wag kang magpaka tanga"

Sabi niya sa akin parang dinurog ang puso ko sa sakit.

"Ma ang sakit po ng sinabi niyo pero alam kong sinabi niyo lang po iyan sa akin para hindi na ko masaktan ng lubusan sa oras na inamin ko sa kanya 'to"

Sabi ko sa kanya at tumahan na. Humiwalay na si Mama sa pagkakayakap sa akin at ngumiti.

"Alam ko, dahil ayaw ng Ina na masaktan ang kanyang Anak. Para sa ikakabuti mo ang lahat ng sinabi ko"

Sabi niya at inayos ang buhok ko. Ngumiti ako sa kanya at ako naman ang yumakap sa kanya.

"Salamat Mama"

Sabi ko.

Nasa loob na ako ng kwarto at nakahiga sa kama na nakaharap ang katawan sa kisame.

Nakabuka ang dalawang kamay ko at malalim na nag iisip.

Kailangan ko bang aminin 'to kay Xian? Ang pagkakaalam ko hindi din malaman ni Xian ang nararamdaman niya kung sino talaga ang taong gusto niya.

Gumalaw ako at tumagilid habang kagat-kagat ang isang koko.

Hindi kaya ako iyong taong iyon? Pero aish! Paano naman mangyayari iyon! Hindi naman ako kagandahan tulad ng iba. Malabong ako iyon. Pero hindi ko maiwasang hilingin na sana ako nalang. Sana ako nalang ang gusto ni Xian.

Natatandaan pa din kaya niya ang panahon na mag childhood friend kami. Kasi ako hindi ko na matandaan dahil sa subrang tagal na nito at five years old pa ako ng mga panahon na iyon.

Napabuntong hininga na lamang tuloy ako ng malalim.

Hindi talaga ako makakatulog nito sa pag iisip at hindi ko alam kong papaano ko haharapin si Xian bukas ng alam ko na may gusto ako sa kanya.

Kung di kaya ako mag pretend? Pero mahirap eh. Hindi ako kagaya niya na kayang-kayang gawin iyon.

Kusang tumingin ang mga mata ko sa round table kong saan nakakalat ang mga papel. Doon kami gumagawa ng essay ni Xian kanina.

Bumuntong hininga na lamang ako at bumangon sa kama para ligpitin ang mga kalat na iyon.

Habang nagliligpit ako may napansin akong isang papel na naka ipit sa libro.

Nang tignan ko at subukang basahin kong ano iyon. Nagulat akong sulat kamay iyon ni Xian.

Why I become Prince of Campus.

Una sa lahat hindi ko hiniling na makilala ng lahat. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. I became cold and bad to others when I step this school. Until I meet Farra my Childhood friend I though she's not going to this school to study but here she is. We keep in touch until I felt something strange to myself I think I love her. But there's a boundary my rival Asher or they called Dwayne his name. I hate him because he also like Farra. That time I want to be a bad person as I was. I keep myself bad to ruined there happiness to each other. That time Dwayne is famous for being a Basketball Captain on school. As he is my rival I keep my title being the Campus Prince until I became senior year. There it is rival thing with Dwayne that there's no end. I meet Alice she's also my childhood. Were schoolmate last year but now were on the same room that's why I use her to continue what I do before to Farra and Dwayne. While I'm with Alice there's something weird on it, my feelings. Same feelings on Farra but this time it's strong, very strong feelings that I never felt before or I felt in when I was a kid. I think... I think I'm inlove to this girl now, who was my first friend and love when I was just a kid. Alice, the girl I love.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C12
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login