Baixar aplicativo
92.15% The Billionaire's Innocent Maid (R18/SPG) / Chapter 47: KABANATA 46

Capítulo 47: KABANATA 46

"Ha... Damn it," hindi mapigilan ni Lucas ang mapamura na lang dahil sa bagay na kaniyang napanaginipan. Tagaktak ang pawis sa kaniyang buong katawan habang hinahabol ang kaniyang paghinga. Basang-basa ang kaniyang likod lalo na ang kaniyang dibdib na hanggang ngayon ay taas baba pa rin dahil sa sobrang emosyon na kasalukuyan na kaniyang nararamdaman. That dream... No, that nightmare almost killed him through pain.

Napasabunot na lang si Lucas sa kaniyang buhok at hindi alam ang gagawin. Nanginginig pa rin ang kaniyang buong katawan lalo na ang kaniyang basang mga kamay. His heart was pounding crazily inside his chest as if it's going to come out through his mouth. Kahit na panaginip lamang iyon, pakiramdam ni Lucas ay totoong-totoo na.

Nagpakawala siya nang malalim na hininga at pinakalma ang nagwawalang puso. Nang maramdaman ng lalaki na okay na ang kaniyang pakiramdam, tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang kama at pumasok sa banyo. Doon, tumayo siya kaharap ng salamin at hinugasan ang mukha sa sink. Pagkaraan ay tinapik-tapik niya ang mukha at tinitigan ang sarili sa salamin na nasa kaniyang harap.

His face right now is the worst. Maliban sa sobrang putla no'n, ang kaniyang mukha ay para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Namumula rin ang kaniyang dalawang mata na para bang ilang oras na siyang umiiyak. While staring at himself in front of the mirror, Lucas couldn't help but remembered again what happened before he have this damn nightmare.

Matapos siyang humingi ng tawad sa harap ni Hera at lumuhod, tahimik lamang na tinalikuran siya ng babae. Since he couldn't afford letting her go for who knows how many times already, sinundan niya ito ay hinawakan ang braso para matigil ito sa paglalakad. Akala niya ay hindi magsasalita si Hera dahil hindi naman ito nagsalita kanina, nagulat na lang siya nang sigawan siya nito.

"Let go of me!" galit na sigaw ni Hera sa kaniya. Imbes na sundin ang kagustuhan ng babae, mas lalong humigpit ang kaniyang pagkakapit sa braso nito. Dahan-dahan na binuksan niya ang nanginginig na labi para magsalita.

"N-no, I-I can't..." he replied while closing his eyes shut. He can't look at her face. Ang mukha ng babae na ngayon ay puno na ng sakit at luha. Hindi niya magawang tingnan iyon. Sa tuwing ginagawa niya, para siyang pinapatay sa sakit. It also makes him remember his mistake in the past.

Ang pagkakamali niya na saktan ang babae para layuan siya nito. It was his mistake. Why did he ever think of that anyway? Pinagsisihan na niya iyon. Ilang taon niyang sinisi ang sarili at pinagdusa dahil sa kaniyang pagkakamali. Kung hindi lang siguro niya nakita si Hera at ang kanilang anak, siguro ay pinaparusahan pa siguro niya ang sarili ngayon.

But then, he...

"Damn you! Ang kapal talaga ng mukha! Ayaw na kitang makita pa Lucas. Those five years were your chances, pero anong ginawa mo? Sinayang mo 'yon!" Hera cried out.

Mariin na kinagat ni Lucas ang kaniyang labi. Sa sobrang diin no'n ay nagkasugat na iyon.

Lucas wanted to tell Hera the truth. Na kaya siya hindi nagpakita sa loob ng limang taon na iyon ay dahil sa naduduwag siya na harapin ulit ito. Na busy siya sa pagsisi at paghihirap sa kaniyang sarili dahil sa kaniyang ginawang pagkakamali.

But then, how can he tell her that? He doesn't have the courage to do so and all he could say was...

"I-i'm sorry..." Kahit siguro ilang I'm sorry pa ang kaniyang sasabihin, the fact that he let Hera suffered for five years and for not showing early won't change anything. Kung nagpakita lang siguro siya at kaagad na humingi ng tawad sa babae, siguro ay hindi umabot sa ganito ang kanilang sitwasyon ngayon.

"H-huli ka na Lucas... Huling-huli," after Hera said those words out loud, she left him again for the second time. Pero hindi kagaya noong una, iniwan siya ni Hera ngayon na may nadudurog na puso.

What's happening right now is not because of what he did in the past anymore. Ramdam niya na hindi galit si Hera sa kaniyang ginawang pananakit no'n. Galit ito dahil hinayaan niya na lumipas ang limang taon na wala siya sa tabi nito at hindi kaagad siya nagpakita.

He doesn't know what to do anymore. Blanko ang kaniyang isipan at walang ibang maisip kung hindi ang sumuko na lang...

Hinugasan ulit ni Lucas ang kaniyang mukha gamita ng malamig na tubig para bumalik siya sa realidad. Hindi man lang niya napansin na naaalala na naman niya ang nangyaring komprontasyon niya at ni Hera. Bumalik ulit siya sa kaniyang kama at pabagsak na humiga roon. Using his arm, he covered his eyes. Ramdam niya ang pagtulo ng kung anong likido sa kaniyang pisngi pero hindi niya iyon pinansin.

"I... I want to see you..."

Morning came and Lucas felt like he just woke up from hell. That short but felt so long slumber were draining all his energy. Pagod at walang lakas ang kaniyang buong katawan nang siya ay magising. Tiningnan niya ang wall clock para malaman kung anong oras na. Nang makitang alas dyes na ng umaga, bumangon na si Lucas at nagpunta sa kaniyang banyo para maligo.

When he's done, he immediately comes down to eat. Nasa bahay pa rin siya ng kaniyang kaibigan na si Vaughn. Though, siya lang mag-isa ngayon maliban sa ilang kasambahay dahil umalis ang lalaki. Since he's planning to say here for who knows how long, he'll be the temporary owner of this house.

Pagkababa niya ay nagulat siya nang may makitang dalawang chikiting na nakaupo sa upuan ng dining table. Napansin siguro ng dalawang bata ang kaniyang presensya kaya napatigil ang mga ito sa kanilang ginagawa at napatingin sa kaniya.

"Good morning Tito Kurt!" masayang bati ni Adelina, anak na babae ng kaniyang kaibigan na si Bryle.

"Morning, Tito Kurt," walang tingin-tingin naman na bati ng kakambal ni Adelina na si Archibald. Pitong taong gulang na ang dalawa at kamukhang-kamukha talaga ng dalawa ang kaniyang kaibigan at ang asawa nitong si Narine.

"What are you guys doing here?" nakakunot noong tanong ni Lucas at naglakad papalapit sa dalawa. Umupo siya sa harapan ng mga ito at seryosong tinitigan. He hasn't seen the twins for who knows how many months now. Ninong siya ng mga ito at medyo close rin sa kaniya.

"Dad told us to visit you here since he said you'll be lonely!" masiglang wika ni Adelina at uminom ng gatas. Napabuntong hininga na lang si Lucas at napahilot sa kaniyang sentido. There's no way that's the reason why the twins are here.

Kilala niya ang kaibigan at isa lang ang rason kung bakit nandito ang dalawang anak nito ngayon. Gustong masulo ni Bryle si Nadine kaya sa kaniya iniwan ang dalawang anak nito. Pero dahil nandito na ang dalawang bata, wala na siyang magagawa pa.

"You two, eat well and stop whatever you're doing." Sabay na tumango ang kambal at kaagad na sinunod ang kaniyang sinabi. Kumain na rin si Lucas at pagkatapos no'n, nakipaglaro sa dalawang bata.

Bandang alas tres, kung saan tulog na ang dalawa siya nagpasiya na umalis. Sumakay na agad siya sa kaniyang mamahaling kotse at pinaharurot iyon.

And just like the first time he came here, his heart was running wild inside its cage. Hindi iyon mapakali kahit na anong pagpapakalma niya. Hanggang sa naisipan na lang ni Lucas na hayaan na lang ang kaniyang puso. Hindi rin naman din kasi iyon titigil kahit na anong gawin niya. Him, being nervous in this situation is normal.

Kaagad na nawala ang kaniyang atensyon sa kaniyang puso nang bigla na lang kumulog ng malakas habang siya ay nag d-drive. Nang tingnan niya ang kalangitan mula sa loob ng kaniyang kotse, madilim iyon at parang uulan na. Pero kahit ganoon ay hindi siya huminto sa pag drive at nagpatuloy sa pagmamaneho papunta sa kinaroroonan ni Hera.

Bago pa man siya umalis ay pinigilan siya ng dalawang bata dahil nga ay may bagyo raw but he doesn't care at all. Nagpatuloy pa rin siya sa pag-alis. At hindi kagaya noon, medyo matagal bago siya nakarating dahil medyo traffic ang daan.

Kabado na pinarking niya ang kaniyang kotse sa gilid ng daan at bumaba. With a nervous and anxious heart, Lucas began walking towards the house in front of him. Mas grabe at ang kaba na kaniyang nararamdaman ngayon hindi kagaya kahapon. Right now, para nang sasabog ang kaniyang puso sa loob. It's painful but he can't do anything to stop it.

Huminto siya sa harap ng gate ng bahay at pinindot ang doorbell na nasa gilid. After how many bell, no one still answered. Well, he already expected that though. Dahil sa nangyari kahapon, sigurado siya na hindi siya haharapin ni Hera. Pero kahit ganoon ay hindi siya sumuko. He plans on pressing this doorbell for how many times as long as Hera comes out.

May pakiramdam siya na nasa loob lang ang babae at hindi siya pagbubuksan. But then, he'll made her do it for him.

Nagpatuloy siya sa pagpindot ng doorbell hanggang sa makakaya niya. He even lost count of how many times did he pressed that thing already. May pakiramdam siya na baka masisira na iyon but he doesn't care. Hera was still not showing up.

His actions right now might be annoying but he can't just give up on Hera. That will the last thing he'll do. Kaya hangga't may pag-asa siya na nararamdaman sa kaniyang puso, na kahit na ang pag-asang iyon ay walang kasiguruhan, he will hold and fight on that hope until he doesn't have anything left on him.

Hindi na mabilang ni Lucas kung nakailang pindot na ba siya. Hanggang sa umulan na lang nang malakas, wala pa ring Hera ang nagbubukas sa kaniya. Pero hindi siya sumuko. He's determined to win her back again. He'll endure anything even if that's–

"Umalis na ang mga nakatira diyan."

Ang katiting na pag-asa sa kaniyang puso ay parang isang bula na naglaho nang may lumapit sa kaniya ng isang matanda at sinabi ang mga katagang iyon. The old woman was holding an umbrella and was looking at him with pity eyes. Nilunok ni Lucas ang bumabara sa kaniyang lalamunan. And with his trembling lips, he spoke.

"P-po?" The old woman sighed again.

"Kanina pa kita pinagmamasdan, at naawa na ako sa 'yo hijo. Kahit na ilang pindot mo pa diyan sa doorbell, walang magbubukas sa 'yo. Kaninang umaga pa umalis ang mga nakatira diyan," nagawang wika ng matanda sa kaniya at bago ito umalis, binigyan siya nito ng tingin na hindi niya maipaliwanag.

Blangko na napatitig na lang si Lucas sa kaniyang basang sapatos. Ramdam na ramdam niya ang mabigat na pagbagsak ng mga patak ng ulan sa kaniyang ulo pero wala siyang nararamdaman. Sa sobrang sakit ng kaniyang puso dahil sa nalaman, parang naging manhid na ang kaniyang buong katawan. His mind was also blank and he couldn't think of anything.

Hindi man lang namalayan ni Lucas na tumutulo na pala ang mga luha galing sa kaniyang mga mata. And because of the rain and pain he felt, he didn't felt anything. He was just staring down blankly as if he finally loses his will to live.

That one, empty hope he has been holding for how many years was finally carried away. But in the midst of him breaking down...

"Lucas?"

That voice who once saved him from despair, saved him again for the second time.

Dahan-dahan na itinaas ni Lucas ang nakayukong ulo, and there he found Hera, holding an umbrella while looking at him with a surprised expression. Her expression were telling him as if she didn't expect him to come back after she told him to leave yesterday. Walang sali-salitang tinakbo ni Lucas ang kanilang pagitan at mahigpit itong niyakap.

"H-hey, what the–"

"Please, just this once Hera..." he pleaded. His voice was so weak and lifeless. Naramdaman niyang natigilan ito at nagdadalawang isip kung hahayaan ba siya, but then, she didn't push him.

"Alright…"

Napangiti na lang si Lucas kasabay ng pagdilim ng kaniyang paningin.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C47
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login