Gumising ako ng maaga dahil ngayon kami aalis. Pupunta na kasi kami sa Nueva Ecija, Si Angeline ang nagdadrive. Huminto muna kami sa isang store para bumili ng mga pasalubong. Para na rin may makain kami sa daan.
"Tagal na rin nung naka uwi tayo" Sa Nueva Ecija kasi kaming lumaki dalawa.
"Kaya nga eh" Binaling ko ang tingin ko sa bintana habang kumakain ng mga snacks na binili namin kanina.
Nakatulog ako sa byahe hanggang sa nakarating na kami. Medyo matagal yung byahe dahil may traffic kanina.
"Papa!" Sinalubong kami Nila Papa sa gate.
"Hello po tito" Bati ni Angeline kay Papa.
Tinulungan nila kami maglabas ng mga gamit. Binigay ko sa kanila yung pasalubong na binili namin kanina. Sa tuwing umuuwi kami laging nagiistay dito si Angeline dahil sa kulang sa kwarto ang bahay nila.
Nagpahinga muna kami saglit bago kami bumisita sa bahay nila.
"Magmeryenda muna kayo, Mugkhang pagod kayo sa byahe" Alok sa amin ni Mama, Umupo kami at nagsalin kami ng sopas sa mangkok.
"Tita walang pinagbago ang sarap pa Rin ng luto niyo" Saad ni Angeline
"Kung sa ganon eh ubusin niyo yan"
Pagkatapos namin kumain inayos namin ang mga gamit namin at lumabas para naglakas lakad. Napagplanuhan namin na dumaan sa mga pinsan namin.
Di naman ganun kalayo bahay nila, halos magkakadikit mga bahay namin.
"HI MABUHAY!" Sigaw ko pagkapasok ko ng bahay ng nga pinsan ko. Lahat sila lumabas oara tignan kung sino ang andun.
"Ate Nic!!!" Sigaw ni Aj at tumakbo papunta sa amin.
"Kelan kayo dumating?" Tanong ni ate Grace.
"Kanina lang kami dumating" Sagot ni Angeline.
"Wag kayong mawawala gagala tayo mamaya" Kami kasi inutusan nila Mama na bumili ng ihahanda sa Death Anniversary ni Lola. Kaya medyo maggagala gala muna kami.
"May pupuntahan muna kami" Sabi ni Angeline. Umalis na kami at naglakad lakad ulit para pumunta sa bahay ng Tatay ni Angeline.
Iniwan sila ng mamaya Nung Grade 6 pa kami. Nagulat rin ako nung nalaman ko yun, Nung graduation namin Tita niya lang ang dumating. Tita niya sa Mother side niya.
Kaya pag may nagtatanong na mga kaklase namin kung nasan ang Mama niya, Ako laging sumasagot.
"Pa! andito na ako" Sabi ni angeline. Apat silang magkakapatid. Share sila dati ng ate ng kwarto pero syempre malalaki na sila eh mas gusto nila magsarili, kaya lagi siya sa amin natutulog.
Dalawa kasi kama sa kwarto ko kaya ayos lang sa kaniya. May time na mainit dugo niya sa mga Kapatid niya.
"Oh andito ka na pala" Tumambad sa amin ang pagod na pagod na ama ni angeline.
"Kakagaling ko lang kasi da Trabaho eh" Sabi ni Tito habang nagpupunas ng pawis. Binati ko si Tito at binigay yung mga pasalubong.
"Babalik na Lang po kami mamaya dahil may pupuntahan pa kami, Inutusan kasi kami nila Tita na kami ang bumili sa ihahanda bukas" Sabi ni Angeline sa kaniyang Ama.
"Eh ganun ba? Gusto niyo ba ipagdrive ko kayo?"
"Wag na pa, pahinga po muna kayo" Kumaway kami sa kanila at umalis na. Nag text ako sa mga pinsan namin na gumayak na at aalis na kami.
Hinintay namin sila sa Labas ng bahay nila. Binigay ko kay ate Gladys Ang listahan ng mga bibilhin dahil baka mawala pag ako ang naghawak nun.
....
Nakauwi na kami nilapag namin ang mga pinamili sa lamesa at pumunta sa kwarto para matulog.Dahil sa sobrang pagod at napakainit sa palengke. Medyo maraming bumibili ng nga groceries ngayon.
"Ano to?" Biglang may nalaglag na isang pouch sa aking cabinet. Ito yung baraha na ipinamana sa akin Lola nun.
"Andito pa rin Pala to" Bubuksan ko sana ito ng biglang kumatok si Angeline at pinapababa ako.
"Nagluto akong meryenda, eto pa juice" Isa isa kaming kumuha ng puto na niluto ni Mama. Andito din ang mga pinsan ko, lagi silang tumutulong dito pag may mga handaan.
Antok na antok ako gusto kong matulog kaso andaming gagawin sa bahay. Tumulong ako maghiwa ng mga gulay, para bukas pwede na magluto. Kami kaming magpapamilya lang naman ang andito bukas.
Lagi Kong inaaya si Mica nun pag may mga event na ganito sa bahay. Halos sanay na sanay na siya dito sa bahay. Eh kaso diko na siya maiinvite ngayon.
"Naalala ko lang anak, Ano nangyari kay Mica?" Tanong Ni Mama, Diko alam kung ano isasagot ko.
"Nako Tita, baka masyadong maistress yang si Nicole" Saad ni Angeline. Kaya't di na nagtanong si Mana about dun.
Mahirap paniwalaan Ang mga nangyari nung araw na yun. Ni isa sa hospital walang alam kung ano nangyari.
Di rin sila makapaniwala na nagpakamatay si Mica. Di na ako nakapunta sa burol niya dahil diko kayang makita ang patay niyang katawan. Kaya't tumawag ako sa Mama niya nung araw na iyon.
Natapos na kaming maghiwa. Kaya pwede na ako matulog.
'apo'
'apo'
'APO!'
Isang masamang panaginip na naman. Tumingin ako sa bintana at gabi na. Ganun na ba ako katagal na natutulog.
Lumabas ako para uninom ng tubig. Nagulat ako ng may nakita akong anino sa bangkuan. Pumikit ako at dinilat ang aking mata ngunit wala na dun.
Baka sa Stress lang to. Bumalik ulit ako sa aming kwarto upang matulog. Natutulog na rin si Angeline, napagod din ata siya dahil siya ang nagdrive kanina..
'wag'
'wag'
'wag!'
'WAG!'
Nagising ako sa yugyog sa akin ni Nicole. Umaga na at oras na para maghanda. Halos si Lola ang aking nasa panaginip diko alam kung bakit, O dahil Death anniversary niya ngayon.
Tumulong kami sa pagluluto . Tinawag namin ang iba pa namin mga kamag anak. Bago magtanghalian ay natapos na kami.