Baixar aplicativo
65.45% Grace and Aces (Filipino) / Chapter 72: (Havoc Gangsters Arc) Chapter 71 - Fight For Escape

Capítulo 72: (Havoc Gangsters Arc) Chapter 71 - Fight For Escape

Shannon Pretini Point Of View

"'Yan ang palasyo ng reyna ng mga Dryads. Kapag nakapasok ka diyan nang hindi nakikita ng mga bantay, hindi ka mahihirapan na hanapin ang reyna." Sabi ni Mariel sa akin. Sa paghawi niya sa dahon ng puno na kinaroroonan namin, nakita ko ang malawak na bayan at ang pinakamalaking gusali na puno. Nasa isang matarik na rock formation kami ni Mariel ngayon at ang bayan ay nasa ibaba lang namin.

"Those three houses are lit." Reaksyon ko sa nakita ko.

"Those are made by the Dryad Engineers." Sabi niya sa akin.

"Paano nga pala natin mapapa-alis ang mga guwardiya?"

"Natin? I'm gonna lure them alone. Sneak into the queen's house. You're not gonna afford to lose this chance. They might've caught me after all. It's been a day since you came here, for sure it's been two days had passed in the physical world as the times here and there are not the same."

"I'm not gonna fail here." Madiin na sabi ko naman. Tumalon ako pababa at nagtago sa isang bush malapit sa bayan. Si Mariel naman ay lumantad at kinuha ang atensyon ng mga Dryads na nasa paligid.

"Hey bitches. Feel like catching me?" Rinig kong sigaw ni Mariel na siyang nagpainis sa mga Dryads na humabol sa kaniya.

Mabilis naman akong nagtungo sa bahay ng reyna. Pinasok ko ang gusali at walang nakitang kahit isang bantay. I searched for the queen's aura and found it on the third floor. Turns out the third floor was a Throne Room and the queen was actually sitting in it.

"Well well. Look who we got here. It looks like my idiot sister hid you well." Pag-kausap ng reyna sa akin.

"Hah?" Pasimpleng sabi ko naman.

"Don't play dumb. Mariel is my sister. That rebellious brat tried to hide you again from me right? It was always like this. Whenever there's a human intruder, she helps then hide. But she can't return them back to the physical world so they try things like this but those humans ended up being murdered and Mariel becomes a hopeless runaway Dryad."

"She's not hopeless you idiot. A woman who helps someone in need is hopeful. What kind of queen are you to think that way?" Nainis na sabi ko sa reyna.

Nag-salubong ang mga kilay nito at tumayo. "Plant Catchers." Gumawa siya ng mga halaman na hulmang kamay at sumugod ang mga ito sa akin. Akmang dadakmain ako.

Sinunog ko ang mga ito subalit mabilis ang regeneration ng mga plant kaya dumistansya ako.

"Idiot. You are here in our territory. Plant energy is abundant. My Plants can easily regenerate if you're just gonna use weak fire like that." She explained with an insulting tone. "Plant Catchers!" Muling sumugod ang mga halamang kamay sa akin.

Nagawa kong wasakin ang mga halaman gamit ang mas dinagdagan ko ng pwersa na fire magic ko.

"What the....." Hindi makapaniwala na sabi ng reyana sa ginawa ko. Inatake ko siya at akmang sasapakin sa ulo nang biglang may sumuntok sa aking likuran. Ang halaman na sinunog ko ay muling nagregenerate habang nasusunog.

Sunod namang sumuntok ang iba pang mga halaman sa akin mula itaas. Nasira ang tinatapakan kong sahig at nahulog ako sa ground floor. Nakaramdam ako nang biglaang panghihina sa akin katawan matapos kong malanghap ang tila alikabok na dala ng mga halamang kamay. Isa din siguro itong spell, kainis!

Sa aking pag-bagsak ay sinundan pa ito ng marami pang mga plant fists na sumuntok sa akin. Ilang sandali lang ang lumipas, nawalan na ako ng malay.

*****

I woke up in a stage with magic barrier surrounding it. Sa labas, ang daming mga cute na mga Dryads ang nanonood. I tried to get up but my hands were tied up in my back. Nahirapan akong makatayo.

"So you're awake at last." Isang pamilyar na tinig ang narinig ko. Nang makatayo na ako ng maayos ay hinanap ko kung saan iyon nanggaling. "Welcome to the stage of hell." Sabi niya ng may malapad na ngite. Bitch.

Nakita kong sa isang baitang ng upuan na mababa sa kaniyang kinauupuan ay si Mariel na nakatali din ang mga kamay sa likuran.

"Pasensya kana kung nahuli nila agad ako." Sigaw sa akin ni Mariel. Sinipa naman siya agad nung tarantadang ate niya. Bitch queen.

"Hoy! Huwag mong sasaktan si Mariel. Siraulo kaba? Kapatid mo 'yan!" Sigaw ko sa reyna na nag-smirked sa akin.

"You idiot. You still haven't processed in your small mind that you're gonna die in that stage?" Tanong ng reyna sa akin.

"Hindi ikaw ang magde-desisyon sa kamatayan ko." Angal ko naman.

"Ate. Tigilan mo na 'to. Siya ang taong kailangan ng pisikal na mundo. Kapag namatay siya, katapusan na ng lahat-" Hindi natapos si Mariel sa sinasabi niya sa kaniyang kapatid dahil tinadyakan na naman siya.

"There's no way a weakling like that can save the physical world. That world can die alongside it's people. I don't care about it. We have our own world here, we can leave here for more 1,000,000 years." Katwiran ng reyna kay Mariel. Nakita ko ang dugo ang umagos mula sa ulo ni Mariel.

"Hoy! Kapag napatay mo siya, magtago kana!" Sigaw ko sa galit sa nakita ko. Subalit nakaramdam din ako ng pagkahilo. May dugong natuyo ding nasa noo ko. Malamang galing sa mga suntok na halaman na natamo ko.

"Ilang oras kang tulog dahil sa atake ko na hindi mo nagawang tapatan tapos sasabihan mo ako ng ganiyan?" Nakaka-inis ang boses ng babaeng 'to.

(She's really strong. I underestimated her. She's on par with the 5 Dons.) Sabi ko sa sarile ko. "TSK. Just when I found out that there was still a monster race existing...this what happens?" Singhal ko. Hindi na dapat akong nagpunta pa sa batis na iyon, hindi sana nangyari ito.

"If you really wanted to get out of this place, I'll give you a chance to fight for your escape." Sa pagpitik ng kaniyang kamay, nawala ang bagay na naka-tali sa kamay ko na pinipigilan ang pag-daloy ng mahika sa katawan ko. "Wish for your victory."

"Gaga. Hindi mo mahal ang kapatid mo." Angal ko naman. Nakita ko naman ang luha na umagos mula sa mga mata ni Mariel.

"Ate...tama na. Pakawalan mo siya. Ate Fibel!" Pagmamakaawa ni Mariel sa reyna.

"Shut up." Muli siyang tinadyakan sa ulo ng peste na reyna.

"Mariel! Don't worry. We knew each other not that long but I can tell that I like your personality." Umunat ako. "It's a personality that the physical world is lacking. You bitchy queen, I'm gonna make you go down here and challenge you into a fight. No matter what happens, I'm going back to the physical world and I'm going to protect the Giftia!" Deklara ko sa reyna na napakagat sa kaniyang ibabang labi.

"Hah ang yabang naman."

"Huwag ka ngang ilusyonada."

"Hindi kana makakabalik sa mundo mo ng buhay."

"Katulad ka lang din nung gagong lalo na nakakulong ngayon sa selda."

"Akala mo kung sino kang malakas."

"Don't underestimate the stage fighters."

"They are the elite guards of the queen after all." Reaksyon naman ng mga manonood.

"Wala akong pakialam!" Sabi ko naman sa kanila at malakas na 'boo' ang iginanti nila sa akin.

Pumasok sa barrier ang dalawang Dryads. Malapad ang mga ngise ng mga ito sa akin.

"Are you ready to fight for your life?" Tanong ng Dryad na mayroong itim na bagsak na buhok. She have black almond eyes, black eyelashes, black arched eyebrows, roman nose, full lips that was colored black, diamond shaped head and almond skin tone. She's wearing a black dress. May hawak siyang spear na sandata.

"Just say whenever you're ready." Sabi naman ng Dryad na mayroong blue na kulot na buhok. She have black round eyes, black eyelashes, black s-shape eyebrows, greek nose, droopy lips, inverted triangle shaped head and porcelain skin tone. She's wearing a blue dress. Wala siyang hawak na sandata.

*****

Third Person Point Of View

Dalawang araw matapos puntahan ni Andrew Crimson ang kaniyang kapatid na siyang kaniyang vice president sa Crimson Orange Gang sa Minwell City...bumalik na sa Mchavoc City si Andrew na tuwang-tuwa sa mangandang nangyari sa kaniyang pagpunta sa Minwell City.

Nasa garden siya ngayon ng Mchavoc Family Palace. Nag-eensayo at nasasabik na harapin ang Havoc Gangsters na kaniyang gustong-gustong pabagsakin.

"I'm unstoppable... Shannon Petrini, you might be Stage 0, but we are not the same. I got this being in my back after all..." Matapos sabihin ito sa hangin, tumawa ng malakas si Andrew. Isang malakas na aura ang kumawala sa kaniyang katawan at lumabas, mula sa kaniyang likuran ang isang nilalang na gawa sa apoy. Kalaunan, nahulma pareho sa pigura ng isang dragon ang nilalang. Ang apoy nitong katawan ay naging pareho sa isang totoong balat.

Ito ang 'Salamander'. Isang nilalang na kabilang sa mga 'Great Spirits'. Sila ay mga nilalang na gawa sa mana at nagkakaroon ng pisikal na katawan kapag mayroong Magus ang gumawa ng kontrata sa kanila. Pinapalakas ng isang Great Spirit ang mana ng magus na naging amo nito. Ang mga Great Spirits ay mga nilalang na walang kapareho na elemento sa mga kapwa nila. Ang isang nabubuhay na mana ay magiging Great Spirit lamang kung mapapaslang nito ang kasalukuyang Great Spirit na siyang mayroong kapareho nitong elemento.

Ang Salamander ay isang Fire Great Spirit, ang dati nitong amo ay ang ama ni Andrew Crimson. Sa kadahilanan na abala sa pagiging susunod na hari ng Minwell City ang inaasahan nitong tutulong sa kaniya na si Andrei Crimson, ipinamana na ng ama ni Andrew ang Salamander sa kaniya upang kayanin na nito ng mag-isa ang laban nitong haharapin. Dahil sa pagkakaroon ng Salamander, sa tulong ng mana nito, tuluyan ng naabot ni Andrew ang ranggong Stage 0.

Itutuloy.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C72
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login