Baixar aplicativo
83.33% Oblivion Memories / Chapter 5: Chapter 4

Capítulo 5: Chapter 4

Chapter 4

Vacation

Sa isang coffee shop ng Metro Manila ay naroon si Jorden Greycent. Nakikipag-usap siya ka-business partner niya.

Nagmamay-ari ito ng malaking hotel sa Italy at balak pa nito magpatayo ng isa pang branch ng hotel dito sa Pilipinas.

At siya ang nais nitong humawak sa project at magpatakbo ng hotel nito at interesado siya. Dahil pati siya ay makikinabang sa good income ng hotel kung sakali man.

Fastian Morgan Sham ang kilalang pangalawang bilyunaryo at negosyante rito sa Pilipinas at maging sa Italy.

"I wanna have a vacation here, Jorden. Kasama ang asawa ko. Gusto kong mag-relax muna at ayoko sa hotel natin mag-stay. Gusto ko 'yong may dagat. Any recommend?" tanong nito sa kanya.

Uminum muna siya ng kapeng in-order niya kanina. Bago sinagot ang matanda.

"How about the Boracay? Tagaytay Fastian?"

First name ang tawagan nila at may katandaan na ito. Magkasing edad lang ito ng daddy niya.

"Ayoko roon, nakakasawa rin naman. Madalas kaming pumupunta roon," natatawang sambit nito.

He just shrugged his shoulder and he sipped his black coffee, once again.

"Ah...may naalala ako," sambit nito at napatingin siya rito. Nakahawak ito sa sentido.

Natahimik ang matanda at hinintay niya ang pagsasalita nito.

"If I'm not mistaken! May pribado kayong isla, 'di ba Jorden?" tanong nito sa kanya at may excitement sa boses nito.

"Rossa Island?" diretsong sagot niya na patanong naman.

"That's it! Kilala 'yon dito sa Pilipinas. Kahit nga sa ibang bansa. May malaking bahay-bakasyunan kayo. Tanging mga ma-impluwensyang tao at turista lamang ang nakaka-punta roon. Maaari mo ba akong i-book sa isla niyo Jorden at samahan?"

'What the? Talagang isasama mo pa ako?'  reklamo niya sa isip niya.

"Isasama ko ang anak kong babae," he added.

Tumaas ang isang kilay niya at tinawanan lang siya nito.

God knows, he's attractive to Fastian's daughter. She's beautiful.

"Hmm, why not Fastian?" nakangising sambit niya at pinaraan pa niya ang hintuturo niya sa labi niya.

'Not bad, at least hindi ako mabo-bored doon.'

***

"Dad, can you contact Mang Prodencio for me? Magpapasundo kami sa kabilang isla ng Rossa Island. Fastian wanna have a vacation together with his wife and his daughter. Sasakay lang kami sa barkong bumi-biyahe papunta sa isla. Ayaw niyang gamitin ang private chopper natin Dad," mahabang saad ni Jorden sa daddy niya.

Na ngayon ay nakaupo at nagbabasa ito ng diyaryo, ibinaba nito ang binabasang diyaryo at mataman siyang tinitigan nito.

"What...what's with your look , dad?" kunot-noong tanong niya sa daddy niya. Talagang iba ang tingin nito sa kanya.

"Well, kasama ka?" nakataas na kilay na tanong ng ama niya sa kanya.

"Yes, daddy," sagot niya at ngumisi ito.

"Hula ko, sumama ka lang kasi kasama ni Fastian ang kanyang anak 'no?" nakangising saad nito at mabilis siyang lumapit saka tumabi nang upo.

"Dad, huwag kang maingay baka marinig ka ni mommy."

Isang malakas na halakhak ang lumabas mula sa bibig ng kanyang ama. Natawa ito bigla sa inakto niya.

"Daddy..."

"Oh? Are you really attractive to his daughter, son?"

"Dad, sobrang ganda ng anak niya at baka mag-eenjoy ako roon sa isla natin."

"Oh I heard that! Si Farchiara ba ang kasama niyo, honey?"

Umikot ang mga mata niya nang marinig ang malakas na boses ng kanyang ina.

Nakasandal ito sa nakasarang pintuan na patungo sa may garden ng mansyon nila.

Ang talas talaga ng pandinig nito. Close kasi ang mommy niya sa anak ni Fastian na si Farchiara. Gustung-gusto nga ito ng mommy niya eh. Pero gusto niya munang mag-enjoy sa buhay. Oh well, excited siya sa mangyayari sa isla.

"Yes, mom," tipid na sagot niya at mabilis itong nakalapit sa kanila.

"Make a two weeks, honey!" masayang sambit nito.

"Nah, mom, one week lang po roon sina Fastian."

"Eh...'di, magpaiwan na lang kayong dalawa." Talaga namang napakapilyo ng kanyang ina.

Napatawa ang daddy niya at marahan nitong hinila paupo ang mommy niya. Saka ito inakbayan.

"Sinong magpapaiwan?" dinig nilang sambit ng bagong dating. Sabay-sabay silang napatingin sa nakabukas na pintuan.

Naroon si Jornyn ang kanyang kakambal. Oh? Nakabalik na pala ito?

"Hi, honey kamusta ang isla natin?" malambing na tanong ng mommy niya sa kakambal niya.

"Hmm, na miss ko kaagad ang isla. Maganda pa rin mommy, as usual. Sana sumama kayo eh," saad nito at naglakad palapit sa kanila.

Hinalikan nito ang pisngi ng mommy at daddy nila. Saka tumabi nang upo sa kanya at binigyan din siya ng halik sa pisngi.

"Pupunta ka roon, kuya?" tanong nito sa kanya at tumango lang siya bilang sagot.

"Aw, gusto kong sumama at pumunta ulit sa isla, kaso may trabaho pang naghihintay sa akin."

"You can come, next time," saad niya sa kakambal at inakbayan ito.

"Talagang pupunta ako at babalik roon," mapanghamon nitong sagot at tinawanan na lamang niya ito.

***

Sa hindi kalakihan na barko ay naka-sakay na sila ngayon. Tanaw na tanaw nila ang hindi kalayuang isla, na sa kabilang panig naman nito ang Rossa Island.

Tumingin siya sa kaliwang panig ng isla, kung saan naroon ang pribadong isla nila at hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

"We are almost there," excited na sambit ni Fastian na nasa tabi niya. Tinignan niya ito at nginitian.

"Yeah," sagot niya.

He glanced at Farchiara. Hindi niya ito tinignan kanina nang sumakay sila sa barko at hindi kinausap. Pero napapansin niya ang madalas na pagsulyap nito sa kanya.

'Just wait baby, I can make you mine, kapag nasa Rossa Island na tayo. I'll make you happy there,' sambit niya sa sarili at nag-iwas nang tingin sa dalaga.

***

Pagkarating nila sa isla ay bumaba na sila kaagad mula sa barko.

Nakita niya agad si Mang Prodencio.

Napangiti siya, matagal na niyang hindi nakita ang matanda.

"Mang Prodencio!" tawag niya rito at nagulat ito nang makita siya.

"I-ikaw na ba 'yan, Jorden?" gulat na tanong nito sa kanya.

"Opo!" masayang tugon niya at mabilis na lumapit siya rito. Saka siya nagmano at niyakap ito nang mahigpit.

Uh-huh, malapit ang loob niya sa matanda.

"Kung hindi mo ako tinawag hijo ay baka hindi na kita nakilala," naiiling na saad nito.

Tinawanan niya lang ito at inakbayan.

***

Sumakay sila ng speedboat at papunta na sa Rossa Island.

Muli niyang sinulyapan si Farchiara at katabi nitong nakaupo ang mommy nito. Mahinhin ang babae kung kumilos at para itong inosente. Napatawa siya sa naisip.

'Stay innocent, baby,' aniya.

Tiningnan niya ang wrist watch niya. Malapit na pala mag 6 pm ng hapon, kaya naman pala na medyo dumidilim na ang langit.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na sila sa Rossa Island.

Pinasadahan niya nang tingin ang kabuoan ng isla na ngayon ay pagmamay-ari na niya. Maganda pa rin ang bahay-bakasyunan at wala pa ring pagbabago.

Talagang mahusay na caretaker si Mang Prodencio dahil iningatan nito ang bahay-bakasyunan nila.

Nauna siyang pumasok sa bahay-bakasyunan at dumiretso sa kuwarto niya. Oo may sarili siyang kuwarto. Nasa dulo ito at katabi ng swimming pool.

May nag-assist na kina Fastian at ipinakilala na niya ito kay Mang Prodencio.

Naligo siya kaagad. He's tired at gusto niyang matulog na. Bukas na niyang gagawin ang binabalak niya sa anak ni Fastian.

***

Naglalakad lang si Ross sa loob ng bahay-bakasyunan. Sa bawat hakbang niya ay pinaparaanan niya ang kanyang daliri sa pader ng bahay.

Napaka-pamilyar sa kanya ang mga magagandang kagamitan nito.

Sinama siya ni Rie dito at tama nga ang dalaga. Sobrang ganda ng bahay-bakasyunan at pati ang mga paintings dito.

Napatingin siya sa isang pintuan. Bahagya itong nakabukas at bigla siyang na curious. Lahat kasi nang naraanan niyang pintuan ay nakasara pero itong dulo ng pintuan ay bahagyang nakabukas. Medyo madilim din naman.

Humakbang siya patungo roon at nang tuluyan na siyang nakalapit ay tinulak niya pabukas ang pintuan.

Dahan-dahan siyang pumasok at bumungad kaagad sa kanya ang maraming laruan at...

Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang isang malaking painting. Pamilyar din ito sa kanya.

She slowly walked closer towards the wall kung saan nakasabit ang malaking painting.

Hinawakan niya ito pagkalapit niya. Isang...

"Who...are you?" Nabitin sa ere ang kamay niya at nagulat siya.

For the first time may nagsalitang ganoong lingguwahe kaya naman ay naintidihan niya iyon.

"Who are you?"

She heard his footsteps towards her direction at mabilis nga itong nakalapit sa kanya. At sa gulat niya ay naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya.

Napatili siya at malakas na tinulak ang lalaki. Mabilis siyang nakawala.

"Hey!"

Medyo madilim ang kuwarto ni Jorden kaya hindi niya masyadong maaninag ang tao. Nahawakan niya ito sa braso at babae ang pumasok sa loob ng kuwarto niya.

Imposibleng si Farchiara 'yon,' aniya sa isip niya.

Katatapos niya lang maligo at tanging boxer niya lang ang kanyang suot.

Dahil curious siya kung sino ba ang babaeng iyon ay hindi siya nagdalawang isip na habulin ito.

Nakalabas ito sa sliding door na connection nito ang swimming pool, oh well. Maaabutan pa niya ang babae kung tatakbo siya patungo sa nilabasan nito.

Hindi siya nabigo at nakita nga niya ito na naglalakad na lang. Napangisi siya at malalaki ang hakbang na lumapit sa babae.

"Huli ka," malamig na sambit niya at mahigpit na hinawakan ito sa baiwang na siyang dahilan nito ang pagkahinto.

"You can't escape away from me, lady," malamig na saad niya at nakaguhit ang ngisi sa mga labi niya.

Inikot niya ito paharap sa kanya and his eyes meet her gray eyes. Masyadong malamig ang mga mata nito.

"Who the hell are you? Bakit ka pumasok sa loob ng kuwarto ko? Are you one of our visitor, here?" sunud-sunod na tanong niya sa babae.

Marahil ay natakot sa kanya ang dalaga kaya napaatras ito pero humakbang naman siya.

Nakaramdam nang takot si Ross dahil sa malamig na boses nito. At dahil naintindihan niya ang iilan na sinabi nito ay umiling na lang siya bilang sagot.

"Ah, hindi? So, who are you? Ye know, this is trespassing lady?" tanong ni Jorden at patuloy pa rin ito sa pag-atras at siya namang paghakbang niya.

Tumigil ito nang maramdaman na nasa gilid na sila ng pool. Kung ipagpapatuloy pa nito ang pag-atras ay mahuhulog na ito.

"Answer me, who are you?" tanong niya ulit sa babae pero hindi ito sumagot.

He's hot-headed, kaya binitawan niya ito at hinayaan na mahulog sa pool.

The cold water wrapped her body again...

Her eyes were open at tumingin siya sa itaas. Lumubog siya sa tubig at hindi niya magawang igalaw ang kanyang mga braso. Pakiramdam niya ay mabigat ang katawan niya.

She closed her eyes at may mga bagay na naman siyang nakita. Ang isang bagay na sumabog.

She can't breath... Minulat niya ang kanyang mga mata at muling timingin sa itaas.

'Help me. H-help me please.'

She closed her eyes again and she heard a splashed of water. Hindi na niya magawang imulat pa muli ang kanyang mga mata dahil nahihirapan na siyang huminga pero bago siya kainin ng kadiliman ay naramdaman niya ang brasong dumausdos sa baiwang niya at tuluyan na siyang kinain ng kadiliman.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C5
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login