Wala naman magsisita sa kaniya dahil pagmamay-ari niya din itong paaralan. Nakakatawa nga dahil halos ng estudyante pinalibutan nila ang sasakyan ni KOHEN dahilan para magbulungan ang mga ito.
Palagi na lang ganito kapag may mga bagong salta na estudyante hindi maiwasan yung ganitong pangyayari na. Nauna itong bumaba ng sasakyan at nakikita ko sa mga mata ng mga ibang estudyante na pinagpapantasyahan siya.
Jusko... Wag niyong subukan yang binabalak niyo baka kalbuhin ko kayong lahat.
I can't blame them, Kohen is really a head turner.
Pinagbuksan niya ako dahilan para mapasigaw ang mga ibang estudyante dahil sa nakita nila ako. Pero nangingibabaw ang mga sinasabi nila tungkol sa akin.
" What siya na naman!"
" Anong mapapala ng mga lalake sa kaniya, eh isang hamak na bakla naman siya. Jusko iba na talaga ang mundo. Nagsikalat na ang mga bakla." Sabi ng isang babae na kulang na lang magiging clown na ito dahil sa sobrang kakapal ng kaniyang make-up at lipstick.
" Where's your room?" tanong nito ng maalalayan niya akong makababa.
" Bldg 12- A sapphire." nahihiyang pagsagot ko sa kaniya.
" Tara ihahatid kita." sagot nito tsaka agad niyang hinawakan ang kamay ko tsaka agad din sumunod ang mga bodyguards nito para harangan kami.
Lakas maka-artista!
Jusko masyadong siyang aggressive hindi man lang niya tinanong kung papayag ba ako o hindi. Kulang na lang mahati na ang kamay ko nito sa sobrang higpit nitong hinawakan.
" Kohen, pinagtitinginan tayo." saad ko rito na agad naman niyang itinakip ang suot nito sa amin.
The way they look , naramdaman kong madami silang sinasabi sa tungkol sa akin kaya nakakailang lang baka sabihin nila ang kati-kati kung tao. Napatigil ito bigla at napatingin ito sa kumpulan ng mga estudyante na siya naman nagpatahimik sa kanila.
" Listen everyone? Because I would not repeat it again. This boy beside me is Marco Dyne Montesidro SANDFORD--" Sagot nito habang naka-emphasize ang salitang Sandford at huminto ito ng ilang segundo.n
" You heard it! He's SANDFORD because he's my Husband and never dare to mess her up because all of you will regret." dagdag pa nito nakakahiya man sa kanila pero nakakakilig pa rin.
Tsaka itinuloy namin ang paglalakad ng matapos niyang sabihin iyon. OMG jusmeyo hindi ko akalain na magagawa niya iyon, ang ipaalam sa lahat na asawa niya ako.. Ayieeeeh... Mga bakla paki hawak nga yung garter ng undies ko Hahahaha.
Gusto ko siyang yakapin para iparamdam sa kaniya na isa akong napakaswerteng nilalang sa mundo, at hindi na napigilan ang sarili ko dahil agad ko na itong niyakap dahilan para magulat ito.
Wala akong paki kung madaming tao nakakakita sa amin, basta gagawin ko lahat para lang sumaya ako. Pagkakatanda ko kasi we're free to express our feeling.
" Why?" gulat nitong tanong.
Nagkibit-balikat ako tinuloy ang pagkayakap ko sa kaniya tsaka agad niya rin akong niyakap.
" Thank you." bulong ko sa kaniyang habang di parin ako humihiwalay sa pagkayakap ko.
" For what Babe?" tanong nito habang nayakap pa rin ito sa akin.
" For making me happy." sagot ko naman at kumawala sa pagkakayakap ko sa kanya tsaka tumingin sa kanyang mata.
" I love you babe."
" I love you too babe." sagot nito tsaka niya hinalikan ang noo ko.
Okay mapapa-sana all na lang kayo hahaha.. kami na ang center of attraction ngayon na parang nasa scene sa isang movie hahaah. Hayaan niyo ako moment ko to wag kayong ano diyan. Agad naman kaming nakarating sa tapat ng room ko, at may sampung minuto pa bago mag-umpisa yung unang subject ko.
" P*tang ina!" pagsigaw nito.
" There's something wrong?" tanong ko sa kaniya. Jusko mas lalong nakakahiya ngayon dahil sa ginawa nitong pagsigaw sa corridor pa talaga.
" Yes." tipid nitong sagot habang ginugulo nito ang ayos ng kaniyang buhok.
" Ano naman iyon?"
" I want you to be with me this whole day, para na rin bantayan kita dahil ayaw kung mag umaaligid sa'yong ibang lalake." sabi nito dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Lord kunin niyo na ako ayaw ko na...
Ano ba? Bakit ba ganito si Kohen ngayon? Masyado niya akong pinapakilig isang banat pa talaga nitong Kohen na to mag-papaangkin na sa kaniya. Ako na talaga ang tunay na Rapunzel dahil mula Luzon hanggang Mindanao ang haba ng buhok ko..
" Ano kaba? May trabaho ka rin kaya. Makikita mo naman ako mamaya kapag matapos ang klase ko. Just go to your company and do your things." pagtataboy ko sa kaniya.
Iniisip ko na baka gusto kong lumiban sa klase para lang makasama siya, pero hindi talaga kailangan kasi malapit na rin ang midterm namin.
" Okay ma-una na ako ingatan mo sarili mo at kung may mangyaring di maganda tawagan mo ako." pag-papaalam nito. Tumango na lang din ako bilang sagot sa kanya hindi ko alam na ganito mag alaga ni Kohen, hindi ko nakikita na kaniya dati dahil napaka-seryosong tao.
" susunduin kita mamaya, tsaka wag kang lalapit sa mga tao nandiyan sina manong para bantayan ka." dagdag nito.
" Kohen.." agad naman itong humarap.
Hindi na ito nakapagsalita ng agad ko itong hinalikan sa pisngi na ikinagulat naman niya ito. Agad naman akong tumakbo papasok ng room dahil ayaw kong asarin ako nito dahil sa ginawa ko sa kaniya. At grabe ng tinibok ng puso kongayon halos abnormal ang pagpitik nito dahil sa sobrang bilis.
Akala ko susundan ako nito sa loob dahil sa ginawa ko sa kaniya ngunit walang Kohen ang pumasok sa silid but I got a message from him.
" your kiss was great and I want you to bring you home right away but I need to stop myself. I'm heading to my office. See you later Babe, i love you." mensahe nito na ikinangiti ko naman dahil sa ka-sweetan nito.
Hindi ko na ito tinext pa
Hahahaha... Jusmeyo Marimar nakakahiya ang mga ginawa ko. For the first time in history na nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya.
I will save this date as on of my memorable day with Kohen and hopefully this is not the last.
Ang huli kong klase ay natapos na rin ang ito ako ngayon inililigpit ang mga gamit ko. At nagulat ako nang nakita kong papalapit si Gwen sa akin na May dala itong bouquet of flower na siyang pagsigaw ng mga ilan ilang mga estudyante na naiwan sa loob.
" Finally" tipid nitong sagot
" Flowers for you." dagdag nito tsaka agad niyang iniabot sakin ang dala nitong bulaklak.
" Oh.. long time no see Gwen, how did you know my room." tanong ko sa kaniya na agad naman itong Jumamoy sa ulo nito. Jusko May kuto ba tong lalake na to kamot ng kamot sa ulo.
" Ah.. nagtanong ako sa mga estudyanteng nakakakilala sayo, at hindi naman ako nahirapan sa pagkuha ng sagot dahil sa itsura ko." pagpapapogi points nito.
" Okay masyadong mahangin ngayon." pagbibiro ko sa kaniya.
" Kaw huh? Ginaganyan mo na ako nakakainis ka." pagmamaktol nito sa akin.
" Marco!" pagtawag ni Kohen sa akin habang papalapit ito sa gawi namin ni Gwen
Kumunot bigla ang noo nito ng makita niyang kasama ko si Gwen at hinablot niya ang hawak kong bulaklak tsaka niya ito ibinagsak sa sahig dahilan para ikinagulat ko. Agad na ako nitong hinila papalayo kay Gwen. Sobrang higpit ng pagkahatak ko dahilan para mahulog ang dala kung bag.
" Nililigawan ka ba ni Gwen!" tanong nito.
" Nakarating kana pala hindi mo man lang ako tinext na susunduin mo ako." pagsagot ko ngunit sinigawan lang niya ako nito.
" Sagutin mo ang tanong ko! Nililigawan ka ba niya?" galit na tanong nito sa akin.
" Ah. Kohen anong pinagsasabi ko tsaka bitawan mo ako nasasaktan na ako."
" Sinungaling!" sagot nito tsaka agad niya akong itinulak dahilan para makaupo ako sa sahig.
Akala ko ba nagbago na siya. Akala ko ba okay na kaming dalawa pero ano to sinaktan na naman niya ako.
" Hmmm.... Sandali" huling pagtawag ko sa kaniya habang patuloy pa rin ito sa pagalis.
Naiwan akong nakaupo sa sahig at umiiyak dahil hindi ko alam ang pinaparatang nito sa akin, hindi ko alam kong ano ang gusto niyang palabasin. Lumapit bigla sa akin si Gwen upang tulungang makatayo.
" Are you okay?" tanong nito habang inaalalayan ako.
" Sa tingin mo magiging okay ako sa ganitong itsura. Isa ka rin palang b*bo gwen." natatawang sagot ko sa kaniya.
Napangiti naman ito dahil sa sinabi ko sa kaniya tsaka agad kaming nakarating sa sa sasakyan nito at gaya dati inalalayan niya akong makapasok sa loob ng kaniyang sasakyan dahilan para mapangiti ako. Well dahil ngayon lang din ulit ito nagpakita sa akin sulitin kona ang pagiging baby ko sa kaniya.
Chariz....
( May kohen na nga nakikipaglandian panda iba jusko kang bata ka! Hahaha.)
"Can you let me drive your car" dagdag ko rito na agad naman itong tumango
Sinimulan ko nang paandarin ang sasakyan ni Gwen nung umpisa normal lang ang pagpapatakbo ko rito ng wala ng masyadong sasakyan sa daan patungo sa bahay ni Kohen agad kong pinaharurot ito dahilan para kabahan si Gwen sa ginawa ko.
" P*tang ina mo Marco! Can you slow down the car aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo." paminta nitong sagot sa akin napangiti lang ako sa naging itsura nito habang nakakapit ito sa pinag-sasabitan ng seatbelt.
" Dapat kanang masanay sa akin"
" Nasanay na ako sayo pero jusko papatayin mo ako sa kaba." sagot nito binagalan ko na ang pagpapatakbo para maging tahimik narin itong lalakeng to parang pinag-lihi sa manok na putak ng putak.
" Pero Marco magiingat ka parin hindi madali ang ginawa mo kanina, pwede mong ikaka disgrasya ito..
Pinanliitan ko ito ng tingin tsaka ngumiti tama nga si Gwen delikado ang ginawa ko kanina. Agad naman akong nakakita sa daan ng food vendor kaya naisipan ko munang ihinto ito para bumili sa tinitinda ni kuya.
Napalaki naman ng mata si Gwen na parang nandidiri ito sa nakikita niyang nilalako ng naglalako.
" don't tell me were going to eat here." tanong nito sa akin na ikinatango ko naman.
" Ano ka ba malinis ito tsaka try this masarap ito." sagot ko sa kaniya sabay tusok sa fish ball at isinubo sa kaniya. Tatanggi pa sana to ngunit pinilit ko ito hanggang sa ibinuka niya ang kaniyang bibig.
" Anong lasa hindi ba masarap?" sagot ko sa kaniya ngunit jusko matatawa kayo kung ano ang reaksyon ni Gwen kung paano niya kainin yung fishball.
" Hmm... Ansarap naman pala. Kumuha pa tayo." sagot nito tsaka tumusok tusok ito sa mga paninda ni kuya.
Halos gabihin na rin kami ng makauwi ako sa bahay ngunit lahat ng mga ilaw sa loob nakapatay ito, saan ba nagpunta si Manang bakit hindi man lang niya binuksan ang mga ilang sa loob, natatakot ako tuloy.
Dahan dahan akong naglakad papasok sa loob dahil baka matisod pa tayo, masasayang yung Beauty ko na kung mapupuruhan no. Okay lang kung mukha ni author yung mapuruhan. Hahahahah.
( Jusko nanahimik yung tao dito sinasali mo ako sa kagaguhan mo! Tignan lang natin ngayon?)
Aakyat na sana ako ng biglang....
" Where have you been? Bakit inabot ka ng gabi!" bungad nito sa akin habang sabay sabay bumukas ang mga ilaw sa loob ng mansion.
Naka dekwatro itong nakaupo sa sofa at magkasalubong ang mga kilay nito dahilan para kabahan ako.
" Ang sabi ko saan ka nanggaling! Bakit inabot ka ng gabi. Akala ko ba magaling kang p*tang ina ka. Pero simpleng tanong di mo masagot?"
" Ano ba kinagalit mo diyan? Akala ko ba okay na tayo bakit ganiyan na lang ulit ang pakikitungo mo sa akin. Kohen naman alam kong galit ka ngayon dahil lang bulaklak na binigay ni Gwen yun ba ang dalihan para magalit ka ng sobra. Alam mo ba kung gaano ako napahiya kanina sa ginawa mo." paliwanag ko sa kaniya ngunit nangingibabaw parin ang pagiging na pride nito.
" P*tang ina mo parang natutuwa ka pa sa pagbigay niya ng bulaklak sayo. At saan pa kayo pumunta sa motel kaya ginabi ka ng uwi sabi-- pinutol ko na ang sunod nitong sasabihin ng agad ko itong sinampal dahilan para napatahimik ito.
Mapatakbo na lang ako papunta sa aking kwarto at agad humiga sa kama tsaka iniisip ang mga pinaparatang nito sa akin. Ganun na ba kababa ang tingin nito sa akin. Ganun na lang ba ang tingin niya sa mga kagaya ko.
Akala ko ba nagbago na talaga siya? Pero ano itong sakit na pinadama niya ulit sa akin.
_________________________________________
A/N: yan kasi tiwala pa more Marco yan tuloy pain again ang naramdaman mo. Hahaha by the way thank you. Comment naman diyan kung itutuloy ko pa ba itong kwentong ito.