Nanamlay siya sa mga narinig. She is going to be the nanny of one of the most dangerous patient in this Asylum. Ngayon alam na niya kung bakit ganoon ang naging pag-u-usap ni Mrs. Dapit at ni Mr. Alonzo. This is too dangerous for a girl like her.
Paano kung sumpungin ang baliw na nasa harapan nila tapos makawala ito sa kadena? What if he hypnotize her and make her cross the yellow line? Kung totoo nga na kaya nitong gawin iyon. Ano na ang mangyayari sa kaniya?
"I'll give you until tomorrow to think about it Miss Madrigal," ani Mrs. Dapit dahilan para maawat ang malalim niyang pag-i-isip. "Again, I want you to think about this carefully."
Binuksan nito ang puting folder na kanina pa nito hawak at may inabot na ilang pahina ng papel.
"Here's your contract."
Marahan niya itong kinuha mula sa kamay nito.
"In case of your sudden or untimely death here, your family will be well compensated. At sagot na rin namin ang libing mo. You can double-check it. It's in page 5," pananakot pa nito.
Clearly, this old lady does not want her for this job. Kasi nga naman, ano ang magagawa niya sa baliw na iyon? She will just get herself killed. At dagdag trabaho lang sa matanda ang bangkay niya.
Naku po! Ano ba itong pinasok ko?
"If you still want this job, just sign it. If you don't," humakbang ito palapit sa kaniya at tinignan siya ng mariin sa kaniyang mga mata na puno ng paninindak. "Never come back here!"
Disappointment filled her chest. This intimidating woman successfully discouraged her. Parang kanina lang ang saya-saya niya. She was so excited she got hired. Gustung-gusto na niyang tawagan ang ina para ibalita ito. But after knowing what her real job is, she was disheartened.
Sigurado pa namang matutuwa ang ina niya kapag nalaman nitong natanggap siya. Ito ang may gusto nito. It will give her good daughter points to win her mother's heart. Ang laki kasi ng sahod na alok at kailangan nila ng pera.
She wants her mother's love more than anything in the world so she really wants to do this for her. She has been alone her whole life it eats her. The darkness... the loneliness... She can't take it anymore. She needs someone to love her... desperately.
Parang gusto niyang umiyak habang nakatitig sa kontratang ibinigay sa kaniya. Ano na ngayon ang gagawin niya? She feels lost.
Malamya niyang inangat ang kaniyang tingin kay Mrs. Dapit na naghihintay ng sagot niya. Tapos ay liningon niya ang lalaking tinatawag na V-03. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang mga itim na mata nitong mariing nakatitig sa ibabang bahagi ng katawan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano ang pinagmamasdan nito.
Wala talagang magandang naidulot ngayong araw itong maiksing pencil cut skirt niya. Kanina pinagtawanan siya ni Mr. Alonzo dahil dito, ngayon naman, pinagpipiyestahan ng baliw na ito ang mga hita niya.
Hindi siya makapaniwalang pinandilatan ng mata ang lalaki. At lalong kinilabutan siya ng iangat nito ang mga mata sa dibdib niya. Mrs. Dapit saw that too so she laughed.
"Well, there's the other reason why you shouldn't come back here. Jacoben was right, our boy is now a man, and yeah, baka boobs nga ang sagot sa problema namin sa kaniya," biro nito. But that's not funny at all.
Kasi naman! Ngayon lang ba nakakita ng dalaga ang lalaking ito?
Kung kanina ay awa at lungkot ang nararamdaman niya para kay V-03, ngayon pati na rin sobrang inis.
Sana pala hindi lang paa at kamay ang kinadena rito, pati rin sana iyong leeg. Tapos lagyan din ng piring sa mata! Diyos ko! Hindi siya nakatulong na palakasin ang loob ko. Baka mag-back-out na lang talaga ako!
Hinila niya pababa ang kaniyang palda at inirapan ang manyak na baliw na iyon saka humarap na ulit kay Mrs. Dapit.
"Pag-i-isipan ko po ang lahat ng sinabi ninyo. Salamat po."
Gumuhit ang ngiting-aso sa mga labi ng matanda. "Okay, but I really do hope you don't come back here. Bata ka pa, don't waste your life here. I mean it. Don't come back here."
Tumango na lang siya pero mabigat na mabigat ang loob niya.
Nag-aya na si Mrs. Dapit na umakyat. Pero bago sila umalis ng silid na iyon, liningon pa niya ulit ng isang beses si V-03. Nakatingin din ito sa kaniya. There is something different in this guy. She can feel it.
Bumalik na sila sa upperground at hinatid siya ni Mrs. Dapit hanggang sa lobby ng ospital tapos ay magalang na siyang nagpaalam rito at saka umuwi na.
Litong-lito ngayon ang isip niya habang nakasakay sa bus. Tatanggapin ba niya o hindi? Tanong niya sa sarili habang nakatulala sa labas ng bintana. Mapapaligaya nito ang ina niya pero ilalagay nito sa panganib ang buhay niya.
"Ma?" pagtawag niya pagpasok sa pinto ng bahay.
Dumiretso siya ng kusina para uminom ng isang basong tubig. Pagkalapag niya ng baso sa lababo, napatili siya sa ipis na nahulog sa harap niya. Sinundan iyon ng malakas na tawa ng pinaka-nakakainis niyang kapatid.
"Kuya!"
Tumatawa itong lumapit sa kaniya at pinulot ang laruang ipis na plastik.
"Ayos ba? Nakita ko lang 'to sa bangketa sa tapat ng school. Piso isa," ngumingisi nitong saad.
"Ano ka ba, Kuya? Bata?!"
Hindi talaga nakukumpleto ang araw nito na hindi siya naaasar. Lumapit ito sa kaniya hanggang sa mapasandal siya sa lababo at maikulong siya sa mga braso nito.
"H'wag ka ngang masyadong lumapit!" pagtataray niya habang pinandidilatan ito.
Itutulak na sana niya ang kapatid pero nanigas siya sa kinatatayuan nang ilapit nito ang mukha sa kaniya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga na dumadampi sa kaniyang pisngi.
"Wala si mama, h'wag mo akong tawaging kuya. Hindi naman kita tunay na kapatid," pabulong at mapanukso nitong sabi.
"Tumigil ka na nga!" suway niya pero nginisian lang siya nito.
"Hindi kita pakakawalan hangga't hindi mo ko tinatawag sa pangalan ko. Hindi ko gusto yung kuya, hindi naman kita kapatid e," pangungulit nito tapos ay bahagya nitong linayo ang ulo para tignan siya mula ulo hanggang paa na may kakaibang tingin at kislap sa mata. "Ganda ng suot mo a? Bagay sayo. Ang sexy mo tignan. Saan ka galing?"
Parang tinatambol ang dibdib niya sa ginagawa nito. Bakit ba ito ganito? Why is he always teasing her?
"Lubayan mo nga ako," walang lakas niyang sabi. "Baka makita tayo ni Mama!"
Lalo nitong pinaliit ang pagitan ng mga katawan nila tapos ay tinapat nito ang bibig sa kaniyang tenga.
"Tawagin mo muna ako sa pangalan ko. Lambingan mo ha?"
Tumayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa ginawa nito. Mariin siyang pumikit at huminga ng malalim.
Hindi niya ito pwedeng gawin. He needs to stop this! Sigaw niya sa isipan.
Nang makahugot na siya ng sapat na tapang, buong lakas niya itong itinulak.
"Tama na, Patrick! Hindi na nakakatawa!"