Baixar aplicativo
66.66% Who's The Impostor? / Chapter 12: Who's Ian?

Capítulo 12: Who's Ian?

Chapter 12

Tahimik na naglalakad si Emerald habang kausap ang nobyo sa telepono. Nag-aaway kasi sila tungkol sa magiging pangalan ng magiging anak nila. Pitong buwan nang nagdadalang-tao si Emerald at ilang buwan nalang ay makikita na nya ang anak nila. 

"Ayoko nga nyan. Parang pang-babae naman kasi, ehh." Reklamo nya sa pangalang sinasabi ng nobyo. Habang sa kabilang banda ng iskinitang dinadaan ni Emerald ay nakahanda nang panganib sa kanya. 

"Nandito na ako malapit sa bahay. Yung iskinitang papunta na sa harap natin." Pagpapalam nya sa nobyo nya. "Oo! Mag-iingat ako!" Sigaw nya pa. Habang ang nanonood sa kanya ay nakangisi lang. Habang palapit ng palapit si Emerald sa taong yon ay nakakaramdam sya ng taong parang nakatingin sa kanya. 

"Dy, puntahan mo ako. Parang may nakasunod sa akin." Kinakabahang sabi nya sa nobyo. "Bilis na!" Sigaw nya pa. Dahil sa napansin na sya ni Emerald ay lumabas na ang lalaki at akmang aatakihin na sya ng biglang may sumaksak kaagad dito. 

Nanginginig na tinignan ni Emerald ang babaeng sumaksak sa lalaking sumusunod sa kanya. Nang tignan nya ang lalaki ay napansin nyang ex nya pala ito. Tumingin ulit sya sa babae at nakitang papalapit na ito sa kanya. 

Itinapon nito ang Patalim na hawak nito ay inabot ang kamay sa kanya. Sa una ay ayaw pa nyang tanggapin pero sa huli ay ang babae na mismo ang nagtayo sa kanya. Napakunot ang noo nya dahil sa parang pamilyar ito sa kanya. 

"Lady---?" 

"Shh." Nakangiting sabi nito. 

"Salamat." Naiiyak nyang sabi at napahawak nalang sa tyan nya. 

"Mauuna na ako. Mag-ingat ka." Sabi nito tapos umalis na. 

"Emerald!" Sigaw ng nobyo nya sa kung saan tapos yumakap ito sa kanya. "Ayos ka lang?" Tanong nito kay Emerald. Hindi sya nakasagot at napayakap nalang sa nobyo at umiyak ng umiyak. 

_______________________________

Tahimik na naglalakad si Erick at iniisip nya kung si Scarlett ba talaga ang babaeng iyon. Pauwi na sya ngayon sa bahay nila at iniisip nya din kung naroon na ba ang babae. Hindi nya maintindihan ang sarili nya, parang nung nakaraan ay sya mismo ang umalis ng bahay tapos ngayon ay hinahanap-hanap nya ang babae. 

Pagpasok nya ng bahay ay agad tumambad sa kanya ang babae. Gulat itong tumingin sa kanya, napatingin din sa sya lalaking nakaupo sa sofa. Napakunot ang noo nya at takang tumingin kay Scarlett. 

"Sino sya?" Tanong ng lalaki. "Bakit nandito sya sa bahay mo?" Tanong nanaman ng lalaki. 

"Ikaw, sino ka? Bakit nandito ka sa bahay namin?" Kunot-noo nyang tanong. 

"Ako lang naman ang asawa ni Scarlett." Sabi nito kasabay ng pagtayo nya. Sa gulat nya naman ay napatingin lang sya kay Scarlett, at nag-iwas lang ito ng tingin. 

"Scarlett?" Tanong nya sa babae. "Akala ko wala na yung asawa mo," Nagtatakang sabi ko. 

"Anong wala? Scarlett, sino ba to?" Nagagalit nang sabi ni Travis. 

"Si Erick." Nahihiyang sabi ni Scarlett. 

'Marupok kasi.'

"Tumahimik ka!" Bulong nya. 

"Hon?" Takang tanong ni Travis. 

"Hindi ikaw yun." Sabi nya tapos pilit na ngumiti. Napatingin ulit sya kay Erick at agad na napaiwas dahil sa hiya. "I'm sorry." Mahina nyang sabi. 

"Para saan?" Tanong ni Travis. 

"Hindi ikaw." Mataray nyang sabi dito tapos humarap sa kay Erick. "I'm sorry, Erick. Lasing din kasi ako non. Hindi ko din naman sinasadya, ehh." Sabi nya habang pinipigil ang luha. 

"So, may nangyari na nga sa inyo?" Galit na tanong ni Travis. "Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mong umuwi sa bahay? Kasi nanlalalaki ka?" Tanong pa nito. 

"Hindi ganon yon. Ayoko lang pumunta doon kasi malayo yon sa trabaho ko. Mas malapit kasi dito." Paliwanag ni Scarlett. 

"Edi lumipat tayo ng mas malapit. Hindi yun problema, Scarlett." Sabi sa kanya ni Travis. 

"I'm sorry." Naiiyak nang sabi ni Scarlett. Umiling ng may pagkagalit si Travis tapos lumabas ng bahay at naiwan nalang silang dalawa ni Erick. Lumuluhang ngumiti si Erick sa kanya at bumulong. 

"Sundan mo na sya." Sabi nito tapos tumango-tango sa kanya. Agad namang kumilos ang mga paa ni Scarlett at sinundan nya si Travis. Agad nyang niyakap si Travis mula sa likod.

"Wag mo akong iwan." Sabi nya habang yakap ito. Si Travis naman ay tinanggal ang kamay nya at mabilis na umalis at iniwan syang umiiyak sa gitna ng daan. Si Erick naman ay lumabas at dinala sya sa loob. 

"Tama na." Naiiyak na sabi ni Erick tapos niyakap sya nito. 

"I'm sorry." Naiiyak paring sabi ni Scarlett.

___________________________

Naalimpungatan si Nash ng marinig nyang sumara ang pinto. Agad syang napatingin sa katabi nya at nakitang wala doon si Annie. Tumayo sya at natagpuan nyang nasa kusina ito.

"Baby, why are you here?" Tanong nya.

"Gutom." Nakangusong sabi nito tapos humawak sa tyan. Nagtaka sya dahil parang napapadalas na ang pagkain ito sa gabi. Napansin nya ding lumaki ang tyan nito.

"Nagkaperiod ka na ba?" Tanong nya dito. Umiling naman si Annie. "Kelan ang huli?" Tanong nya.

"Hindi ko alam." Sabi nito tapos ngumuso nanaman. Napakurap-kurap sya at nagdadasal na sana nga, nagdadalang-tao ito. Pero na wala iyong ng maisip nyang noong nakaraang linggo pala ay nagkaroon ito.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong nya dito.

"Burger." Maikling sagot nito tapos ngumuso nanaman sa kanya.

"Gusto mo din ng kiss?" Tanong nya. Lumiwanag naman ang muhka nito kasabay ng pagngiti at magkakasunod na tumango. Napangiti sya at lumapit dito para bigyan ng halik.

Agad syang nagluto ng gusto nitong burger dahil alam nyang hindi ito matutulog hanggat hindi nakakakain nito. Habang nagluluto sya at nakangiti syang pinapanood ni Annie.

Nang matapos sya ay agad silang kumain at nagtungo agad sa kwarto. Hindi nya alam kung bakit pero bigla namang silang naging mainit at nag-ingay muna bago sila makatulog.

____________________________

Tahimik na nagising si Erick at napansing tahimik ang bahay. Tumingin sa orasan na nasa tabi nya at nakitang maaga pa pala. Agad syang tumayo at napag-desisyonan nyang magluto na ng agahan.

Makalipas ang dalawang oras ay bumaba si Scarlett na mugto ang mata. Agad na sya nitong nakita at pilit na ngumiti. Sya naman ay hindi alam kung malulungkot sya dahil sa kalagayan nito ngaton, maaawa dahil sa itsura nito, o matutuwa dahil sya ang kasama nito ngayon.

"Ok ka lang?" Tanong nya.

"Hmm..." Tahimik nitong sagot tapos naupo at kumain. Agad din syang sumunod at nasa kalagitnaan sya ng pagkain ng tumayo na ito.

"Wag mo na akong hintayin. May gagawin ako." Sabi nito tapos umalis na at iniwan syang nag-iisa sa kusina. Malungkot syang ngumiti sa sarili at nagpatuloy nalang sa pagkain.

________________________

Nasa loob ng bar ngayon si Ian at nagpapakasaya. Ngayon kasi ang promotion nya at hindi nya inaasahang sya ang ipo-promote ng boss nila. Kanina pa naririnig ni Ian ang telepono nya at muhkang tinatawagan nanaman sya ng ex-wife nya.

Hindi nya ito maintindihan, ito kasi ang nakipaghiwalay pero ito din ang naghahabol sa kanya ngayon. Napabuntong-hininga sya at inis na sinagot ang tawag.

"Ano nanaman bang kailangan mo?" Inis nyang tanong.

"I-Ian, mag- magkakaanak na tayo." Naiiyak nitong sabi. Sya naman ay natulala sa kawalan at hindi malaman ang mararamdaman.

"A-Ano?" Gulat nya paring tanong.

"Buntis ako!" Sigaw niti tapos humagolgol nanaman. Sya naman ay tuluyan nang natulala.

"U-Uwi na ako. Mag-ingat ka dyan, ha! Baka mapano kayo. Uuwi na ako." Paalala nya at agad na lumabas ng bar. Sumakay sya sa kotse nya at akmang ilalabas ang telepono para tumaag ng may bigla syang maalala.

'Matagal na nga pala syang wala.'

___________________________

"Nasaan tayo?" Tanong ni Camille.

"Pupunta sa bagong target." Seryosong sagot ni Scarlett.

"Bilisan mo lang. May kailangan pa kasi akong puntahang investor."

"Oo." Masungit na sabi ni Scarlett.

"Penge ako Candy." Sabi bigla ni Annie.

"Mamaya na. Pagkatapos nito." Sabi ni Scarlett at akmang lalapit na sa babae ng biglang may dumating na sasakyan. May lumabas doong lalaki at agad yumakap sa target nila.

"Diba, siya yung———"

"Oo. Umalis na muna tayo." Sabi ni Scarlett at aalis na sana ng pigilan sya ni Camille.

"Bakit?" Tanong ni Camille.

"Nakita mo naman kung ano sila, diba? Papayag ka bang magdusa sya?" Tanong ni Scarlett.

"Natural, hindi." Nakangusong sabi ni Camille.

"Tara na." Sabi ni Scarlett.

"Candy?" Tanong naman ni Annie.

"Ohh, ayan." Sabi ni Camille at binigyan si Annie ng Candy.

"We missed you." Bulong ni Annie at humarap sa bahay na nasa harap nila bago sila umalis lahat.

- To Be Continued -

(Sun, August 29, 2021)


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C12
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login