Sam's POV
Nandito kami ngayon sa labas ng bahay. Pauwi na sila Kuya at inihahatid ko sila sa sasakyan nila. Si Albert naman ay hindi na sumama sa paghahatid para magkaroon pa kaming magkakapatid ng oras na mag-usap-usap.
It's already 11 o'clock in the evening, pero ngayon lang sila aalis. Napasarap kasi ang kwentuhan at asaran namin. At nagulat ako kasi mas matagal nilang nakausap si Albert kaysa sa akin, they talked about business and politics. They also talked about our childhood days, especially about me na para bang hindi nila ako kasama at hindi ko sila naririnig.
I'm glad na madali nilang nakapalagayan ng loob si Albert. Noong ipakilala ko sa kanila si Sherwin hindi sila relax na tulad kanina. Ni hindi nga rin nila nakakakwentuhan ng matagal si Sherwin.
Hindi pa sana talaga aalis ang mga kapatid ko kung hindi lang sila tinawagan ng mga pinsan namin. May lakad kasi sila, at matagal nang hinihintay ng mga pinsan namin ang mga kapatid ko.
"Thank you sa pagbisita. At thank you rin sa pagtanggap kay Albert." sabi ko sa kanilang lima.
"We like Albert for you. Kita rin namin na kahit hindi pa malalim ang relasyon n'yo eh inaalagaan at inaasikaso ka niya." sabi ni Kuya Steve.
"Since we were in college until now, wala akong nabalitaan na naging girlfriend n'ya or fling. He is not a playboy. Noong college kami wala siyang ginawa kundi mag-aral ng mag-aral, napakadalang niyang um-attend ng party or any gatherings. And now that he is a businessman, pumupunta lang siya sa mga party and gatherings kapag kailangan lang talaga niyang um-attend.
"And he may be a strict workaholic businessman but he still knows how to get along. Unlike your ex na ang gusto eh siya ang pakikisamahan at kami lang ang mag-a-adjust." mahabang paliwanag ni Kuya Kurt.
"Thank you pa rin. Akala ko talaga magagalit kayo."
"Alam naman kasi namin na hindi ka mapapasama kay Albert. Kaya bakit kami magagalit?" wika naman ni Kuya Alex.
"Do you really have to go? It's almost midnight, dito na alng kaya kayo matulog? I'm sure Albert won't mind."
"We love to stay, na-miss kaya namin ang pinakamaganda naming kapatid. But today is the third Saturday of the month. Alam mo namang every third Saturday eh may boys night out kami with our cousins." sagot ni Kuya Brent.
"Lagi na lang akong hindi kasama."
"Huwag nang magtampo. Next month sama ka namin pati si Albert. At kung papayag asawa mo dito kami matutulog pati mga pinsan natin." pang-aalo sa akin ni Kuya Ralph.
"Promise?"
"Promise. Ikaw pa ba, eh ikaw ang pinakamaganda naming kapatid." natatawang wika ni Kuya Brent.
"Kanina ka pa ah. Talaga namang ako ang pinakamaganda ninyong kapatid kasi ako lang ang babae sa atin." nakalabi kong turan.
"Eh di, pinakamaganda na lang sa ating magpipinsan." natatawa ring sabi ni Kuya Steve.
"Eh ako lang din ang babae sa ating magpipinsan, mother side man o father side." sagot ko na ikinatawa nilang lahat.
"Sige na, Princess, pumasok ka na. Kailangan na naming umalis at kanina pa text ng text sila Gab." sabi ni Kuya Ralph na ang tinutukoy eh pinsan namin.
Madalas akong tawaging 'princess' ng mga kapatid at pinsan ko. Ako daw kasi yung nag-iisang babae sa aming magpipinsan kaya ako ang prinsesa nila. But my brothers sometimes call me with other endearments lalo na kapag naglalambing sila o nagpapalambing.
"Goodnight, Sweetheart." sabi ni Kuya Kurt tapos ay niyakap ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Sweet dreams, Darling." sabi naman ni Kuya Steve na tulad ni Kuya Kurt ay niyakap din ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Sleep tight, Precious." sumunod namang yumakap sa akin at humalik sa noo ko ay si Kuya Alex.
"Nighty night, Honey." humalik din sa noo ko at yumakap sa akin si Kuya Ralph.
"Hope you had a wonderful dream, Munchkin." si Kuya Brent ang huling yumakap sa akin at humalik sa noo ko.
"Ingat kayo." paalam ko sa kanila bago ako pumasok sa bahay. Alam ko kasing hindi sila aalis hangga't hindi ako nakakapasok.
Pagkapasok ko ay agad akong nagtungo sa bintana at sinilip ang mga kuya ko. Kumaway sila sa akin bago sila sumakay sa kotse at umalis.
Nang hindi ko na matanaw ang kotse nila ay pumunta na ako sa kwarto namin. Naabutan ko do'n si Albert na may ginagawa sa laptop niya.
"Nakaalis na sila?" tanong niya ng makaupo na ako sa kama.
"Oo. Ahm can I ask you someting?"
"Of course. What do you want to ask?"
"May tumatawag ba sa 'yo ng 'Joshua'?"
"Yes, my family. Why?"
"How about 'Aljosh', may tumatawag din ba sa 'yo?" tanong ko ulit na inilingan niya.
"Why?"
"Can I call you 'Aljosh'?"
"If that's what you like. Can I call you 'Sab' or Sab-C?"
"Sab? Sab-C?"
"Abbreviation of you name Samantha Archelsea Brianna Cassandra." sagot niya.
"I prefer Sab. Parang ang samang pakinggan ng Sab-C." natatawa kong sagot.
"Maganda nga eh, unique." natatawa ring sabi ni Albert.
Natahimik kami ng mag-ring ang cellphone ko na nasa side table. Kinuha ko iyon at napakunot ang noo ko nang makita kung sino ang tumatawag.
"Why? Who's calling?" tanong ni Albert.
"Sherwin." sagot ko.
"You don't want to answer it?"
"Ayaw ko sana, pero kailangan."
"Then why you're not yet answering it?"
"Bigla ko lang kasi na-realize na ako lagi ang nauunang tumawag o mag-text sa kaniya noon. Siya lang ang nauunang mag-text or tumawag sa akin kapag may kailangan siya or si Rina. Bakit hindi ko agad napansin na laging alam ni Sherwin kung ano ang nangyayari kay Rina."
"Because you trust them. But it's not important now, ang mahalaga eh alam mo na ang totoo."
"You're right." sabi ko at sinagot na ang tawag, ini-speaker ko iyon. "Hello?"
"Bakit ang tagal mong sagutin?" inis na sabi ni Sherwin.
"Nasa c.r. ako kanina." pagsisinungaling ko.
"Where are you? Galing ako sa office mo kanina pero nag-resign ka na daw. And now I'm here at your apartment, kanina pa ako katok ng katok pero walang nagbubukas. Buti na lang sinabi ng kapitbahay mo dito na two weeks ka nang hindi umuuwi. Nakakahiya Sam! Napahiya ako sa office mo at maging dito sa mga kapit-bahay mo. Naturingang fiancé mo ako pero wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa 'yo. Hindi mo man lang ako sinasabihan!" galit na galit na sigaw ni Sherwin.
"Nag-resign na nga ako at lumipat. Hindi kita nasabihan kasi biglaan naman pagre-resign at paglipat ko tas naging busy rin ako sa pag-aayos ng bago kong tirahan." malumanay kobg sagot.
"Saan ka lumipat? Pupuntahan kita."
"Why? It's almost midnight. Pagod ako at gusto ko na magpahinga."
"What's wrong kung puntahan kita ngayon? I'm your fiancé!" naiinis na wika niya.
"It's still a mess in here. Ano ba talaga ang kailangan mo?"
"It's Rina. She needs your help."
"Why? What happened? Is there an emergency kaya kailangang hanapin at tawagan mo ako ng ganitong oras?"
"Well, Rina's sick and she's confined at the hospital. But she has a meeting with a potential client tomorrow. Mahalaga ang meeting na iyon dahil napakalaking client niyon pag nagkataon. It will help Rina's restaurant to progress a lot."
"What do you want me to do?" tanong ko kahit nahuhulaan ko na ang gusto niyang ipagawa.
"Can you please attend that meeting? I know that with your skills you can win that client over. Isa pa, lagi mo naman talagang tinutulungan si Rina tuwing may kakausapin siyang kliyente. Ang pagkakaiba lang, solo kang makikipag-usap bukas."
Lagi naman talagang ako ang nakikipag-usap sa mga kliyente ni Rina. Laging kasama lang si Rina para pumirma ng kontrata.
I think this is the best opportunity para pagbayarin sila sa mga kasalanan nila sa akin.
"Okay, I'll go." pag-sang-ayon ko.
"That's great. Si Mr. Fernan Galo ang ka-meeting mo bukas."
Agad akong napatingin kay Albert ng banggitin ni Sherwin ang pangalan ng ka-meeting ko bukas. At kita ko ang pagkunot ng noo ni Albert.
Fernan Galo or should I say Fernan Banasiewicz Galo is his cousin. Ayon sa file na pinabasa niya sa akin, Fernan is his naughtiest cousin. Puro ito kalokohan at ito ang madalas nagbibigay ng sakit ng ulo sa mga magulang nito sa lolo at lola nila.
"Your meeting is seven in the evening at Rina's." dagdag pa nito na ang tinutukoy ay ang restaurant ni Rina. "Mr. Galo is throwing a party every month. He's looking for a restaurant na mag-ke-cater ng mga party niya. Do everything you can to make him agree na Rina's ang kunin niyang 5mag-ke-cater ng mga party niya."
"Okay."
"Take a rest now. For you to have energy tomorrow." then he ended the call without saying goodbye.
"I already asked Travis to confirm everything about that meeting. I never heard Fernan looking for a caterer." sabi ni Albert nang maibalik ko ang cellphone ko sa side table.
"Thank you."
"Let's go to sleep. May pupuntahan tayo bukas."
"Where?" tanong ko.
"It's a surprise. I'm sure you'll love it."
"Okay. Goodnight."
"Goodnight."
Pagkatapos ay nahiga na kami, niyakap niya ako habang nakaunan naman ako sa braso niya. Then I also put my arms around him and I felt him stiffened because this is the first time that I hug him back. After a while he kissed my forehead and we go to sleep hugging each other with smile on our lips.
Sherwin's POV
"Pumayag ba siya?" tanong sa akin ni Rina nang makapasok ako sa hospital room niya.
"Oo." sagot ko ng makaupo ako sa hospital bed niya.
"Eh bakit parang Biyernes Santo ang mukha mo?"
"Wala lang 'to."
"Huwag mong sabihing nagdadalawang-isip ka na? Tayong dalawa ang nag-plano nito para magkaroon ka na ng dahilan para makipag-hiwalay kay Sam."
"Naisip ko lang, paano kapag binawi ni Sam ang share niya sa company? Paano rin kung sa pag-alis niya eh umalis na din ang mga kliyente ko? Malulugi ang kompanya ko." nag-aalala kong saad.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Gusto mong ituloy ang pagpapakasal sa kanya? At paano naman kami ng magiging anak mo? Baka nakakalimutan mo, buntis ako at ikaw ang ama. At wala rin akong balak maging kabit at hindi ko gugustuhing lumaking bastardo ang anak ko o walang kinikilalang ama. Kaya mamili ka na ngayon, kung ang Samanthang iyon ba o kami ng batang nasa sinapupunan ko. Pero kung si Samantha ang pipiliin mo, sinasabi ko sa 'yo ipapalaglag ko ang batang iton." pagbabanta ni Rina.
"No! Don't ever say that. Huwag mong ipalalaglag ang anak ko. Ikaw lang ang papakasalan ko." sabi ko at tapos ay niyakap siya. "Alam mo namang kaya lang ako nag-propose kay Sam ay para mag-invest pa siya sa Velasquez Construction. Kaya 'wag ka na mag-isip ng kunga anu-ano."
"Talaga?" paninigurado pa niya.
"Oo naman."
"Huwag ka nang mag-alala tungkol sa kompanya. Kilala ko si Sam, kapag natuloy ang plano natin, kahit malaman pa niya ang tungkol sa atin wala siyang gagawin." siguradong sagot ni Rina.
"Ewan ko. Nung kausap ko si Sam kanina parang may nagbago sa kanyo." nalilitong sagot ko.
"Paanong nagbago?" curious niyang tanong.
"Hindi ko alam. Basta may nagbago." sabi ko na napapaisip.
"Maybe you're just thinking too much." sabi ni Rina at tapos ay yumakap siya sa akin. "Anyway, everything is settled for tomorrow. I already booked a hotel. Nakausap ko na rin yung waitress na magse-serve sa kanila, siya na ang maglalagay ng mga gamot sa inumin ni Sam. Tapos, si Fernan na ang bahala kay Sam. At tayo naman, pupuntahan natin sila sa hotel kinabukasan at mahuhuli mo ang ginawang 'pagtataksil' ni Sam. Right there and then makikipag-break ka sa kanya." mahabang sabi ni Rina na diniinan ang salitang pagtataksil.
"Tama na muna ang tungkol sa planong iyan. Kailangan mo nang magpahinga. Hindi ka dapat nagpupuyat, baka makasama sa inyo ni Baby." malamb8ng na sabi ko.
"But I want you." sabi niya at pagkatapos ay hinalikan ako sa mga labi and then she kissed me and we ended up making love at her hospital room.
Albert's POV
I am a light sleeper kaya nang mag-vibrate ang cellphone ko dahil may tumatawag ay agad akong nagising. I answered it immediately when I saw that Travis is the one calling me.
"Boss, Fernan is not looking for a caterer. It was Rina's suggestion. Ayaw sana ni Fernan but Rina showed Ms. Sam's photo and promised na kung papayag si Fernan eh siya ang gagawa ng paraan para mapasakanya si Ms. Sam. May nakapagsabi kasi kay Rina na matagal nang may gusto si Fernan kay Ms. Sam. Madalas niyang makita sa mga party na dinadaluhan ni Ms. Sam kasama si Sherwin. But because he knows that Sam and Sherwin were in a relationship, Fernan didn't do anything until Rina talk to him. Nakausap ko na rin yung binayaran nilang waitress." Travis said before I could greet him.
And then Travis told me the plan of Rina, Sherwin and Fernan.
"Okay, I know what to do." I said as I feel my anger rising.
~sweetbabyrsmwx~
Albert's POV
"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ni Sam, I mean Sab. This is not her first time asking that question. Since we left home she already asked that for ten times, and it's been only an hour.
"I told you it's a surprise."
"Just give me a clue."
"Something that you like since you're a child."
"Alin do'n? Ang dami kong gusto mula pa noong bata ako. Gusto kong puntahan lahat ng magagandang lugar sa Pilipinas, msg-travel around the world lalo na sa France at London. Gusto ko makasakay sa kalesa, at siyempre magkaroon ng sarili kong kalesa. Gusto ko rin magkaroon ng bahay sa tabing-dagat, ng tree house, ng farm. At higit sa lahat magkaroon ng alagang aso, pusa, ibon, rabbit, kabayo at tiger. So alin sa mga iyon?"
I didn't answer her, I just smiled at her. I know that she will really love this surprise.
"Aljosh, just tell me, please." pangungulit pa rin niya.
I like that nickname she gave me.
"Aljosh." she called me again when I didn't respond.
"Sab-C."
"Sab-C? I told you it should be Sab and not Sab-C." naiinis na niyang sabi.
"But 'Sab-C' is unique, very unique."
"But it sounds strange."
"At least it's unique." I said teasingly as I parked my car.
"We're here? Where are we?" Sab asked as she removed her seatbelt while looking around. "Are we in a farm?"
"Yes." I said before getting out of the car. Then I went to the passenger side to open the car door for her.
"Who's place is this?" she asked still looking around while I'm helping her to get out of the car.
"You're really here!" a woman exclaimed before I could answer Sab.
"Nice to see you, Margaux."
"Hindi ako naniwala sa 'yo nung tumawag ka kahapon at sinabing pupunta ka dito. But now, you're here. Ano'ng masamang hangin ang nagdala sa 'yo dito?" she asked me excitedly.
"Come on, it's not like I've never been here."
"Baka nakakalimutan mong limang taon na mula nang huling punta mo dito. You're so workaholic na kung hindi ka pa namin susunduin sa opisina mo eh hindi ka mapipilitang sumama sa lakad ng barkada." she said with a slight sullenness in her voice.
"Tsk. Ngayon mo pa talaga ako kokonsesyahin."
"Okay, okay. So what really brought you here."
"Margaux, meet my wife Samantha. She's an accountant. Samantha, this is my friend Margaux. She owns this farm and they legally sell all kinds of animals, even the wild ones."
Sab looked at me with wide eyes. Alam kong may idea na siya kung bakit kami nandito. At nakikita ko sa mukha niya na hindi siya makapaniwala.
"Wife? Bakit hindi namin nalaman na ikinasal sila. The others should know this." she said glaring at me. Tapos ay humarap siya kay Sam with a gentle face. "Nice to meet you, Sam. Pasensya ka na kung hindi ako nakapunta sa kasal ninyo. Hindi man lang kasi ako sinabihan ng asawa."
"It's a very small, private and secret wedding. Even our family didn't know about it yet. Well, except for her brothers na kahapon lang nalaman." I explained.
"Hindi kita kausap." sabi ni Margaux na tila batang nakikipag-away. Tapos ay bumaling uli siya kay Sab. "We should go inside. Nag-breakfast na ba kayo?" she asked and Sab nodded. "I'm sure nagutom ka ulit sa biyahe. Kumain ka na lang ulit, gumagawa ako ng pancakes nung dumating kayo. What do you want? Coffee, tea, hot choco or fresh milk?" tanong ni Margaux kay Sam habang naglalakad papasok sa bahay.
I just smiled and followed them.
Sam's POV
I feel so full pagkatapos namin kumain nang inilutong pancake ni Margaux. Sinabi ko na sa kanyang busog ako dahil nag-almusal na kami ni Aljosh bago umalis ng bahay. Pero hindi siya pumayag at pinilit kaming kumain. Kaya wala na kaming nagawa ni Aljosh kundi ang kumain ulit.
Ngayon ay naglalakad kami papunta kung nasaan ang hayop na ipingabebenta ni Margaux. 3 kinds of animals ang binebenta niya, yung mga pang-pet na hayop like dog, cat, bird, fish, rabbit, etc. Meron din silang mga farm animals like horse, cow, sheep, carabao, goat and other farm animals. And the last is a mini-zoo na nandoon naman ang mga wild animals.
At karamihan sa mga hayop na nandito ay mga purebreed at matataas na klase. And almost all breed of animals ay meron siya.
"I'm glad na nasipan mong asikasuhin na ang farm mo. It's been what, 3 years since nabili mo ang farm na iyon pero hindi mo iyon pinakailaman mula nang bilhin mo." sabi ni Margaux habang naglalakad kami. "What do you want to see first? The pet animals, farm or wild animals?"
"Let's go to farm animals first." sagot ni Albert sa tanong ni Margaux.
Halos malula ako sa dami ng farm animals nang marating namin ang kinaroroonan ng mga farm animals. Lahat ng farm animals meron sila. Nakakatuwang tingnan kasi bawat hayop may maayos at malinis na kulungan.
Hinayaan kong mag-usap sila Aljosh at Margaux. Hindi ako nakialam kung ano at kung ilan ang kukuning hayop no Aljosh para sa kanyang farm.
I'm just looking around and enjoying the beauty of the surroundings, when my attention was caught by 4 beutiful foals. Dalawa sa kanila ay pure white ang kulay at ang dalawa pa ay pure black naman.
They were at a paddock kasama ang iba pang batang kabayo. Pero silang apat lang ang pure white at pure black. Bata pa lang ako gusto ko nang magkaroon ng kabayo, at gusto ko yung katulad nilang apat, pure white at pure black.
If only I have my own farm bibilhin ko silang apat. Ayaw ko naman kasing itanong kay Aljosh kung pwede konh bilhin ang apat na iyon at pagkatapos ay sa farm muna niya ilalagay. Ang gusto ko kasi kapag bumili ako ng kabayo, ididiretso na ay sa farm ko talaga. Kaya ipinapangako ko na babalik ako dito kapag may sarili na akong farm.
Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran ko. At nang makita kong si Aljosh iyon eh biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Magkalapit lang ang mukha namin and I can feel something in my stomach, maybe this is what they called butterflies in stomach.
"What do you want to name them?" tanong niya sa akin.
"I-I can't name them. They are not mine." sabi ko na pinipigilan ang kaba.
"They are yours, Sab."
Nagtataka akong lumingon sa kanya.
"I saw you looking at them, kaya binili ko na rin sila para sa 'yo. They will deliver those four foals after two weeks together with other animals I bought."
"I-I don't know what to say. How much do I owe you?"
"You don't owe me anything. I bought it for you. At isa pa, we are husband and wife, kaya lahat ng sa akin ay sa iyo na rin."
"Pero paano kung maghiwalay tayo?"
I heard him sigh before speaking.
"I know that our marriage does not comes from love. But I promised that I will do everything for our marriage to work. And from the moment I married you I promised myself ikaw lang ang magiging babae sa buhay ko at hinding -hindi ako makikipaghiwalay sa 'yo. So you must stop thinking that we will seperate because that will never going to happen."
I'm speechless. I don't know what to say. But I will lie if I say I was not moved in what he say. He is the first one to promise me those. And I can feel sincerity in his voice.
"Hey, lovebirds. Ayaw kong putulin ang moment n'yo pero kailangan na nating pimunta sa sunod nating pupuntahan." sabi ni Margaux na hindi kalayuan sa amin.
I'm so embarassed. Hindi ko alam kung narinig ba niya ang usapan namin pero nahihiya pa rin ako. Naramdaman kong nag-iinit ang magkabila kong pisngi kaya isinubsob ko sa dibdib ni Aljosh ang mukha ko.
Sunod naming pinuntahan ay ang pet animals. We first visit where the dogs are. Ini-explain ni Margaux ang lahat tungkol sa mga hayop na nandito, but as usual hindi ako nakikinig. I let the two of them talk while I look around myself. May hinahanap kasi akong aso, at kung may makikita akong puppy niyon, bibilhin ko 'yon agad-agad.
Habang naghahanap ako ay tinitingnan ko rin ang ibang aso. Tumitigil ako sa mga asong nagugustuhan ko; Maltese, Lhasa Apso, Shih-Tzu, Tibetan Terrier, Havanese, Labrador Retrievers, German Shepherds, Golden Retrievers and Siberian Husky. I just look at them for a while tapos maghahanap uli.
I was about to give up looking nang mapansin ko ang isang pinto na may nakasulat na 'Large Dogs'. Agad akong pumunta do'n at walang pagdadalawang-isip na binuksan ang pinto at pumasok. And there I saw large dogs. Ang una kong nakita ay ang English Mastiff, Irish Wolfhound, Black Russian Terrier and Scottish Deerhound.
Naglakad ako papasok, at tulad kanina, kapag may nagugustuhan ako ay tumitigil ako at tinitingnan; Akita, Bernese Mountain Dog, Great Pyrenees, Greater Swiss Mountain Dog, Alaskan Malamute, and Great Dane.
Masaya ako kasi nakita ko ang mga breed ng aso na gusto ko. Pero lalo pa akong naging masaya nang makita ko ang Saint Bernard.
Bata pa lang ako gusto ko nang magka-aso. But I promised myself na ang una kong asong aalagaan is a three month old Saint Bernard puppy. At dahila wala akong nakitang three month old na Saint Bernard puppy, at wala rin naman tumutulong sa akin maghanap, kaya hanggang ngayon hindi ako nakakapag-alaga ng aso.
But now, there are Saint Bernard puppies sa harap ko. At kung hindi ako nagkakamali they were three months old.
"Do you like them?" tanong ni Aljosh na hindi ko namalayang nakalapit sa akin.
May lahi atang kabuti itong si Aljosh. Bigla-bigla na lang kasing sumusulpot kung saan-saan.
"Yeah." I look behind him and I saw Margaux smiling while looking at us. "How old are they?" tanong ko kay Margaux.
"Three months."
"Ilan ba ang lalaki at ilan ang babae? Vaccinated na ba silang lahat? Available pa ba sila o naka-reserved na sila? Kung may available pa, magkano naman? Konti lang dala kong cash, tumatanggap ka ba ng tseke or credit card?" sunod-sunod at excited kong tanong.
"Limang lalaki at apat na babae. Yes they were all vaccinated at available pa silang lahat. I'll give you a discount, P15,000 each. Ilan ba ang kukunin mo? Tumatanggap kami ng cash, cheque, credit card at pwede rin namang installment." nakangiting sagot ni Margaux.
"Sige, bibili ako ng dalawa, isang lalaki at isang babae."
"Make it four, two boys and two girls. Put it on my account."
"I'm sorry, I can't let you take four puppies. Mahirap mag-alaga nang dalawa, paano pa kaya kung apat."
"Margaux please, let me have two. I promise, aalagaan ko silang maigi. I'll put them on separate crates and beds. I'll spend time with them, I'll do everything I need to do. Isa pa hindi din naman ito ang unang beses na makakapag-alaga ako ng aso. Hindi nga lang sa akin yung mga naalagaan ko. My parents were animal lover too, kaya lumaki ako na may mga alaga kami sa bahay."
"Sige, payag ako sa dalawa."
"Thank you so much, Margaux." then I looked at the puppies para mkapili kung alin sa kanila ang kukunin ko. "I want that one with brindle grizzle and that one with brownish-yellow color." sabi ko habang itinuturo ang gusto kong tuta.
"Alam mo bang ang dalawang pinili mo ay mga rare color ng saint bernard?"
"Yeah. Bata pa lang ako gusto ko na magkaroon nang Saint Bernard. So I did some research kaya marami na rin akong alam tungkol sa kanila at kung paano dapat sila alagaan." I said smilingly.
Then I get my cheque book na nasa bag ko at isinulat do'n ang halaga nang dalawang tuta. At pagkatapos ay iniabot ko iyon kay Margaux na tinanggap naman niya.
"Mamaya ko na lang sila ibibigay sa 'yo kapag pauwi na kayo. Hindi pa kasi tayo tapos dito sa pet house, your husband wants a tour."
"Okay lang. Anyway, may tinitinda ka rin bang gamit at pagkain ng puppy? Para sa 'yo na lang din ako bibili."
"Yup."
"Sige, bibili ako mamaya."
And then nilibot na namin ang buong pet house. Hindi lang aso ang nandito, may mga pusa, ibon, isda at rabbit. And I promised myself na babalik ako dito para bumili naman ng rabbit.
Sunod naming pinuntahan ang mini-zoo. Maraming mga wild animals ang nandoon. At nagbebenta din siya ng mga iyon legally. Kaya nasigurado ko nang babalik talaga ako dito.
~sweetbabyrsmwx~
Sorry ngayon lang... Pero sana ma-enjoy n'yo pa rin... Salamat sa paghihintay.
Alam kong parang walang kinalaman ang mga hayop sa story. But promise, malaki ang gagampanan nila...
Next chapter na ang dinner meeting ni Sam kay Fernan Galo. Ano kaya ang mangyayari sa meeting nila? Magtatagumpay kaya sila Rina at Sherwin sa masama nilang balak?
Comentário de parágrafo
O comentário de parágrafo agora está disponível na Web! Passe o mouse sobre qualquer parágrafo e clique no ícone para adicionar seu comentário.
Além disso, você sempre pode desativá-lo/ativá-lo em Configurações.
Entendi