SHINA POV
"Sigurado ka ba diyan sa papasukin mo?" tutol na tono ni Yujin. "Do you even know a single chores para magampanan mo ang pagiging assitant manager ng celebrities lalo na ng sikat na sikat na DVX."
"Kinakabahan din ako pero andito na to eh kaya paninindigan ko na," ngiwi ko. "
I brought him to the garden for our secret talk baka kasi marinig nina Suzie at Lovelle. Lalo na yung madrasta ko na may pagawaan ata ng radar ng mga tsismosa.
"Wala ka na bang ibang maisip na paraan para makumbinsi yang anak ni Chairman Shin? Just talk to him honestly at kapag hindi pa rin nag work out then tell to Chairman Young the truth. Bakit paparusahan mo ng ganyan ang sarili mo? You're the great Shina Young tapos magpapa-alipin ka lang sa DVX," payo niya.
"I can't tell Dad that I failed. Kilala ko siya tototohanin niya ang pag postponed sa pagiging CEO ko over a reason that I can't accomplish a simple task. Alam mo namang ang tagal ko nang hinintay yan tapos di lang matutuloy. Iisipin ko na lang na eto na yung final test sa akin ni Daddy para masabing deserving akong tagapagmana ng Hundai. A true leader look after the responsibilty and not ego."
"Ako ang nag-aalala para sayo. Baka sa pagpapanggap mong alalay na yan ay makidnap ka nang wala sa oras."
"That's the reason why I need your help. For now, let me borrow your regular car. Kumuha ka muna ng kapalit diyan sa mga sasakyan ko."
Walang magawang inabot niya sa akin ang susi ng kanyang kotse. "Are you going to drive by yourself now?"
"Yes. I think it's better to stay low key to pull off the role. Grabe kasi yung mga fans at reporter na nakatambay sa entrance ng Nova Hill ibang klase pala talaga ang mga radar. Saka may convenience din kasi kung wala akong driver and I'm just using a regular car, pwede na ako magpark sa loob mismo ng dorm."
"What about your security? Alam naman nating marami kang silent competitor hindi lamang sa Hundai kundi pati sa ibang kumpanyang kakumpitensiya ng Hundai."
"What do you suggest?" maamong tingin ko sa kanya.
He rubbed his chin and contemplated. "Kailangang may nakabuntot pa rin sayong mga bodyguards. Dapat nga mas maghigpit pa ngayon ang security mo dahil madalas kang nasa labas. Why not drive by yourself pero may mga nakaconvoy pa rin sayong bodyguards. Since you'll be driving ordinary car, hindi na siguro pagdududahang mga bodyguards ang nakasunod sayo. Ako na rin ang bahalang kumausap sa kanila about your situation so they'll know how to protect you nang hindi ka mabubuko."
"That's a nice idea!" excited na ngiti ko. "But I want to buy a house located in that neighboorhood para hindi ko na kailangang maglabas-masok sa Nova Hill. Can you find one for me?"
"Okay ihahanap kita bukas. Pero okay lang ba sayo na tumira ka mag-isa sa bagong bahay?"
I shrugged. "Well you can visit me often so I won't get bored and scared."
Ngumiti siya nang labas ang kanya malalalim na dimples. "Ayan tayo eh. Kaya hindi ako magkagirlfriend dahil inuubos mo oras ko."
"Correction. Hindi ka magkagirlfriend nang seryoso kasi papalit-palit ka ng ka-date. Naku Yujin, huwag mo nga akong gawing excuse diyan sa pagiging playboy mo! Para namang hindi kita kilala."
Tumawa siya nang malutong at natawa na rin ako.
"Sige na umuwi ka na dahil alas tres ng madaling araw dapat nasa dorm na ako," taboy ko sa kanya.
"Hindi ba tayo iinom ngayon?"
Tinulisan ko siya ng nguso. "Gusto mong masira agad ako sa DVX sa unang araw ko?"
"Sige na nga aalis na ako. Basta pag kailangan mo ng tulong, tawagan mo ako."
"Ano pa nga ba. Lagi naman di ba?"
"But don't call me if it's about washing dishes, cleaning or cooking. It's about time you learn household chores," sabay alis niya nang tumatawa.
"Good night! Dahan-dahan sa pagmamaneho!" pahabol na sabi ko.
He waved his right arm without looking back at me.