SHINA POV
I sneaked out of the DVX dorm after almost three hours of orientation. Ang daming nasayang na oras dahil paulit-ulit sila ng sinasabi. Nang makita ako ng aking mga bodyguards na naglalakad na palabas ng gate, niradyuhan nila ang driver para ilapit ang sasakyan. Iritableng sumakay ako sa aking itim na Jaguar. This is my cheapest car that I could bring today. Pagkasakay ko, one bodyguard sat on the passenger seat and the other four were riding in the sedan car behind us.
Kung mabilis lang sana ang pag-oorient sa akin mas may oras pa ako sa paghahanda para sa unang araw ko bukas. Kagaya nitong damit ko hindi pa pala pasado. These are the cheapest clothes available in my closet kaya kailangan pang bumili.
Mabilis kong tinawagan ang aking personal shopper. "Trina, please buy me black and dull colored shirts, unbranded denim jeans and sneakers. Bilhin mo yung mga pinakamura. Bring as many as you can."
"Mura? Who will wear ma'am?"
"Me."
"Ah you mean yung mga tig $300-$500 po ba?"
"No, the cheapest ones based on ordinary employee standard. Yung mga nabibili lang sa regular department stores or doon sa mga malililit na stalls."
"You mean like tiangge ma'am?"
"Yes that one."
"Sige ma'am maghahanap po ako ngayon."
"I need them at five in the morning tomorrow. May appointment ako ng six in the morning kaya dapat madala mo yan sa bahay within tonight."
"Okay ma'am. Maghahanap po ako ngayon sa mga midnight bazars."
"Aasahan ko yan Trina ha. Kapag hindi mo yan nabili ngayon, I'll be dead tomorrow. "
"Yes ma'am. Sure po na madadala ko. "
Pagkababa ko ng telepono ay may tumawag sa aking hindi ko kilalang number.
"Hello."
" Yura si Manager Bong to."
"Yes Manager Bong," malumanay na sagot ko. Naghiwa-walay pa lang kami tumatawag agad. This is one of the hardest part to accept. Even VIPs are begging to get my personal number pero etong tatlong managers na to ay walang kahirap-hirap na nakuha ang number ko.
"There's changes in the call time of DVX tomorrow dahil hahabulin natin ang sunrise for the photoshoot. Mas napaaga. You need to be in the dorm at 3:00 am."
Kinagat ko ang aking mga labi upang hindi ko siya masigawan. These people are unbelievable. How can an schedule be easily adjusted when we're talking 3 hours difference here? "Yes Manager Bong, I'll be there at 3am," maamong sagot ko matapos huminga nang malalim.
"Tandaan mo kailangang by 4am nakaready na ang DVX. We'll be leaving at 4:05. We need to be at the site by 4:30."
"But the sun doesn't rise that early," sabi ko.
"Magmimake-up pa sila. Anong akala mo sa concept ng photoshoot, woke up like this?"
"Okay I understand."
Pagod na umayos ako nang sandal sa sasakyan. Ngayon pa lang ay nagdududa na ako kung tama ba itong desisyon ko? Mukhang mapapahiya ata ako kay Mr. Gun pag nagkataon. They have a completely different world from me. Wala man lang kahit konting pagkakatulad. Parang bago ko pa ma-execute ang plano ko about Jin and Suzie ay ubos na ang oras ko sa pag-adjust sa working environment nila.
Sumasakit pa ang ulo ko sa dami ng mga binanggit nilang trabaho. Those three managers are basically planning to abuse their power over me. When I'm over this task, humanda sa akin yung tatlong yun! Sa tingin ko hindi naman kami nagkakalayo ng mga edad pero kung tratuhin ako ay parang batang walang muwang.
Napansin kong pabulong na may kinakausap ang aking bodyguard. Pagkuway tumingin siya sa likuran namin.
"Is there a problem?"
"May bumubuntot daw sa ating reporter at mga fans."
Biglang napatuwid ako ng upo. "Why?" litong sabi ko.
"Baka akala nila ay may DVX member na nakasakay dito ma'am."
"Paano naman nila naisip yun?"