Baixar aplicativo
30.76% Rewrite (Tagalog) / Chapter 8: Brother?

Capítulo 8: Brother?

Chapter 7

- Devin's POV -

"Galingan mo kasi next time." Natatawang sabi ni Levi.

"Ginawa ko naman ng maayos, ehh." Maktol naman ni Kyle. Ako naman ay wala parin sa sarili ko. Naglalakad kami ngayon dito pauwi. Kakatapos lang ng practice namin.

"Alam mo, wag mo na kasing ipilit." Pang-aasar pa ni Noah. Ako naman ay napailing nalang.

"What the hell??" Agad kong sabi ng makita ako ang sasakyan kong punong-puno ng basura. "What the hell is your problem?" Agad kong tanong kay Taguro.

"Limang Monster Burger! Large Fries! Sampung Milk Tea! Limang large onion rings! Sayo lahat yon?!" Naggagalaiti nyang tanong. "Ano bang problem nyo, ha? Ano bang nagawa ko sa inyo?"

"Bell, let's go." Pagpigil sa kanya ng isang lalaki.

"Bakit nyo naman idinamay yung trabaho ko?!" Biglang sigaw nya ulit. "Ano bang akala nyong ginagawa ko doon, ha?! Nanonood sa kumakain?! Lumalamon lang?!" Sigaw nya pa.

"Bell, halika na. Baka magkasakit ka. Ihaha---"

"Devin, hindi ako nagpupulot lang ng pera doon!!" Sigaw nya nanaman kaya bumalik nanaman anganingin ko sa kanya. Nagpapalitan kasi ako ng tingin sa kanilang dalawa nung kasama nya. "Akala mo ba hindi ko pinaghihirapan yun?! Ha?! Devin, 10 thousand yon!! Kung biro lang sa inyo yon, sa akin hindi! Kung joke lang sa inyo yon, sa akin hindi!!" Sigaw pa nya.

"Bell." Parang nagmamakaawa nang sabi ng lalaki.

"Hindi ko alam kung ilang buwan kong paghihirapan ang 10 thousand mo. Akala mo ba madaling maghanap-buhay?" Sabi nya pa.

"I... I-I'm sorry, Bell. I'm sorry." Mahina kong sabi.

"Orders complete, sir." Sabi nya bago umalis. Tinignan naman ako ng lalaking kasama nya bago nito sinundan si Taguro.

"Bell!" Sigaw pa nito. Pinanood ko lang silang umalis at muhkang nag-uusap. Nagulat ako ng biglang yakapin ng lalaki si Bell at doon umiyak ng umiyak.

Ako naman ay nag-iwas ng tingin dahil para akong pinaso dahil sa makita ko. Nilingon ko ang kotse ko tapos bumaling ulit sa kinaroroonan nila at nag-iwas ulit dahil ganon parin ang posisyon nila.

Nakauwi na kami at nandito parin silang tatlo sa bahay. Ewan ko pero hindi mawala sa akin ang lahat ng sinabi ni Bell. Lalo na yung pagyakap sa kanya nung lalaki nya.

"Who is he?" Tanong ni Noah.

"Maybe, his boyfriend?" Sabi naman ni Levi.

"May boyfriend pala ang pangit na yon?" Sabi naman ni Kyle.

"Why not? She's kinda beautiful though." Sabat naman ni Noah.

"Hala, master, may sira na ba ang paningin mo?" Tanong ni Kyle sa kanya.

"Tsk. Sira. Totoo naman ang sinasabi nya, ehh. Ehh, mas maganda pa nga yan sa pinsan ko, ehh." Sabat naman ni Levi.

"Shh, master. Don't say bad words."

"Cr muna ko, dre."

- Arabella's POV -

"Shh. It's ok." Pagpapatahan ni Ryan sa akin. "I can give you ten thousand, Bell." Sabi naman ni Ryan.

"Wag na. Nakakahiya naman sayo." Sabi ko habang sumisinghot-singhot pa.

"Ihahatid na kita?" Tanong nya.

"Sige. Pero wag sa mismong harap ng bahay namin, ha?" Nagbabanta kong sabi.

"Oo na." Natatawang sabi nya.

Pinasakay nya ako sa kotse nya tapos saka sya sumakay. Alam kong dapat hindi ko pasya pagkatiwalaan pero no choice ako. Nagpaalam ako sa kanya ng makarating kami sa bahay.

Bumuntong-hininga ako at nagdadasal na sana walang akong taong makasalubong. Ayaw ko kkasing mapagalitan ni Daddy o kahit na sino. Ayoko maging pabigat. Nang akmang papasok ay ay may biglang nagsalita.

"Bell?" Tanong nito. Agad akong napaharap at kinabahan ako ng makita kong si Dad iyon. "Where have you been? Bakit ngayon kalang? Anong oras na, ahh?" Sunod-sunod nyang tanong sa akin.

"Ahm... Galing po ako sa trabaho." Mahina at nahihiyang sabi ko.

"Trabaho? Why? Kulang pa ba ang allowance mo? Gusto mo bang dagdag ko?"

"Hindi na po." Mabilis kong tangi. "Gusto ko lang naman pong magtrabaho kasi ayoko pong palaging umaasa sa inyo. Ayaw ko pong maging pabigat." Mahinang sabi ko.

"Bell, hindi ka naman pabigat. At, hindi naman kita pinipigilan dahil ayoko sa ginagawa mo. Ang sa akin lang, baka maapektohan nito ang studies mo."

"Hindi naman po. Part-time job lang naman po yon." Mahina ko pang sabi.

"Sige. Papayag ako. Just promise me one thing na hindi ka gagawa ng gulo sa school, maliwanag?" Tanong nya.

"Opo..." Mahinang sabi ko.

"Sige. Magpalit ka na at baka magkasakit ka pa." Sabi nya pa. Tumango nalang ako tapos tahimik na naglakad. Nang paakyat na ako ay nakasalubong ko si Tita Made.

Pilit itong ngumiti sa akin at bahagyang kumaway. Nginitian ko nalang din sya bago ako umakyat ng kwarto ko dahil pagod na pagod na din ako at gusto ko na ding matulog.

Pero bago ako matulog ay tinext ko muna si Brigitte na hindi ako makakapunta dahil parang sasamain ata ako at nararamdaman ko nang hindi maganda ang pakiramdam ko dahil sa ulan.

- Third Person's POV -

Lumipas ang dalawang araw at lunes na agad. Simula ng maulanan si Arabella ay parang ang sama na ng pakiramdam nya. Medyo malabo ang paningin nya at nanghihina din sya.

Ang mga kaibigan nya ay napapansin iyon pero hindi nila makausap ito. Nahihiya kasi sila dahil sa nangyari noong Friday at wala sila ng kailangan sila nito.

"Bell, ok ka lang?" Sa wakas ay nakapagtanong na din sila.

"Oo nga, Bell. Namumutla ka, ehh." Sabi pa ni Brigitte.

"Ok lang ako. Medyo nahihilo lang naman ako, ehh." Sagot naman ni Bell.

"Gusto mo bang magpatingin sa clinic?" Tanong naman ni Anna.

"Hindi. Ok lang. Magsisimula na din yung klase natin, ehh." Sabi pa ni Bell tapos muling sumubo ng kinakain nya.

"Bell, may ginawa akong online selling. Pwede kitang pahiramin ng pera." Biglang sabi ni Anna.

"Ako din. Sisiw lang sa akin ang ten thousand. Hindi lang halata." Natatawang sabi ni Brigitte.

"Ok lang. Hahanap nalang ako ng paraan para mabayaran ko iyon." Sagot ni Bell.

"Bell, don't be shy na manghingi ng tulong. We're friends." Nakangiting sabi ni Reggie.

"Tsk. Kayo talaga." Natatawang sabi ni Bell.

"Oyy, ngumiti sya!" Malakas na sabi ni Brigitte. "I-selfie na natin yan!" Sabi nya tapos ginawa nga nila.

"Pero, ha. Nakakainis. Talaga yong Hale na yan. Siguro, walang nagmamahal sa kanya kaya ganyan ang ugali nya. Pati siguro nanay nya, itatakwil sya, ehh." Walang patawad sabi na sabi ni Bell.

"Do you think we done to far na?" Tanong ni Noah kay Devin.

"Oo. Masyado natin syang naapektohan dahil sa ginawa natin last few days." Sabi naman ni Levi.

"Hindi, master. May naisip akong bagong prank para kay Taguro Bell nayan."

"No. I think, we should stop muna for a while?" Putol ni Levi sa sinasabi ni Kyle. Naglabas ng pera si Devin sa bulsa nya tapos tumayo sa kinauupuan nya.

"Devin, where are you going?" Tanong ni Noah.

"Payback time." Malumanay nyang sabi. Patuloy lang ang paglakad nya ng biglang tumunog ang phone nya.

'Pero, ha. Nakakainis. Talaga yong Hale na yan. Siguro, walang nagmamahal sa kanya kaya ganyan ang ugali nya. Pati siguro nanay nya, itatakwil sya, ehh.'

Iyon ang narinig nyang sinasabi ni Taguro sa Voicemail. Ang lahay ay nagulat at nainis dahil ang lahat ang nakarinig ng voicemail na ito. Si Devin naman ay lubos na nasaktan at nagulat dahil dito.

Pinanood sya ng lahat na umalis sa loob ng Cafeteria. Habang sila Bell naman gulat parin sa nangyari at pare-parehong hindi makapaniwala sa nangyaring aksidente.

"Brigitte?!" Sabay na tanong nila Reggie at Anna.

"OMG!! Bell, I'm sorry!!" Pasigaw na sabi nito. Si Bell naman ay tulala lang sa babaeng papalapit sa kanila. Nagulat sila ng biglang tapunan ni Saylor si Bell ng inumin.

"You deserve it." Sabi nya sabay alis sa harap ni Bell. Nakaawang parin ang labi nilang apat ng biglang lumapit din ang ibang estudyante at binuhusan din sila ng tubig.

Nagulat sila dahil na tapunan din sila at nagsimula na silang batuhin ng mga pagkain ng mga estudyanteng naroon habang si Bell naman ay pilit silang pinapatigil.

"Tumigil kayo! Tama na!" Buong lakas nyang sigaw at kapag may nasasalo sya ay ibinabato nya rin doon sa ibang estudyante.

A Few Moments Later. . .

"Magpapatawag ako ng students meeting. This has to stop." Sabi ni Reggie.

"Alam mo, wala na tayong magagawa. Tayo na ang most hated students sa school natin ngayon. Tyaka, sa true lang, ha? Alam mo namang hindi ganon ka lakas ang powers mo, diba? Kasi hindi naman ikaw yung nanalo nung election. Nag-volunteer ka lang naman kasi walang may gustong pumalits sa kanya." Sabi ni Brigitte.

"Huh? Ehh, nasaan yung totoong president?" Tanong naman ni Bell.

"Umalis na." Sagot ni Anna.

"Bakit? Pinaalis din ni Hale?" Tanong pa ni Bell.

"Ang totoo, pinababalik pa nga ni Devin, ehh." Sabi pa ni Anna.

"Sino nga?" Tanong pa ulit ni Bell.

"We don't speak bad words..." Sabay-sabay na sabi ng tatlo. Si Bell naman ay napangiwi at napabuntong-hininga.

"Pero, Bell, bagay sayo nakalugay lang." Biglang singit ni Reggie. "Oo nga. Promise, ang ganda mo." Sabi nya pa. Si Bell naman ay napakamot nalang ng ulo nya.

- Arabella's POV -

Nagkahiwa-hiwalay kaming apat dahil may binalikan pa ako sa locker ko. Nagsabi naman na ako sa kanilang magkita-kita nalang kami bukas at hindi na din ako papasok ngayon dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.

Naglalakad na ako papuntang labas ng bigla kong maalala ang nangyari kagabi. Siguro, kung hindi ako pinigilan ni Ryan ay puro pasa at bugbog na ngayon ang hayop Hale na yon.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng bigla kong makita si Ryan at may kasama syang tatlong lalaki. Kung gwapo si Ryan ay mas gwapo pa sa kanya ang tatlong ito. Lalo na yung nakablue.

"Ryan." Tawag ko dito. Humarap ito sa gawi ko at ako nalang ang lumapit sa kanila.

"Oo nga pala, guys. Sya yung sinasabi kong babae." Sabi ni Ryan habang nakalahad ang kamay sa akin.

"Yung babaeng walang interes sayo?" Biglang singit ng nakablue. Nilingon ako nito at ngumisi sa kin. "I like you." Sabi nya sa akin habang nakangisi.

"By the way, guys. This is Bell, my friend. Bell, this is my best friends. Chase, Chandler, and the one and only Billy." Sabi nya at isa-isa nyang itinuro ang mga taong nasa harap ko.

Si Ryan ay nakayelow ngayon, habang yung Chase, nakapula. Yung Chandler, nakaorange. Tapos yung Billy, yung nakablue. Ngumiti ako sa kanila tapos inilahad ang kamay ko na agad naman nilang tinanggap.

"You know kasi, Bell. We actually come here kasi may hinahanap si Billy." Nakangiting sabi ni Ryan sa akin.

"Ahhh...." Tumatango-tangong sabi ko.

"Baka kilala mo sya. By the way, her name is Arabella Romero." Nakangiti parin nyang sabi. Ako naman ay nanlamig ang katawan at nawala ang ngiti ko sa labi. Napalunok ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kaibigan nya.

"B-Bakit mo ako... Hinahanap?" Gulat kong tanong na nakapagpagulat din sa kanila.

- To Be Continued -

(Thu, July 8, 2021)


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C8
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login