Baixar aplicativo
92.68% THE REJECTED WIFE / Chapter 37: CHAPTER 37: REAL OR FAKE?

Capítulo 37: CHAPTER 37: REAL OR FAKE?

"Sigurado ka na ba talaga dito, Nyssa? Hindi na ba talaga magbabago yang isip mo?" Nag aalalang tanong ni Eisha saka kinapitan ako sa braso. Ngumiti naman ako saka tumingin sa mga captains na nag-uusap, hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Oo naman. Hindi ako magdadalawang-isip dito." Sambit ko.

"Ayoko lang naman na mapahamak ka. Kaibigan mo na ako, at pati na din ang iba sa amin. Si Captain Zeid, kaya lang naman siguro medyo hindi siya sigurado sa plano mo ay dahil na din nag-aalala siya sayo. Lahat naman kami mag-aalala sayo. Sana isipin mo iyon, Nyssa."

"Hindi niyo yata alam ang kakayahang meron ako. Kaya kong mag-ingat paminsan-minsan." Sambit ko saka ngumiti. "Kaya wala kayong dapat ipag-alala. Hindi ako mamamatay at walang mangyayaring masama."

---

Kasama ko sa misyong ito si Captain Masashi at Lieutenant Arla. Sila ang magiging bantay ko hanggang sa makarating kami sa lugar ng Artrias. Sa sinabi ng babae na nakita namin, hanggang ngayon ay naroon pa din ang Black Trio. Kaya naman ito ang chansa namin para mahuli sila. Nakasuot ng ordinaryong kimono si Captain Masashi pati na din ang lieutenant. Pero ako ay nakasuot lamang ng puting pants, at puting long sleeves.

"Mag-iingat ka at huwag kang padalos-dalos, Nyssa." Paalala ni Lieutenant Arla. Ngumiti naman ako.

"Naiintindihan ko." Sagot ko na lamang saka sumunod na kay Captain Masashi. Mayroong dalang pamaypay si Captain Masashi na tinatakip niya sa mukha niya.

Naglakad kami papunta sa isang kainan. Maraming tao ang nakatingin sa amin dahil nga kapansin-pansin talaga ang aura ng dalawang kasama ko. May lumapit sa aming babae na mga nasa 50 na ang edad.

"Mga iho at iha, mas maganda kung matapos niyong kumain ay umalis na kayo kaagad. Ayaw naman naming masumpa kayo." Sabi niya sa mahinang boses. Lumingon-lingon pa siya sa paligid para masigurado siguro na walang nakikinig o anuman iyon.

Ngumisi naman si Captain Masashi. Nakatakip pa din sa ilong at bibig niya ang hawak niyang pamaypay.

"Maaari ba naming malaman ang tungkol sa sumpang iyan?" Tanong niya.

Lumingon-lingon na naman ulit sa paligid ang babae tsaka lumapit ng kaunti sa amin.

"Matagal na akong nagpapatakbo ng kainang ito at noon ay napaka-payapa ng buhay namin dito. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng dumating ang Black Trio dito sa Artrias. Hawak nila ang mga buhay namin. Malaya pa din naming nagagawa ang mga dapat naming gawin sa buhay ngunit ang sino man na kumalaban sa pamumuno nila dito ay pinapatay o sinasaktan nila. Ang iba naman ay inuubos nila ang enerhiya hanggang sa mawalan ng kapangyarihan o kaya ay mamatay. Masasama sila at walang awa." Paliwanag niya. Tumayo siya ng maayos at naglagay ng menu sa lamesa.

"Sinabi mo na namumuno sila. Nasaan sila nakatira ngayon?" Tanong ni Lieutenant Arla saka kinuha ang menu sa mesa. Tumingin siya doon.

Matagal bago nakasagot ang babae. Pagkatapos ay bumuntong hininga siya.

"Kung gusto niyo silang makita, nakatira sila sa sentro ng Artrias, sa dating bahay ng chief dito." Sabi niya. "Hindi ko na masasagot ang iba. Anong gusto niyong kainin? Malaya kayong pumili. Maghihintay lamang ako dito." Aniya.

Nagkatinginan kami ni Captain Masashi. Si Lieutenant Arla naman ay tumango lamang sa amin. Alam na namin kung nasaan sila. Kailangan naming mag-ingat.

---

"Teka muna, kailangan ko munang pumunta sa banyo. Dyan na muna kayo." Paalam ko at naglakad palayo.

"Binibining Nyssa, hindi ka pupwedeng maglakad mag-isa--" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Captain Masashi.

"Gusto mo lang akong samahan para silipan. Alam ko na ang mga ganyang estilo, Captain Masashi. O kaya naman sisilipan mo ang ibang babae. Naku, mahirap na." Sabi ko na ikinapula ni Captain Masashi pero agad niyang itinago ang mukha niya sa likod ng pamaypay na dala niya. Tumawa siya saka napailing.

"Hindi ako ganoong lalake. Teka, hindi ka talaga pwedeng lumakad--"

"Wag kang mag-alala, Captain." Sabi ko at mabilis na umalis. Pagkaliko ko sa may kanto ay hindi ako dumiretso sa banyo kung hindi ay pumunta ako sa direksyon ng sentro ng Artrias. Hindi naman kalakihan ang Artrias kaya mabilis akong makakarating doon.

Alam ko na kabaliwan ang pagtakas kina Captain. Pero hindi ako lalapitan ng mga kalaban kapag naramdaman nila ang presensya ng dalawang kasama ko. Kahit sabihin na itinago nila ang presensya nila, may aura pa din silang agad mapapansin ng iba.

Hawak ko ang phone ko at nakatingin ako sa mensahe na naipadala sa akin noong mga nakaraang araw.

Mahahanap nila ako kung gugustuhin nila. Pero... hindi ko maaatim na magsayang pa ng oras. Ipapaubaya ko na lamang ang ibang aksyon kina Zeid. May tiwala ako sa kanila at naniniwala akong hindi papalya ang plano namin.

---

"Ano? Sinasabi ko na nga ba at may gagawin na namang kabaliwan ang babaeng iyon." Naiinis na sabi ni Captain Zeid ng malaman niyang nawala si Nyssa.

Magkakalahating oras na ay hindi pa din nakababalik sa pwesto nila si Nyssa kaya naman naisipang pumunta nina Captain Masashi at Lieutenant Arla sa direksyon ng pampublikong banyo. Ngunit pagdating doon ay wala ni isang bakas ni Nyssa.

May kutob sila na masama ang magiging dulot ng pag-alis ni Nyssa sa plano nila. Pero sa kabila noon ay gusto pa din nilang magtiwala sa kung ano man ang nasa isip niya ngayon.

Mapapansin ang pagka-inis sa boses ni Captain Zeid sa kabilang linya na ikinangisi ni Captain Masashi.

"Talaga bang naiinis ka dahil gumawa siya ng kabaliwang maaaring sumira sa plano o naiinis ka dahil nag-aalala ka sa kaligtasan niya?"

"Tumahimik ka, Masashi. Hanapin niyo at sundan niyo ang babaeng iyon. Kapag nakuha siya ng Black Trio, hindi natin alam ang pwedeng mangyare. May kutob ako noon pa na..." Napahinto siya at bumuntong hininga.

"Naiintindihan ko. Sige, susundan na namin siya." Sambit ni Captain Masashi bago ibinaba ang tawag at tumingin kay Lieutenant Arla na umiilaw ang kamay at mayroong mga numero sa harapan.

"Nahanap ko na siya."

---

Tumalon ako pababa at bumagsak sa kabilang banda. Walang ibang tao sa paligid. Pero inaasahan ko na ito.

Kinapitan ko ang dagger ko at pumasok sa loob ng malaking bahay. Naglakad ako sa medyo madilim na hallway at nakarating ako sa isang hall.

Papasok pa lamang ako ay may mga nakaitim na lumabas at lahat sila ay itinutok ang patalim sa direksyon ko. Itinaas ko ang kamay ko bilang pagsuko at lumabas naman mula sa kung saan ang nakaitim na pigura. Nang matamaan ng kaunting liwanag ang mukha niya ay nanlaki ang mata ko.

"I-ikaw.." Nauutal na sambit ko.

Ngumisi siya. Isang ngiting napakapamilyar sa akin.

"Yo, Nyssa." Bati niya.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakatitig lang ako sa kaniya habang pinoproseso ko pa sa utak ko ang nangyayare.

"Oh, bakit hindi ka na makapagsalita?" Tanong niya at unti-unting lumapit sa akin. Sinundan ko siya ng tingin. Nang makalapit siya ay iniangat niya ang kamay niya para tanggalin ang mga buhok na napunta sa mukha ko.

Napalunok ako at parang ngayon lamang ulit nagbalik ang boses ko.

Tinignan ko siya sa mata.

"Maxson."


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C37
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login