Jairus POV
Kanina pa ako hanap ng hanap sa kanya kung sa'n-sa'n lupalot nako napad-pad para hanapin sya.
Hindi ko na mabilang.
Kung ilang beses na akong nag bababa at taas dito sa pinaka malapit na mall para lang makita sya.
Shit...
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at kaagad ko syang tinawagan.
Paulit-ulit ko syang tinatawagan pero wala.
"Huy ghorl ang ganda talaga ni joree no tapos ang hot nung boy na mga kaibigan nyang artista din." Sabi nung babaeng dumaan sa harap ko.
Gotcha.
Kaagad ko silang nilapitan nung babaeng kasama nya na ikinagulat nila.
"Sabihin mo sa'kin san mo nakita ang artista na yun." May diin kong tanong na ikanaputla nya.
"A-aah si-sino ka-
"Hindi yan ang sagot na gusto kong marinig." Kalmado kong sabi.
"Hoy ampanget panget mo tapos kung makapag salita ka kala mo utusan mo kami." Sagot nung kasama nya.
"Dahil sumingit ka ikaw narin mag sabi kung nasan sila." Sabi ko dun sa kasama nya.
"Anong nangyayari dito." Napalingon ako sa pamilyar na boses at walang iba kundi yung kanina ko pang hinahanap.
"OH MY GHAD BEH ANDITO YUNG IDOL NATIN SI JOREE ROZCOM HI PO FAN NA FAN NYO PO KAMING DALAWA PA PICTURE PO AH?" Sabi nung sumingit na babae kanina.
"Sure." Sabi ni joree at nag picture-picture na nga sila.
"Ah yung nangyari po kase kanina ere po tinatakot po kami na sasaksakin nya daw po kami kapag hindi namin sinabi kung nasan kayo at syempre po dahil loyal fan nyo kami hindi po kami natakot sa banta nya at hindi nya kami napasagot." Sabi nung sumingit na babae.
Magaling.
Wag mo ako antaying tadyakan kita at ako mismo ang gagawa ng istorya mo.
"Ginawa nya yun?" Tanong ni joree at tumango naman yung dalawa.
"Sige umalis na kayo ako ng bahala mag dala nito sa mga pulis diba guys?" Sabi nya dun sa tatlo nyang kaibigan na pumunta nun sa kanila nung unang araw ko dun.
Bandang huli umalis na yung dalawang kurimaw na fans netong joree.
"Ow naka balik kana pala may utang ka sa'kin dahil nailigtas kita kila mom and dad." Sabi nya. Nagtawanan naman sila dahil dun.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Ano pa bang ginagawa ng mga nag ma-mall. Wait tao kaba talaga? Sorry i forgot you're a king of hoodlum nga pala." Tumatawa nyang sabi at ganun din ang mga kasama nya.
"Pare kamusta na yang pasa mo?" Tanong nung hinayaan kong mambugbog sa'kin.
Actually kaya kong alamin kung sino sila ang kaso hindi ako interesadong malaman.
"Pare mukang naalog yung utak kaya hindi na makapag salita baka natatakot na sayo." Natatawang sabi nung isa rin nyang kasama.
"Tumigil nga kayo hindi naman kayo inaano e." Sabi nung kaibigan nyang babae.
Hmm mukang malayo to sa mga ugali netong mga lamok na to ah.
Joree's POV
Naglalakad kami at nag iikot-ikot dito sa mall.
Nang magutom kami napag pasyahan naming kumain muna sa restaurant dito sa loob ng mall.
"Ma'am, sir good morning eto na po ang menu." Sabi nung server. Kaagad naming kinuha yun at sinabi ang mga order namin.
"Joree hindi mo ba ililibre si jai." Tanong ni brianna. Here we go again.
"Hindi na nya kailangan yun body guard lang sya." Natatawang sabi ni dylan. Well tama naman sya he's a body guard no i forgot he's a king of hoodlum body guard.
"Tama na yan andyan na yung pagkain." Sabi ni caleb.
Nang maihain na ang mga inorder namin kaagad namin kinain iyon syempre sexy ang dating at sosyalin din.
Of course alangang namang magmuka kaming pulubi dito kumain.
Nagulat ako no kami ng tumayo si brianna at pinuntahan sa kabilang table si king of hoodlum na nakatanga lang.
"May gusto ka bang kainin? Umorder ka lang babayaran ko." Rinig naming sabi ni brianna.
Bat nya babayaran ano ba sya girlfriend.
"May gusto na yata si brianna sa hoodlum mong body guard." Sabi ni dylan.
"Tignan mo nga naman kahit ganyang ityura pala malakas ang dating." Sabi ni caleb.
"Anong malakas ang dating, baka malakas ang dating ng hininga." Nag apir pa sila at sabay na tumawa.
Pero wala duon ang atensyon ko kundi sa kabilang dalawa.
I don't know pero i hate this feeling.
Na nakikita kong mabait sya sa body guard ko dapat pag tuunan nya ng pansin si caleb na may gusto sa kanya.
"May pera ako bumalik kana sa mga kaibigan mo." Sabi nya kay brianna at tumango lang si brianna at bumalik dito sa'min.
Tinignan ko yung king of hoodlum na kinausap yung waiter at maya maya inabutan sya nito ng...
KAPE?
Seriously? ang init-init iba talaga ang trip ng hoodlum nato.
Hindi ako napapansin nung tatlo dahil tawanan sila ng tawanan.
...
Jairus POV
Umorder ako ng kape dahil yun ang gusto ko para magising ako dahil inaantok pa ako dahil ang aga ko gumising.
Nang matapos kong inumin yung kape ko napakunot yung noo ko dahil tapos na sila kumain pero ayaw pa nila umalis.
Lumapit ako sa kanila na ikinatigil nila.
"Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko kay joree.
"Bakit naiinip kana-
"Hindi kita tinatanong." Pagputol ko ng sasabihin nung sumuntok sa'kin.
"Mayabang wala naman." Pagyayabang nya.
"Actually ikaw lang ang inaantay namin nakakahiya naman sayo kase kami tong kumain tas naunahan ka pa naming matapos na ikaw na nagkakape lang." Galit na sabi ni joree.
"Hindi ka ba mag so-sorry sa ma'am mo?" Tanong nung isang kaibigan nyang lalaki.
"Hindi." Nagulat sila dahil sa sinagot ko.
"Una wala akong kasalanan at kung ako man ang may kasalanan hindi parin ang isasagot ko." Dugtong ko ng sasabihin nakita kong nanggigil yung pinagbigyan kong bumugbog sa'kin.
At tumayo sya para sana hilain yung kwelyo ko pero na-iangat ko kaagad yung upuan at napatigil naman sya dun.
"Pinag bigyan lang kita dati namihasa ka ata." Sabi ko. Wala silang nagawa kundi pigilan yung kasama nila.
"May araw ka rin sa'kin." Sabi nya.
"Aantayin ko yang araw na sinasabi mo at pag nangyari yun, yun narin ang huli mong araw." Sabi ko at ibinaba yung upuan at naglakad paalis.
Wala akong pakielam kung sino sila dahil sila pwede kong makilala pero ako imyerno kapag ako ang nakilala nila.
Pumunta kaagad akong parking lot at inis-start ang motor ko.
"Hoy!" Sigaw ng kung sino pero wala akong pakielam. Naramdaman ko na lang na hinila nya ang braso ko.
"Lalayasan mo ko pagkatapos mong bastusin ang mga kaibigan ko." Nangigigil nyang sabi sa'kin.
"Hindi ko alam kung tanga ka o bulag, sila pu-pwede akong bastusin tas pag ako bumastos sa kanila nanggagalaiti ka." Normal kong sabi.
"Wala kang kwenta kung ako lang masusunod hindi kita kukuning gwardya ko." Sabi nya at naglakad papuntang kotse nya.
Pinaandar nya iyon at kaagad ko naman syang sinundan.
Alam kong may iba pa syang pupuntahan dahil hindi ito ang daan pauwi ng bahay nila.
Joree POV
Argh bakit ba sya sunod ng sunod.
Pupunta akong studio para sa practice namin sa isang palabas dahil kami ang guest don.
Kasama ko dun sila brianna, dylan, at caleb.
Hindi ko na sila pinasabay sa'kin dahil ayoko kong magkasama tong hoodlum nato at sya.
Shit.
Natapakan ko kaagad yung preno dahil sa kaharap kong kotse.
Trapik pala nasan naba ko.
Malalate ako neto e.
Napapitlag ako ng marinig kong may tumatawag sa phone ko kaagad kong kinuha yun at sinagot.
"Yes manager?" Tanong ko.
"ASAN KA NA BA LATE KANA MAG SISIMULA NA TAYO." Nailayo ko sa tenga ko ang phone ko dahil sa sigaw nya.
"Trapik kase saglit lang papunta nako." Sabi ko at kaagad pinatay yung tawag.
Ayaw umusad ng trapik pa'no ako makakaalis nito.
Kung maglalakad ako jusko mamamatay ako.
Nagulat ako ng may kumatok sa bintana ng kotse ko at nang tignan ko kung sino iyon...
King of hoodlum.
Kaagad kong binuksan yun.
"Alam kong may pupuntahan ka, bumaba kana dyan at sumakay dito." Sabi nya sabay tapik ng...
MOTOR?
"Abno ka talaga no pasasakayin mo ko sa bulok mong motor hellow e baka mas mabagal pa yan sa pagong at ako ng hindi makadaan tapos ikaw mag piprinsinta ka wag na uy mapahamak pa tayo sa bulok mong motor." Sabi ko sa kanya.
"Tawagan mo ang pi-pick up ng kotse mo sumakay kana sa'kin wag kang maarte." Sabi nya. Tinignan ko yung oras at shit late na nga ako.
Kailangan kong gawin to bahala na.
Kaagad kong kinuha yung sumbrero ko at mask at kaagad kong sinuot iyon.
Bumaba nako sa kotse at sumakay sa motor nya kaso hindi ako makasakay dahil hindi ako sanay nahalata nya naman yun at may ginalaw sya para hindi matumba yung motor nya.
"Tutulungan kita pero ikalma mo yung puso mo." Natatawa nyang sabi.
Abat tignan mo nga kakapalan ng muka nito.
Nanlaki ang mata ko ng hawakan nya ako sa bewang at nagulat ako ng iangat nya ako naramdaman ko na lang na naka upo nako sa malambot na upuan ng motor nya.
"Sa harap ka tumingin aandar na tayo." Sabi nya at kaagad ko syang binatukan.
"Talagang dumada-moves ka at may pa hawak-hawak bewang ka pa. Manyak." Sabi ko sa tenga nya baka hindi nya marinig e.
Kaso napahagalpak ako ng tawa ng malaman kong nakikiliti sya sa tenga dahil sa ginawa ko pero ako hindi ko sya tinitigilan.
"Mamaya na natin gawin ang gusto mo." Namula ako dahil sa sinabi nya at sinampal ko sya. Yan bastos.
"Umandar kana nga late nako!" Sigaw ko sa kanya.
Bahagya akong napakapit sa balikat nya ng umandar ang motor nya.
This is my first time na umangkas ako sa motor.
Namangha ako ng dahil sa pag da-drive na.
Maayos pero maangas alam nyo yun.
Ultimong maliliit na space sa bawat sasakyang nadaraanan namin parang walang kahirap-hirap nyang nilulusutan yun.
Hay salamat grabe pa'no nya nagawa yun ng ganun kabilis.
Sinabi ko sa kanya no sinigaw ko sa tenga nya yung pupuntahan ko.
Hindi ko namalayang malapit na kami sa pupuntahan namin ng biglang may sumalubong sa'min na puting van na nag overtake sa kabilang linya.
"Kumapit ka ako bahala tiwala lang." Sabi nya.
"MAMAMATAY TAYO ANO BANG GINAGAWA MO AT SASALUBUNGIN MO PA YAN." Sigaw ko pero imbis na makinig sya binilisan nya lang.
Shit anlapit na nung van sa'min.
Napayakap ako sa kanya at napapikit ng dahil sa gulat kase naman naramdaman kong kaagad nya iyong niliko at napunta kami sa kabilang lane.
Hay salamat okay na hayop mamatay ako ng wala sa oras dahil sa hoodlum nato.
Nang imulat ko ang mga mata ko nanlaki kaagad ito dahil sa gulat. Nagulat ako ng kami naman ang sumasalubong sa mga sasakyan.
Nang dahil sa pag iwas nya sa van na sumalubong sa'min dito kami napunta.
"HOY MAMAMATAY TAYO!!! ANO BANG GINAGAWA MO PINIPITUHAN NA TAYO NUNG PULIS TAPOS AMBILIS MO PA-
Hindi ko na naituloy dahil kaagad nyang iniliko iyon sa tamang lane.
Bwisit papaluin kita ng gulong kapag naka baba na ako.
Ilang saglit nandito na kami at kahit hindi ako sanay bumaba ako.
Jairus POV
"Para san yon." Kamot ko sa ulo ko paluin daw ba ko ng helmet.
Magaling.
"TINATANONG MO KUNG PARA SA'N YON KULANG PA YAN DAHIL MUNTIK NA TAYONG MABANGGA AT DI KA PA NADALA SA VAN SINALUBONG MO PA YUNG MGA SASAKYAN KUNG MAY BALAK KANG MAGPAKAMATAY IKAW NA LANG WALA KA TALAGANG KWENTA HOODLUM!!!" Sigaw nya sa'kin sabay lakad paalis.
Ikaw natong niligtas ikaw pa tong galit dapat pala pinakuha na kita dun sa van na yun.
Pero hindi ako pu-pwedeng mag kamali sinadya nung puting van yun malayo palang nakita ko na yun.
At ang mga taong yun walang iba kundi ang muntik ng pumatay sa mama nya.
Dahil ng sulyapan ko ang van pinakatitigan ko iyon at nakita ko ang lalaking kahina-hinala na gustong patayin si miss keilla.
Ano ba ang dahilan at gusto nilang patayin ang pamilya nila miss keilla.
Kaagad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng coat ko at nag tipa.
Itinapat ko yun sa tenga ko at nag antay ng sagot.
Pero kaagad ko din yung pinatay dahil naisip kong ayokong may inuutusan kahit na sino.