Baixar aplicativo
35% Fallen for you (Gabriel dela Torre) / Chapter 7: Chapter 6

Capítulo 7: Chapter 6

Ella's Pov

Dalawang linggo nang nakakalipas simula nang iuwi ako ni Mama sa bahay. Busy ngayon ang buong bahay dahil darating sila lolo at lola. Kailangan ko na namang magpanggap na okay ako sa harap nila. Kapag kasi hindi ko ito ginawa paparusahan na naman ako ng mga magulang ko. Kahapon nga lang ang mga ate ko ang nanakit sakin. Pinagsasasampal nila ako at sinabunutan dahil lang pinaratangan ako ni ate Karen na nilalandi ang asawa nya. Kaya galit na galit ako kay Mark dahil alam nyang masasaktan ako ng pamilya ko pero lapit pa din siya ng lapit.

"Bilisan mo nang kumain at naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo." sabi ni ate Karen.

"Bakit ba kasi pinasabay nyo pang kumain yan." sabi ni ate Monica. Hindi ko na napigilang lumuha dahil sa pagtrato nila sakin.

"Pwede ba! Para kayong walang pinag aralan kung makapagsalita. Wala namang ginagawa sa inyo ang tao pero daldal pa din kayo ng daldal." sabi ni kuya Oliver. Buti na lang kahit paano ay may kuya akong nagtatanggol sa akin.

Isa isa nang nilapag ng mga mais ang mga pagkain. Nakaamoy ako ng hindi maganda. Bigla namang bumaligtad ang sikmura ko. Napatakbo ako sa lababo para sumuka.

"Anong nangyari sayo Ella?" tanong ni kuya Oliver. Habang hinahagod ni kuya ang likod ko.

"Hindi ko alam kuya. Bigla na lang akong nakaramdam ng pagsusuka." sabi ko kay kuya.

"Manang tumawag kayo kay Dr. Sonio at papuntahin nyo dito." utos ni kuya kay Manang Fe.

Nagmumog ako at pinunasan ang bibig ko. Nagsimula na akong maglakad at bumalik sa hapag kainan.

"Oh ayan na pala ang nag iinarte." sabi ni ate Karen.

Paupo na sana ako ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Napakapit ako ng mahigpit sa upuan ko.

"Okay ka lang ba Ella?" tanong ulit ni kuya.

Narinig ko pang nagsasalita sina ate Karen at Mama pero hindi ko na naintindihan ang sinasabi nila dahil unti unti na akong nawalan ng malay.

Nagising ako sa ingay ng paligid. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko na nandito lahat sila sa kwarto ko. Pati na si Mark.

"Ayan gising na pala ang malandi nating kapatid." sabi ni ate Monica habang bumabangon ako para umupo ng maayos sa kama.

"Wala kang utang na loob! Puro kahihiyan ang binibigay mo sa amin." sabi ni Mama. Sinugod ako ni Mama at hahampasin pero hindi ako natamaan dahil pinigilan ito ni kuya.

"Sino ang ama?" matigas na tanong ni Papa. Nakakatakot ang mukha ni Papa at halatang galit na galit.

"Kuya ano bang nangyayari? Hindi ko kayo maintindihan." nagtatakang tanong ko.

"Buntis ka Ella." malungkot na sabi ni Mark.

"Ikaw Mark, baka ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ni Ella." tanong ni ate Monica.

"Hindi ako." sagot ni Mark.

"Siguraduhin mo lang Mark, pagnalaman kong pinatulan mo ang malandi na yan ay lagot ka sakin. Sisiguraduhin kong may kakalagyan ka." sabi ni ate Karen.

"Teka kuya, ako buntis?" tanong ko ulit kay kuya Oliver.

"Oo Ella buntis ka 6 weeks. Galing na dito si Dr. Sonio ay ineksamin ka na." malungkot na sabi ni kuya.

"Hindi dapat malaman ng mga tao ito. Masisira na naman ang pangalan ng Garcia sa kagagawan ng babaeng yan. Dapat ipalaglag ang bata." sabi ni Mama.

"Ayoko po!" sigaw ko.

"Naririnig nyo po ba nag sinasabi ninyi Mama? Papalaglag nyo ang bata? Malaking kasalanan yun. Naturingan kayong guro pero kung magsalita kayo daig pa kayo ng mga walang pinag aralan." sabi ni kuya.

Lumapit si Papa at biglang sinampal nya si kuya. Ito ang unang beses na napagbuhatan ni Papa si kuya.

"Huwag mong pagsasalitaan ang Mama mo ng ganyan." galit na sabi ni Papa bago umalis ng kwarto ko. Sumunod din si Mama kay Papa.

"Ano ka ngayon Oliver, Ipagtanggol mo pa ang babaeng yan. Pati ikaw tuloy nasasampal ni Papa." sabi ni ate Monica.

Lumabas silang lahat maliban kay kuya Oliver. Lumapit sa akin si kuya at niyakap ako.

"Ano bang nangyari sayo ng wala ka dito sa bahay? Sino ba ama niyan Ella? Kung pwede lang kitang ilayo dito ay ginawa ko na. Ano nang gagawin natin? Hindi ko kayo mapoprotektahan sa lahat ng pagkakataon." sabi ni kuya. Napahagulgol ako kay kuya.

"Nagpapasalamat ako at lagi mo akong ipinagtatanggol. Bakit ba nila ginagawa sakin to? Pede naman na nila ako itakwil at mabubuhay na lang ako ng mag isa. Pero bakit pa nila ako pailit ulit sinusundo. Tulungan mo lang akong makalayo kuya. At sa huling pagkakataon ay lalayo ako at hindi na magpapakita pa sa kanila." pakiusap ko kay kuya.

"Susubukan ko Ella, bantay sarado din kasi ako ng mga tauhan ni Papa. Isa pa darating si Grandma at Grandpa. Mabuti pa subukan nating sabihin na sasama ka na lang sa kanila pag uwi ng America." sabi ni kuya Oliver.

"Kaso ngayong buntis na ako, natatakot akong magbago ang isip nila Grandma. Natatakot akong ikahiya din nila ako. Kuya anong gagawin ko?" iyak pa din ako ng iyak sa bisig ni kuya. Nagpapasalamat ako at hindi niya ako hinuhusgahan. Natigil kami sa pag uusap dahil may kumatok.

"Sir Oliver, tawag na po kayo sa baba ng Mama ninyo. Dumating na daw po ang lolo at lola nyo." sabi ng kasambahay namin pagkatapos ay umalis na agad ito.

Pinunasan ni kuya ang luha ko bago ako inaya pababa. Nang makababa kami ay naabutan namin na nakaupo si Grandma at Grandpa sa sala kasama ang buong pamilya. Ramdam na ramdam ko ang mga tingin nila. Kung nakamamatay lang ang mga tingin, malamang kanina pa ako patay. Nagmano muna ako sa Grandparents namin.

"Kamusta ka na mga apo ko?" tanong ni lola. Pinaupo nya kami sa gilid nya. Ngumiti ako hindi dahil napipilitan ako kundi dahil sa masaya ako na nandito ang Grandparents namin.

"Maayos naman po kami Grandma." sabi ni kuya Oliver.

"Isabella apo ko, bakit parang namumutla ka? Maysakit ka ba?" tanong ni Grandpa.

"Paanong hindi mamumutla yan eh buntis po yan." sabi ni ate Karen. Niyakap naman ako ni kuya ng mahigpit.

"Ano?" halatang gulat na gulat ang dalawa sa narinig nila.

"Kanina lang namin nalaman na yang isa na yan ay buntis. Naglayas yan at ang napala nagpabuntis sa kung sino sino." sabi ni Mama.

"Naglayas ka nga ba apo? Sino ang ama ng ipinagbubuntis mo?" malumanay na tanong ni Grandma.

"Malamang kung sino sino lang nakabuntis dyan at baka nga hindi nya alam kung sino kasing lalaki ang kasama sa club." sabi ni ate Monica.

"Magtigil kayo! Hindi kayo ang tinatanong ko!" sigaw ni Grandma kay ate.

"Im so disappointed in you. Pero wala na tayong magagawa nandyan na yan." sabi ni Grandma

Hindi ako nagsalita at umiyak lang ako ng umiyak. Niyakap naman ako ni Grandma ng nahigpit.

"Huwag kang mag alala apo ko papalakihin natin ng maayos ang baby mo. Gusto mo bang sumama na lang samin sa America?" tanong ni Grandma.

"Magandang idea yan Mama, kapag nanatili si Ella dito ay baka masira lang ang mga reputasyon namin." sabi ni Mama.

"Talagang reputasyon nyo pa ang inisip nyo kaysa sa anak nyo. Sigurado ba kayo ginagawa nyong tama pagpapalaki sa mga anak nyo? Alam nyo na ang mangyayari kapag nagkataon." sabi ni Grandpa.

"Mam, Sir, may tao po sa labas. Hinahanap po si Mam Ella." sabi ng maid na kakapasok lang.

"May inaasahan ka bang bisita Ella?" tanong ni kuya Oliver.

"Wala kuya." sagot ko.

"Malamang yung dalawang bwisit na kaibigan nya lang." sabi ni ate Karen.

"Tumahimik ka Karen! Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?" tanong ni Grandpa.

"Puntahan mo sa labas ang bisita mo at papasukin." sabi ni Grandma.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa gate. Nang malapit na ako sa gate ay natigilan ako. Ano ang ginagawa nya dito? Lumapit ako at pinagbuksan ito ng gate.

"Gabriel, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Pwede ba akong pumasok?" sabi nya

"Hindi pwede magkakagulo lang. Mabuti pa umuwi ka na lang. Hindi mo alam ang pinapasok mo." sabi ko.

"Alam ko Ella, kaya nga nandito ako eh." sabi ni Gabriel.

Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Pagkatapos ay hinatak ako papasok ng bahay. Pasaway din tong lalaking to, kala mo kanya ang bahay.

"Good evening po." bati ni Gabriel.

"Sino ka naman?" galit na tanong ni Papa.

"Ako po si Gabriel dela Torre, ang boyfriend po ni Ella." pagpapakilala ni Gabriel.

"Gabriel!" sigaw ko. Hindi ko pa nga siya sinasagot. Naku nalintikan na.

"Ikaw ba ang ama ng ipinagbubuntis ng apo ko?" tanong ni Grandpa. Naku talagang nalintikan na.

"Po?" tumingin si Gabriel sa akin. At alam kong sobrang nagtataka siya.

"Naku malamang hindi siya ang ama. Malay natin, kung sino sinong lalaki kasi ang kalandian nyan. Alam mo Grandma, nang sinundo namin yan may kahalikang lalaki." sabi ni ate Monica.

"Ah yung kahalikan ni Ella ay ako yun." sabi ni Gabriel.

"Yun naman pala eh. Siguro naman ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ni Ella." tanong ni kuya Oliver. Lumingon sa akin si Gabriel.

"Buntis ka nga Isabella?" tanong ni Gabriel. Tumango naman ako. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla akong hinalikan ni Gabriel.

"Ehem!" sigaw ni Grandpa.

"Pasensya na po masyado lang po akong natuwa. Huwag po kayong mag alala ako po ang ama ng ipinagbubuntis nya. Isa pa po pananagutan ko po si Isabella. Papakasalan ko po siya sa lalong madaling panahon." sabi pa nya.

"Gabriel...."


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C7
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login