Baixar aplicativo
97.22% March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story) / Chapter 35: Chapter 35: "A" Final Part

Capítulo 35: Chapter 35: "A" Final Part

Mr.A POV (23 Years old) and Flashback

Date: May 21, 2006

Time: 8:30 Am

Nauna na akong magising kina Agatha, at dahil mahimbing pa ang tulog ni Chris, binuhat ko siya upang dalhin sa kanyang kwarto. Pagkalabas ko, nakita ako ni Mr. Jill na galing sa kwarto ni Agatha, at tinanguan ko siya.

Nang maihiga ko na si Chris sa kanyang kwarto, agad na akong nagayos ng aking sarili para sa mangyayaring lunch event ng 11:30 a.m.

Nauna na ako sa kotse at hinihintay ko na lamang si Mr. Claude, ang papa ni Agatha, dahil sabay kaming pupunta sa hotel kung saan magaganap ang event.

Maya maya, pumasok na rin ang papa ni Agatha sa kotse, at napansin kong hinihingal siya at hindi maayos ang damit.

"Um, Tito, bakit parang pawis na pawis po ata kayo? Tumakbo po ba kayo?"

"Napaka kulit talaga ni Agatha! Pinipilit niyang sumama, pero sisirain niya lang ang plano natin! Kinulong ko siya sa kanyang kwarto, kinuha ko rin ang kanyang phone para wala siyang matawagan!" naiinis na sinabi ng papa ni Agatha habang pinupunasan niya ang kanyang mga pawis at inaayos ang sleeves ng kanyang damit.

Kinabahan ako sa ginawa ni Mr. Claude at nag-aalala ako para sa kalagayan ni Agatha. Lalabas na sana ako ng kotse upang puntahan siya, nang pigilan ako ni Mr. Claude.

"Pupuntahan mo si Agatha? Ano? Palalabasin mo siya? Gusto mo bang masira ang plano natin?" naiinis na sinabi ni Mr. Claude.

"Tito! Hindi naman po ata tama 'yung ginawa niyo! Tsaka Paano si Chris? Hahanapin niya ang mama niya!" naiinis kong sinabi.  

"Pinatulog ko muna si Chris ng mahimbing... 'Wag ka mag alala, mamaya-maya ay gigising na rin siya. Pagkagising niya, tapos na ang lahat ng problema natin. Siya na ang magiging pinakamakapangyarihang tagapagmana." sagot ni Mr. Claude habang nanlalaki ang mga mata nito at nakatingin sa akin.

Dahil nadamay na si Chris, lalabas na sana ako ng kotse upang puntahan siya, ngunit pinipigilan na naman ako ni Mr. Claude at nagsalita muli.

"Babalik ka? Wala ka ng babalikan, A. Sinabi ko na sa lahat ng empleyado sa bahay na ikaw ang nagkulong kay Agatha sa kanyang kwarto at 'wag siyang palalabasin. At kung umatras ka sa plano, ako ang magtutuloy nito, at pangalan mo ang isisiwalat ko! Ano? Babalik ka?" pananakot sa akin ni Mr. Claude.

Natakot na ako para sa sarili ko, kay Agatha at kay Chris. Sa oras na umatras ako, maaaring makulong ako sa kasalanang hindi ko gustong gawin, at hindi ko na mapoprotektahan sina Agatha at Chris.

Wala na akong magawa, kailangan kong tatagan ang aking loob.

"Kunin mo ang isang maliit na pakete na nakalagay sa box na nasa harapan mo." utos niya sa akin.

Kinuha ko ito, at nang inalog ko, naramdaman ko na ang nasa loob nito ay isang powder ng isang lason o drug. Napalunok na lamang ako, at itinago ko na ito sa bulsa ng aking coat.

Tiningnan ko ang papa niya, tila nag aalangan na ako. Tumingin siya sa akin ng masama at sinigawan ako.

"Mag drive ka na! Bilisan mo na para makarating tayo agad sa hotel!" utos sa akin ni Mr. Claude.

Sinunod ko na lamang ang utos niya. Habang nada-drive ako, inisip ko na ibangga ko na lang ang kotse at isasama ko siya sa aking pagkamatay.

Pero paano kung mabuhay siya? Natatakot ako para sa mag-ina ko.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Nakarating na kami sa hotel kung saan magaganap ang event—ang event kung saan alam ng lahat na ako ang nagpasimula.

Isang maling kilos ko lang, ako agad ang mananagot. Pinagplanuhan ako ng maigi ng papa ni Agatha. Nang sinabi niya na magiging malinis ang operasyon, hindi ko agad naisip na para sa sarili niya pala ang kanyang tinutukoy. Hindi ko naisip na ako pala ang magiging pain sa kanyang plano na pagpatay kina John at Althea.

Ang tanga ko! Naisahan ako!

Pumunta kaming dalawa sa kitchen at pinalabas ng papa ni Agatha ang lahat ng nasa loob ng kitchen. Dalawa na lang kaming natira, at dumiretso kami sa mga nakahandang mga food sa bawat table.

Nasa tapat na kami sa nakaprepare na food para sa table nina John, Althea, at ng anak nila na si Jin.

"Ilabas mo na. Ilagay mo na sa pagkain nila."  utos sa akin ng walang pusong tao na si Mr. Claude.

Naluluha ako habang dahan dahan kong inilalagay ang powder ng mga lason sa pagkain nina John.

Hindi ko naman talaga gusto umabot sa ganitong sitwasyon. Gusto ko gumanti sa kanila, pero sa paraan na alam ko at hindi sa dahas at hindi buhay ang magiging kapalit.

Nang maubos ko na ang isang pakete, naglabas ng isang resealble plastic bag ang papa ni Agatha at initusan akong ipasok ang pakete sa loob.

Ipinasok ko na ang pakete sa resealable plastic bag na hawak ni Mr. Claude at napayuko na lamang ako dahil sa pagkadismaya ko sa aking sarili.

Umalis na kaming dalawa sa kitchen na parang walang nangyari, at pinabalik niya na ang lahat ng chef sa loob ng kitchen.

"Subukan mong may gawin at ibaliktad ako, A, sinasabi ko sayo, ikaw ang mananagot." sinabi niya sa akin bago siya umalis sa kinatatayuan namin.

Dahil sa inis ko sa aking sarili, nagawa kong suntikin ang pader. Dahil dito, nagdugo ang aking kamay. Hindi ako nasaktan dahil namanhid na ata ako sa mga nararamdaman at mga karanasan ko. Nagdudugo pero wala akong sakit na maramdaman. Ang sakit na nararamdaman ko, nasa loob ng puso ko.

Unti-unting tumulo ang luha ko, at pumasok muna ako sa loob ng Restroom upang ikalma ang aking sarili.

Tiningnan ko ang aking reflection sa salamin. Tila nakatingin ako sa isang halimaw...

Sa isang Augustus na hindi ko na kilala.

Sa isang tao na wala na sa tamang landas.

Isang Augustus na litong lito at tila hindi na alam ang dapat gawin.

Naiyak na lamang ako habang pinupunasan ko ang nagdudugo kong kamay. Habang naiiyak ako at nililinis ko ang kamay ko, may isang lalaki na pumasok sa CR na may kasamang bata.

"A?"

Napatingin ako sa salamin, at nakita ko si John kasama ang anak niya na si Jin.

Nanlaki ang mga mata ni John nang makita niya ang kamay ko na nagdudugo.

Agad siyang lumapit sa akin na sobrang nag aalala.

"Jin, humingi ka ng first aid kit sa labas. Bilisan mo." Inutos ni John sa kanyang anak na siya namang agad lumabas.

Kumuha si John ng mas maraming tissue at pinunasan niya ang nagdudugo kong kamay.

Tinitingnan ko siya sa kanyang mga mata.

Nalulungkot siya.

Habang nililinis niya ang mga kamay ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko at tumutulo pa rin ang aking mga luha. Kasabay noon, lahat ng galit at poot ko, tila naglaho nang maramdaman ko ulit ang init ng mga kamay ni John.

Tumingin siya sa mga mata ko at biglang nagsalita.

"Pasensya ka na, A. Pasensya ka na kung ganito ang nangyari sa ating dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatawad mo ko, pero gusto ko mag sorry sa'yo."

Nang marinig ko ang paghingi niya ng tawad, tila lumambot ng sobra ang puso ko.

Ano ba itong ginawa ko...

Ang walang kamalay malay na pamilya ni John, mawawala na sa mundo sa ilang saglit na lamang.

Nadudurog na naman ang puso ko.

Ang taong pinakamamahal ko, mawawala na sa akin ng tuluyan... nang dahil sa kagagawan ko—sa katangahan ko.

Hindi si John ang sumira sa aming dalawa.

Ako.

Ako ang gumawa ng mga bagay na ikasisira naming dalawa.

Wala naman talaga siyang kasalanan.

Alam ko na kaya ko pa 'tong pigilan. Tanggap ko na, na hindi na kami magiging magkasama ni John habambuhay.

Mas okay na sa akin 'yun.

Pero ang malaman na hindi ko na makikita ang kanyang mga ngiti, na kahit hindi na ako ang nagpapasaya sa kanya, iyon ang hindi ko kaya.

Tinanggal ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak kay John. Niyakap ko siya ng mahigpit at binulungan.

"I'm sorry, John, hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita..."

Tila natulala si John sa aking sinabi. Iniwan ko siya sa loob ng CR at lumabas na ako. Nakita ko si Jin na nasa tapat na ng pinto ng CR hawak ang first aid kit. Hinaplos ko ang kanyang buhok at nginitian.

"Thank you, Jin, pero okay na ako. Sorry naabala pa kita."

"Okay lang po. Kayo po 'yung special friend ni papa, hindi ba?" tanong sa akin ng batang Jin na siyang ikinagulat ko.

Lumuhod ako at tiningnan ko siya sa mga mata. Parehas sila ng mata ni John—maganda at nakakaakit ito.

Nakita ko sa kanya ang batang John, kaya masakit sa akin kung ang batang ito, ang walang kamalay malay na batang ito ay mapapahamak.

"Pinakita sa akin ni papa 'yung picture mo dati. Sabi niya, ikaw daw 'yung special friend niya na sobra daw po niyang love, hanggang ngayon."

Hindi ko na napigilan muli umiyak. Nadudurog ang puso ko sa sinabi ni Jin. Ang sakit dahil huli na nang malaman ko ang bagay na ito. Akala ko tuluyan na akong kinalimutan ni John, pero hindi pa pala.

Dinala ko sila sa kanilang hukay... napakasama kong tao!

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko!

"Pwede ko po ba kayo maging papa din? Hehe! Ang cool niyo po kasi tingnan. Secret lang po natin to kay papa ah? Mas pogi po kayo sa kanya! Haha!"

Natutuwa ako sa batang Jin na ito, pero nadudurog pa rin ang puso ko. Hindi sana aabot sa ganito ang sitwasyon. Gusto ko pa sila mabuhay.

Hindi ko na gustong gumanti!

Ayoko na!

Tama na ito!

Pinunasan ng batang Jin ang mga luha sa aking mata gamit ang kanyang panyo.

"Sabi ni papa, 'di ka pa daw niya nakikitang umiyak. Baka lumabas siya tapos makita ka niyang umiiyak, pinunasan ko na po. Baka sabihin niya inaaway kita. Haha!"

Kahit pinupunasan na ng batang Jin ang mga luha ko, tuloy tuloy pa rin ito sa pagbagsak.

Hindi ko na kaya...

Ang sakit sakit na ng puso ko.

Ang sakit na ng mga naririnig ko bagamat lahat ito ay masasayang bagay. Niyakap ko ang batang Jin at umalis na rin ako.

Malapit na ang lunch event at tumungo ako sa kitchen. Pinuntahan ko ang food na nakaprepare para sa table nina John. Tinapon ko ang food na nilagyan ko ng mga lason. Sinigurado ko na lahat ng pagkaing nakahanda para sa kanila, nasa basurahan na.

Iniutos ko na lamang sa isang chef na gumawa ulit ng bagong pagkain para sa table nila John. Pumayag naman siya, at umalis na ako at tumungo na sa Event Hall

Alam ko ito ang tama.

Ito ang dapat.

Nang magsimula na ang Lunch, at lahat ng mga food ay isa isa ng nagdadatingan, nakatingin ako sa table nina John—kinakabahan, natatakot.

Pero alam ko, hindi ito ang araw na mamamatay sila.

Naniniwala ako...

Lumapit sa likod ko ang papa ni Agatha, at binulungan ako, "May lakas ng loob ka pa na sirain ang plano, A? Hindi mo ko maiisahan. Inunahan na kita!" nakangiting bulong ng walang modo at walang awang na si Mr. Claude.

Umalis na si Mr. Claude sa loob ng Event Hall, at ako naman ay nakatingin lamang kina John. Pinapanood kong kumakain sina John at Althea.

Unti-unti na naman akong nadudurog.

Ang saya nilang tatlo habang pinapanood ko sila.

Pasensya ka na John... akala ko kaya ko. Hindi ko kayo nagawang iligtas.

Nakita ko na si John at Althea pa lang ang kumakain, pero ang batang Jin, tila ayaw pa kumain dahil busog pa ito.

Habang nakatingin ako sa kanila, napatingin sa akin sina John at Althea.

Nginitian nila akong dalawa.

Nginitian ko silang dalawa pabalik na walang sama ng loob at walang galit na nararamdan. Pero dahil hindi ko na din talaga kaya ang makita sila na nakangiti at hindi alam ang mga susunod na mangyayari, lumabas ako ng Event Hall at pumunta sa roof top.

Isinigaw ko ang lahat ng gusto kong isigaw. Lahat ng itinatago ko sa loob ko, nilabas kong lahat.

Ito lang ang kaya kong gawin upang maibsan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Napagod ako kakasigaw. Halos maubusan na ako ng boses kakasigaw hanggang sa napaupo na lamang ako sa sahig at umiyak.

Hindi ko kayang bumaba. Dahil baka pagbaba ko, wala na si John, baka patay na siya. Mas gugustuhin ko pa na ang huling beses kong nasilayan  ay ang kanyang mukha na nakangiti. Hindi ko kakayanin na makita siya na wala ng malay.

Habang umiiyak ako, may lumapit sa akin na isang lalaki na nasa halos 50 years old na ang edad. Nakaputi siyang tshirt at pantalon. Tiningnan ko siya at akala ko, papa siya ni John dahil magkamukha silang dalawa. Pero naisip ko, hindi naman ako pupuntahan ng papa niya.

Umupo siya sa sahig at sa tabi ko.

"Teka lang po, puti 'yung suot niyo, baka madumihan kayo." sinabi ko sa kanya habang naluluha pa ang mga mata ko.

"Hayaan mo ng madumihan 'tong puting suot ko dahil hindi naman iyon maiiwasan, basta alam ko na kaya ko pa itong linisin ulit."

Ngumiti siya sa akin at pinunasan ko ang luha ko.

"Bakit ka umiiyak? Hindi ba dapat masaya ka kasi ikaw ang gumawa ng event na ito para sa lahat?" tanong sa akin ng matandang lalaki na kamukhang kamukha ni John.

"Hindi ko na po ata kaya maging masaya. Kayo po ba? Kung malalaman niyo na ang ito na ang pinakahuling araw ng taong pinakamamahal mo, kaya mo pa po ba maging masaya?" tanong ko sa kanya.

"Siempre, hindi rin. Ilang beses ko na nakitang mawala ang taong pinakamamahal ko. Alam ko rin kung kailan ang huling araw niya dito sa mundo, pero hindi ko siya nailigtas. Masakit para sa akin." paliwanag niya sa akin.

Nakikita ko ang sakit at lungkot sa kanyang mga mata sa kabila ng mga ngiti niya. Ngunit habang tinitingnan ko siya sa kanyang mga mata, tila parang kilala ko ang taong ito pero hindi ko mawari kung bakit magaan ang loob ko sa kanya.

"Pero hindi ibig sabihin noon ay susuko ka na. Maraming bagay ang pwedeng mangyari. Oo hindi natin maiiwasan ang pagkamatay, pero habang kaya pa natin, wag tayong susuko magmahal. Kung alam natin na may paraan pa, laban lang. Tingnan mo ako, 'yung taong pinakamamahal ko, wala na sa akin... Pero hindi ako sumuko. Alam ko isang araw, magkikita ulit kami at magsasama." dagdag ng matandang lalaki sa akin

"Paano naman po 'yun? Kung wala na siya, paano pa kayo magkikita ulit?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya at biglang nagsalita.

"Nakikita mo ba ang araw at ang buwan?" tanong niya sa akin

"Opo."  sagot ko sa kanya, tila naguguluhan pa ko sa nais niyang ipahiwatig.

Ito ang sinabi niya sa akin—

'Di ba kung titingnan mo, hindi sila nagtatagpo at parang hinahabol nila ang isa't isa? Aakalain mo na hindi na sila maaaring magtagpo dahil Ang araw, sa umaga lamang lumalabas, at ang buwan ay sa gabi lang.

Sa tuwing mag bubukang liwayway o mag dadapit-hapon makikita mo ang araw at ang buwan, ngunit magkalayo pa rin silang dalawa.

Pero may isang pagkakataon na magtatagpo silang dalawa... Iyon ay tuwing eclipse kung saan nag tatagpo ang araw at ang buwan.

Parang tayo lang ang araw at ang buwan... Magkakaroon at magkakaroon tayo ng pagkakataon na makatagpo ang taong pinakamamahal natin, paglayuin man tayo ng tadhana. Kung may paraan, gawin natin. Wag tayong susuko.

Ito ang paliwanag na sinabi sa akin ng matandang lalaki na tila nagbigay sa akin ng liwanag. Napatingin ako sa langit at alam kong may liwanag pa at may pagkakataon pa ako para ayusin ang lahat.  Ang gaan ng loob ko sa taong kausap ko. Tatanungin ko na sana siya kung ano ang kanyang pangalan, ngunit paglingon ko sa aking tabi, ay naglaho na siya. Ngunit naiwan niya ang kanyang I.D. sa sahig kaya kinuha ko ito at tiningnan.

"Hmmm, Jin Torres? Kamag-anak kaya siya nila John? Ibabalik ko na lang sa kanya 'to pag nakita ko siya mamaya."

Nagmadali akong bumaba sa Event Hall upang puntahan sina John.

Ngunit, huli na ang lahat.

Wala ng tao sa Event hall. Pati rin sina John ay wala sa kanilang table. Malinis na ang Event hall na tila parang walang nangyari.

Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung nasaan sina John.

Nagtanong tanong ako sa mga empleyado ng hotel ngunit hindi rin nila alam kung saan pumunta ang lahat ng aming bisita. Tinanong ko rin ang tungkol kina John, ngunit hindi din nila ako masagot.

Pumasok ako sa loob ng Restroom at doon ko tinawagan ang papa ni Agatha sa phone upang tanungin ang nangyari.

Tumitibok ng mabilis ang aking puso habang tinatawagan ko ang papa ni Agatha—ang taong walang puso at ang taong kabaligtaran ni Agatha.

A: Tito! Nasaan po sila John!

Claude: Hahaha! Wala na sila, Augustus. Patay na silang tatlo! Hahaha!

Tila, kumikirot na naman ang puso ko nang marinig ko ang mga isinambit ng papa ni Agatha.

Sobrang sakit na ng nararamdaman ko at hindi na rin ako makahinga, pakiramdam ko ay aatakihin na naman ako sa puso, ngunit nilalabanan ko ito.

A: Nasaan sila! sabihin mo sa akin!

Claude: Itinago ko sila sa isang kwarto na walang makakakita sa kanila, at pinamukha kong nagpakamatay sila!  Pero ang anak nila, tila buhay pa! Walang hiyang bata 'yun! Pero, ako na ang magpapapatay sa kanya!

A: Tito! Wag na si Jin! Hayaan mo na siya! Bata pa siya! Wala pa siyang kamuwang muwang sa mundo!

Claude: Pag hindi namatay ang batang iyon, at nalaman nilang buhay pa siya, malamang, makukulong ka! Masisira ang pangalan mo! Mapapahamak sina Agatha at Chris? Gusto mo bang mangyari 'yun?

A: Pero kasama ka sa planong ito! ikaw ang gumawa nito!

Claude: Sinabi ko naman 'di ba, na magiging malinis ang operasyon... Oo, malinis ito, para sa akin! Ikaw ang masasangkot sa gulong ito. Lahat ng ebidensya, ikaw ang lalabas, simula sa paglalason kina John, hanggang sa pagbuo ng Event, hanggang sa pag patay ng anak nila. Ikaw ang sisisihin ng lahat. Bantayan mo maigi ang sarili mo, Augustus, at babantayan ko ang bawat kilos mo. Hindi mo maaaring sabihin kay Agatha lahat, kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na patayin si Chris, kahit na kadugo ko pa siya! Ang mahalaga lang sa akin ay ang kapangyarihan! Kaya kung lalabanan mo ako, Augustus, mag isip ka na, dahil buhay niyo ang kapalit. Sa oras na mabuhay ang anak nila John, katapusan mo na dahil kapag nangyari 'yun, lalabas at lalabas ang ebidesnya na ikaw ang may sala ng lahat! Kaya siguraduhin mong hindi mabubuhay si Jin!

Binaba ko na ang phone. Hindi ko na kaya! Natatakot na ako!

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano ko poprotektahan ang sarili ko at ang pamilya ko? Kung buhay nila ang nakasalalay, ipagpapalit ko ba sila sa nag-iisang anak ng taong pinakamamahal ko, na si John?

Natatakot at napaparanoid na ako.

Tumatak ang sinabi sa akin ng papa ni Agatha, na sa oras na malaman ng lahat na buhay si Jin, ang anak nina John at Althea, masisira ang pamilya ko. Mapapahamak sina Agatha at si Chris dahil sa isang pagkakamali, dahil sa isang kasinungalingan.

Hindi ko na alam, pero sa puntong ito, mas gusto ko pahalagahan ang buhay ng anak ko.

Patawarin mo ako, Jin, sa oras na malaman ko na buhay ka pa, kinailangan ko lang itong gawin, para sa kapanakanan ng pamilya ko. Para ito kina Agatha at Chris, kung buhay mo man ang kapalit.

End of Mr. A's POV and Flashback

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Current Time

Date: July 22, 2021

Time: 10:30 A.M.

Tumingin si Mr. A. sa mga mata ni Jin, lumuluha at nagmamakaawa.

"Jin, patawarin mo ako. Natakot lamang ako at gusto ko lang proteksyunan  ang buhay ni Chris. Noong nalaman ko na buhay ka, natakot ako... Natakot ako sa magiging lagay ni Chris. At noong nalaman ko na may nararamdaman na si Chris para sa'yo, bumalik ang nararamdaman ko dati. Ang sakit at takot, at ayaw kong maramamdaman ni Chris ang mga naramdaman ko dati sa papa mo. Ayoko na maranasan niya ang pait ng buhay na kinagisnan ko."

Hinawakan naman ni Mr. A. ang mga kamay ni Chris at tumingin sa mga mata nito.

"Chris, ako rin, sana mapatawad mo ko. Alam ko malaki ang pagkukulang ko sa'yo simula noong mawala si Agatha. Hindi ko namalayan na paunti-unti ay nagiging katulad ako ng ama ko at ni Mr. Claude na ayaw kong maging sa oras na maging isa akong ama balang araw. Pero, huli na nang mapagtanto ko na ginagawa ko na rin pala sa'yo ang mga ginagawa nila sa akin dati. Sana ay mapatawad mo ko. Alam ko labis kang nasaktan sa mga ginawa kong pagpapahirap sa'yo."

Naluha si Chris at ngumiti, "Hindi, papa, naiintindihan kita. Naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo."

"Magkatulad talaga kayong dalawa ni Agatha, naiintindihan niyo at alam niyo kung anong nararamdaman ko. Pasensya ka na, Chris, sa nalaman mo. Minahal ko ang mama mo, pero hindi katulad ng pagmamahal ko para sa papa ni Jin. Hindi naging madali para sa akin ang magtago, dahil iba ang nakasanayan namin noon." sagot ni Mr. A. habang pahina na ng pahina ang kanyang katawan.

"Okay lang, papa. Ang sabi sa akin ni mama, alam niya talaga kung sino ang tunay na nilalaman ng puso mo. Hindi ko lang alam na ang papa pala ni Jin ang tinutukoy niya. Naiintindihan kita, papa. Alam ko ang nararamdaman mo. Hindi mo kailangan mag sorry sa akin para sa pagmamahal na ipinagkait sa'yo ng panahon." nakangiting sagot ni Chris habang hinahaplos niya ang kamay ni Mr. A.

"Jin, nakwento sa akin ni 'Jon', ang Jin na nagmula sa hinaharap ang lahat ng pangyayari. Salamat dahil hindi mo pinabayaan ang anak ko. Dahil sa isang pagkakamali ko lang, dalawa ko kayo na napahamak. Naging makasarili ako. Salamat sa pagligtas mo kay Chris. Salamat sa pagbalik mo sa oras para lang mailigtas siyang muli." nakangiting sinabi ni Mr. A. kay Jin.

"Hindi lang po ako ang nagligtas kay Chris, Mr. A., si Chris din ang nagligtas sa akin. Hindi lang ako ang gumawa ng paraan, parehas kami. Kahit alam namin na impossibleng magtagpo ang landas namin ulit, gagawa at gagawa kaming dalawa ng paraan para magkita muli. Sabay naming hahanapin ang isa't isa sa oras na hindi kami magkasama." hirit ni Jin.

Biglang tumulo ang luha ni Mr. A ngunit nakangiti siya dahil may bigla siyang naalala.

"Jin, alam ko na ikaw ang nakausap ko sa rooftop noong araw na mawala sina John at Althea. Alam ko na sa'yo nanggaling ang mga salitang nagbigay sa akin ng liwanag. Kaya magaan ang loob ko sa lalaking nakausap ko noon, hindi ko napagtanto na ikaw pala iyon. Maraming salamat, dahil kahit magkaiba tayo ng oras, nagawa pa rin nating magkita at magkausap. Salamat sa pagbalik mo sa oras. Alam ko hindi naging madali sa'yo ang lahat. Pero isa lang ang nais ko, ang gusto ko lang hilingin..." nanghihina na sinabi ni Mr. A. at tila napapapikit na siya, "Jin, Alagaan mo si Chris. 'Wag mo siyang pababayaan. Chris, mahalin mo si Jin at 'wag ka magdadalawang isip katulad ko. Sundin mo ang nilalaman ng puso mo at sundin mo kung anong nagpapasaya sa'yo. Hindi ko inakala, na ang pagmamahalan naming dalawa ni John, kayong dalawa ang magpapatuloy. Kaya pakiusap, 'wag na 'wag niyong pababayaan ang isa't isa. Lagi niyong ililigtas ang isa't isa. Kung may mga pagkakamali kayong magagawa, hangga't maaari, pagusapan niyo. Maraming salamat sa inyong dalawa, Jin at Chris. Nagawa kong mag sorry, at alam ko na hindi pa huli ang lahat..."

Tumingala si Mr. A at tila sa pananaw niya ay nakakakita na siya ng liwanag.

Mr. A' POV (23 Years old)

Ang liwanag... Sandali, may mga taong nakatayo, nakatalikod. Lapitan ko nga.

"A!"

Lumingon ang tatlong tao na nakatilod at tinawag ako. Tatlo silang nakangiti sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napangiti ako nang makita ko sila, pero lumuluha ang mga mata ko.

Ang gaan ng pakiramdam ko na nakita ko silang tatlo muli.

Nakita ko sina John, Agatha, at Althea na nakagiti sa akin at tinawag ako. Kita ko ang kanilang mga itsura noong mga bata pa kami, at wala pa kaming dinadalang mga problema sa buhay.

"A! Bilisan mo! malalate na tayo!" inaabot ni John ang kanyang kamay sa akin.

Tiningnan ko si John sa mga mata at nakangiti siya sa akin. Tumingin din ako kina Althea at Agatha at nakita ko na tumango sila at nakangiti, nagpapahiwatig na sumama na ako at hawakan ko ang kamay ni John.

Nang hawakan ko ang kamay ni John, ang gaan ng pakiramdam ko at ang init ng aking katawan.

Hinila ako ni John at sabay sabay na kaming tumakbo, papunta sa isang paraiso na tingin ko ay hinding hindi na kami sasaktan ng kahit sino.

Masaya ako at maraming salamat. Pasensya na sa dalawang taong pinakaimporante na nasaktan at iiwanan ko sa mundo.

Jin at Chris...

Pasensya na at kailangan ko na kayong iwanan dalawa...

Oras ko na, para sundin naman ang gusto ko.

Para sundin ang puso ko.

Maraming salamat sa lahat.

Sana ay magkita tayong muli at lagi ko kayong gagabayan.

End of A's POV (23 Years Old)

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Dahan dahang pumikit si Mr. A. habang nakangiti. Hindi na napigilan ni Chris ang umiyak at hinagkan niya ang kanyang papa, dahil alam niya na wala na ito.

"Papa, maraming salamat. Malaya ka na at makakapagpahinga ka na, kasama nila mama. Wala ng mananakit sa'yo."  naiiyak at humahagulgol na sinasabi ni Chris.

Niyakap ni Jin si Chris upang damayan ito at kinausap.

"Chris, 'wag ka mag alala, ako ang bahala sayo. Hindi na natin muling uulitin ang nakaraan."

Huminga ng malalim si Chris at ngumiti.

"Buti na lang, Jin, nagkamali ka ng oras na napuntahan, imbis na March 21, 2021 ka napadpad, nadala ka ng time machine sa March 21, 2020 dahil kung hindi, hindi ito mangyayari lahat." pabirong sinabi ni Chris habang naluluha pa ang kanyang mga mata.

"Kay Bullet tayo mag pasalamat. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mangayari 'to. Kung hindi dahil kay Bullet, hindi ko malalaman na tatlo na pala kaming Jin ang nabubuhay sa panahon na 'to." pabirong sinabi ni Jin habang inilagay niya ang kanyang forehead kay Chris at pumikit.

"Dahil din kay Bullet, nakita ko ang sulat mo para sa akin, na nagbigay ng lakas para lumaban." nakangiting sinabi ni Chris.

"Puntahan na ba natin si Bullet? Regaluhan natin siya? Ang most talented cat ng buong mundo." nakangiting biro ni Jin.

Tumingin muli si Chris kay Mr. A. na nakahimlay sa kama nito at nakangiti.

"Papa, makakapagpahinga ka na. Thank you ulit sa lahat." hirit ni Chris.

"Salamat rin, Mr. A., pinayagan mo na kaming dalawa ni Chris." Pabirong sinabi ni Jin

Pinalo ni Chris si Jin sa balikat nito ng mahina.

"Baliw ka talaga Jin! Haha!"

End of Chapter 35


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C35
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login