Baixar aplicativo
20% Imperfect Couple / Chapter 1: Chapter One
Imperfect Couple Imperfect Couple original

Imperfect Couple

Autor: cloudymichiqoh

© WebNovel

Capítulo 1: Chapter One

SAMANTHA CORTEZ Point of View

"Daddy, I love you so much. You will always be here no matter what. I will never ever forget you, dad." sambit ko.

Ilang segundo pa ay ang maliwanag na kapaligiran ay naging madilim. Nakakatakot, sobra.

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala akong makita na kahit ano man liwanag. Naulinigan ko na lang ang boses ni daddy. It's like a lullaby in my ears.

"Daddy... daddy" tawag ko.

Nauuhaw, namumuong mga butil ng pawis sa akin noo at sobrang kaba ang nararamdaman ko. Simula ng trahedya na iyon ay palagi na itong nasa aking isipan. Isang bangungot na kahit kailan ay hindi na siguro matatanggal pa sa aking isipan.

Napakuyom ako sa kumot na nakabalabal sa aking katawan. Pumikit ako ng mariin at unti-unting umagos ang luha ko sa aking mga mata. I missed him so much at wala akong magawa dahil hanggang bangungot ko na lang siya makikita.

Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang tuloy-tuloy na katok sa pintuan.

"Samantha!" tawag ng isang boses. "Samantha, gumising ka na at aattend pa tayo sa party mamayang alas siete." Padabog nitong nilakasan ang pagkatok sa pintuan. "Ano ba? Hindi ka pa ba babangon riyan?"

"Mommy, I know!" sagot ko. "Nag pre-prepare na ako, okay!"

"Fine! Bilisan mo d'yan at nakakahiya sa kapatid mong si Ivory at sa tito Damian mo."

Tinatamad akong humiga ulit sa kama ko. May ilang oras pa para makapag prepare ako kaya nag muni-muni na muna ako. Tulala akong nakatingin sa ceiling.

Simula ng mawala si daddy, wala pang isang taon ng mag-asawa muli si mommy. You're right! Paano mo naman papalitan ng ganun kabilis ang taong minahal mo at minahal ka ng lubusan? I'm wondering kung bakit bigla na lang nag-asawa si mommy without informing me. Wala naman ako magagawa dahil desidido na siya at sabi nga niya, hindi ko kailangan pumayag, dahil gagawin niya ang kanyang gusto.

I hate social gathering but I need to go there para magawa ang plina-plano ko. Matagal ko na napag-isipan 'yun at hindi na magbabago ang isip ko kahit pa ikababa ng pagkatao ko. Nag-iisa na lang naman ako ngayon at wala na akong kailangan intindihin kung may sasagasaan tao because mommy is so busy with my step sister and step father.

Simula ng nagkaroon ng bagong pamilya si mommy, na itsepwera na ako. I'm not jealous pero iyon talaga ang pinaparamdam sa akin or should I say 'yun talaga ang nararamdaman ko. Kahit ano pa sa dalawa, iba pa rin ang pagmamahal ni daddy na nararamdaman ko. Masaya, contented and peaceful. 'Yan ang nararamdaman ko kapag kasama si daddy, but now, I feel empty.

Gonzales Family is one of the elite families in Cebu kaya kilalang-kilala si tito Damian and Ivory. Tito Damian is one of the famous businessmen in the industry lalo na sa construction firm dahil isa itong kilalang engineer, like my daddy. Kilala siya dahil sa mga bridges na ginawa niya dito sa cebu. Actually, magkatrabaho si daddy and tito Damian bago pa nangyari ang insidente na nagpabago sa buhay namin.

Pasado alas sais ng mag-asikaso ako ng aking sarili. I'm wearing a simple white cocktail dress na pinarisan ko ng gold necklace and bracelet. Dahil matangangkad naman ako ay no need na magsuot ng sobrang taas na heels. Kalahati ng buhok ang tinali ko at kinulot ang kabuuan sa dulo. I'm beautiful and I'm confident na sabihin iyon sa inyong lahat. Please, 'wag kumontra.

We are heading now in one of the prestigious hotel in Cebu. Sa entrance pa lang kaliwa't-kanan na ang mga nakikitang kong mayayaman at makapangyarihan. Sila din ang madalas kong makita sa mga nakaraang event na dinadaluhan ng pamilya. Makikita mo sa kanila na ang excitement at sobrang ingay dahil nagpapadaigan na hindi na mawawala sa mga maharlikang taong katulad nila.

Like before, mag-isa lang ako at nililibang ang sarili ko sa isang sulok dahil hindi ako nakikisalamuha sa kanila. Nahagip ng mata ko ang isang babae at lalake na intimate na magkahawal sa isa't-isa. No other than, my sister Ivory Gonzales, one of the best Architects in Cebu, and his future husband, Brian Lopez na nagmamay-ari ng isang construction firm na kilala sa buong Pilipinas.

Nakakasuka kung gaano sila purihin ng nakapaligid sa kanila. Perfect match, loving couple or what so ever. Hindi bagay sa kanila iyon, at mas lalong hindi bagay kay Ivory. Napangisi ako. I decided na ngayon gawin ang plano ko. I hope it will work. Kahit ano pa ang mangyari.

Busy si Ivory na makipag-usap sa ibang tao. Si Brian naman ay humiwalay sa kanya at umalis. Agad kong ibinaba ang baso na hawak ko at sinundan ito. "It is now or never, Samantha!" sabi ko sa aking sarili. Naabutan ko ito na nakasakay sa elevator. Nagmamadali ako pumasok upang makasabay ito.

"Hi, brother-in-law. It's nice to see again." ngiting bati ko sa kanya.

Sumara ang pintuan ng elevator. Dahil sa reflection namin dalawa ay nakikita ko ang galaw nito at reaksiyon ng mukha. Kahit saang angulo, hindi ko talaga siya nakitaan ng emosiyon at malamig ito s akahit kanino. Kung nakikipag-usap man siya sa iba ay for casualty lang iyon.

Tumango lang siya sa akin at in-adjust ang kanyang neck tie. Inangat nito ang kanyang kamay at pinindot ang 6. Bago pa nito maibaba ang kanyang kamay ay kinalawit ko na ang aking kamay sa kanyang braso. I look at him and smile. Tinignan lang ako nito at ang kamay na nakayakap sa kanyang braso pero hindi mo pa rin makikitaan ito ng kahit ano mang emosiyon.

"Brother-in-law, I said Hi, bakit hindi mo man lang ako batiin." sabi ko.

"'Di ba nagkita na tayo kanina sa banquet hall?" sagot nito. Napaka barito ng kanyang boses na nagpapatindig sa aking balahibo.

"Nakita mo ko?" gulat kong balik na tanong sa kanya. "I mean, yes." dugtong ko. Nag pacute ako sa kanya habang tinutugunan ang kanyang tanong.

"Can you please remove your hand?" masungit na sabi nito.

Tinignan ko ang aking kamay na nakayakap sa kanyang braso.

"Oh, I'm sorry." paumanhin ko pero hindi ko inalis ang aking kamay. "Brother-in-law, can we talk?

May gusto sana akong sabihin sa'yo. Can you take me to your room?" tanong ko. Hindi nagbabago ang ekspresiyon ng mukha ko dahil ayokong magduda ito.

"I have no time!" sagot nito.

"Hindi naman ako magtatagal. Promise!" itinaas ko ang kaliwang kamay na nanunumpa sa kanya.

"Sandaling-sandali lang talaga 'to."

Bumukas ang elevator sa 6th floor at nagpadala ako sa kanya kung saan lupalop man siya pupunta. Para akong isang linta na nakakapit sa kanya. Huminto ito sa isang suite. Bago pumasok ay nilingon muna ako nito at tinitigan ng matalim.

"Kahit ang kapatid mo ay hindi pa nakakapasok dito! Are you sure na gusto mo talaga na pumasok sa loob?" tanong nito.

I smiled at pinakita ko sa kanya na excited pa ako.

"Of course." tipid kong sagot.

Pagpasok sa loob sinundan ko lang ito sa may counter kung saan siya huminto para kumuha ng maiinom. Inihanda niya ang dalawang baso at nilagyan niya ng juice.

"Now, tell me. Ano bang gusto mong sabihin." sabi nito na hindi na makapag hintay.

Kinuha ko ang baso na ibinigay niya. Tinignan ko ito at tinikman ang juice na ibinigay niya.

"Pwede mo bang palitan ito ng wine? Medyo nauumay kasi ako sa lasa." sabi ko.

Malamig ako tinignan nito at ibinaba ang baso na kanyang iniinom. Pagtalikod nito ay mabilis akong kumilos at may kinuha sa bag ko. Mabilis kong inilagay iyon sa kanyang inumin. Tama lang ng pagharap niya ay nagawa ko na ang unang hakbang ko. I crossed my finger na sana inumin niya iyon.

"Thank you." sabi ko sabay about ng goblet na ibinigay niya sa akin. Inamoy ko iyon at ninamnam ang masarap na lasa nito.

Ininom ko lang ang wine ng ubusin niya ang juice na nasa baso niya. Napangiti ako habang umiinom ng wine. "Next step." sabi ko sa isip ko.

"Ang sarap talaga uminom ng wine habang nakikipag-usap. Nakaka relax at nakakakalma. Pwede din nakakabuhay ng dugo." pilya kong sabi.

"So what? Get straight to the point Miss Gonzales." sabi nito.

"Masayado kang mainipin. I'm not a Gonzales. I'm a Cortez. Samantha Cortez." pakilala ko.

Natahimik kaming sandali. Alam ko na tumatalab na ang gamot na nilagay ko. Matalino siyang tao kaya malalaman niya ang ginawa ko.

"Shit!!!!"

Napangisi ako sa kanyang sinabi. Alam kong nag-iinit na ito at sa loob lang ng ilan pang minuto ay mas mag-iinit pa ito.

"I'm sorry, my dear brother-in-law." pilayang sabi ko.

Tumayo ako at nilapitan ito. Matangkad ito kesa sa akin kaya kailangan ko pang iangat ang ulo ko para tignan ito. Inangat ko ang kamay ko upang idampi ang palad ko sa kanyang dibdib.

"How dare you drug me." matalim at galit nitong sabi.

"I have my reason, brother-in-law." sagot ko.

"What did you call me?" sabi nito at nagpipigil pa rin. Ang mata nito ay parang apoy na nagbabaga dahil sa init. "Ang lakas mong tawagin ako na brother-in-law pagkatapos mong gawin sa akin ito."

"Shhh." Inilagay ko ang daliri ko sa aking labi. "Did you love my step-sister, brother-in-law?" mas naging seductive ang boses ko upang akitin ito.

Hindi ito nagsalita at bigla na lang sinunggaban ang mga labi ko. Mula sa kitchen counter ay binuhat ako nito pabalik sa sala at inihiga sa sofa. Habang hinahalikan ako nito ay may kirot sa puso ko. "I need to do this dad, I'm sorry dahil hindi ko pinahalagahan ang sarili ko." sabi ko sa aking isip. Pumikit ako. Pinakiramdaman ang halik nito na nagbibigay ng kakaibang kaba sa puso ko. Sa bawat halik nito ay tinutugunan ko iyon.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C1
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login