Baixar aplicativo
57.14% Ikaw ang GHOST-2 Ko / Chapter 32: Chapter 32: Group Date

Capítulo 32: Chapter 32: Group Date

LUNA'S POV

"Bakit ang tagal mo, Luna?" tanong agad sa akin ni Je nang makarating ako sa table namin. Nakatingin lang sila sa akin.

"May nabanggaan kasi ako'ng babae sa may restroom."

"Inaway ka?" si Je. Napailing lang ako.

"Sinungitan?" Si Paulo naman. Napailing ulit ako.

"Okay ka lang, little sis?"

"Oo kuya. Okay lang ako, guys. Ituloy niyo na ang pagkain niyo." Nagsimula na rin ako'ng kumain ulit.

KRIZTINE'S POV

"Honey, are you okay? Honey!"

"Huh?"

"Okay ka lang?"

"O-Oo." Nasa kotse na kami at paalis pa lang ng restaurant. Ngayon lang ulit kami lumabas dahil wala na kaming oras.

"Para kang wala sa sarili mo."

"I'm really fine, Julio. Actually I'm happy. Alam mo ba kanina no'ng nagpunta ako sa restroom may nakausap akong isang babae. Nakakatuwa ang mga sinabi niya sa akin, napasaya niya ako kaya lang..."

"Kaya lang ano?"

"Kaya lang may sinabi siya na hindi ko naintindihan."

"Honey, ano'ng sinabi niya sa'yo baka makatulong ako para naman mabawasan 'yang pag-iisip mo."

"A-Ang sabi niya sa'kin...

FLASHBACK

"Huwag ho kayong mag-alala hindi niya ho kayo pababayaan. May kaibigan nga ho ako na mas nakakaawa eh. Sinasabi niya sa akin na namatay siya pero hindi niya alam kung paano at bakit siya namatay. Wala ho siyang pagkakataon para malaman ang nangyari sa kaniya. Kaya anuman ho ang problema niyo malulutas niyo po 'yan kasi maraming pagkakataon ang isang buhay na katulad natin para malutas ang isang proble.a."

END OF FLASHBACK

"Ibig sabihin ang kaibigang tinutukoy niya ay patay na, honey. At hindi alam ng taong 'yon ang ikinamatay niya." Nagulat ako sa sinabi ni Julio.

"P-Pero paano naman niya nalaman ang sinabing 'yon nang kaibigan niya kung patay na ito? Honey, naguguluhan ako ang ibig bang sabihin..."

"Nakakakita siya ng kaluluwa."

"Magkikita pa kaya kami, Julio? Gusto ko siya'ng makausap ulit. Napangiti niya ako kanina habang magkausap kami."

"Magkikita kayo kung kaloob ng Diyos, honey. Umuwi na tayo baka kailanganin tayo ni Nizu doon. Mag-seatbelt ka na."

LUNA'S POV

Pauwi na kami ng bahay ni Kuya. Tahimik lang ako ulit habang nasa byahe. Naiisip ko pa rin 'yong ginang na nakabangga ko kanina.

Sana makita ko ulit siya. Gusto ko pa siya'ng makausap ulit. Bakit kaya parang ang gaan ng loob ko sa kaniya?

Nakarating na rin naman kami kaagad sa bahay. Nagpaalam na ako sa kanila at nagtuloy sa itaas. Pagbukas ko nang kwarto nabungaran ko si Lolo na nakaupo sa kama. Maluwang ako'ng napangiti. Na-miss ko siya. Napatayo ito at nginitian ako.

"Lolo!" Napalapit ako sa kaniya at napayakap.

Bumitaw din naman ako kaagad. "Lolo, bakit ngayon ka lang po ulit nagpakita? Akala ko hindi ko na kayo ulit makikita eh. Saan po ba kayo nagpunta?"

"Luna, palagi ako'ng nakabantay sa'yo pero hindi lang ako nagpapakita."

"Bakit ho?" Naupo muna siya bago ako sagutin kaya naupo na rin ako sa may tabi niya.

"Alam ko lahat ang mga nangyayari sa'yo, Luna. Hindi ako nagpapakita sa'yo dahil sinusubukan kita kung paano mo malalagpasan ang mga pagsubok sa'yo ng wala ang tulong ko. Magaling ang mga ginagawa mo, apo, pero pinaaalahanan din kita na hindi lahat ng multo ay mababait o mabuti, huh. May mga multo na maaring makapanakit sa'yo kaya mag-iingat ka, apo."  May naalala ako bigla sa pagpapaalala sa akin na ito ni lolo.

FLASHBACK

"Pwede ba sa susunod mag-iingat ka naman? Huy, Maria Luna Del Mundo, hindi ka immortal baka nakakalimutan mo. At saka pwede ba 'wag mo na akong itataboy dahil sa susunod kahit sabihin mong umalis ako hindi ko gagawin. Huy, pinapaalalahanan lang kita ha, hindi lahat ng multo ay mabait kasi 'yong iba pwede kang saktan. Ayst! Ang tigas pa naman ng ulo mo."

END OF FLASHBACK

Bakit ko ba siya naaalala? Tsk! Napatingin ako kay Lolo.

"Lolo, ibig sabihin a-alam niyo rin ho ang tungkol kay...k-kay Azine?" Naiilang ako'ng itanong 'yon kay Lolo.

"Oo naman. Masaya ako na tinutulungan ka ni Azine, Luna." Napangiti ako ng bahagya. Bigla ko'ng naalala 'yong ginang kanina.

"Ay siya nga pala, Lolo, may nakilala ho akong babae kanina sa may restaurant. Hindi ko po alam kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya. Pakiramdam ko kapag kausap ko siya si mama ang kaharap ko." Biglang napawi ang ngiti sa labi ko nang may maalala ako. Napatingin ako sa ibang direksyon. "Kaya lang po parang may pinoproblema siya. Nakita ko siya'ng ngumiti pero ang lungkot-lungkot naman ng mga mata niya. Lolo, parang gusto ko ho siyang tulungan eh kaya lang mukhang hindi na kami magkikita no'n." Bigla ako'ng nanghinayang.

"Walang imposible sa mundo, apo, tandaan mo 'yan." Napatingin ako kay Lolo.

"Tama ho kayo." Napangiti na rin ako.

"Siya nga pala," Napatayo na si Lolo. "Nagpakita ako sa'yo para sabihin na may isa ka'ng paparating na misyon, Luna. Kaya maging handa ka parati, apo." Nangunot ang noo ko at napatayo na rin.

"Ano ho'ng misyon 'yon, Lolo?"

"Hindi magtatagal at malalaman mo na rin kung ano ang sinasabi ko'ng misyon, apo. Maghintay ka lang at maghanda dahil kusang mangyayari ang misyon mo sa mga darating na araw."

"Luna." Napatingin ako sa may pintuan. Maya-maya agad na nagbukas ang pinto at bumungad si Jedda. Sandali niyang pinagmadan ang kwarto saka ako tiningnan.

"May kausap ka ba dito kasi narinig kita kanina na parang may kausap eh."

"W-Wala naman." Wala na rin kasi si Lolo dito.

"May multo ba dito, Luna? Nandito si Azine?"

"Wala ah! Baliw, pasok ka na nga dito."

"Sure 'yan, huh?"

"Oo nga." Nilapitan ko na siya at hinila paloob.

CONCERT NIGHT

Grabe sobrang dami namang tao dito. Sobrang sikat na talaga ng BoybandPh ko. Kanina pa kami dito sa Araneta kasi ayokong madikdik ng mga fans. Anyway, VIP naman ang tickets namin kaya nasa unahan kami ngayon. Ha-ha! Medyo maingay na dito kahit hindi pa nagsisimula ang concert. Ano pa kaya mamaya? Okay lang ginusto mo 'to Luna. Hu-hu! Para 'to sa'yo Niel my loves! Para sa BoybandPH!

"Hindi ka naman excited, Luna, ano? Bakit sinuot mo agad 'yan?" Nginusuan niya pa ang suot ko'ng headband na umiilaw-ilaw.

"Na-excite ako eh. Teka, nasa'n na 'yong tarpaulin ni Niel?"

"Oh my God! Nakalimutan ko, girl!"

"Ano?"

"Kidding!" Tinawanan pa ako.

"Akala ko naman nakalimutan talaga. Akin na." Binalingan niya si Paulo na siya palang may dala.

Kinuha ko agad kay Je. "Thank you!" Napangiti ako. I'll see you soon, Niel!

"Wala pa ba si Kuya?"

"Wala pa nga eh." si Je. Anyway, hindi ko nabanggit na wala pa pala dito si Kuya Von. May emergency daw sa ospital kaya pinauna na kami dito tutal maaga pa naman din.

"Guys, smile!" Napatingin na lang ako sa cellphone ni Paulo at maluwang na ngumiti. Actually, kanina pa siya kuha nang kuha ng pictures.

"Another shot, wacky naman. One. Two. Three. Okay!"

"Guys, tawagan ko lang si Kuya, huh. Balik din ako agad."

"Sige, bilisan mo lang." Tumayo na ako at nagpunta sa may lugar na medyo walang tao. Masyado kasing maingay dito.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinawagan ang number in Kuya Von kaya lang naka-off naman. Nag-iwan na lang ako ng text message saka ako naglakad na paloob. Marami pa rin ang pumapasok.

"Luna?" Napatingin ako sa tumawag sa akin na nasa kalapit ko lang din. Nagulat ako sa nakita ko.

"Arif?"

"Luna. Sabi na nga ba ikaw 'yong nakita ko kanina eh. Small world." Natawa din ako sa kaniya.

"Oo nga eh. Ano'ng ginagawa mo dito? 'Wag mong sabihin na fan ka rin ng BoybandPh?"

Natawa ng bahagya si Arif. "Uhm... no. It's all because of her." Napatingin ako sa kasama niya. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala siya'ng teenager. Nagulat kasi talaga ako eh kaya kay Arif agad ako nakatingin.

"She's my younger sister, Ara. Ara she's Luna my schoolmate." Nginitian ko siya gano'n din naman ito sa akin. Maganda siyang bata.

"Fan ka rin ng BoybandPh?"

"Yeah, solid fan."

"Mabuti napilit mo ang Kuya Arif mo na pumunta dito."

"Nahirapan nga ako'ng pilitin siya eh." Alam mo ba kung paano ko siya napilit?" Napailing na lang ako. Lumapit si Ara sa akin at binulungan ako.

"Kaya pala eh." Natawa na lang kami ni Ara.

"Ako ba pinagtatawanan niyo?" Nagkatinginan kami ni Ara at sabay napailing.

"Anyway, who's with you, Luna?"

"Kasama ko sina Jedda at Paulo saka ang Kuya Von ko pero wala pa siya dito eh nasa work pa susunod lang."

"Gano' ba?"

"Kung gusto niyo do'n na lang kayo maupo sa may pwesto namin kung..."

"Sure, Ate Luna. We got 2 VIP tickets." Napakindat pa si Ara kaya napangiti ako.

"Sige kung gano'n. Let's go?"

"Okay."

Pagkalapit namin kay na Jedda at Paulo nagulat din sila nang makita si Arif.

"A-Ano'ng..." Pinaningkitan ako ni Je. "Pinag-usapan niyo 'tong dalawa, ano?" Tinabunan ko agad ang bibig ni Je.

"Tumahimik ka nga nakakahiya kay Arif." Tiningnan ko ang magkapatid na nakangiti lang. "Pasensya na kayo sa kaibigan ko, ah." Tinanggal ni Je ang kamay ko.

"Coincidence lang 'to?" si Je.

"Opo! Inaya lang siya ni Ara na magpunta dito para samahan siya. Siya nga pala ito si Ara kapatid ni Arif. Ara si Jedda at Paulo mga kaibigan ko."

"Hello!" bati niya sa dalawa. Naiilang naman na tumugon ang dalawa.

"Sorry ah masyado kaming judgmental." si Je.

"Hindi, kunti lang." Pang-aasar ko pa. Binalingan ko ang dalawa. "Maupo na kayo do'n."

"Thanks, Luna." Tiningnan ko ang dalawa. "Tumigil kayo, huh." Kunyari'y pagbabanta ko sa kanila. Naupo na rin ako.

"Ano, natawagan mo na si Doc Von?" Maya-maya'y tanong ni Je.

"Naka-off ang phone ni Kuya eh."

"Baka maraming patient ni Kuya Von." singit ni Paulo.

"Baka nga, Luna."

VON'S POV

Katatapos ko lang i-ckeck si Nizu at ngayon ay naglalakad kami papuntang salas. "Good sign ang paggalaw ng mga daliri ni Nizu, Tita Kriztine, Tito Julio. Hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang pag-recover ng katawan niya simula no'ng nangyari sa kaniya noong nakaraan." Bakas sa mukha nila ang katuwaan.

"Masayang-masaya kami na marinig sa'yo 'yan, Doc Von. Masayang-masaya ako na nakaka-recover ulit ang anak ko. Sana lang magising na siya as soon as posible."

"Huwag kang mag-alala, Tito, magigising din si Nizu. Maghintay-hintay lang tayo."

"Von, salamat sa pag-aalaga sa anak ko, huh." si Tito.

"Huwag niyo na ako'ng pasalamatan, Tito Julio, kasi bilang doctor ginagawa ko lang ang tungkulin ko na pagalingin siya."

"Kahit na nagpapasalamat pa rin kami sa'yo, ijo. Simula noong una ginawa mo na ang lahat para sa anak ko. Salamat, Von."

"Gagawin ko ang lahat para gumaling si Nizu, Tita." Napangiti sila ng bahagya. Alam ko'ng kagaya ko nagkaroon din sila ng pag-asa sa paggaling ni Nizu.

Napatingin ako sa relos na suot ko. "Tita, Tito, I have to go may pupuntahan pa kasi ako eh."

"May duty ka pa ba, ijo?" tanong ni Tita.

"Wala na tita eh. Nandito kasi sa Manila ang kapatid ko at ang mga kaibigan niya. Nangako ako sa kanila na sasamahan ko sila sa concert ng isang boy group. Medyo hard fan po kasi ang kapatid ko'ng 'yon eh." Natawa pa ako ng bahagya gano'n din sila.

"Nandito pala ang kapatid mo, Von. Mabuti pa umuwi ka na at baka naghihintay na ang mga 'yon sa'yo." suhestyon ni Tito.

"Nagbakasyon na ang kapatid mo dito, ijo? Hindi ba siya 'yong nabanggit mo sa akin no'ng nakaraan?"

"Opo, Tita."

"Nangako ka na ipapakilala mo siya sa akin, ijo. Sana mapasyal siya dito bago manlang sila unuwi ng probinsya."

"Of course, tita, ipapasyal ko siya dito bago sila umuwi para naman makilala niya na rin kayo." Napangiti ng maluwang si Tita.

"Sige na lumakad ka na Von baka mahuli ka pa." singit ni Tito.

"Sige ho mauna na ako."

"Hayaan mong ihatid kita hanggang sa may gate, Von."

"Bye, Von! Mag-iingat ka, huh?"

"Bye, Tita."

LUNA'S POV

"Kuya!" Nabungaran ko agad ang nakangiting si Luna. Akala niya siguro hindi na ako makakarating.

"Hindi pa naman ako late, di ba?"

"Sakto lang ang dating mo."

"Hi, Doc!" si Je.

"Kuya Von akala ko hindi ka na makakahabol eh." si Paulo.

"Hindi naman pwede 'yon eh di hindi na naman ako pinansin nitong si Luna." Nagkatawanan kami. "Totoo naman eh." Napatingin si Kuya sa may side nina Arif kaya napatingin din kami. "Si Arif Zamora ba 'to?"

"Good evening, Doctor Von." Alam niyang doctor ang Kuya ko?

"Good evening! She's...?" Tukoy ni Kuya kay Ara.

"She's my youngest sister, Ara. Ara he's doctor Von Kuya ni Luna."

"Hello po, Doc!" Nakangiting bati ni Ara.

"Hi!" Napatingin sa akin si Kuya.

"Coincidentally lang na nagkita kami kanina kaya inimbita ko na din sila na dito maupo sa may pwesto natin."

"It's okay. Mas maganda nga na may kasama kayo'ng kaibigan para mas mag-enjoy kayo." Saktong nagsalita na ang emcee na nasa stage kaya napatingin na kami lahat do'n. Nagsiingay na din ang paligid.

Maya-maya pinatay na ang mga ilaw at ang stage lang ang meron. Napatayo na rin ako nang lumabas sa stage ang BoybandPh. Para sa tabi ang intro nila. Hindi ko mapigilang sumigaw kagaya ng iba pang fans. Naririnig ko si Je na sinisigaw naman ang pangalan ni Joao Constancia. No cares basta kay Niel lang ako. He-he! Napatingin ako kay Kuya Von at napangiti lang din naman siya sa akin. Sobrang ingay na rin talaga dito. Gano'n pa man masayang-masaya talaga ako ngayon at nakita ko na naman ng personal ang aking idol. Napagawi ang tingin ko kay na Arif na nahuli ko'ng nakatingin din pala sa akin. Tinawanan ko na lang siya dahil halatang hindi ito komportable sa mga ganitong concert.

Nasa kalagitnaan pa lang nang magpaalam saglit si Arif para magpuntang comfort room.  

Nang matapos ang unang kanta ay love song naman ang sumunod. Naupo muna kami.

"Lift your head,

Baby, don't be scared.

Of the things that could go wrong along the way.

You'll get by with a smile.

You can't win at everything but you can try.

Baby, you don't have to worry

Cause there ain't no need to hurry

No one ever said that there's an easy way."

Bigla akong may naalala sa kantang 'to.

FLASHBACK

"Lift your head," si Azine.

"Baby, don't be scared. Of the things that could go wrong along the way." Napatigil na ako sa pag-iyak.

"You'll get by with a smile. You can't win at everything but you can try." Magaling pala siyang kumanta.

"Baby, you don't have to worry.  Cause there ain't no need to hurry. No one ever said that there's an easy way." Tumigil na siya sa pagkanta at saka ako hinarap at masuyong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Kumusta pakiramdam mo?" Bigla ko na lang siyang pinagpapalo kaya napangiwi.

"Aray! Luna, tama na ano ba? Aww! Luna!"

"Bakit ka ba namamalo? Kinantahan lang naman kita eh."

"Eh, ano ba kasi 'yong kinanta mo na 'yon?"

"Hindi ko rin alam eh narinig ko lang na theme song sa isang Thai series yata. Maganda naman di ba? Hindi mo ba nagustuhan?"

END OF FLASHBACK

Napangiti ako sa isiping 'yon. Miss ko na rin si Azine pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Malamang sa monday na kami magkita no'n. Nag-enjoy na lang ulit ako sa kanta ng Boyband.

"Tulong!" Natigilan ako. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Boses ng isang babae na parang humihingi ng tulong.

"Luna, what's wrong?" Napatingin ako kay Kuya Von. Napailing lang ako bilang sagot.

"T-Tulungan niyo ako!" Kinabahan ako bigla.

"Kuya, magsi-cr lang ako." Hindi ko na siya hinintay sumagot. Umalis na agad ako at lumabas. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses.

"Ma'am, may kailangan po kayo?" tanong no'ng guard sa akin na nakasalubong ko.

"Wala naman po."

"Sige po ma'am."

"H-Help!" Napahinto ako at napabaling sa direksyon ng comfort rooms. Parang doon nanggagaling ang boses na tumatawag sa akin.

AZINE'S POV

"Ano'ng nangyayari dito?"

"Saan?" Tanong ni Sky. Siya lang ang kasama ko ngayon dahil may ibang sundo si Cloud. Ipinakita ko sa kaniya ang dala ko'ng Libro ng Kasulatan.

"Bakit nga kaya?" Nagbi-blink kasi ang pangalan nang susunduin namin ngayon. Nasa labas pa lang kami nitong Araneta.

"Isa lang ang ibig sabihin nito."

"Ano?"

"Posibleng nag-aagaw buhay pa siya sa mga oras na ito. Pinaglalabanan niya pa ang kamatayan." Napatango-tango si Sky.

"Tama ka. Maghintay na lang muna tayo dito."

LUNA'S POV

Nagmamadali na akong nagpunta doon pero bago pa man ako tuluyang makapasok nakasalubong ko si Arif. His face looks tense pero biglang napaltan ng ngiti.

"Luna."

"Arif." Sinilip ko ang side ng comfort room saka muling ibinalik ang tingin kay Arif. May napansin kasi ako sa may labi niya.

"Teka, lipstick ba 'yang nasa may l-labi mo?"

"Huh?" Parang bigla siyang nailang at saka agad na pinunasan ang may labi pero hindi pa rin naman natanggal.

"Wala na ba?"

"Meron pa eh." Sinubukan niya ulit tanggalin pero nando'n pa rin kaya ako na lang ang nag-alis.

"Wala na." Naiilang siya'ng ngumiti.

"Salamat." Napatingin ulit ako sa cr.

"M-May titingnan lang ako Arif, huh." Pahakbang na sana ako nang harangan ako ni Arif.

"Magsi-cr ka ba?"

"H-Hindi may..."

"Luna." Tiningnan ko si Arif.

"Kasi m-may mga gago na nakatambay diyan baka-baka mapag-trip-an ka pa. Mabuti pa bumalik na tayo sa loob."

"Sige." Napalingon na lang ako ulit sa may banyo.

Sino kaya 'yong narinig ko kanina?

______________________________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

OTHER STORY:

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror [ https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing ]


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C32
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login