MARCO ESCULTURA
Binalak namin ni Carl na pumunta kay Xander dahil gusto namin tumambay dun at bisitahin ang bahay niya at tambay kami ngayon sa com-shop.
"Tara punta tayo" wika ni Carl
"Tara tara. Yayain ko sila Jha at Bry" sagot ko at kinuha ko ang phone ko
"May trabaho si Jha, si Bry may business trip kasama ng Kuya niya, si Yannah na lang" sagot ni Carl habang naglalaro
"Busy si Yannah eh" at napahampas ako sa keyboard nang mamatay ako sa Counter-strike namin ni Carl
"Alam na alam. Nakoo magbabalikan nayan" at kiniliti ako
Bigla ako namula at umatras. natawa na lang ako
"Shh ka lang pre. Siya talaga yung sinasabi ko liligawan ko"
"Sige sige ba. Ay nga pala, may welcome party naman sa susunod ano? Liligawan mo ba? Matutulungan kita"
At tumayo siya, binatukan ako ng malakas. Muntik na'ko masubsub at natawa na lang. Tumayo na kami at time na ang aming PC kaya nagbayad na kami.
Nagbike kami papunta kila Xander nang may napansin kaming bukas ang gate at pagpasok namin ay napansin din namin ang sapatos ni Kim
"Kay Kim to ah? Baka andito si Kim?"
Nagdoorbell ako at pagbukas ay tama nga ako na andito si Kim. Suot pa niya ang damit ni Xander.
"What the hell Kimmy?!" gulat ni Carl
"Wag mong sabihing..."
"Yes, It was me, w-walang kinalaman s-si Kim.." wika ni Xander na nauutal pa
Napayuko na lang si Carl.
"Pre congrats!" at Kumunot ang nuo ni Xander.
"What do you mean?" pagtataka ni Xander
"PRE ANG AKALA NAMIN GIRL HATE KA" natatawa na sambit ni Carl
"KALA NAMIN TATANDA KA NANG MATANDA" sabat ko
At nagtawanan kami nang lalong kumunot ang nuo ni Xander.
"NAKASCORE KA DIN KAY KIMMY" lalo ako natawa dahil nadulas na si Carl
Napadilat si Kimmy na akala namin 'di namin alam ang ginawa ni Xander sa kanya.
"Anong pinagsasabi niyo hoy!" sigaw ni Kim sa'min
"Wala kaming ginawa ni Xander" at pinaghahampas kami
"KAMI NINONG AH" sabay tawa namin dalawa ni carl
Nagulat na lang kami nang sinarado ni Xander ang pintuan at naiwan kaming tatlo ni Kim. Tumakbo si Marco at sumigaw.
"Tulong may malandi!" at binatuan ako ni Kim
At nagbukas si Xander ng pintuan at malamig ang aura niya.
"WHAT THE F-CK IS ON YOUR MIND?!" seryosong wika ni Xander
"GOD ALL OF YOU HAVE A DIRTY MIND"
"KASI NABASA AKO SA ULAN KAGABI HA!" Sigaw ni Kim sa tenga ko nang kinainis ko iyun. Sa totoo lang nakakainis siya pag sumisigaw siya.
"BAWAL AKO UMUWI NG BASA BAKA PAGALITAN AKO NI MAMA HAAA !! KAYA DITO AKO PINATULOY HAAA !" Nabingi ako sa boses ni Kim. Akala tuloy namin may ginawa yung dalawa.
"ANG DUDUMI NG UTAK NIYO" biglang seryoso ni Kim
Pumasok na kami sa loob at umupo kami sa couch niya nang nagready ng agahan si Xander.
"Uy sarap naman nyan! Pancake?!" at umupo si Carl sa table
Tumango lang si Xander at umupo sa tabi ni Kim. Tinitignan ko ang dalawa at nagbobloom si Kimmy noong nakasama na nya si Xander. Tumayo ako at lumabas, naglabas ng yosi. Yes nagyoyosi ako.
Tinitignan ko lang ang tatlo at naririnig ang usapan nila.
"What's the problem?" tanong ni Xander kay Kim
"N-nothing" sagot lang ni Kim.
Natawa na lang ako sa inaasta ni Carl dahil parang timang na third wheel sa dalawa. Biglang tumayo si Kim at lumabas. Tumabi siya sa tabi ko.
"M-marco..." tawag ni Kim
"Hmm?"
"Noong makita ko yung picture ng family niya na kasama siya...."
Nagtaka ako kung ano tinutukoy niya at nagets ko agad yun.
"So siya nga?"
Nagtaas lang siya ng balikat niya
"Familiar yung picture niya noong bata siya eh. Alam mo yun? Parang may something between that photo.." paliwanag ni Kim
Matagal nang hinahanap ni Kim ang kababata niyang si John Paul. At hanggang ngayon hindi padin siya nawawalan ng pag asa.
"Sino siya?" Sabat ni Carl na nasa labas na din pala.
"gah! brad parang wala ka namang alam"
"Gag- ano nga?" at akmang babatukan ako ni Carl nang papasuin ko siya ng yosi ko.
"May nakita siya sa frame ni Xander na ano.. picture na kasama family niya" sagot ko
"Eh? Wag mo pansinin yun? Di'ba yung picture eh panget na John Paul" at natawa si Carl
Tumango lang si Kim pero hindi padin kumikibo. Bumalik na lang kami sa loob at si Xander ay kumakain lang.
"Where have you been?"
"Ano lang..." tinignan ako ni Carl
"May sinabi lang si Carl sa'min"
"Ok?"
Patapos na kumain si Xander nang may nakita ako sa ibabaw ng lamesa, isang wallet na lumang luma. Kukunin na iyon ni Kim nang:
SLAPS
"AWW" sigaw ni Kim sabay hawi niya sa kamay niya
"Don't you dare to touch my wallet"
Natawa na lang ako sa inasta niya, parang bata. Napaka importante ba yang wallet na hawak ng mokong yon? May tumunog sa phone ko at si Ford iyon.
From Ford Hardin,
Pare yung gitara ko kunin ko sa inyo.
Nireplyan ko naman iyon
Reply to Ford Hardin,
Wala ako sa bahay pare, pero pauwi naman na din ako kaya mag intay ka na sa'min
Tinignan ko si Carl at Kim na naglalaro sa phone nila at si Xander naman naghuhugas ng mga plato nang may tumunog sa phone niya. Tinignan niya iyon at binaba ulit ang phone niya.
XANDER GONZALES
Something strange in my mind, nandito si Kim at Marco and it was like...parang nakakaramdam ako ng kakaiba. Naramdaman ko ito noong una pero iba ang feeling noong nakasama ko siya. Kagabi habang tulog siya ay pinicturan ko siya at nakatitig ako sa picture na iyon. nakanganga na parang butete na malikot. Sa sobrang likot ay muntik na siya mahulog kaya inayos ko siya ng higa. Nagphone lang ako at tinitignan sila.
Tumayo si Marco at lumabas, naiwan si Carl at Kim na naglalaro lang. Hindi ko maiwasang hawakan ang wallet na nasa bulsa ko. Pero naghuhugas padin ako ng plates nang maalala kong kagabi na nakaupo ako sa upuan ko sa kwarto at tinitignan ang mukha ni Kim, though she's annoying but she has a charm face, good heart and may pagkalovable? I think so?
Umupo na lang ako sa uFavorite spot ko sa sala at nagsulat. May nilalagay ako sa papel ko na kung ano ano lang na lines at thought and things.
Should I...
Stay with me...
I can't...can
Damn it...
May nabuo na quote sa isipan ko.
If I will fall inlove again, I would tell you..
"Arrrgh!" sabay lukot ko sa papel at tinapon sa gilid.
Tumayo si Kim at lumapit sa gilid ko.
"W-what's wrong?"
"N-nothing"
At tumayo ako papunta sa pintuan nang napansin kong nagdugo ang ilong ko at hindi ako makahinga kaya bigla akong nagmadaling umakyat.
Nasa CR ako at naghihilamos nang maalala ko ang sabi ng doktor sa'kin na wag ko daw ipush ang pag-alala ng mga memories ko. Ang tangi ko lang naalala ay lumipat ako sa Amerika when I was 10 years old.
End of chapter 7