Habang nasa byahe kami ay hindi ko sya kinikibo. Kahit ayaw kong magpahatid ay pinilit niya talaga ako. Almost 1month na kaming kasal at nanatiling iisa lang ang aming kwarto, oo magkatabi kami ngunit may malaking unan na pumagitna saming dalawa. Minsan ay sa kabilang room sya natutulog, sa tuwing inaaway ko sya.
Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang galit ko sa kanya. Palagi syang busy, at busy naman ako sa pag-aaral. Mas priority ko ang pag-aaral ngayon at ginagawa ko nalang normal ang lahat kahit matatawag akong Mrs. Edelbario ay hindi ko na iyon pinuna dahil mas iniisip kong single ako, sa isip at puso ko.
"I'll pick you later, pagkatapos ng klase mo." agaran akong lumingon sa kanya. Nag taas ako ng kilay.
"No thanks, huwag muna akong sunduin kaya ko na ang sarili ko, and beside kasalanan nyo rin naman kong bakit kasi hindi nyo binibigay sakin ang kotse ko." galit kong salaysay. Walang ekspresyon niya akong tinignan bago ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Just follow what I want, Marilou. Hindi kana bata." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Padabog akong tumagilid at nilibang ang sarili sa labas ng bintana. Kumukulo ang dugo ko sa galit.
Hanggang sa umabot kami sa University ay hindi ko na sya muling kinausap. Dali-dali akong bumaba at alam kong sinundan niya ako patungong gate.
"Marilou," tawag niya at dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Nakapamulsa syang nakatitig sakin, nagtaas ako ng kilay at bakit kailangan nya pang bumaba ng kotse niya. "Pinapasabi ni Jana, na mimiss ka niya." natahimik ako bigla.
Biglang kumirot puso ko. Hindi ko na sya sinagot at dali-daling pumasok saking klase, maging sa klase ay nawawala ako saking sarili dahil naiisip ko si Jana, may babaeng kapatid din ako na anak ni daddy at stepmom, ngunit hindi kami masyadong close dahil sa. Pero, si Jana kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya.
"Gusto ko ng mamatay," nabigla si Jazzy at Jilheart sa sinabi ko. Nasa cafeteria kami ulit.
"Girl huwag mo naman sabihin yan, nakakatakot ka naman eh. Bigla-bigla kang gustong magpakamatay." si Jazzy na sobrang nag-aalala. Napatakip ako saking mukha, at gusto kong pigilan ang mga luhang gusto ng tumulo.
Naramdaman kong hinawakan ni Jazzy ang kamay ko. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay ko.
"Girl, hindi sulosyon ang magpakamatay, alam mo sa totoo lang ang swerte-swerte na nga natin diba? Kasi may maganda tayong buhay, nakakapag-aral tayo sa magandang skwelahan at higit sa lahat nabibili natin ang ating mga gusto." naging seryoso si Jazzy sa pagkakatong ito. Napasandal ako sa upoan, at natulala.
"Mar, please alam naming nasasaktan ka ngayon, pero alam mo lahat ng bagay ay may sulosyon, lahat ng problema ay may dumadaan lang sating buhay." si Jilheart. Sa puntong ito ay isa-isang tumulo ang luha ko, hindi ko napigilan, nagsisisi na ako ngayon kong bakit ko iyon nasabi.
Hindi ko manlang naisip na may mga taong naghihirap ngayon at halos wala nang makain, ngunit nagagawa pa nilang alagaan ang kanilang buhay.
Bumalik ako sa klase kasama ang dalawa kong kaibigan. Pagkatapos ng mahabang klase ay masaya kaming lumabas ng room. Hindi maiiwasang lahat ng mga studyante sa corridor ay napapatingin saming tatlo, sanay na kami simula pa noon. Napalingon ako sa giliran kong nasan nakatayo si Chin at ang dalawa niyang kaibigan. Napahinto kaming tatlo at tumitig sa kanila, biglaang hinawakan ni Jilheart ang kamay ko.
"Mar kong ano man ang binabalak mo, huwag munang gawin. Ang dami kong naririnig dito sa school, ang sabi-sabi ay sobrang nagsisisi na ang tatlo sa ginawa nila sayo." napalingon ako sa sinabi ni Jilheart. Kunot noo ko syang tinignan. Napabuntong hininga ako, dahil simula nong mag-away kami ay hindi na kami nagkikita ng landas.
"I know, just wait me here guys." iniwan ko ang dalawa sa gitna at tinawag pa nila ako. Hindi ako nakinig.
Titig na titig ako kay Chin na ngayon ay sobrang ikli ng buhok. Walang reaksyon syang tumitig sakin. Sa pagkakaalam ko ay hindi nakarating sa pamilya nila ang nangyari dahil iyon ang gusto ng stepmom ko. Dahan-dahan akong ngumingiti sa kanya at ganon din sya.
"Friends?" inilahad ko ang aking kamay, nanlaki ang kanilang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nagkatinginan sila sa isat-isa.
"Totoo ba?" si Chin na nanatiling nanlalaki ang mata. Tumango ako bilang sagot, dahan-dahan niyang inabot ang aking kamay.
"Friends," ngiti niya at pagkatapos ay umalis ako agad. Sobrang ikli lang ang aming pag-uusap ngunit ramdam ko saking sarili na totoo ang pakiki pagkaibigan ko sa kanila.
Naunang dumating ang mga sundo ni Jazzy at Jilheart kaya naiwan ako mula sa labas ng gate. Hindi ko alam kong anong nakain ko at talagang hinintay ko si Clifford sa labas ng University, hanggang sa umabot ng ilang minuto ay hindi parin sya dumadating. Napabuntong hininga ako at umupo nalang mula sa gilid ng gate kong saan may iisang bench. Nanatili parin akong naghihintay na para bang, umaasa na sana ay hindi nang trip-trip si Clifford sa sinasabi niya.
Isa-isa ng naglabasan ang mga studyante mula sa loob ng University.
Isa-isang tumulo ang luha ko nang hindi ko alam, napailing ako. Bakit ako iiyak? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit ako umasa, na dadating sya at susunduin ako. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko at mas lalo silang dumami sa pagpatak. Napahagulgol ako panay punas saking mga pisnge. Tinignan ko ulit ang aking relo, at mag aalas syete na nang gabi.
Shit, Marilou ang tanga mo, ang tanga-tanga mo. Akala ko ba ay malakas at maldita ka. Akala ko ba ay iba ang pakikitungo mo kay Clifford, at hanggang papel lang ang lahat.
Napatayo ako bago nag buntong hininga. Niyayakap ko ang aking sarili dahil sa totoo lang ay sobrang lamig at halos nakauwi na ang lahat ng studyante. Halos wala nang dumadaan!
Wala akong number niya, at dali-dali akong tumawag sa dalawa kong kaibigan. Hindi sumasagot si Jilheart kaya minabuti kong tawagan si Jazzy, pareho silang hindi sumasagot kaya sa puntong ito ay wala akong choice. Tinawagan ko agad si daddy, nagalit ako ng babae ang sumagot, at alam kong stepmom ko iyon. Humingos ako, ayaw kong malaman niyang umiiyak ako.
"Hello, Marilou mommy mo ito, nasa banyo pa ang daddy mo." aniya. Humikbi ako, hindi ko mapigilan dahil natatakot na ako sa buong paligid. "Umiiyak ka ba anak? May problema ba? Nasan ka ngayon?" sunod-sunod niyang tanong. Isa-isa kong pinunasan ang aking mga luha. Hindi ko parin matanggap na may iba na si daddy, ang hirap para sakin.
"Wala po, sinisipon lang. Bukas nalang po. Pakisabi nalang kay daddy na tumawag ako." dali-dali kong pinatay ang phone ko bago tignan ang buong paligid. This time ay wala na akong nagawa kundi maghintay pa ng ilang minuto.
Hanggang sa umabot ng alas otso ng gabi ay wala parin. Sobrang nagpakatanga ako sa puntong ito, when I know in myself that I can go home alone, shit ka talaga Marilou.
Magtatawag na sana ako ng taxi nang may biglang humintong kotse saking likuran, mabilis akong lumingon at kotse iyon ni Clifford, isa sa mga kotse niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bigla akong nanghina ng si manong cholo ang bumaba. Dali-dali syang lumapit sakin.
"Maam pasensya na po, patawarin nyo ako kong na late po ako. Pasensya na po talaga maam, patawarin nyo ako." sunod-sunod niyang wika habang patuloy na yumuko-yuko sa harap ko. Isa-isa na namang tumulo ang mga luha ko.
"Si Clifford?" tanong ko at isa-isang pinunasan ang mga luha. "Ang sabi niya sya ang susundo sakin, bakit wala sya?" napakapit ako saking dibdib.
"Maam sa totoo lang po, kaya po ako natagalan kasi hinatid ko pa po si sir sa Airport." sa sinabi ni Cholo ay tila nawasak lalo ang dibdib ko. Sobrang sikip, halos hindi ako makahinga.
Ang dami kong naiisip ngayon, bakit nila ako pinaglalaruan ng ganito, bakit lahat ng laro nila ay hindi ko manlang nasabayan. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Sobrang sakit, hindi ko lubos maisip na lalambot ako sa ganitong paraan nila.
Ipinakasal nila ako sa taong hindi ko mahal at mas lalong hindi ako mahal.