Titig na titig ako saking sarili mula sa salamin habang sinusuklay ko ang aking maikling buhok. Hanggang balikat nalang ito, at sobrang laki ng aking pagsisisi sa araw na iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko parin nalilimutan ang nangyari. Gumuguhit parin saking isipan kong pano kami nag bangayan ni Lolo. Maging ang dalawa kong kaibigan ay hindi makapaniwala sa ginawa ko, sa araw na iyon ay sa kanila ako dumirekta at umiyak ng umiyak.
Isa-isang tumulo ang luha ko habang naaalala iyon.
"Maam handa na po yong pagkain nyo," napalingon ako kay Cheche na nasa labas ng pintoan. Nakalimutan ko palang isara ang pinto kanina. Tumango lang ako bilang sagot at tsaka sya umalis.
Dumirekta ako sa dinning area, kumakain ako ng wala sa sariling diwa. Pinaglalaruan ko ang carbonara gamit ang tinidor. Minsan ay hindi ko maiwasang haplusin ang aking buhok.
Bigla ko nalang ulit naalala ang lahat.....
~Flashback~
"No, huwag kang lumapit sakin." sigaw ko kay Chin. Tumingin ako kay Lolo na may galit. "Anong kasalanan ko Lo? Nasaktan lang naman ako ah, hindi ko ba pwedeng ipagtanggol ang sarili ko? Bakit kailangan mo pang gawin ito?" halos hindi ko sya makita sa mga luha ko.
Lumapit sya at tumabi kay Chin.
"Because you are too much, at umabot ka na sa pisikal na pananakit Marilou!" sigaw niya sakin habang tinuturo ako. Kuyom ang dalawa kong kamay, hingal akong lumapit ng kaunti sa kanya.
"Dahil hindi nyo ako naiintindihan, dahil wala kayo sa pangyayari kong bakit kami nagkagulo kanina. Binastos niya si mommy, nasaktan ako dahil mommy ko ang dinidiin niya kong bakit ako nagkakaganito. Hindi ka ba masasaktan non huh? Sabihin mo lolo? saan ako nagkamali? nasaktan lang naman ako," isa-isa kong pinunasan ang aking mga luha habang sinasabi iyon. Natahimik ang lahat, sobrang sikip ng dibdib ko.
"dad, anong nangyayari dito?" sabay kaming napalingon sa pintoan. Nanlaki ang mata ng stepmom ko dahil sa nakita. Dali-dali syang lumapit sakin at hinawakan ang braso ko. "Anong nangyari bakit ganyan ang itsura mo?" dugtong niya. Umiwas ako ng tingin at umatras rason kong bakit bumagsak ang kamay niya sa ere.
"Yang batang yan, sumusobra na. Umabot na sa pananakit. I no longer understand her, hindi na sya bata para umabot sa ganito. May asawa na sya at kailangan na niyang mag matured." pasigaw na wika ni Lolo. Mas lalo akong nagalit.
"Yon na nga eh, pinilit nyo ako kahit 19yrs old pa ako." sagot ko kay Lolo at mabilisan syang lumapit sakin. Sobrang bilis ng pangyayari dahil isang malakas na sampal ang idinampi niya saking mukha.
Tumagilid ang mukha ko, napahimas ako saking mukha. Napaiyak ako lalo!
"Dad bakit mo ginawa iyon," pumagitna ang stepmom ko samin. "Tama na, nasasaktan narin natin si Marilou. Girls, narinig ko ang lahat nang sinabi ni Marilou kanina, sa totoo lang ay may mali kayo, hindi kayo dapat tino'tolerate. For now, hahayaan ko kayong makalabas ng office ni daddy. Kong ayaw nyong umabot ito sa parents nyo, bumalik kayo dito at e'explain kay daddy yong totoo, dahil sa totoo lang. Hindi mangyayari ito kong hindi nyo sinali ang mommy ni Marilou. Ngayon, lumabas muna kayo, please." natigilan ako sa sinabi ng stepmom ko. Isa-isang lumabas ang tatlo na nakayuko.
Napasulyap ako sa stepmom ko. Kitang-kita sa mata niya ang pag-alala sakin. Oo, close sila ni lolo simula pa noon pero hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito ngayon.
"Dad, ako ang kakausap kay Marilou, please hayaan mo ako ngayon lang." narinig ko pa ang bulong ng stepmom ko kay Lolo. Igting panga akong tinignan ni Lolo na para bang ang sama-sama ko.
"Kausapin mo yan dahil matagal na akong nagtitimpi sa batang yan," saad ni Lolo na mas lalo kong ikinaiyak. Hindi ko na kaya, ayaw ko na sa mundong ito, ayaw ko na!
"Ugggggh!!!!!!" sigaw ko habang sinasabunotan ang sariling buhok. Lumapit ako sa desk ni Lolo at inabot ang gunting. Nanlaki ang kanilang mga mata. "Pagod na ako sainyo, ayaw ko na sainyong lahat. Diba ito ang gusto mo Lolo?" mabilisan kong ginupit ang aking buhok sa harap nila. Halos hindi ako makahinga sa galit. Napasigaw silang dalawa at inagaw ng stepmom ko ang gunting.
"Marilou bakit mo ginawa iyon?" hawak-hawak niya ang magkabila kong braso. Humihikbi ako sa sakit, tumingin agad ako kay Lolo.
"Sobrang sakit na, gusto ko nang mamatay." wika ko dali-daling lumapit sakin si Lolo ngunit umatras lang ako. "Hindi nyo ako naiintindihan dahil puro kamalian lang ang nakikita nyo sakin. Pagod na ako sainyong lahat, lahat kayo sinasaktan ako. Pati yong lalaking yon? Ikinasal nga kami pero hindi ko nakikita, wala akong maramdaman kahit kunti, upang mag bago sana ako pero wala, nasan sya? Gago sya!!! ang tanga-tanga ko dahil pumayag ako sa gusto nyo, mas lalo nyo akong kinulong sa sakit at galit na nararamdaman ko sainyong lahat. Mas lalo nyo akong nilalayo sa puso nyo dahil pinapatira nyo ako sa isang bahay na wala manlang akong kasama. May asawa ba talaga ako? o laro-laro lang ito? Tama na, ayaw ko na. Pagod na ako gusto ko ng makita si mommy. Ayaw ka na sainyo!!!!" isa-isa kong pinunasan ang aking mga luha. This is so bulshit!!!
Dali-dali akong tumakbo palabas ng opisina ni Lolo. Halos lahat ng nadadaanan ko ay napapalingon sakin, sobrang nakakahiya at gusto ko ng mawala.
~End of Flashback~
Bumalik ang diwa ko ng biglang may tumawag saking phone, napasulyap ako mula roon at number only lang ang tumatak. Sinagot ko agad.
"Hello!?" sagot ko ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. "Hello sino ito?" wika ko ulit ngunit wala paring sumasagot. "Gago ka pala eh, pa tawag-tawag ka tapos hindi ka sasagot? Gago!!!!" bulyaw ko at padabog na ibinalik ang phone sa mesa.
Dali-dali akong nag ayos pagkatapos ay hinatid agad ako ni Manong Cholo. Ganon parin walang nag-bago grabe kong makatitig sakin ang lahat ng tao, wala na akong pakialam dahil sobrang tigas na nang puso ko ngayon.
Pagkatapos ng mahabang klase ay ganon parin, sa cafeteria kami tumatambay tatlo.
"Grabe noh, nasan na kaya hubby mo?" si jazzy habang sinisipsip ang milktea. Nag taas ako ng kilay, bakit na naman niya iyon na topic.
"Mar, hindi ka ba nagtataka kong nasan si Clifford. Lagpas linggo na ngunit wala parin sya, maging ang pamilya niya ay hindi mo natanong kong nasan ang anak nila?" sambit ni Jilheart. Umiling ako agad.
"For what? Bakit ko naman sya hahanapin, kong gusto niyang umuwi edi umuwi sya." padabog kong sagot.
"Hmhmhmhm!" si Jazzy, sinamaan ko sya ng tingin.
"Bakit ba? Bakit nyo ba sinisingit ang lalaking iyan sa usapan natin? Duh, wala akong pake kong nasan sya ngayon, tutal sa papel lang naman kami kasal." wika ko ulit. Napasimangot ang dalawa tila ba nanghihimayang sa sagot ko.
"Talaga? Kahit ni isang araw ay hindi mo sya naisip?" si Jazzy. Natawa ako ng mahina habang ngumunguya ng fries.
"Honestly oo naiisip ko rin naman sya paminsan-minsan," nagulat sila sa sinabi ko. "Minsan nga pinapatay ko nalang sa isip ko," sabay silang natawa sa dugtong ko. Nagtawanan kaming tatlo na para bang natutuwa narin ako sa joke ko.
Natahimik ako bigla at napahimas saking buhok.
"Bagay naman sayo ang maikling buhok eh, maganda ka parin." sambit ni Jazzy. Bahagya akong ngumiti sa gilid ng aking labi.
Bumalik agad kami sa klase, pagkatapos ng mahabang discussion. Tumakas ako, hindi na ako nagpaalam sa dalawa dahil bigla akong nauhaw, hindi ko maintindihan parang tinatawag ako ng alak.
Nagbihis muna ako saglit sa likod ng gym kong saan ay merong restroom. Hindi ako nagpakita kay Manong Cholo at buti nalang ay nakatakasan ko rin sya. Dali-dali akong naghanap ng taxi, at nagpahatid sa isa sa malalaking ba dito.
I looked at my watch, 7pm na at paniguradong bukas na iyon. Pagbaba ko ng taxi ay dumirekta agad ako sa loob ng bar. Hindi ko alam kong bakit naging simple lang ako ngayon, first time kong mag suot ng ganito sa loob ng bar dahil halos sinusuot ko ay sexy dress, pero ngayon, light blue jeans with 3inches heels at Vneck na white tshirt.
Napa upo ako sa isang sulok kong saan ay may highchair. Sobrang chill lang ng lugar na ito, iilan lang ang pumapasok dito dahil sobrang mahal at tanging mayayaman lang ang nakakapasok. Nakakailang baso na ako ng alak. Hindi ko rin alam kong bakit ako naparito, nahihilo narin ako.
Napalingon ako sa iilang sumasayaw sa gitna. Everyone is already drunk, they were all flirting. Napalingo ako, hindi ko na iyon nagagawa simula nong maikasal ako kay Clifford. But why not diba? Wala lang din naman syang pakialam sakin. Natawa nalang ako bigla, lumagok ulit ako ng alak. Ang dami-dami kong naiisip ngayon, isa na ron ay kong pano ako uuwi nito. Mukhang hindi ko na yata kayang tumayo sa kinauupoan ko.
Dahan-dahan akong tumayo ngunit bigla akong natumba, may biglang sumalo sakin, hawak-hawak niya ang magkabila kong bewang.
"Okay ka lang?" nagtama ang mga mata namin. Sobrang perpekto din ng lalaking ito, gwapo ngunit mukhang mapaglaro.
"Ohhh, sorry excuse me." marahan ko syang itinulak at dali-dali akong pumasok sa banyo. Hindi ko mapigilang sumuka ng sumuka. Sobrang hapdi ng tyan ko, halos nasuka ko na lahat ng kinain ko kanina sa cafeteria.
Lumabas agad ako, para na akong papel na palakad-lakad sa gitna ng dance floor, sa puntong ito ay napasayaw narin ako. Napatingala ako sa iilang ilaw mula sa itaas. Ang ganda, para akong ginaganahan sa pagsasayaw. Itinaas ko ang aking dalawang kamay habang umiindak sa malakas na tugtog at musika.
Biglaan akong natumba ngunit may nakasalo agad sakin. Kumunot ang noo ko dahil iyong sumalo sakin ay ang lalaking sumalo sakin kanina.
"You again?" nakangiti kong tanong. Sumasabay sya saking sayaw kaya bigla akong ginaganahan. Nakangiti sya sakin na para bang naaaliw saking mukha. "Why are you smilling?" usal ko umiling sya ng ilang ulit.
"Kanina pa kasi kita pinagmamasdan, nagagandahan ako sayo." wika niya. Natawa ako, hinampas ko sya sa may braso.
"That is not new to me, everyone telling me that, sanay na ako." napangiti sya sa sinabi ko. Sabay parin kaming sumasayaw.
"Wait me here, babalikan kita." kumunot ang noo ko dahil bigla syang umalis. Nagkibit nalang ako ng balikat habang natatawa. Why I am talking those strangers.
Hindi ako umalis sa kinatatayoan ko. Pagbalik niya ay may dala na syang dalawang bote ng alak.
"Here," saad niya sakin tinaggap ko nang walang pag alinlangan. "Mas magandang sumayaw pag may hawak kang alak, cheers." natawa ako sa sinabi niya kaya nakipag cheers narin ako.
Ilang minuto narin kaming nag-uusap sa gitna at halos makatulog na ako sa hilo. Gusto ng pumikit ang dalawa kong mata.
"Bakit ka nga ba mag-isa? May problema ka?" natahimik ako sa tanong niya. Lumagok ako ng alak.
"Dont ask long story, at tsaka kanina pa tayo sumasayaw dito at hindi ko manlang alam kong anong pangalan mo, stranger." nagtawanan kaming dalawa sa sinabi ko, nag cheers ulit kami. Hindi ko alam kong bakit sobrang familiar niya sakin. Nakalimutan ko lang kong saan ko sya nakita.
"I'm Robert, ikaw?" tinawanan ko ang pangalan niya, halos masuka ako! Shit!!!
"Sobrang luma ng pangalam mo, Rob. I am Marilou Charleston, siguro naman ay kilala mo ako?" natawa sya habang umiiling sakin.
"Matanda rin pakinggan ang pangalan mo, huwag kang matawa dahil totoo, mukhang bagay tayo." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bakit sobrang komportable niyang kausap dahil hindi sya bastos.
"I like you huh, mukhang mabait ka." natigilan sya sa sinabi ko. Napatitig sya sakin head to toe, natigilan ako sa pagsasayaw.
"Gusto mong sumama sakin?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napaatras ako kahit akoy nahihilo. Hindi ko alam pero yong mga ngiti niya hindi nakakabastos. Natawa sya bigla."Ibig kong sabihin, may mga kasama ako sa kabilang table mga kaibigan ko. Gusto ko lang ipakilala ka, magkaibigan na naman tayo diba?" napamangha ako sa sinabi niya. Tawang-tawa ako bago lumagok ng alak.
"You know what, wala akong sinasabing makikipagkaibigan ako sayo. Hindi ko rin sinabi na magkaibigan na tayo, stranger ka parin para sakin." mas lalo akong natawa habang sinasabi iyon. Napasimangot sya, napabuntong hininga ako ulit. Ilang linggo na akong nakakulong sa bahay ni Clifford. Ilang linggo na akong mag-isa sa kwarto niya, siguro naman ay kailangan kong bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na makipaghalubilo sa ibang tao.
"Okay lang," saad niya. Nakigpag cheers ako at ganon din sya.
"Fine, dalhin mo ako sa mga kaibigan mo. Magpapakilala ako," natuwa sya sa sinabi ko.
"May I?" anyaya niya habang nakalahad ang kanyang kamay sa ere. Dahan-dahan kong tinanggap ang kamay niya at hinila niya ako palapit sa iilang nagkukumpolang tao. Naningkit ang mata ko dahil sa iilang ilaw mula sa dance floor. Bago kami makalapit sa kanila ay lumagok muli ako ng alak.
"Oh dude, kakaalis mulang kanina may dala kana." nagtawanan ang kanyang mga kaibigan. Nanatiling nakahawak kamay kaming dalawa. Parang gusto ng bumagsak ang mga mata ko.
"Guys, si Marilou pala kaibigan ko." pakilala niya sakin sa lahat. Halo-halo ang mga kaibigan niya at isa-isa ko silang tinignan, nakangiti ako kahit gusto ko ng matumba.
"Hi Marilou, Im Jen." tumayo ang lumapit sakin si Jen, nakipag shake hands sya sakin.
"Hi Mar, Im Abegail nice to meet you, ang ganda mo pala." natawa ako sa sinabi niya, ganon din ay nakipag shake hands sya sakin.
"Hi guys, salamat pero nahihilo narin ako." kaway ko sa kanila habang hinihilot ang aking sentidu.
"Maupo ka muna, Marilou. Ako na ang magpapakilala isa-isa sa kanila." inilalayan ako ni Robert na umupo sa kabilang couch, para akong nabunotan ng tinik ng maka upo ako. Hindi ko na kaya ngunit kailangan kong kayanin ang antok ko.
"Yong mga nagpakilala sayo kanina ay ang mga girlfriend ng mga kasamahan ko," turo isa-isa ni Robert sa mga kaibigan niya. "at ito naman si Clark, Daniel, Gregor, Stephanie at Venus." kumaway sila sakin bilang pakilala. Ganon din ako, hindi ko maiguhit kong ano ang nangyayari sakin ngayom dahil hindi naman ako ganito noon na nakikipag kaibigan. Gusto ko lang maging masaya!
"At ito namang katabi ko ay si Matteo." agaran akong napalingon sa katabi ni Robert. Napalunok ako, bigla akong kinabahan. Para akong kinain ng lupa ng marinig ko ang pangalang iyon. Tumango sakin ang Matteo na sinasabi niya.
Napalunok ako ng ilang ulit, halos masuka ako sa puntong ito.
"Sorry Robert, pero kailangan ko ng umalis." aakmang tatayo na sana ako ngunit natumba ako bigla. Sinalo agad ako ni Robert.
"Oh bakit ka aalis agad? Tsaka gusto kang makilala ng katabi mo." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Dahan-dahan akong napalingon saking giliran.
Lumuwal ang mata ko sa nakita. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Hi," aniya habang may hawak na baso ng alak.
Napausog ako ng kaunti. Gusto kong sumuka, hindi ko na mapigilan. Nahihilo na ako, nanghihina ang dalawa kong tuhod sa nakita. Lumingon ako sa lahat ng kaibigan ni Robert, lahat sila ay nakatingin sakin.
"I'm Clifford, nice to met you again." sa puntong ito ay hindi ko na napigilan. Sabay ng kanilang sigaw ay ang pagsuka ko.
Sinukaan ko sya at unti-unting pumikit ang aking dalawang mata.
"Brat!!!" huli kong narinig.