Sa sobrang galit ko ay mabilisan kong pinaandar ang kotse pauwi. Hindi ko alam kong bakit mas lalo akong nagalit sa mundo, hindi ko alam kong bakit mas lalo kong naramdaman ang pagiging isang masama kong tao.
Halos minura ko na ang lahat ng mga taong ayaw ko. Halos minura ko na ang lahat ng demonyo sa buong mundo. Ganito ba talaga ako kasama? o ganito lang talaga ako magalit.
Bakit nasa kanya ang panty ko? Sino sya? Bakit niya ako kilala? Pano kami nagsama sa gabing iyon at bakit kami umabot sa ganong bagay? Hindi ko na talaga alam, hindi ko na alam kong saan ako magsisimula para kilalanin ang taong iyon. Hindi ko narin alam kong virgin pa ba ako o hindi dahil wala rin naman akong alam sa mga bagay na iyan. Nanginig ako sa galit, sa puntong ito ay naiisip kong magpa medical, gustohin ko mang gawin iyon ngunit ayaw kong mapahiya, ayaw kong gawing kahiya-hiya ang aking sarili. Hindi ako papayag, dahil mas alam ko ang sarili ko. I know what I am and the more I know what I have. I do not want to be ashamed, dahil matapang at may panindigan ako. Pag alam ko, alam ko. Pag gusto ko gugustohin ko.
Sa sobra kong galit ay mas lalo kong pinaharurot ng malakas ang kotse. Pagdating ko sa bahay ay malakas kong itinulak ang pintoan gamit ang dalawa kong kamay, gawa ito sa matayog na kahoy at pag binuksan mo ito dalawahan ang gamit mong kamay.
Nanginginig parin ako sa galit. Unang bumungad sakin ay ang mataas naming hagdanan kong nasan ay nakatayo si daddy at ang aking stepmom. Sa puntong ito ay mas lalo kong naramdaman ang panginginit saking katawan. Pababa sila nang hagdanan kaya mabilisan akong umiwas ng tingin. Gustohin ko mang kumalma ngunit di ko magawa. Mas lalong nadagdagan ang galit ko.
"Where have you been? we are still calling you and you are not responding." agaran akong napalingon kay daddy. Sabay silang bumaba ng hagdanan, habang hawak-hawak ng stepmom ko ang braso niya. Umirap ako bago sila tuluyang iniwasan.
Dali-dali akong nagtungo sa kusina, halos magiba ang pinto ng itinulak ko iyon. Nagsalin ako ng malamig na tubig pampalamig sa utak kog nag aalburuto. Paglabas ko ng kusina ay nadatnan ko silang nag-uusap. Walang ekspreyon akong tinignan ni daddy habang nakangiti naman ang stepmom ko!
Umirap ako, ang plastik talaga kaya ayaw na ayaw ko sa kanya. Aakmang aalis ako nang biglang magsalita si daddy.
"We need to talk," napahinto ako. Lumingon ako kay daddy na walang gana.
"I'm tired and I want to rest I'm not in the mood to talk." bagsak boses kong sagot. Umigting ang panga ni daddy sa sinabi ko. Ramdam na ramdam ko ang galit niya. Ni hindi ako natakot dahil nasanay na ako sa ganito niyang ekspresyon.
"Anak," pigil sakin ng stepmom ko. Kumunot ang noo ko sa narinig. Gusto kong matawa sa sinabi niya.
"Anak mo ako? Kailan? bakit hindi ko alam? how come?" sarkastiko kong sagot. Napayuko sya sa sinabi ko at aakmang lalapit sakin si daddy nang pinigilan sya ng stepmom ko.
"Marilou stop. You're not in the place to speak that way!" singhal sakin ni daddy. Ako pa talaga ang wala sa lugar?
"Wala rin sya sa tamang lugar para tawagin akong anak, bahay ito ni mommy at si mommy lang ang tumatawag sakin ng anak." bigla nalang iyong lumabas saking bibig. Halos mapaos ang boses ko sa galit. Nanlaki ang mata ni daddy sa narinig, aakmang susugorin niya ako ngunit pinigilan sya ng stepmom ko.
"Its okay hon, ayaw kong mag away-away tayo dito. Kailangan na natin syang kausapin tungkol dito." mahinang wika ng stepmom ko. Nag taas ako ng kilay sa narinig. Masyado talagang pa bida, para magmukhang mabait.
"Tsss," bulong ko bago umirap ulit. Ayaw kong tignan sila nang ganito kalapit. Nasasaktan ako para sa mommy ko. "Im leaving here," saad ko ngunit pinigilan ako ni daddy.
"We need to talk," bagsak boses ni daddy. Napahinto ako. Kuyom ang dalawa kong kamao sa galit at pagod. "We need to talk about your life and what is happening to you right now," kumunot ang noo ko sa sinabi ni daddy. Pabalik-balika ang adams apple niya sa galit.
"For what?" sambit ko.
"Sit down first," iminuwestra ni daddy ang sofa bilang pag upo ko. Napapikit ako bago tuluyang umupo sa kabilang upoan. Habang silang dalawa ang magkatabi sa kabila. Umiwas ako ng tingin bago sumandal sa backrest ng upoan tsaka nag cross arm. I dont like the view in front. So excessive and disastrous, nakakawalang gana sa buhay.
"Para saan ang pag-uusapan natin dad? Pagod ako." kalmado kong sagot nang hindi sila tinitignan.
"Anong nangyayari sayo? Habang tumatagal ay mas lalong lumalala yang ugali mo." mabilisan akong humarap kay daddy. Sa totoo lang ay sobrang sikip ng dibdib ko. Ano ako sakit? Habang hindi ginagamot lumalala? Ganon nalang ba ako sa paningin ng daddy ko? Sounds pathetic!
"Hindi ko kasalanan kong bakit ako nagkakaganito dad," matapang kong sagot. "Eh ganito na talaga ako eh at wala na tayong magagawa. Malaki na ako dad at alam ko ang tama sa mali, i have my own decision." sambit ko. Halos maiyak ako ngayon, pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. Ayaw kong magmukhang ka awa-awa sa harap niya.
"Oo malaki kana, ngunit nagiging isip bata ka minsan. Hindi mo ba naiisip iyon? You're still a kid." bulyaw sakin ni daddy. Umiwas ako ng tingin habang nakataas ang noo. Kailangan kong maging matapang at matigas sa puntong ito. I am not weak, i am a warrior. Hindi ko magawang sumagot sa sinabi ni daddy. Bigla akong na speechless! "Marilou, ayaw kong mag away tayo ng paulit-ulit dahil nakakasawa narin. Hindi ka ba nagsasawa sa ganito? Dito ka ba talaga masaya? Ang mag-away tayo palagi?" dahan-dahan kong hinarap si daddy bago ko inilipat ang tingin sa stepmom ko.
Tila may bumara saking lalamonan, para ayaw bumuka ang bibig ko at sagotin ng matapang si daddy.
"Hon, huwag na." pigil ng stepmom ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ng daddy ko. Umiwas ako ng tingin.
"Nakakasawa narin kasing maging mabait dad. Yong feeling na palagi nalang akong nag a'adjust sa mga bagay na alam kong may ma'aagrebyado akong tao. Yong feeling na kailangan kong maging mabuti para sa ibang tao para makita nyong mabait at nag pursige ako. Pero hindi dad eh!" nanlaki ang mata ni daddy sa sinabi ko. Hindi naman ako ganito noon, nag bago lang nong dumating ang stepmom ko. Doon ko na feel ang rejection na kailanman ay hindi ko naramdaman nong buhay pa si mommy.
Nasaktan lang ako kaya ako nag bago.
"Anak," tanging nasabi niya. I expect this, alam na alam kong wala syang maisasagot dahil alam kong mali at kasalanan niya ang lahat. I expect this from the beginning.
"Its okay dad, i am strong remember? Kaya ko na ang sarili ko. Sanay na ako sa buhay na ganito." nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ko. Ang mukha ni daddy ay biglang naging maamo. Dahan-dahan akong tumayo bago nagbuntong hininga. "I am already sleepy, excuse me." huli kong sabi bago sila tuluyang iniwan. Nagawa kong kumalma sa puntong ito ngunit hindi ko parin maiwasan ang masaktan. Gusto ko lang matapos ang usapan namin kaya nagawa ko iyon.
Nanghihina ang tuhod ko habang papalapit sa hagdanan. Napahinto ako sa paglalakad ng biglang magsalita si daddy. Nasa unang sahig na ako nang hagdanan nang pigilan niya ako.
"Marilou," kalmadong tawag niya sakin. Pagod akong humarap kay daddy. Nakatayo sya habang nakaupo parin ang stepmom ko. "You will getting married and that's what we want to happen." nanlaki ang mata ko sa narinig.
"What?" gulat ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sinabi ni daddy. "Mag-aasawa? Daddy anong pinagsasabi mo?" naging bulyaw ang boses ko sa puntong ito. Lumapit sakin si daddy na walang ekspresyon ang mukha.
"Thats what we want to plan for you!" sagot ni daddy. Halos lumuwal ang mata ko. Bumalik ang galit ko na kanina'y pinigilan ko.
"No way, daddy bata pa ako. I'm still 19 years old. Bakit nyo ba naisip ang bagay na yan? Bakit nyo ako ipapakasal? Para saan? No daddy, ayaw ko. Ayaw ko!" sigaw ko. Hingal na hingal ako sa puntong ito. Sobrang sikip ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwala sa plano nila. Sigurado akong kapakanan ito ng stepmom ko!
"Anak para sayo naman ang lahat ng 'to," nanlaki ang mata ko sa sambit ng stepmom ko. Dali-dali ko syang nilapitan. Nawala ako sa sarili kong pag-iisip.
"Isa kapa," turo ko sa pagmumukha niya. "Sinulsol mo ang daddy ko diba? Ikaw ang nag plano nitong lahat. Paraa saan? para ma solo mo si daddy? Para mawala ako dito sa bahay. Para hindi muna makita ang pagmumukha ko dito? Diba? diba? O baka naman kayamanan ng pamilya ko ang habol mo." isa-isa kong salaysay. Hinawi ni daddy ang kamay ko na nakaturo sa stepmom ko. Napaatras ako sa ginawa ni daddy. Sa puntong ito ay isa-isang tumulo ang mga luha ko.
"Tumigil kana," aakmang sasampalin ako ni daddy ng pigilan sya ng asawa niya. Halos hindi ko na sya makita sa mga luha kong patuloy ang bagsak. Hinahayaan kong tumulo ang aking mga luha. "Walang kasalanan ang mom mo at ako mismo ang nag plano nitong lahat. Gusto kong mag bago ka, Marilou. Ayaw naming mapariwala ka sa buhay. Wether you like it or not, magpapakasal ka sa lalaking gusto namin para sayo." napaatras ako habang umiiyak. Isa-isa kong hinawi ang aking mga luha. Halos hindi ako makahinga.
Yon ba talaga ang gusto nila para sakin? Dahil pagod na sila sakin kaya ibibigay nalang nila ako sa lalaking gusto nila para sakin?
"I hate you!" sigaw ko. Panay hawi ko saking mga luha sa mata. "Hindi ko susundin ang gusto mo daddy. Hindi ako mag-aasawa at mas lalong hindi ako aalis sa bahay na 'to. Hindi nyo ako mapipigilan. Hinding-hindi! I live my own life, my decision is my only decision. Period!" padabog kong binagsak ang aking kamay sa ere. Kagat-kagat ko ang aking ngipin sa galit at sakit.
Halos hindi makapagsalita si daddy.
"Fine, madali akong kausap." nakangiting saad ni daddy. Nakangiti syang lumapit sakin na tila galit na galit sa sinagot ko. "I've been raising you alone, ibinigay ko sayo lahat-lahat. Lahat ng meron ka ay sakin galing. Kong ano ka ngayon ay dahil sakin." kinabahan ako sa sinabi ni daddy. Napalunok ako ng ilang ulit ngunit hinarap ko parin syang matapang. "Give me your phone, your wallet, your bank account, your card and your car key. That's all mine!" nakangiting inilahad ni daddy ang kanyang palad. Ang luha ko'y kanina tumutulo ay biglang nawala. Napalitan ng galit at sama ng loob. I can't believe this, hindi ako makapaniwala sa sinabi ni daddy.
"Are you really my dad? Why are you like this to me?" umiiling ako ng ilang ulit. Naging tigre ang pustora ni daddy ngayon. Halos hindi ko sya kilala.
"Because you like this to me." nakangiti niyang sagot. Napasulyap ako sa stepmom ko at wala itong ekspresyon kahit isa. Dahan-dahan syang yumuko habang hilot-hilot ang kanyang dalawang kamay. "You have two choices, you get married or lose everything." napapikit ako ng ilang ulit. Bakit wala akong maisagot? Bakit para akong natameme at naging mahina.
Naikuyom ko ang aking dalawang kamao.
"This is bullshit!" bulyaw ko nang malakas at dali-daling umakyat patungong kwarto. Wala akong maisagot kaya minabuti kong umalis nalang sa harap ni daddy. Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? Bakit feeling ko ay ako ang kontrabida na bida?
Sinipa ko ang pintoan ng aking kwarto. Padabog akong umupo saking kama at sumigaw ng ilang ulit. Inabot ko ang aking unan at isa-isa iyong itinapon sa sahig. Nagwala ako sa kwarto na parang wala nang bukas. Halos mabiyak ang lahat nang gamit sa loob. Wala akong pakealam sa mga gamit na to, dahil hindi naman sakin galing ito diba? Ni kahit peso ay wala akong nagastos sa mga gamit dito sa kwarto ko. Galing ito sa dugo at pawis ni daddy. Lahat ng meron ako ay galing sa daddy ko!
Busit! Ayaw ko na sa buhay ko. Ayaw ko na dito, ayaw kong kinokontrol ang buhay ko dahil alam ko ang ginagawa ko dahil alam ko kong anong gusto ko.
Napagod ako sa kakasigaw at dahan-dahang napa upo sa sahig. Sumandal ako sa gilid ng aking kama habang sinasabunotan ang sariling buhok. Hindi ko magawang lumuha dahil mas pumangibabaw sakin ang galit at sakit. Galit na galit na galit na galit ako!
Umaapoy ako sa galit.
Napalingon ako sa picture frame namin ni daddy mula sa ibabaw ng computer ko. Dahan-dahan akong tumayo at inabot iyon. Mas lalong umusok ang nararamdaman ko sa larawan, hindi ko maramdaman ang pagmamahal ko sa kanya ngayon. Napahigpit ang hawak ko sa frame at dali-daling lumabas ng kwarto. Wala sa sarili akong lumapit sa may lobby ng hagdanan at itinapon ang frame sa ibaba kong nasan ang sala seat namin. Itinapon ko iyon na wala sa sariling pag-iisip.
Umugong ang hiyawan sa ibaba. Nanlaki ang mata ko nang dumungaw ako mula sa hagdanan. Napatakip ako saking bibig! Sobrang lakas ng tibok ng aking puso na halos nanlamig ang aking buong katawan.
"Marilou!!!!!!" sigaw ni daddy na sobrang galit na may halong gulat. Halos nakatingin sakin ang lahat.
Bakit ang daming bisita? Sino sila? Bakit sila nandito? Napaatras ako. Hinanap ng mata ko ang picture frame sa sahig at laking gulat ko dahil hawak-hawak na iyon ng isang matangkad na lalaki habang hawak-hawak ang kanyang ulo. Nakagat ko ang aking ibabang labi.
"Hijo dumudugo ang ulo mo!" dali-dali syang nilapitan ng isang matandang babae dala ang puting panyo. Lahat ng bisita ay lumapit sa kanya na tila nag-aalala.
Dahan-dahan akong napaatras na nanginginig ang tuhod. Oo masama ang ugali ko pero hindi ako masamang tao. Hindi ko sinasadya iyon!