"Robert anong ginagawa mo dito ?" kumusta ang buhay may asawa?" tanong ni Jack dito,
"Jack wala pa akong asawa."
Eh, yong super model mo?"
"Wala na yun may iba siyang mahal, ginamit niya lang ako para pag selosin ang boyfriend niyang isa ring super model",
"Ano nga ang ginagawa mo dito?" tanong uli niya,
"Dinadalaw nga kita at kinukumusta, nabalitaan ko kasi na naospital ka nalaman ko na lang nitong nakaraang araw, mabuti na lang at maayos na pala ang lagay mo. Jack puwede ba mag resign ka na diyan sa trabaho mo, lagi ka na lang nasa peligro, at saka panlalaking trabaho yan, Jack magpakasal na tayo , sumama ka na lang sa akin ngayon uuwi na tayo," sabi ni Robert sa kanya ,
"Robert wala na tayong relasyon tinapos mo na yon ng wala kang abiso na engage ka na, wala akong natangap kahit isang tawag o kahit isang paliwanag man lang para maintindihan kita iniwan mo ako sa ere", "Ano ngayon ang inaasahan mo? Sumama ako sayo? para paulit mo na namang saktan? Maawa ka naman sa akin Robert minahal kita ng labis pero binalewala mo lang ako ," Umuwi ka na at huwag ka nang magpakita sa akin",
"Alam ko Jack masama ang loob mo sa akin pero huwag mo naman akong pagbawalan na patuloy kitang mahalin",
"Bahala ka! desisyon mo yan, basta ako wala nang pakialam sayo." Sinayang mo ang pagmamahal ko sayo." Umiyak si Robert sa harapan niya pero wala na itong epekto sa kanya,
"Salamat na lang at nakawala na ako sa una kong pag ibig parang nabunutan ako ng napaka lalim na tinik." Naisip niya
Pinatuloy ni Stanley si Robert sa bahay nila halos tatlong araw ito doon pero hindi na talaga nito mapilit si Jack na 'ibigin siyang
muli. Naawa siya kay Robert kaya lang ay wala na talaga siyang balak na mag asawa masakit sa ulo lalo na kung pag taksilan ka pa. Pangatlong araw ng umuwi si Robert nagpaalam ito kay Jack at nagsabing hihintayin daw nito na magbalik ang pag ibig ni Jack sa kanya. Sa loob lang ng isang taon ay naka pagpatayo na naman sila ng 10 hotel sa iba't ibang panig ng mundo. Kaya may 51 na silang hotel sa buong Asia at Estados Unidos, kaya kung iisipin ay mayaman na si Jack pero hindi pa rin siya nag resign sa trabaho niya sa military, at nag apply pa siya sa Hawaiian Airlines, bilang pilot ito kasi ang passion niya, ang magpalipad ng eroplano. Marami ng pera si Jack kaya na niyang makipag sabayan sa yaman ng mga magulang ni Robert. 10% ang share ni Jack sa mga hotel na pag aari nila ni Stanley.
Si Stanley ang CEO President, Siya ang Vice President, buwan buwan ay may meeting sila. Sa Hawaii lagi ang venue, Kaya sa Hawaii na siya nag stay may sarili siyang room sa hotel nila doon, kaya she seldom of going back to the Philipines. Mabuti kung may biyahe siya sa Pilipinas doon siya nagkakaroon ng panahon na dalawin si Ate Dory tulad ngayon nakadalaw siya sa Pasig kasi may biyahe siya dito sa Pilipinas, pangalawang araw na siya doon, nang dumating si Kristuff,
" Jack mabuti naman at narito ka na, mag stay ka na ba dito for good?"
"Naku hindi Kristuff may biyahe lang kami dito nag routine check up lang ng plane kaya mga dalawang araw pa ako dito." Pinatutulong nga ako sa pag check up ng plane kasi minsan ay tumutulong talaga ako para mapadali ang trabaho kaso ngayon ay pagod na pagod na talaga ako, kaya naisipan ko na magpahinga na muna dito."
"Jack puwede ba mag stay ka na lang dito sa Pilipinas. ?"
"Hindi ka ba napapagod tatlo tatlo ang trabaho mo, ayaw mong mag resgn sa military, nag load ka pa ng isa piloto sa Hawaiian Airlines, Jack ano ba ang pinag sisikapan mo mayaman ka na Jack aanhin mo ang yaman mo, wala ka ng pamilya. paano kung tumanda kang dalaga?" "Sino ang makikinabang ng mga pinag hirapan mo?"
"Alam mo Kristuff naiisip ko na yan once na may mangyari sa akin ang mga heiress ko ay ang dalawang anak ni Ate Dory at ang dalawang anak din nina Stanley at Susan, kaya papartihin yon sa apat kaya hindi masasayang ang pinag hirapan ko. nagpagawa na ako ng will and testament sa abogado kaya lahat sa buhay ko ay naiplano ko ng lahat. Kaya wala na akong inaalala sa ngayon, Ang gusto ko lang talaga ay mag paka busy para pagdating ko sa bahay ay tulog kaagad ako, sa ngayon ay masaya na ang buhay ko."
"Jack sana nag madre ka na lang kasi doon sa loob mas tahimik ang buhay mo," sabi ni Kristuff sa kanya,
"Kris anuba hindi ko kaya doon sa loob ng kumbento, naranasan ko na yon, boring doon walang action, mamamatay ako sa boredom."
"Bakit sa military ka pumasok?"
"Sabi ko nga di ba?" Action ang gusto ko",
"Ikaw Jack ba't gustong gusto mo na lagi kang nasa panganib."
"Ano ka ba Kristuff wag ka ngang makialam sa buhay ko, puwede?" Dahil wala kang alam sa mga paghihirap ko na ikaw mismo ang may kagagawan,"
"Jack magpakasal na tayo para matigil ka na sa mga delikadong ginagawa mo ako ang masyadong naaapektuhan, pati pag pilot mo ay masyadong delikado lalo na at nagpapalipad ka pa ng jet wala ka daw na speed limit Jack please lang sumama ka na lang sa akin para makalmante na ako ,"
"For goodness sake Kristuff ayan ka na naman masyado kang paki alamiro, kaloka ka pakialam mo ba kung hindi ko I give up ang pagiging pilot ko," sabi niya dito,
" Mag pilot ka hangang gusto mo huwag lang sa military masyadong mapanganganib doon."
"Jack mag asawa ka na nga, pakasal na tayo,"
"Ayoko ng mag asawa kasi ayaw ko na ng problema. Sa mga nakaraang taon ng buhay ko kasi lahat problema ang naranasan ko.
Di ba sabi ko sayo noon hindi na ako makiki pagrelasyon pa pag tayo ay nagka hiwalay na."
Kaya ito ako ngayon hindi na ako naki pag commit kasi ayaw ko na nga ng hassle okey na ako sa set up kong ito, wala akong iintindihin kundi yong business na lang namin ni Stan."
Kasi dapat laging doing good lahat ng hotel namin dahil marami na ang umaasa doon yong mga employees namin pero alam ko kayang kaya na ni Stan yon."
" Jack hindi kita bibigyan ng problema" sabi ni Kristuff.
"Syempre naman hindi na ako konektado sayo kaya wala na akong problema ngayon,"
"Magpakasal na tayo Jack bumuo tayo ng masayang pamilya."
" Ano mag pakasal? at masayang pamilya? "Lutang ka ba Kristuff paano akong sasaya eh, babaero ka nga awayan to the blues pag nagsama na tayo. Totally absurd na ako diyan , enough na Kris maka pagsalita ba? Akala mo may amnesia ako? Nung pumasok ako sa kumbento dahil sayo yon di ba?" Hindi ka mabubuhay na walang babae , at gusto mo pang pag sabayin ang mga babae mo, naalala ko yung lahat, dahil wala nga akong amnesia."
"Jack tumitigil na ako sa pamba babae na trauma ako dahil sa ginawa mong ganti sa akin noon, ibinigay mo ang sarili mo sa lalaking hindi mo kilala."
"Huwag ka nang makonsensya Kristuff, kasi walang nangyari sa amin noon", "hindi mo ba ako kilala Kris nag iisa lang yon kayang kaya kong patumbahin yon ni hindi ako pagpapawisan doon, At saka kilala ko pala siya si Joseph, pilot na din siya sa Cebu Pacific Airlines, kaibigan ni Darwin yon paano akong magagalaw nun eh takot nga sa akin yon, Kaya ano Kris relieve ka na ba?" Malinis pa rin ako ngayon, kaya wag ka nang mag alala sa akin, "
"Jack ano ba ang gusto mong gawin ko pakasalan mo lang ako?" Kristuff Gonzales anuba, sabi ko nga ayaw ko na ng problema paulit ulit na lang tayo, masaya na ako ngayon, punong puno na ang ulo ko wala ng bakante para paglagyan ng panibagong problema na ibibigay mo na naman sa akin, kaya please lang maawa ka sa akin," tigilan mo na ako. "
"Paano kitang titigilan Jack sinasabi mong maligaya ka pero kita sa mukha mo ang kalungkutan."
"Huwag mo na akong pakialaman Kristuff puwede ba?" Ikaw ang bumuo ng pamilya para tumigil ka na sa pa memeste sa akin,"
"Hindi ko kayang mag pakasal sa iba Jack. Magpapakasal lang ako kung ikaw ang magiging asawa ko . Pumunta ka ba dito para lang buwisitin ako Kristuff?,"