Baixar aplicativo
22.22% My Brutal Wife (Tagalog) / Chapter 8: Divorce

Capítulo 8: Divorce

Alex's POV

6am. Napamulat ako ng mata dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana.

Headache attack. Si kuya talaga sabi ko wag akong iuwi dito eh.

Naligo na muna ako bago bumaba dahil amoy alak pa rin ako.

Naabutan ko si Manang na naghahanda ng pagkain.

"Magandang Umaga Alex." Masiglang bati ni Manang.

"Good Morning din po Manang."

"Maupo ka na para makakain ka na."

"Opo." Inumpisahan ko ng lantakan yung niluto ni Manang na adobo.

"Manang .. Dun na po ulit kayo magluluto kila Daddy." Sabi ko ng mahina.

"Ha? Papalitan mo na ba ako dito sa bahay nyo?" Biglang nanghina ang boses ni Manang.

"Hindi po Manang. Magdidivorce na po kasi kami ni Stan."

"Ano?!" Naku! Baka atakihin pa si Manang. May pagkabingi din pala si Manang. Hehe.

Napaupo si Manang sa tabi ko.

"Maghihiwalay na po kami." Ngumiti ako ng pilit.

"Alex, kung ano man ang hindi nyo pagkakaunawaan ni Stan, pag-usapan nyo." Tinapik pa ni Manang ang likod ko.

"No Manang, yun na po talaga ang kahahantungan namin."

"Hija, wag kayong gumawa ng isang desisyon na pagsisisihan nyo pareho." Sabi ni Manang.

"Wala na pong atrasan 'to Manang."

Biglang dumating si Stan.

"Hijo kain na." Tumamlay na ang boses ni Manang. Nalulungkot din ako.

"Hindi na po Manang, kailangang maaga akong pumasok ngayon eh."

"Kahit sumubo ka na lang ng kaunti."

"Hindi na po." At umalis na sya.

---

Tinawagan ko si Daddy kanina at sinabi ang plano ko, of course hindi sya pumayag at binabaan pa ako. Papasyal na lang ako sa opisina nya mamaya.

Natingin silang lahat sa akin pagdating sa school. Ganda ko eh. Haha Lumapit agad sa akin si Amanda at Georgia.

"So, Alex, sure na ba?"  Napahinto ako sa tanong ni Georgy.

"Of course not. Narinig mo sya diba? Sawa na sya."

"Eh ikaw? Sawa na rin?" Singit ni Amanda.

"Hindi ko masasabi na nagsasawa ako. Kasi sa totoo lang, masaya sya kasama, may living punching bag ako. Siguro nasabi ko lang kahapon na nagsawa ako, sa galit." Ang gulo!

"So mahal mo na sya?" Tanong ni Georgia.

"No. Masaya lang akong makita syang nahihirapan." Yeah. 'Yun lang 'yun.

"Walang kaabog-abog na sagot ah. Brutal ka talaga Alex!" Sabi ni Amanda sabay hampas ng mahina sa balikat ko.

"Tama ka dyan Amanda." Pagsang ayon naman ni Georgia.

Tawanan.

"So pano yan? Tuloy ang divorce?" Putol sa tawanan ni Georgia.

"Yes."

"Bakit parang wala lang sayo?" Nakakunot noo na tanong ni Amanda.

"Hindi naman sa wala lang sakin. Well kung kayo nasa kalagayan ko. Baka gustuhin nyo rin. Ang hirap kaya ng hindi malaya, hindi ko na nagagawa yung mga nakasanayan ko. At isa pa ... Ayokong magmukhang tanga sa harap ng iba."

"Tama na ang drama! Dahil ang dakilang Alex ay magiging single na ulit! Ibig sabihin makakakanta na ulit tayo sa Bar!" Masayang anunsyo ni Georgia.

Nung pag out namin ng hapon, dumiretso na ako sa Office ni Daddy, dito na rin kami nagkita ni Stan.

"Good Afternoon Mr. & Mrs. Martin. Nasa loob na po si Mr. Antonio. " Charuterang Secretary ni Daddy. Inirapan ko lang sya. Di ko sya bati.

Pagpasok sa loob. Nagulat kaming dalawa ni Stan, nandito rin pala yung Daddy nya.

"Tito." Lumapit ako sa kanila at nakipag beso-beso.

"Sit Down." Utos ni Daddy.

Magkatabi kami ni Stan habang nasa harapan namin ang mga daddy namin.

"So magdidivorce kayo?" Pagsisimula ni Daddy.

"Yes Dad." Agad na sagot ko.

"Bakit Stanley?" Baling naman sa kanya Tito.

"Dadd--"

"Kasi Tito hindi po talaga kami magkasundo ni Stan." Singit ko sa kanila.

"Alex, si Stan ang kinakausap." Pagalit na sabi ni Daddy.

"Sorry, Dad." PakingTape! Ang hot ng atmosphere!

"Dad, hindi pa po talaga kami ready sa buhay mag-asawa, kaya po siguro hindi nagwowork out yung relationship namin." Nakayukong sagot ni Stan.

"Is that the real reason?" Makahulugang tanong ni Daddy.

Sige Daddy! Ipagtanggol mo ako!

"Pwede na pong sumingit?" Sabi ko.

"Go Ahead." Nakangiting sagot ni tito.

"Tama po yung sinabi ni Stan. Hindi pa po kami parehong sawa sa buhay na malaya. Kaya po ayun, mayrong time na isa samin naghahanap ng kalayaan." Napatingin naman sila kay Stan.

"I-Im Sorry." Nakayukong sabi ni Stan.

"Akala ko ba ayos na kayo nung sinundo mo si Alex sa bahay?" Naguguluhang tanong ni Daddy.

"Something happened tito." Agad na sagot ni Stan.

"Then, what is that?" Halos si Daddy at Stan na lang ang nag-uusap.

"She saw me... flirting with s-someone." Napatingin kaming tatlo sa kanya.

"What?" Galit na tanong ni tito.

"Tito, I saw him flirting with Linta." Sabi ko sa tono ng pagsusumbong.

"Hey, are you jealous?" Nakakunot noong tanong ni Stan.

"W-What? No!" Lintik 'tong lalaki na 'to! Iniiba yung usapan!

"Bakit ka nauutal?" Ngumiti pa sya ng pang asar.

"H-Hindi no!" Nangingiti na sila Daddy.

"Selos ka no?" Pang aasar nya pa rin.

"Hindi nga sabi! Sa lintang 'yun? Duh! Mas maganda pa ako dun noh! Kapal nito!" Piste! Humanda talaga sa akin 'to mamaya!

"Dad, Tito, hindi po talaga ako nag selos promise." Tinaas ko pa yung kanang kamay ko.

"Princess natural lang naman ang selos sa isang relasyon. Ibig sabihin lang nun ay mahal nyo ang isa't-isa." Natatawang sabi ni Daddy.

"Tama ka dyan Antonio! Hindi naman maiiwasan yun eh." Nagtawanan pa silang tatlo.

"Basta Stan, ayoko ng maulit yung mga nangyari, nakarating sa akin yun. Maliwanag ba?" Baling ni Dad kay Stan.

"Yes tito." Nakangiting sabi ni Stan.

"But Dadd-" He cut me.

"Wala ng pero pero princess. Umuwi na kayo, may pag-uusapan pa kami." Sabi ni Dad.

At ayun. Lumabas na nga kami ng office ni Daddy.

Pagdating sa parking lot ay kaagad kong hinarap si Stanley. "Ano na naman ba yung ginawa mo Stan?" Nanggagalaiting sigaw ko.

"Ikaw kasi eh. Nagseselos ka lang pala, nagsumbong ka pa kay Daddy."

"I'm not jealous! Ok?" Ang kapal talaga ng lalaki na 'to.

"Ok. Sabi mo eh." Sabi nya na natatawa pa.

"Hindi ka naniniwala eh. Hindi nga sabi ako nagseselos!"

"Oo na nga diba? Tara na. Gutom na ako." Inakbayan pa ako nito papasok sa kotse nya.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C8
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login