Gusto niyang sumigaw ngunit walang boses na nalabas sa kaniyang labi. Bakit lumulutang ang kahon na iyon sa gitna ng mahabang lamesa. Tumingin siya kay Ester, para humingi ng tulong ngunit nakayuko lamang ito.
Ilang sandali pa nga'y para bang pinasok sila ng milenyo dahil sa sobrang lakas ng hangin. Uri ng hangin na parang gustong tangayin ang buo niyang pagkatao. At ang mga tao sa lugar na iyon ay nakatindig lang na parang hindi natitinag sa galit at hampas ng hangin.
"Ang laman niyan ay ang aking bunsong kapatid na si Aurora." tinutukoy nito marahil ang laman ng maliit na kahon na lumulutang. Wala naman siyang pakialam kung anong laman nito ang concern niya'y lumulutang ito!
"Ginawa siyang alabok ng Lumalang dahil sa pag-ibig. Kaya Alehandro! Oras na malaman ko na naririto ka lang sa paligid,ipinapangako ko, sasapitiin mo din ang sinapit ng aking kapatid! Pipinuhin kita sa pagkakapinooh!"
Napaluhod ang binatilyo at niyakap ang bitbit niyang tray at bote ng wine. Takot na takot siya.
"Inayyy!.." naiiyak na sigaw ni Vergel nang maramdaman niya na parang umaaangat na siya. Nakapikit na lamang siya dahil sa takot. Sino nga ba ang mga taong ito?.. Habang siya ay nakataas at malapit na iuntog sa kisame'y parang nagbalik sa kanya ang mga panahon na pinaparatangan ng ibang tao ang kaniyang mga magulang tungkol sa pagiging alipin daw ng anak ng mga demonyo. Hindi niya tuloy ang mapigilan ang wag mapaluha.
"Diego! ¡¿Qué estás haciendo?!" sigaw ni Sonia at galit na lumapit kay Diego para kunin ang collar de handro. Doon ay naging kalmado na ang ambiance. Dahan-dahan bumaba ang nanlulumong si Vergel.
"Estúpido!" sinampal ni Sonia si Diego.
"Hindi mo man lang naisip na matagal hinintay ni Ester at Jose ang magkaroon ng anak at tatapusin mo lang ang buhay nito dahil sa galit?!" Walang kibo na naupo si Diego. Ngunit tila umalma si Martha sa ginawang pagsampal ni Sonia sa kanyang asawa. Kung sa bagay minsan na ding naglihim si Sonia sa kanila para lamang makatakas si Alehandro. Lumakad siya ng mahinahon papalapit kay Vergel na nakaluhod parin dahil sa takot.
"Kaawa-awang bata. Ayos ka lang ba?.Ipagpaumanhin mo sana ang nagawang kalapastanganan ng aking asawa. Halika." Biglang inabot ni Martha ang kanyang kanang kamay sa binatilyo. Kahit na natatakot siya'y para siyang na-hypnotized nang tanggapin niya ang kamay nito. Humawak siya sa kamay ni Martha at marahan silang tumayo. Pumikit si Martha at sinalat ng marahan ang palad ni Vergel. Ilang sandali ay dumilat siya at tumingin kay Diego. Matagal na titigan. Hanggang sa sumenyas si Martha na hindi si Alehandro si Vergel. Tila napanatag din si Ester maging ang ilang mga tagapag silbi. Bibitaw na sana si Martha namg bigla nya muling hablutin ang kamay ni Vergel. Doon ay nakita na ni Vergel ng mas malinaw ang mukha ni. Sobrang ganda ng babaeng ito. Ngunit nanlilisik ang mga mata na nakatitig sa kanya.
"Ngayon tingnan mo ang aking mukha, sasabibin mo parin bang pwedeng ipang-hold up ang aking ilong?! harggh?!" sunod nitong tinititigan ng masama si Eva na nakayuko na.
"S..sorry po.." hindi niya mabawi ang kaniyang kamay dahil sa higpit ng paykakahawak nito.
"Mahal ko,tama na iyan. Masyado na nating natakot ang bata." saway ni Diego na nagpapatuloy na sa pagkain.
"Matuto kayong pumili ng hitsura. Hindi kalaro-laro ang aking kagandahan. Naiintindihan mo?"—Martha.
"Opo..opo.. sorry po."—Vergel.
"Pasensya na sa aming inasal, Ester. Hindi namin dapat kinuwestiyon ang katapatan ninyo." sabi ni Peddie. Walang imik naman na tumango si Ester. Nanginginig na bumalik si Vergel sa kaniyang pwesto at doon nagpunas ng kanyang luha.
"Vergel, kunin mo ang abo ni Autumn at isaboy mo sa kaniyang kama." Kinumpas ni Diego ang kaniyang kamay at kusang gumalaw ang lumulutang na maliit na kahon papunta sa kaniya. Nanginginig man ay naluluha niyang hinawakan ang kahon.
"Ingatan mo ang kahon na iyan Vergel. Diyan nakasalalay ang katawan ng aming kapatid." Sabi ni Sonia. Tumingin si Vergel kay Ester. Sumenyas ang ina na sumunod na lang. Kahit na masama ang loob niya sa ina'y sumunod parin siya.
"Ayos lang bang masaksihan ni Vergel ang mga bagay na iyon?" sabi ni Sonia nang makaalis ang binatilyo.
"Why not? He is the son of our trusted servant." sagot ni Peddie na kumakain na rin.
Nagpunas pa si Vergel ng sipon nang makarating sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Autumn. Hindi siya makapaniwala sa mga nakita niya. Sa katunayan nga'y hindi parin matigil ang panginginig ng kaniyang mga binti. Hinawakan niya na ang doorknob at marahang tinulak ang pinto pabukas. Doon ay lumantad sa kaniya agad ang malaking kama na nababalor ng isang dirty white na tela. Mga gamit na walang alikabok at kumikintab na sahig dahil araw-araw nilang nililinis iyon ni Ester.Naghanap muna sya ng mapaglalapagan ng malit na kahon at tinanggal na niya ang balot ng kama. Itinupi niya ito at nilagay sa lagayan ng cover. Huminga siya ng malalim bago muling hawakan ang kahon. Hindi ito mukhang magical box katulad ng paglutang nito kanina. Para lamang itongkahon na gawa sa retaso ng plywood.
"Bakit hindi ka man lang nilagay sa urn.." naitanong niya habang pinsgmamasdan ang kabuuhan ng kahon. Pinitik pitik niya pa ito at inilapag muli.
"Paanong sabuy ang gagawin ko?" maya-maya'y tanong niya. Hindi pwedeng basta ikalat nalang ang kanyanggagawin sapagkat ang bawat butil nito'y parte ng katawan ng sinasabing Autumn. Pakiwari niya'y ito na marahil ang tinutukoy nilang Don. Marahil isa na itong matandang lalaki na nag anyong bata katulad nila Martha.
"Tingnan nga natin." Marahan niyang binuksan ang kahon at biglang sumingaw mula dito ang isa itim na usok. At umalingasaw sa loob ng kwarto ang amoy ng sunog na buhok.Muli nanaman nangatog ang kaniyang binti sa takot. Pumikit siya at isinaboy ang abo sa ibabaw ng kama. Kumalat ang usok sa kabuuhan ng kwarto.
Ang Collar de handro na hawak ni Sonia at biglang nagliwanag. Ang lahat at biglang napatigil sa pagkain.
"Nagbalik na sya.." sabi ni Sonia. Napapangiting tumango si Diego.
"Si Vergel. Ang anak ko." Hindi na napigilan ni Ester ang matinding pagaalala para sa anak kaya naman madali syang tumakbo sa kinaroroonan ni Vergel. Kalmadong nagsitayuan ang mga Elizarde upan tunguhin din ang silid na iyon.