Baixar aplicativo

Capítulo 3: Chapter 1.2

•~•

Bigla akong nakarinig ng isang putok ng baril at agad naputol ung tawag.

"Oh sh*t!", Napahawak ako sa ulo ko, bigla naman akong kinabahan sa mga tauhan kong nasa base.

"May problema ba?"-reign, 'nako paano na to?', tinignan ko naman si reign.

"Kambal, kailangan kong umalis, please wag mo kong isusumbong", bigla syang nagtaas ng kilay.

"Ha? diba nagpaalam kana kanina?", natauhan akong bigla, 'oo nga no', kinuha ko na agad ang bag ko.

"Hehehe sorry I forgot", 'sakto!', Agad akong umalis at nagtungo sa base ko, sinuot ko muna yung mask ko bago ako pumasok.

Konti nalang ang naririnig kong putukan ng baril sa loob.

Agad kong inilabas ang dessert eagle ko at nagtago ako pagpasok ko agad ako nagpa-ulan ng bala sa kanila.

'Bakit ba kasi hindi ko nadala yung katana ko!', 'Kainis naman oh!'.

Pinakiramdaman ko muna lahat ng nasa base habang nagtatago ako.

'Takte!!!', 'Isa lang ako at ang dami nila!!!', Kung dala ko lang talaga ung katana ko, siguradong tapos ko na agad to eh, agad ko namang pinatamaan sa ulo ung mga taong nakita ko sabay tago ulit sa poste, laking pasasalamat ko sa posteng to, dahil may pagtataguan ako.

'De biro lang', pagsilip ko...

'Oh f*ck!', muntik na ung precious face ko, 'jusko naman!'.

"Papatayin kita!", Nako kapag nadaplisan ako, malalagot ako kayla mommy, daddy, kambal, kuya, tito, tita, tas sa pinsan ko tas sa mga grandparent---

*Bang!

"Ay butiki!!!, sandali lang naman atat ka atat!!!", Agad ko syang inasinta sa ulo, 'boom! Patay!'.

Tinignan ko naman kung ilang bala nalang ang baril na hawak ko, 'malas naman oh', napalingon naman ako sa gilid, "sh*t!", sumulpot ba naman si two.

"Good to see you, DB" agad akong umiwas, 'nakakagulat sya ahh', "hindi mo naman ako ininform na bigla kang susulpot sa gilid ko", natawa naman sya, itinutok ko naman ang baril ko sa kanya.

Nakaramdam naman ako ng tao sa likod kaya umilag agad ako, 'F*ck! Don't tell me kumpleto sila ngayon?!'.

"Wow, nice reflexes", sabi ni three, nginiwian ko naman sya, at palipat-lipat ko silang tinutukan ng baril, 'bwisit alam kong may dalawa pa!'

"Well thank---", late ko na naramdaman yung dalawa sa likod.

*Bang

Bumagsak agad ako pagkatama ng bala sa likod ko, 'bakit ba hindi ko naiwasan yun!', napa-ngiwi naman ako sa sakit na nararamdaman ko sa likod ko habang naririnig ko silang tinatawanan ako.

Nakaramdam ako ng apat na presensya sa malapit, tatayo palang sana ako ng may umapak sa likod ko, Napakagat naman ako sa ibabang labi ko, 'P*tang*na! Sya kaya tapakan ko kapag may tama sya ng baril?!'.

"Tignan mo nga naman, ang nag-iisang DB na akala mong malakas, nakadapa na ngayon sa sahig, dahil sa tama ng baril", sabi ni one, napa-awang naman ako ng bibig ng diinan nya ang pagkakatapak nya sa likod kong may tama ng baril.

"Sue you!", Nakaramdam ako ng sakit sa tyan, kaya namilipit ako sa sakit, 'd*mn it!', tinignan ko naman ang sumipa sa tyan ko.

"Tama lang yan sayo, may gana kapang sumigaw ah", saad ni four, 'may araw din kayo saking apat!'.

"Sge pa four, sipain mo pa yang sikmura nya!", sigaw ni two, "kapag ako lumakas, babawian ko kayo", nagkatinginan naman sila at sabay na tumawa.

"Kung mabubuhay ka pa, dark blue", nakita kong ngumisi si one at pinagsisipa nila ang katawan ko, hindi agad ako makabwelo, tinakpan ko naman ang mukha ko para hindi matamaan.

*Cough, "d*mn it!", Agad nila akong itinali at para akong isang punching bag ngayon.

Hirap na hirap naman akong huminga habang nakikita kong nakangisi si two, si one naman ay may kausap sa cellphone nya, ramdam ko naman yung kirot sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

"Nasaan ung baseball bat?", tanong ni three, 'mukhang hindi nila ako titigilang pahirapan'.

"Don't be too harsh three"-four, agad na ibinigay ni two yung baseball bat kay three at agad nyang ipinanghampas sa akin.

"AHHHHH!!!", Tumawa sila ng napakalakas, napayuko ako sa pagod, parang nagmanhid ang buong katawan ko, wala na akong maramdaman sa ibang parte ng katawan ko.

"Get my gun", utos ni one, pagkabigay sa kanya ni four ng baril, inasinta nya to sa akin at pinaulanan ako ng baril sa iba't-ibang parte ng katawan.

Nanlalabo na ang mata ko, mukhang dito na matatapos ang buhay ko, ambilis naman...

Nakarinig muna ako ng sirena ng kotse ng mga pulis bago ako lamunin ng dilim.

•~•

Reign's POV

"Where is your sister?", andito kami ngayon sa sala at kadarating lang ni dad, gabi na kasi at wala pa rin si kambal at kanina pa ako kinakabahan simula nung umalis sya kanina.

Para kasing may hindi magandang nangyayare, kinakabahan na ako kay kambal.

"Hindi pa rin sya umuuwi dad", biglang bumukas yung pinto at dumating si kuya.

"Nabalitaan kong wala pa rin si chesca", "nacheck nyo na ba yung mall na madalas puntahan ng kapatid nyo?", tumango si kuya.

"Pinacheck ko na ung cctv sa mall na yun, pero wala po sya doon, wala rin kuha ng cctv na pumasok dun si chesca, hindi kaya sa ibang lugar sya pumunta? O hindi kaya...", 'nasaan kana ba kasi chesca?'.

Biglang nagring ung phone ni mom, at agad nyang sinagot ang tawag, 'huwag naman sana may mangyareng masama sa kakambal ko'.

"Yes, ako nga po", biglang napalaki ang mata ni mom, mas lalo naman akong kinabahan, nanginginig na ang mga kamay ko.

"ANO?! SAANG HOSPITAL YAN?!", pagbaba ng phone nya, napa-upo sya sa couch at umiyak.

"Honey anong nangyare, sino yung tumawag?", niyakap ni mommy si daddy at tuluyan na itong humagulgol sa iyak, natatakot naman akong tanungin si mom may hinala akong tungkol kay kambal yung tawag na yon.

"Mom", napatingin sa akin si mommy at agad nya akong niyakap.

"S-si chesca... Yung kambal mo... N-nag-aagaw buhay n-na daw s-sya sa hospital, k-kailangan na nating puntahan si c-chesca", para akong nabingi sa sinabi ni mom...

Ung kakambal ko, nag-aagaw buhay?!

"M-mom, huwag naman kayong magbiro ng ganyan oh", umiling-iling naman si mom, napahawak naman ako sa dibdib ko ng kumirot yon, napatingin naman si kuya sakin, "r-reign ayos ka lang? Huminga ka muna ng malalim", napaluhod naman ako.

"Tara na, kailangan na nating pumunta sa hospital, kailangan tayo ng kapatid nyo", agad naman kaming nagmadaling umalis.

'Hintayin mo kami kambal, padating na kami, huwag mo kaming iwan, please'.

•~•

Pagdating namin sa hospital, agad naming tinanong kung nasaan si kambal.

"Nasaan yung pasyente nyong si Chesca Chavez?", agad namang may tinignan sa computer yung nurse.

"Nasa operating room pa po sya Sir, paki-fill upan na po muna to para po ma-process na ang files nya sa hospital", si mom na naman ang gumawa non, bago kami sabay-sabay dumiretso sa operating room.

Pagdating namin sa labas ng operating room, napasandal ako sa sahig at naupo, iilan namang imahe ang pumasok sa isip ko kung bakit nangyare to kay kambal.

Hindi ko kayang mawalan ng kakambal, 'please lang huwag nyo pa pong kunin ang kakambal ko'.

"Reign", tinap ni kuya yung buhok ko, ngumiti lang ito pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata nya, hindi naman ako makangiti sa kanya.

"Ayos ka lang ba, yung paghinga mo?", "ayos lang ako kuya pero...", Ngumiti naman sya ng mapait.

"Kasi kuya... Si kambal...", Niyakap naman ako ni kuya at hinagod nya ang likod ko.

"She's brave, kaya nyang lumaban para mabuhay, yun pa... Tsaka ayaw nyang makitang malungkot ka diba, mahal na mahal ka pa naman ng kakambal mo", sinimangutan ko naman si kuya na ikinatawa nya.

"Masama ba akong kakambal sa kanya kuya?", Umiling naman sya, at tumabi sa akin, hindi ko alam kung bakit ko yon natanong sa kanya.

"Hindi naman", napayuko ako, naalala ko naman yung mga ginagawa kong pang-iinis sa kanya at yung mga kalokohan ko, may atraso pa naman ako sa kanya.

"Ano kasi kuya...", Ngumiti lang si kuya at nanatiling nakasandal sa inuupuan nya.

"Naalala mo siguro ung mga kalokohang pinaggaga-gawa mo sa kanya no, huwag kang mag-alala kahit na naiinis yun sayo, hindi yun basta-basta magagalit sayo, kambal kayo diba?", tumango ako at ngumiti sa kanya.

Napatayo kami ng lumabas na yung doctor mula sa O.R., "Kamusta na po ang kakambal ko doc.?", Bigla naman akong inakbayan ni kuya, "kumalma ka muna", sabi nya sakin.

"Kayo ba yung kamag-anak ng pasyente?", tumango naman kami, nanginginig na naman ang kamay at labi ko.

"Opo kami po", sabi naman ni dad, tinap ni kuya yung likod ko, 'please be safe chesca'.

"Tatapatin ko na kayo, marami syang naging fracture bones banda sa binti, saka sa braso, sinimentuhan na namin agad ang parteng yon", halos hindi naman kami makapagsalita, 'f-fracture bones?'.

"Mayroon din syang mga 26 na tama ng baril sa iba't-ibang parte ng katawan nya, at napaka milagro na naka-survive sya sa gantong sitwasyon, kung sa ibang tao to, malamang hindi nila kayaning makaabot pa hanggang dito", halos hindi na magsink-in sa akin yung mga sinasabi nyang natamo ng kakambal ko.

'Ano bang nangyare sayo at bakit ka nagkaganyan?'.

"Sa ngayon...dadalhin muna namin sya sa ICU... Bawal po munang pumasok na kahit sino sa loob hangga't hindi pa sya nagigising, under observation pa din sya hanggang sa makarecover na ang katawan nya", at nagpaalam naman na ka-agad yung doctor pagkatapos.

Nakita kong umalis sina mom at dad, kaya naiwan kami ni kuya sa labas ng operating room.

"Sa ICU na natin sya antayin, huwag kang mag-alala, sina mom and dad na ang gagawa ng paraan para malaman kung ano ba talaga yung nangyare sa kakambal mo", tumango lang ako kay kuya, kahit alam ko namang hindi rin sasabihin nila mom at dad sa amin ang nangyare.

Pagdating namin doon, nakita namin sya, andaming aparatong nakakabit sa kanya at puro benda naman ang buong katawan nya.

Lumapit naman ako sa may salamin, may nurse namang umaasikaso sa kanya sa loob, kaya napanatag ang loob ko na magiging maayos sya.

"Kambal... Kambal ko, lumaban ka ahhh aantayin kita kambal", Parang pinipiga yung puso ko nang makita ko ang kalagayan nya.

Hindi ko kaya na makitang ganto ang itsura nya, napakalakas ng kakambal ko at alam naming lahat yon, pero ang makitang ganto ang lagay nya, parang dinudurog din ako sa sakit.

"Reign, huwag mong masyadong istress ang sarili mo, baka ikaw naman ang makita kong nakaratay dyan sa kama", sinapak ko naman ang braso nya, "ano ka ba naman kuya, magaling na ko", natawa naman sya.

"Pinapatawa lang kita, alam mo namang mas sakitin ka kaysa sa kanya, ako ngayon ang magbabantay sayo, sge ka baka dumilat yan at sermunan ka sa kakulitan mo"-kuya, nalungkot naman ako lalo.

"Yung prumo-protekta sakin, ngayon nakaratay sa higaan na yan, ni hindi natin alam kung anong dahilan", tinapik naman ni kuya ang balikat ko.

"Magiging maayos din sya, magtiwala kalang sa kakambal mo", tumango nalang ako at muling tumingin kay kambal.

Sakto namang dumating si mom, pero hindi nya kasama si dad, hindi ko rin mabasa kung anong nasa isip ni mommy, kung kanina alalang-alala sya pero ngayon parang wala syang reaksyon man lang.

"Mom may problema ba?", tanong ni kuya sa kanya na nginitian nya lang, parang may mali sa kanya na hindi ko matukoy kung ano, tungkol ba to sa nangyare kay chesca? Bakit hindi nya sabihin sa amin?.

"Kailangan na nating umuwi, nagpadala na si daddy nyo ng mga bantay kung sakali mang may hindi magandang mangyare kapag wala tayo dito, kailangan nyo pang pumasok sa school, hindi matutuwa si chesca kung babalewalain nyo ang pag-aaral nyo ng dahil sa kanya", 'anong pinagsasa-sabi ni mom?'

"Tungkol kay kambal mom, anong nangyare sa kanya? Bakit sya nagkaganyan?", Bumuntong hininga lang naman si mommy at ngumiti.

"Sya lang ang makakapagsabi sa inyo nyan, ang sabi ng pulis samin, naabutan lang syang nakatali na parang punching bag, kaya tumawag agad sila sa ambulansya, marami daw patay na tao sa paligid nya at tanging sya lang ang naka-hang sa kisame"-mom, napakuyom naman ako ng kamao.

"Reign anak", "kung sana katulad lang ako ni kambal, edi sana naprotektahan ko man lang sya", hinawakan naman ako sa balikat ni mom.

"Kakaiba ang kakambal mo, diba sinabi na namin yon sa inyo na kakaiba sya kaya sumasalang sya sa iba't-ibang training", tumango naman ako, "huwag kayong mag-alala ang daddy nyo ba ang bahala doon", sakto namang dumating din si dad.

Tinignan nya naman si kambal at napabuntong hininga rin sya sa itsura ni kambal ngayon, 'ganyan nalang yon?! Ganyan lang ire-react nila?'.

"May kailangan din akong asikasuhin sa trabaho ko pati na sa org, pina-iimbestigahan ko na rin kung ano ang nangyare sa kanya", sabi ni dad, kinipkip ko nalang sa sarili ko yung inis ko.

'Siguro naman may maganda silang dahilan sa ginagawa nila'.

"Magiging okay lang po ba si kambal kapag umalis tayo? Walang magbabantay sa kanya maski isa sa atin?", Niyakap akong bigla ni mom at hinagod ang likod ko.

"Magiging okay din sya, may magbabantay sa kanya", tumingin muli ako kay chesca bago kami umalis, 'hindi ko alam kung bakit ganto ang desisyon nila kambal, pero magtitiwala muna ako sa kanila'.

'Magpagaling ka ka-agad kambal'.

•~•

Third Person's POV

Lingid naman sa kaalaman ng dalawang binatilyo ang kalagayan ng kapatid nila ngayon.

May pumasok namang isang babae na may dalang attaché case na naglalaman ng isang litro ng fluid na kung tawagin ay Hwater.

Inilabas nya naman iyon, sakto namang pumasok ang isang lalake sa loob, "lahat ng yan iinject mo sa kanya?", Tanong ng lalake sa kanya.

Tumango naman ang babae, "hindi naman agad agad, mga every five minutes mga 15ml ang iinject ko sa kanya, kung hindi agad ako tinawagan ni marco tungkol dito baka napahamak pa tong batang to", sabi naman ng babae.

May kinuha namang papel yung lalake, "ito yung nangyare sa kanya? Bakit hindi pa aksyunan to ni marco? Mga gangsters lang naman to ah", sabi naman ng lalake.

"May nilagdaan kasi si marco na hindi makiki-alam sa mga gangsters, kaya pinabayaan nya nalang sa ngayon, pero alam mo naman yon, mahalaga ang anak nyang to sa kanya, pero mahalaga din ang Organization kaya wala syang magagawa kundi magkimkim lang ng galit", sagot ng babae sa kanya.

Napabuntong hininga naman yung lalake at naupo sa gilid, "eh kung bakit pa kasi pinirmahan nya pa yon, ayan tuloy nangyare sa anak nya, nga pala, magiging maayos naman yan diba kapag nailagay mo na lahat?", tumango naman yung babae sa tanong nya.

Napatingin naman sya kay chesca na parang naaawa sa lagay nito, "hindi man lang pinalagpas pati mukha", bigla namang natawa yung babae na ikinalingon nya.

"Pinatakpan lang naman nila yan para hindi sya mamukhaan ng gumawa sa kanya nyan, mautak din sila akeshia eh", sagot naman ng babae sa kanya na ikina-iling nya.

"Oh edi nataranta kakambal nyan, buti pumayag yon na paghiwalayin sila, matindi din ang bond ng dalawang yon eh", natawa naman sa kanya yung babae habang focused pa din sa ginagawa nito kay chesca.

"Syempre gagawa na naman ng kasinungalingan yon, para hindi malaman yung ginagawa nating to sa kakambal nya, may iilan lang alam ang mga batang yon pero hindi lahat ng nangyayare sa Org.", Nang matapos na ang babae sa ginagawa nya, nilinis nya naman lahat ng magiging ebidensya.

Sakto namang pumasok ang mga magulang ni chesca na si marco at akeshia.

"Long time no see, kamusta na sya?", sabi naman ni marco sa dalawa, napailing nalang ang dalawa, "grabe hindi mo man lang ipakita samin na nag-aalala ka", sagot naman sa kanya ng lalake.

"Nag-aalala kami pero alam ko ang kakayahan nya, mas nag-aalala ako sa kakambal nya, mukhang napapansin nya na ang mga kinikilos namin", sagot naman ni akeshia, natawa naman yung babae sa kanya.

"Ipaliwanag nyo nalang kapag kaya nyo na, maiintindihan din naman nila yon", sabi nya, "nga pala, ayos din tong hospital mo ah", puri ni marco sa babae, natawa naman yung babae sa kanya, "tamang-tama lang eh no, para sa apat", sagot ng babae sa kanya.

Sakto namang napapitik ng daliri sa ere yung lalake, "naalala ko, andito din yung tatlo", biglang sabi nya, "Ah oo, makaganyan ka parang hindi mo anak yung isa doon ah", natawa naman yung lalake.

"Sus, malakas din yung anak kong yon, wala namang masyadong malalang natamo yung batang yon, ewan ko ba sa apat na to, pasalamat sila under observation pa rin sila ng Org., kaya may mga bantay sila sa paligid", wala sa sariling sabi ng lalake.

"Tinurukan mo din ba sila nyan... Ylza?", tanong ni akeshia, ngumiti naman yung babaeng nagnga-ngalang Ylza.

"Oo naman, hindi lang gaano kadami, mas malala kasi ang sinapit nitong anak nyong malapit sa gulo kaysa sa tatlong yun, hay nako pati nga yung anak ko eh may bali sa binti", natawa naman sila na para bang wala lang sa kanila ang nangyare sa mga anak nila.

"Eh si miyuki kamusta? Nakauwi naba yung dalawa, balita ko hinahanap na naman nila si alec ah", tanong nung lalake.

"Yun ang problema, kailangan nilang unahin yon dahil utos sa kanila ng pamilya nila, kaya nalalayo na ang loob sa kanila ng anak nila", sabi ni akeshia, napabuntong hininga naman yung lalake.

"Eh ikaw kairo? Kamusta na kayo ni venice?", tanong ni marco na tinawanan naman ni kairo, "nako hayaan mo na yung babaeng yon, basta nasa akin ang mga anak ko, walang magiging problema", napangiti nalang sila.

"Walang nakakaalam sa mga anak mo kahit ang panganay mo?", tanong naman ni ylza sa kanya, tumayo naman ng maayos si kairo, "wala, hindi nila dapat malaman".

Muli naman silang napatingin sa batang nakaratay sa hospital bed, "sana magkakilala silang apat ulit", sabi naman ni akeshia.

"Mangyayare at mangyayare yan", sabay na sabi ng tatlo.

•~•


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C3
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login