"Brynthx!" Kinabahanag tawag ko sa kanya. "What happened?!" dugtong ko pa.
Dahan dahan siyang lumingon sakin habang may nanlulumong mga mata. Hindi ko naman alam ang aking gagawin .
Saka ko lang nakita ang kanyang kalagayan nang tuluyang siyang humarap sakin.
May harap siyang garapon at kutsura habang nagkalat sa sahig ang kulay puting bagay na sa tingin ko ay asukal...???
What was that?
"Natapon ko yung asukal ni Mom....." kinakabahang sabi niya
Napaawang ang aking labi at napatitig na lang sa kanya bago nanlalata at wala sa sariling napaupo sa sahig. Para naman akong nabunutan ng isang malaking tinik sa dibdib at naghabol ng hininga na para bang mauubusan ako ng hangin.
Nang makaluwag luwag sa paghinga at nilingon ko ulit siya. Nakatingin lang si Brynthx sa asukal na natapon hanag hindi parin binibitawan yung hawak niyang kutsara ta garapon.
"Are you serious....?" pabulong kong sabi. "So what happend?" ako na nagsimula ng usapan
"I just want to make coffee....." kwento nito ngunit mahin lang ang pagkakasabi niya.
"Tapos?"
"Dumulas sa kamay ko yung lalagyan ng asukal..."
"That's it?"
Tumango siya bilang tugon
"Pffftt-HAHAHAHAHAHA" hindi ko na napigilan ang aking sarili at malakas na natawa ako.
Tinawagan niya ako para lang sabihin na natapon niya yung asukal. Nakakatawang isipin na kinabahan siya dahil lang sa asukal samantalang ako gumala ng mag isa at inabot na ng gabi sa lansangan pero tinatawanan ko lang si Mama kapag pinapagalitan niya ako.
Pero kunwari hindi kinabahan don. Kinabahan ako pero slight lang hehe.
"Don't laugh" nahihiyang sabi niya saka hinawakan yung laylayan ng damit ko
Pinusan ko ang kaunting luha na lumabas sa aking mata dahil sa tuwa.
"Okay, I won't laugh anymore. Linisin na natin 'to bago pa tayo madatnan ni Tita Kristine dito" sabi ko saka tumayo at nagpagpag ng damit pero hindi parin niya binibitawan yung laylayan ng damit ko.
Napatingin ako sa kanya. Nakita kong nakatingin parin siya sa asukal na nagkalat sa sahig.
Hindi siya makamove on.
Mabilis na pinigilan ko ang aking tawa dahil kasasabi ko lang na hindi na ako tatawa.
At sa wakas ay binitawan niya na din ako saka kumuha ng panlinis at nagsimula na siyang walisin yung natapon.
Umupo lang ako at pinanood siya sa kanyang ginagawa. Nakita kong nagsisimula na siyang pagpawisan. Ngayon ko lang napansin na nakasuot parin siya ng longsleeve na damit.
"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" nakakunot ang noong tanong ko
Umiling naman siya bilang sagot. Samantalang init na init parin kahit t-shirt lang ang suot ko tapos siya balot balot kahit nasa bahay lang naman.
Pinaupo ko si Brynthx sa tabi ko at itinutok sa kanya yung electric fan sa kusina.
"You can change your cloth. Kahit mag shrirt ka na lng para hindi ka pagpawisan masyado. Tayo lang naman ang nandito" sabi ko habang iniintay ang magiging sagot niya.
Mabilis na umiling siya bilang sagot
"Why?"
"I don't want to."
"It's okay. Don't be scared. You can trust me naman. Saka isa pa, mukha bang ichichismis kita? Kalilipat lang namin dito kanino naman ako dadaldal" sabi ko sa kanya saka ngumiti
Pampalubag loob hehe
Nag aalangan pa siya nung una pero nilihis naman niya ang sleeve ng kanyang damit. Tinaas niya ito hanggang siko.
Yumuko ako para silipin ang kanyang mukha. Hindi kasi masyado kita ang mukha nito dahil nakatabing ang mahabang buhok niya. Hindi naman ganoon kahaba ang buhok ni Brynthx pero medyo abot umabot ito hanggang sa mata niya.
Napasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang kaliwang kamay nito dahil sa init dahilan kung bakit lumitaw ang buong mukha ni Brynthx. Napaawang ang aking labi at napatitig sa mukha niya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko yung mukha niya ng maayos.
Makapal ang kilay, mahaba ang pilik mata, manipis at mapula ang labi, makinis at maputi ang kutis nito na tila ba alangang alanga ito ngunit ang mata niya talaga ang nakaagaw ng buong atensyon ko.
I was mesmerized by his gray eyes.
Dumungaw naman ako para makita lalo ang kanyang mata ngunit bahagyang napalayo naman siya sa biglaan kong paglapit.
"Sorry, I just want to see your eyes." sabi ko saka dahan dahang inilapit ang kamay ko sa mukha niya.
Mabilis na napatigil ako sa akmang paghawak sa kanya nang bigla siyang napakislot at mariing pumikit.
"Sorry" nahihiyang sabi ko sa kanyang at inilayo ang aking sarili saka bumalik sa pagkakaupo ko kanina
Maybe I got too excited....
Napatingin naman ako sa kanya nang bigla siyang lumapit sa akin ng kaunti saka hinawi ulit ang buhok nito. Unti unting sumilay ang isang malawak na ngiti sa aking labi dahil sa ginawa niya. Mabilis na sinulyapan ko siya sa mata.
Sa tingin ko, hindi ako magsasawang titigan ang mata ni Brynthx. HIndi ko alam pero may something talaga sa kanya o baka lang naman epekto lang ito dahil unang beses ko makakita ng gray eyes. Kadalasan kasi ang itim lang o kaya naman ay brown. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang kabuuan ng kanyang mukha
How can be that he's even prettier than me?!
"You got a pretty face" manghang wika ko saka siya nginitian
Halatang natigilan siya sa sinabi ko at tinitigan ako
"What?" nagtatakang tanong ko sa kanya
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumulo ang dugo mula sa kanyang ilong.
"Y-your nose is bleeding!" natatarantang sabi ko
Unti unting namula ang kanyang mukha at napatakip sa kanyang ilong. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko. Nagmamadaling naghanap ako ng tissue
"Tissue" inabutan ko siya nang makahanap ako
Inabot niya naman ito saka pinunasan ang dumudgong ilong niya. Hanggang ngayon ay namumula parin ang kanyang mukha.
"Pfffftt-HAHAHAHAHA" at sa pangalawang pagkakataon ngayong araw ay hindi ko na naman mapigil ang aking tawa.
What was that?
"Please don't laugh....." pakiusap nito habang hindi man lang ako magawang tignan.
I can't stop. HAHAHAHAHAHA
Hindi niya napunasan nang maayos yung ilong niya kaya kumuha ulit ako ng tissue at lumapit sa kanya.
"Let me help you" sabi ko
Ako na ang nagpunas ng maayos sa kanyang ilong. Marahan kong hinawakan ang kanyang mukha at iniharap ito sakin para makita ko ng maayos. Hindi naman siya gumagalaw sa kanyang pwesto. Maingat pinunasan ko ang ilong niya. HIndi ko mukha 'to at baka mayari lang ako kapag nasugatan ko mukha ni Brynthx
Nang masigurong ayos na ang lahat ay itinapon ko na sa basurahan yung mga ginamit naming tissue. Siya naman ay inayos na ulit ang sleeve ng kanyang damit. Napailing nalang ako.
Pakiramdam ko ay parang nag aalaga ako ng nakababatang kapatid. Palihim na natawa ako sa aking naisip.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng kanilang bahay at pumasok doon si Tita Kristine.
"Good Evening po" bati ko kay Tita at sinalubong ito.
"Good Evening" masayang bati ni Tita pabalik
Dumiretso kami sa kusina pagkatapos. Lumpait siya sa anak at ginulo ang buhok nito. Kahit na hindi nakaharap sa akin si Brynthx ay mahahalata mong nahiya ito sa ginawa ng kanyang Ina.
Patingin tingin naman si Brynthx sa kanyang Ina. Tahimik na tumayo ito at naglakad paalis sa kusina na para bang may iniiwasan. Ganonon din ang ginawa ko, dahan dahan akong naglakad paalis sa lugar na 'yon hanggang sa...
"Huh? Bakit walang asukal dito?" biglang sabi ni Tita Kristine na may hawak ng mug. Mukhang magtitimpla ng kape.
Sabay kaming natigilan ni Brynthx at nanlalaki ang matang nagtinginan.
Oh crap.....