Napatigil ako sa pagsisipilyo at napatingin sa aking repleksyon sa salamin.
Hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa aking isipan ang nangyari kahapon. Napabuntong hininga na lang ako. Pakiramdam sobrang daming nagyari samin kahapon kahit nung hapunan lang naman kami nagkasama-sama.
Pagkatapos kasing ipakilala ni Tita na anak niya daw yung lalaking takot masilayan ng araw ay inaya na kami ni Mama na kumain sa labas. Inimbitahan din ng magulang ko si Tita at yung anak niya na sumama sa anim ngunit tinanggihan kami ng anak nito kaya ang bagsak ay si Tita lang ang nakasama.
Hindi na kinontra ni Tita yung anak niya at sumama na lang samin.
Kahit sa maikling panahon na nagkausap kaming apat ay marami akong nalaman sa kanila. Hindi ako yung tipo ng tao na mahilig makisawsaw sa usapan ng matatanda kaya tahimik na nakinig na lamang ako at naglalaro ng games sa phone kapag naman nakararamdam na ako ng pagkabagot.
Isa sa nabanggit ni Tita na first year college na daw sa pasukan ang kanyang anak na lalaki. Marami pa silang napagkwentuhan ngunit hindi na ako sumali sa usapan dahil tungkol sa high school life na nila ang topic at alam kong hindi ako makakarelate sa mga sinasabi nila kaya mas pinili ko na lamang na tumahimik.
Sa haba ng usapan nila kahapon ay hindi ko na naitanong kung ano pangalan ng Tita ko.
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako para kumain. Naabutan kong umiinom ng kape si Papa sa sala habang nakatingin sa kayang phone. Baka kung ano ano na naman sabihin nito mamaya. Palihim akong natawa sa sarili kong isipin.
"Ma" tawag ko sa kanya
"Hmm?" sagot naman nito dahil abala siya sa pagluluto ng almusal.
"Wala kayong pasok sa trabaho ni Papa?" tanong ko sa kanya
"Mamayang tanghali pa ang pasok ko at yung Papa mo naman ay mamayang 11:30 pa ang alis" sagot ulit nito habang hindi inaalis ang tingin sa niluluto. Takot na baka masunog ang kanyang piniprito.
Napatingin naman ako sa orasan na nakasabit sa tabi ng ref. 8:37 pa lang ng umaga. Maya maya pa ang alis nila.
Maghahain na sana ako nang biglang sunod sunod na katok sa pinto ang aming narinig. Lumapit ako at binuksan iyon.
Bumungad sa akin ang isang lalaking nakalongsleeve, pajama at nakasuot ng face mask. Sa ayos pa lamang ng pananamit nito ay nakilala ko na agad ang aking kaharap.
Humakbang ako palapit sa kanya ngunit mabilis na lumayo siya sa akin. Sa aking tiyantiya, mga nasa limang hakbang ang layo namin sa isa't isa.
Napakunot naman agad ang aking noo dahil sa kanyang kilos. Wala naman akong nakakahawang sakit ngunit bakait ganon siya kung umasta.
Don ko lamang napansin na may hawak pala siya tupperware. Tinignan ko lamang siya at hindi nagsalita. Bigla naman siyang nataranta dahil sa hindi ko pagkibo.
Inayos niya muna ang kanyang suot na face mask bago magsalita."P-pinabibigay ni Mom....". saad niya at hindi malaman kung paano niya iaabot sakin yung hawak niyang tupperware.
Hindi na nakatiis at sinilip na kami ni Mama.
"Oh, ikaw yung anak ni Kristine diba?" sabi ni Mama na may malawak na ngiti sa labi
Kristine?
Iyon siguro ang pangalan ni Tita.
Tumango ang lalaki bilang pagsagot.
Nag aalangang lumapit siya sa amin at iniabot kay Mama yung tupperware na dala niya.
Binuksan ni Mama ang lalagyan at mabalis na napangiti ito nang masilayan ang laman ng tupperware.
"Saktong sakto ito para sa agahan" nakangiting sabi ni Mama
Aalis na sana yung anak ni Tita nang bigla siyang pigilan ni Mama.
"Intayin mo na yung tupperware at ililipat ko na agad ang laman nito" sabi ni Mama sabay punta sa kusina
Naiwan kaming dalawa sa pinto na naghihintay. Katulad kanina ay idinistansya niya ulit ang kanyang sarili sakin. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa.
Ako yung naiinitan para sa kanya.
Palinga linga siya sa paligid habang iniintay na matapos si Mama sa kanyang ginagawa.
Hindi nagtagal ay bumalik na ulit si Mama na may hawak na malinis na tupperware.
"Balita ko ay college student kana sa pasukan. Anong kukunin mo?" panimula ni Mama sa usapan
"Uhm....y-yung...tupperware po...." sagot naman nito
"Pffftt---" hindi ko na napigilan ang aking tawa.
Hwag kang tumawa. Hwag kang tumawa. Hwag kang tumawa. Hwag kang tumawa.
Ilang beses ko 'yong sinabi sa aking isipan.
Minus ten na ako sa langit huhu....
Natigil lamang ako nang pasimpleng kurutin ni Mama ang aking tigiliran.
"Course ang tinutukoy ko, iho" Natatawang sabi ni Mama
Bigla namang natigilan at napayuko na lamang sa hiya ang kausap nito.
"Ma! kain na tayo!" sigaw ni Papa mula sa sala at nagsimula ng maglakad papuntang kusina.
Inabot na ni Mama kaagad yung lalagyan at nagmamadaling umalis naman yung lalaki. Isinarado ko na ang pinto bago bumunghalit ng tawa. Napahawak pa ako sa aking tiyan dahil nagsisimula na itong sumakit katatawa.
Hindi ko alam yung pangalan mo pero.....you made my day.
HAHAHAHAHAHA!
Hi everyone!
thank you for reading and I hope you enjoyed it.